Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Chapter 16

Luwalhati’s POV

“Hati, come on. Minsan lang manlibre si Direk,” anang ilang staff sa akin. Awkward naman akong ngumiti at nakahanda na ring tumanggi subalit may nagsalita na agad sa gilid ko.

“Bakit? Hindi sasama si Hati?” tanong ni Direk na napatingin sa akin. Agad naman akong napakamot sa aking pisngi. May usapan kasi kami ni Maurice na sabay kaming magdidinner after ng work namin.

“Nakakatampo ka naman talaga, Hati,” ani Direk sa akin kaya hindi ko alam ang sasabihin.

“Minsan lang ‘to, sumama ka na,” aniya kaya sa huli’y napapayag na lang din ako. Kakatapos lang kasi ng shoot namin at manlilibre ito ng dinner. Maski ang ibang artista ay kasama kaya nahihiya rin akong tumanggi pero kasi ang tagal na ng huling beses namin ni Mau na magdinner together dahil pareho kaming abala sa mga trabaho para makapagleave sa susunod na mga linggo.

“Ang galing talagang umarte nitong si Hati. Iniisang take lang!” natutuwang sambit nila sa akin.

“Ako lang ‘to, Direk,” natatawa kong biro kaya napatawa na lang din sila sa akin. We just talked for a while habang patingin-tingin naman ako sa phone ko dahil tinext ko si Maurice na hindi matutuloy ang dinner namin but he doesn’t have any reply yet.

“Ang ganda mo talaga sa personal, Ms. Hati. Simula no’ng unang teleserye mo, sinusubaybayan na kita,” pamumuri nila sa akin. Ilang pasasalamatn lang naman ang sinabi ko. Paano’y ilang puri rin talaga ang narinig mula sa kanila. Pakiramdam ko tuloy ay kahanga-hanga talaga ako. Nalibang tuloy sa pakikipagkwentuhan.

“Ang lakas ng chemistry niyo ni Felix! Unang episode pa lang ang nailabas ay ang ingay na agad ng mga pangalan niyo maski ng teleserye. Ang ganda ng ratings!” anila kaya nagpasalamat naman kami ni Felix.

“I think I need to go po,” nahihiya kong paalam. Wala rin kasi si Cia na siyang mag-eexcuse sa akin dahil nagmamadaling umalis kanina. Si Mae lang ang kasama ko kaya lang ay nahihiya rin siyang magpaalam.

“Oh, ganoon ba? Sayang naman at magbabar pa sana tayo,” sambit ni Direk.

“Pasensiya na po,” ani ko subalit ngumiti lanh sila at hinayaan akong umalis.

“Kunin ko lang sasakyan, Hati. Hintayin mo na ako sa lobby,” aniya sa akin. Tumango naman ako kaya dumeretso na siya patungo sa parking.

“Hati.” Napatingin ako nang may tumawag sa akin. Agad kong nakita si Felix.

“Hey?” nagtataka kong tanong.

“Hmm, I just want to give this to you. Nabanggit ko sa ’yo na fan mo ang kapatid ko, ‘di ba?” tanong niya kaya napatango ako. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti sa bracelet na gawa sa bids. Pinakita niya pa ang cute na kapatid niyang nasa kabilang linya. Nagtitili naman ito habang nakatingin sa akin.

“I love you, Hati!” sigaw niya kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko.

“I love you too,” ani ko na hindi na mawala ang ngiti sa labi. She’s really cute.

“I hope to see you soon, Ate Hati!”

“Me too!” This is one of the best thing of being a celebrity. Sometimes those people you don’t really know about can make your day happier. Those encouraging message makes you feel validated.

“’Yan may fan service ka na, huwag mo na akong kinukulit!” natatawang saad ni Felix sa kaniya.

“Ate, totoo ba ‘yong kiss niyo po ni Kuya? Kuya said that it is! Ang yabang niya po!” anito. Napatingin naman ako sa kaniya kaya kita ako ang pamumula ng kaniyang mukha.

“Shut it, Maris, ang kulit mo. Bye na! Aalis na si Hati!” ani Felix bago siya kumaway sa kapatid. Ganoon din naman ako na nagpaalam na. Napangiti na lang ako bago nag-angat ng ulo. Natigilan nang mapatingin sa isang gawi.

Nakita si Maurice na nakaupo lang sa malapit na upuan. Imposibleng hindi ko mapansin ang ganiyan kagwapo! Para bang angat na angat lagi sa ibang tao.

Nakatingin lang siya sa gawi namin tila ba naghihintay lang na balingan ko ng tingin.

“Kanina ka pa?” tanong ko sa kaniya.

“Yup, you said we’ll have our dinner,” aniya sa akin kaya agad akong napanguso.

“You didn’t read message?” tanong ko sa kaniya kaya nagtataka niya akong tinignan.

“What message?” tanong niya na naguguluhan.

“I forgot to charge my phone. I left it on my office,” aniya.

“I texted you. I said I’ll have dinner with my team.” Natigilan naman siya roon.

“Oh, my fault.” Napatango na lang siya subalit mababakasan ng disappointment ang mukha.

“I’m sorry. Biglaan,” ani ko na napanguso.

“It’s fine not your fault,” aniya na nginitian pa ako. But I just can’t help but to be guilty.

“Boyfriend mo si Mr. Ruiz?” tanong ni Felix sa akin. Nakalimutan na nandito pa nga pala siya. Napatingin ako kay Maurice na siyang nakataas ang kilay sa akin ngayon.

“Ah… hindi,” ani ko. Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin.

“Una na ako sa kotse, hintayin kita roon,” sambit niya sa akin kaya tumango ako. Napanguso na lang din ako dahil totoo namang hindi pa kami. Ang tagal kasi akong tanungin. Minsan ako na ang nagpapahiwatig subalit manhid ata.

“Hmm, we’re not yet together but I really like him. Nah, scratch that I think I’m inlove with him,” ani ko kay Felix dahil dire-diretso na ang lakad paalis ni Maurice.

“I should get going!” Kumaway na lang ako nang magpaalam. Tinakbo ko rin ang distansiya namin ni Maurice. Ang laki kaya ng biyas kaya naman ang lalaki ng hakbang. Sinabayan ko siyang maglakad nang maabutan subalit halos hindi masabayan.

“Ma’am, kanina pa po kayo hinihintay ni Sir. Tatawagin ko na po sana kayo kaso ayaw naman ni Sir na istorbohin kayo sa trabaho,” ani Manong kaya napatingin ako kay Mau.

 “Next time po you can tell me po kahit ayaw niya,” ani ko na napanguso. Agad ko namang nakita si Mae.

“Mae, nandito si Maurice. Hindi na ako sasabay,” ani ko kaya tumango siya. Susunduin din kasi si Lisa na siyang may night shoot.

“Ingat!” ani ko.

“Ikaw rin!” Kumaway lang siya bago pinaharurot ang sasakyan.

Tinakbo ko naman ang papunta sa parking. Nakita si Maurice na siyang naglalakad doon. Sinabayan ko siya kahit mabilis ang lakad. Nang makita niya ako’y naging mabagal din naman. Tinitigan ko siya habang patungo sa sasakyan. Hindi niya naman sinasalubong ang mga mata ko.

Napanguso na lang ako dahil maski nang makarating sa kotse niya’y hindi siya nagsasalita.

“Let’s have dinner together!” ani ko.

“Kumain ka na, ‘di ba?” tanong niya sa malamig na tinig subalit sinusubukan ding maging mahinahon.

“I’ll eat again.”

“You’re on your diet,” aniya kaya pinagtaasan ko lang siya ng kilay.

“Ayaw mo ba akong pakainin?” tanong ko na sinimangutan siya.

“We’ll eat then,” sambit niya na tumango. I tried really hard to have a conversation with him subalit madalas ay maiikli lang ang sagot at alam ko kapag ganito siya. He’s mad at me.

“Mamaya na tayo umuwi, gusto ko pang pagmasdan ang langit!” ani ko nang halos magmadali siya para lang pauwiin ako. Wala siyang nagawa kung hindi ang pagbigyan ako. Nanatili kami sa parke malapit sa pinagkainam namin. Tahimik lang siya habang katabi ko. Ako lang ang dada nang dada. Mukha naman siyang nakikinig subalit hindi nagtatanong katulad nang madalas niyang gawin.

Isang buntonghininga ang pinakawalan ko dahil dinelay ko pa ang pag-uwi namin para makausap siya subalit parang atat na atat na umuwi ang isang ‘to.

“Galit ka?” tanong ko sa kaniya nang makarating kami sa tapat ng bahay. He was always patience simula nang mawala si Lola. Kahit na gaano pa ako ka-attitude ay hindi niya ako sinsusukuan. But I know that sometimes napipikon na lang din talaga.

“Matulog ka na,” sambit niya na lang kaya mas lalo ko siyang tinitigan. Iniwas niya lang ang mga mata sa akin. He was always like that. He treat me like I’m fragile object na hindi pupuwedeng masaktan kaya ayos lang na siya na lang ang mabasag.

“Galit ka nga,” ani ko na napanguso pa. Naalala ko noon na talagang nagsusuplado kapag nagseselos kay Marco subalit ngayon ay iniiwas na lang ang mga mata kapag may nararamdamang kung ano.

“Maurice,” tawag ko sa kaniya.

“Don’t let your love for me blind you,” ani ko na malungkot na ngumiti.

“If there’s something you want to ask, ask me. If there’s something that upsetting you, tell me. Please, don’t hide your real emotion from me. ‘Yon naman talaga ang usapan natin noon, hindi ba?” tanong ko sa kaniya na ngumiti pa. Katahimikan ang bumalot sa aking dalawa. Matagal bago siya nagsalita.

“Hati, ano ba tayo?” Para bang ang tagal niya ng gustong itanong subalit ngayon lang nagkalakas ng loob.

“Tao,” ani ko kaya agad na nakita ang pagsimangot niya. Isang munting halakhak ang pinakawalan ko bago inilapit ang mukha sa kaniya. Agad na nalasahan ang mint flavor na laway nito.

“Ano sa tingin mo? Friends don’t kiss,” ani ko.

“Kaya pala hinalikan ka sa pisngi ng bestfriend mo at hinalikan mo ‘yong leading man mo na gusto ng lahat para sa ’yo,” sambit niya kaya hindi ko maiwasan ang tawa habang nakatitig sa kaniya. Para kasing ang sama-sama ng loob nito.

“Hanggang ngayon ba naman naalala mo pa rin ‘yan?” tanong ko na hindi na naiwasan pa ang halakhak. Napanguso lang siya bago pinahinto ako sa pagtawa sa pamamagitan ng paghalik sa aking labi.

“I love you,” bulong ko sa kaniya kaya natigilan siya. Matagal siyang nahinto. Ang mga labi’y awang na awang kaya ako mismo ang sumiil ng halik. I never really told him that. He’s not also the type of person who says that lagi subalit minsan ko na rin naman siyang narinig na sabihin ‘yon.

“Fuck. Mahal kita. Araw-araw,” bulong niya sa akin. Napangiti na lang ako roon.

“We’re together now, sa ’yo na ako,” aniya na may ngisi sa mga labi.

“Dapat lang,” ani ko kaya napatawa siya sa akin bago napailing. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin. Matagal kaming nanatili na ganoon bago siya nagsalita.

“Bawiin mo sinabi mo roon sa leading man mo,” aniya sa akin kaya hindi ko maiwasan ang tawa.

“Fine,” ani ko na napanguso. Sa huli’y tinext ko si Felix habang nakatingin siya sa screen ng phone ko.

Ako:

Mali pala me nang nasabi, boyfriend ko pala si Maurice hehe

“Papasok na ako,” sambit ko sa kaniya kaya agad niya akong nilingon.

“Mamaya na, let’s stay here for a while,” sambit niya.

“Kanina lang ikaw ang nagtataboy sa akin na matulog!” reklamo ko sa kaniya.

“Hmm, right, matulog na tayo,” aniya. Pinanlakihan ko pa siya ng mata dahil pinark niya pa ang kotse sa loob ng bahay bago bumaba.

“I’ll sleep here tonight.”

“Mayroon ka pang trabaho bukas! You said na bibisita kayo ng Lolo mo sa Pampanga,” ani ko na humalikipkip pa sa harap niya. Tumawa lang naman siya bago nagkibit ng balikat.

“Hmm, I’m too tired to drive. Let me sleep here,” aniya kaya nailing na lang ako at napatawa nang mahina. Mga palusot nito.

Sa huli’y hinayaan ko na lang din. Minsan naiisip ko na hindi naman na rin kailangan ng label dahil parehas kaming maharot. Naghahalikan pa nga kahit na hindi pa kami. Nagagawa niya ring matulog dito kahit walang label, ganoon din ako sa bahay nila.

“Let’s sleep,” aniya nang matapos makapag-ayos. Tumawa lang ako nang ikulong niya ako sa braso niya. Bakit ang bango niya kahit parehas lang naman kami ng sabon na ginamit? Isiniksik ko lang din sa kaniya ang sarili.

“Ang sarap naman. Lasang label,” natatawa kong sambit kaya napatawa rin siya. Mas lalo namang humigpit ang yakap niya na para bang ayaw akong pakawalan.

“Thank you,” bulong ko sa kaniya.

“For what?”

“For being patient to me,”

“Nah, thank you.”

“For?”

“For giving me a chance to fulfill my dream spending my lifetime with you,” aniya na hinalikan ako sa noo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro