Chapter 17
Chapter 17
Luwalhati’s POV
It’s February 9, Maurice’s birthday. Narito ako sa bahay nila because we’re going to execute our plan. Nagtatampo ang isang ‘yon sa akin dahil madalas ko siyang sinusungitan nitong nakaraan. Ang alam niya’y mayroon ako subalit plano lang talagang pikunin siya. Ni hindi ko nga pinapayagan na matulog sa bahay kaya nasa condo niya siya ngayon.
“Tita, tumatawag na po,” ani ko. Si Tita ang kasabwat ko kaya hindi siya pupuwedeng magalit sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang ngisi mula sa mga labi ko. Excited naman si Tita.
“Sungitan mo pa,” aniya. Sulsol din talaga. Hindi ko maiwasan ang matawa bago sinagot ang tawag ni Maurice.
“Hello? Ano? May trabaho pa ako. Kanina ka pa tawag nang tawag,” naiirita kong saad sa kaniya.
“I’m sorry. I thought you’re done. Hmm, dadaan ako riyan. I’ll bake you cheesecake,” mahinahong sambit niya. Napanguso naman ako dahil ang hirap at nakakaguilty’ng magalit sa kaniya kapag ganito siya.
“Huwag na! Hindi rin ako nakakakain ng cheesecake,” masungit na saad ko.
“Alright…”
“Then, what my love wants to eat?” tanong niya. Pinigilan ko naman ang matawa kay Tita na nag-ccringe sa anak. Hindi ko na rin napigilan pa ang pagkawala ng ngisi sa akin.
“Huwag na, hindi ako gutom. Huwag ka na ring pumunta,” ani ko.
“But I want to see my love,” panlalambing niya pa. Kaunti na lang ay mamamatay na si Tita sa pagkacringe kaya sa huli’y pinatay ko na lang din ang tawag.
“Hindi ko alam na lalaki pa lang corny ang batang ‘yon,” natatawang saad ni Tita kaya mas lalo pa akong natawa.
Ilang minuto ang lumipas, si Tita na ang tumawag sa kaniya. Pinapapunta siya rito para sa simple dinner para sa birthday niya but he didn’t know that there’s a big party waiting for him here. Grabe magregalo ang mga kamag-anak nito. Paano ba naman kung hindi lupa’y mga kotse. Akala mo’y nagtatapon lang ng pera.
Parang nakakahiya tuloy ibigay ang regalo sa kaniyang suit at upgraded version ng kaniyang relo. I just also cooked sinigang even though I know he won’t really eat it sa dami ba naman ng handa ni Tita.
“Come home. I’ll call her to go here,” ani Tita. Kita ko naman ang pigil na tawa ni Tita. Ang lakas din ng trip na pag-trip-an ang anak.
“He said he wants to take you here but seems like you forgot his birthday raw,” natatawang saad ni Tita. Napanguso naman ako at mas lalong naguilty. I supposed to greet him early in the morning kaya lang naalala ang plano namin ni Tita.
Nang iwanan ako ni Tita’y gusto ko siya i-text dahil paniguradong sadboy na ‘yon ngayon. Buong araw ko siyang hindi kinakausap samantalang no’ng birthday ko, umpisa pa lang ng araw at pinasaya na niya ‘yon tila ba ayaw gawing malungkot. Kumbaga espesiyal lang buong araw.
“Tita, ako na kaya sumundo?” tanong ko kay Tita. Tinawanan niya lang ako at nang-aasar na rin gamit ang mata. Nakipagpustahan kaya siya nitong nakaraan sa akin na hindi ko raw matitiis si Maurice na sungitan ng ilang araw. Well, medyo true din naman dahil kapag nakikita na ang mukha ni Mau parang hirap magalit.
Nang makarating si Maurice at papasok sa bahay nila. Mukha siyang wala sa mood kaya napanguso na lang ako. Agad lang nagkaroon nang buhay ang mga mata niya nang maglasalubong ang tingin namin.
“Happy birthday!” bati ko sa kaniya bago siya nilapitan para yakapin ng mahigpit. Mukha namang masama ang loob niya dahil halos ayaw akong yakapin pabalik. Nang tignan ko siya’y nakasimangot siya sa akin kaya sa huli’y kinailangan ko pang lambingin.
“Is it Mommy’s plan?” tanong niya na agad na pinaningkitan nang mata ang Mommy niya. Napatawa naman ako dahil agad na napapito si Tita at iniwas ang tingin kay Maurice.
“That’s why you’re extra maldita for the past few days.” Pinagtaasan ko naman siya ng kilay dahil dito.
“Are you saying na maldita ako?” tanong ko sa kaniya. Napatikhim naman siya dahil dito.
“Medyo,” aniya kaya inirapan ko.
“Sige, pagbigyan na kita tutal birthday mo,” ani ko.
“Birthday kiss ko?” bulong niya sa akin kaya agad ko siyang siniko. Paano’y nakikinood din sa amin si Tita. Ni hindi nito iniwas ang mata sa amin.
“Kiss ko,” pangungulit niya pa.
“Manahimik ka. Mamaya,” ani ko kaya agad lumapad ang ngisi niya. Akala ko’y lalayo na ito at makikipagkwentuhan sa ilang bisita niya kaya lang ay nakasunod ito sa akin habang nakapulupot ang kamay sa aking baywang.
“Hoy, pakawalan mo naman, Mau! Mamaya magsawa ‘yan! Ikaw rin!” nakangising saad ng ilang kaibigan ni Mau sa kaniya. Nilingon naman ako ni Mau bago iritadong tinignan ang kaniyang mga kaibigan. Inirapan niya pa si Daniel na inaasar siya.
“Happy birthday, Mau,” bati ni Maridette, ‘yong kachukchakan ni Joaquin sa cr noon. Kita ko na mukhang badtrip si Joaquin sa isang tabi at masama pa ang tingin kay Maurice. Chismoso si Daniel kaya sa kaniya ko nalaman na crush ni Mari si Maurice noon pa man. Hindi ko nga lang alam kung anong relasiyon nila ni Joaquin. Bahala na sila roon, malalaki na sila.
Nakipagkwentuhan lang kami sa mga kaibigan niya. Si Daniel itong pinakamadaldal. Ang daming dala-dalang tea. Nagtatrabaho ata para chumika ang isang ‘to.
“Kumain na muna kayo ni Hati, Maurice,” sabi ni Tita nang bumalik kami sa loob.
“Opo, My.”
Nagtungo lang kami sa hapag bago kumain. We just talked na akala mo’y ang tagal hindi nakapag-usap. Ang dami niyang tanong.
“I actually cooked sinigang for you,” ani ko nang maalala na nagluto pala ako. Agad naman siyang natigilan at napatingin sa akin.
“Bakit hindi mo sinabi?” kunot noong tanong niya. Bakas pa ang excitement sa mukha.
“Nakalimutan ko,” ani ko na napanguso. Sa huli tuloy ay napakain pa muli siya.
Ibinigay ko na rin ang birthday gift ko dahil nakakahiyang makipagsabayan sa mga yayaminin niyang kamag-anak. They’re all nice subalit hindi ko lang talaga mapigilan ma-intimidate sa mga ito. Minsan ang out of the world ng mga pinag-uusapan nila.
“Thank you,” aniya na niyakap ako nang mahigpit. Ngumiti lang naman ako at napailing. Pakiramdam ko nga’y walang-wala ito sa lahat ng bagay na naibigay niya sa akin.
“Mahal kita. Matindi,” aniya na ikinulong lang ako sa bisig niya. Tumikhim naman ang Lolo niya na kararating lang kaya natatawa akong lumayo.
“Aba’t sana kung maglalampungan kayo, sundan niyo na ng apo,” sambit niya sa amin ni Maurice kaya napatawa lang ako. I’m sure that’s not part of our plan yet.
“Happy birthday, Apo,” saad nito bago inabutan ng susi si Maurice.
“That’s my gift for the both of you.” Napakunot naman ang noo ko dahil do’n. Hindi ko naman birthday?
“I know you’ll like it,” aniya pa na ngumiti. Agad naman napaawang ang labi ko nang magbigay pa siya ng papeles. Bahay at lupa! Grabe! Ganito talaga sila kayaman. Halos lumuwa ang mga mata ko kaya tinawanan lang ako ni Maurice.
“We’ll definitely use this, Lolo. Thank you,” pasasalamat niya. Para akong malulula sa mga regalo sa kaniya ng kamag-anak at family friend nila. Buong gabi rin ay kung sino-sino ang kausap namin. Nilulubayan niya lang ako kapag hinihiram ako ng Mommy niya para ipakilala sa mga amiga nito.
“Tara na. Uwi na tayo. I can’t wait to open my gift,” aniya na nakangisi pa sa akin.
“Ulol! Kakatapos ko lang!” Natatawa ko pa siyang tinulak kaya agad na may mapang-asar na tingin ito.
“’Yang utak mo! I didn’t say something like that!” Inasar-asar niya pa ako. Irap lang ang ibinigay ko.
“Hindi pa ba kayo uuwi?” tanong niya kina Daniel na siyang kainuman pa namin.
“Bakit ba atat na atat kang pauwiin kami?” Mapang-asar na agad ang tinig ni Daniel. Hindi niya ‘yon pinansin. Kulang na lang din ay ayain niya na akong iwanan ang mga kaibigan niya.
Nagkakatuwaan kami nang tawagin kami ni Tita.
“Mau, I don’t want to ruin your birthday for you but your dad is in prison.” Hindi alam ni Tita kung paano niya ‘yon sasabihin. Nang tignan ko si Maurice. Kita ko ang pagkahinto mula sa mukha niya.
“Saan, My?” mahinahon na tanong nito. Sinabi naman ng Mommy niya ang lugar kung nasaan ito ngayon. Mabilis siyang nanakbo patungo sa sasakyan niya.
“I also called you because I know Maurice will act recklessly. I hope you can come with him, Hati. Sorry kung idadamay pa kita,” ani Tita na hindi alam ang gagawin. Sumunod din ako kay Maurice na siyang nagmamadaling sumakay sa kotse niya. Hinintuan niya naman ako at hinayaan na sumakay sa sasakyan. Hindi naman ako nakapagtanong dahil masiyadong seryoso ang mukha niya.
Tahimik lang kami. Kita ko rin ang pag-aalala sa kaniyang mukha. I’ve never experience having parents but I do know caring for someone means.
Mayamaya lang ay nakarating kami sa isang station. Hinintay ko lang siya sa labas. As much as possible ayaw ko siyang pangunahan. Hindi pa siya nag-oopen tungkol doon. I’ll wait for him while staying by his side. I’m really worried about him.
Matagal din bago siya lumabas, agad akong napatayo nang diretso nang makita ko siya. Mukha siyang wala sa sarili.
“Gusto mong bumili ng ice cream?” tanong ko nang makapasok kami sa kotse niya.
“Gusto mo ba?” tanong niya.
“It’s for you,” ani ko. Umiling lang siya kaya napaisip ako.
“Bar tayo?” tanong ko.
“I’m too tired to interact.” Napatango na lang ako. Hindi alam kung anong sasabihin.
“Shot tayo?” tanong ko kaya nilingon niya ako.
“Ano? Ilang bote sa tingin mo kaya natin? Ako na magtitimpla. C2 gin,” ani ko kaya nanatili lang ang tingin niya.
“Let’s drink then,” aniya na tumango.
“I’ll call your Mom, ako na magpapaalam. Sa condo mo na tayo,” ani ko. Matagal niya akong tinignan bago napatango. Tinawagan ko lang si Tita at nagpaalam. Agad din naman ‘tong pumayag.
Bago umuwi’y bumili lang ng alak sa tindahan. Natutunan ko ito sa ilang kaibigan.
“Diyan ka na, ako na ‘to,” ani ko na ngumiti sa kaniya. Tahimik lang siya nang tumango. Nang lumapit ako sa gawi nito’y kita ko ang pagkatulala niya.
Nang matimplahan ko na ang c2 gin, ibinigay ko naman sa kaniya ang unang shot. Tinungga niya ‘yon at hindi na rin naman sinundan pa.
“Is it fine if I talk?” tanong niya kaya agad naman akong napatango.
“Mom and Dad relationship are not that good from the start... Nagpakasal lang dahil nabuntis si Mommy dala-dala ako. Ayaw paalisin ni Lolo si Daddy hangga’t hindi napapakasalan si Mommy.” I didn’t know that he’ll talk agad. Akala ko’y hindi pa siya handa.
“Until one day, they just decided to end things because from the start they didn’t love each other.”
“They’re not good as lover but I can say that they’re good mother and father to me. I have a good realationship with both of them…”
“I’m much closer with my Dad than my Mom but I decided to stay with my Mom because I know that Daddy can handle himself. We still talk. Through phone nga lang. He said he was abroad kaya… hindi ko lang akalain na nandito siya… I just can’t believe that he’s in prison right now and he look so sick… he didn’t even tell me...” sambit niya. Tulala lang ito mayamaya. Napagalaman din na kaya nakulong ang kaniyang ama dahil sa isang aksidente. Mayroong mga namatay kaya hindi rin gustong umalis ng kulungan.
Niyakap ko lang si Maurice. Matagal kaming nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa mag-inuman at kwentuhan until morning.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro