Chapter 15
Chapter 15
Luwalhati’s POV
“Congrats, Sis! Successful na naman drama mo!” nakangiting saad ni Mae sa akin. Isang ngiti lang ang iginawad ko sa kaniya. I don’t really know kung bakit pa ako nagtitiis sa magulong patakaran ng showbiz gayong si Lola lang naman ang dahilan kung bakit ako pumasok dito. I want to make her proud and see me eventhough I’m in work. Ang gusto ko lang naman talaga ay ang maging modelo at maranasan ang runway.
“Taray naman pala. Limited edition na naman ‘yang bag mo!” nakangiti nilang sambit sa akin.
“Sana all na lang talaga may boyfriend na bilyonaryo,” nakangisi nilang sambit habang nakatingin sa aking bag at mga gamit. Napakunot naman ang noo ko roon. Hindi na lang ako nagsalita. Hindi na nagpaliwanag pa. It’s actually my money. Hindi ko alam subalit nagiging coping mechanism ko na ata ang pagwawaldas ng pera.
“Grabe, usap-usapan kayong dalawa ni Mr. Ruiz sa social media kaya hindi ka rin talaga nila magawang ipartner sa iba,” sambit ni Cia nang lumapit sa akin. Hindi pa naman namin napag-uusapan ni Maurice kung ano talaga kami. It’s been almost 3 years since we knew each other. Isang taon na rin nang mawala si Lola. Maurice is always there. Hindi siya nawawala sa tabi ko.
Hindi rin naman siya nagtatanong but I know that we like each other. Aabot ba kami sa puntong ito kung hindi?
“Pero, girl, pakita mo chemistry niyo ni Felix,” paalala nila. Tinutukoy ang partner kong si Felix sa bagong palabas. Ang dami ng nalink sa akin katulad na lang ni Gavin na hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ang fandom. Ganoon din si Alex, ‘yong nakilala sa bar noon. Rising star din kasi ngayon. Wala naman akong interest sa mga ito at hindi naman din tago ang madalas na pagkikita namin ni Maurice. Nagtatravel pa nga nang magkasama at madalas na ipinopost po sa social media ang mga litrato naming dalawa.
Kapag may mga oras ay sinusundo niya rin ako even though he’s really busy with their company dahil tinetrain na ng Lolo niya para mamamahal roon.
“Nandiyan na pala si Felix!” anila sa akin na pinagtulakan pa sa bagong dating na artista.
“Talk to him, work on your chemistry together,” sambit sa akin ni Cia sa akin. Sinimangutan ko naman siya kaya pinanlakihan niya ako ng mata.
“Hey,” nakangiting bati sa akin ni Felix. Mabait naman ito ang sabi rin ng marami. Nakipag-usap lang ako at masasabi kong maayos din siyang makitungo sa ibang tao.
Natapos din naman doon ang script-reading na naging casual kami sa isa’t isa.
“Hati, nasaan ka na? Dito ka na kumain, Nak! Nagpaluto ako ng dinner,” ani Tita sa akin nang makausap ko siya.
“Yes po, Tita. Papunta na po,” ani ko. Madalas akong anyayahan ni Tita na magtungo sa bahay nila. She’s very kind to me. Pakiramdam ko’y nahanap ang pamilya sa kanila. Hindi ko naranasan ang magkaroon ng ina kaya naman hindi ko lang mapigilan ang maramdaman ‘yon kay Tita.
“Sige, mamaya pa matatapos ang meeting ni Mau. Ang Lolo niya’y talagang pinapagod na naman ang anak ko!” reklamo ni Tita sa akin kaya hindi ko maiwasan ang matawa. Madalas kasi’y sa akin siya nagrarant tungkol sa Papa niya.
Ako:
Una na ako sa bahay niyo. I’ll wait for you there!
Mayamaya lang ay may reply na rin agad sa kaniya. Aba’t ayaw atang magfocus sa trabaho. Nailing na lang ako.
Maurice:
Sunduin na kita. Patapos na rin ang meeting.
Ako:
It’s fine. Sabayan mo na lang ang Lolo mo.
Napatawa naman ako nang hindi siya nagreply. Minsan ay iniiwasan niya ang Lolo niya dahil wala raw itong ibang gustong pag-usapan kung hindi ang pagkakaroon niya ng anak o ‘di naman kaya’y business.
Mayamaya lang ay may tawag na mula sa kaniya.
“Hello?”
“Wait for me,” aniya kaya napatawa na lang din akong sumagot.
“Fine, bilisan mo lang at mahal ang oras ko,” ani ko.
“Magkano?” tanong niya kaya hindi ko maiwasan ang pag-irap.
“May pambayad ka ba?” Sa huli’y tumawa lang siya kaya napailing na lang ako.
“I’ll bake you cheesecake.”
“Okay, kahit isang oras ka pang ma-late.” Tinawanan niya lang ‘yon. Narinig ko rin ang pagbati sa kaniya mula sa kabilang linya.
“Hindi propesiyonal!” puna ko sa kaniya dahil inuna niya pa ang pakikipaglampungan sa akin bago ang trabaho niya.
“The meeting is done bago kita tinawagan,” pagsusungit niya kaya napangisi na lang ako.
“Ganiyan ka ba kapatay na patay sa akin?” nangingisi kong tanong. Hindi naman siya nagsalita at alam ko na rin agad na umiirap na ito. Napatawa na lang ako nang mahina dahil do’n.
May sarili naman na akong kotse subalit hinintay ko pa rin siya.
“Hey, do you want me to drop you on where you going?” tanong ni Felix na siyang na daan sa gawi ko. Bago pa ako makasagot ay may bumusina na Lamborghini sa harapan ko. Hindi ko naman maiwasan ang mangisi at mapailing. Yabang.
“Uh… may sundo ako,” ani ko na ngumiti lang. Napatango na lanh si Felix at kumaway.
“Ingat ka, Ms. Hati,” aniya. Ngumiti ako at tumango.
“How’s your day?” tanong ni Maurice nang makapasok sa loob ng kotse niya.
“It’s kinda tiring,” ani ko na napasandal pa sa upuan.
“Wow, mega star,” aniya kaya natatawa ko siyang inirapan.
“Tigilan mo nga ako, Maurice Ruiz,” sambit ko. Mayamaya lang ay nang-uusisa na siya tungkol kay Felix. Style talaga ng isang ‘to.
“Hmm, he’s kind. Mukha namang mapagkakatiwalaan.” Napatango naman siya sa akin dahil do’n.
Tumawag na rin ang Mommy niya at ako lang din ang kumausap dahil nagmamaneho si Maurice.
“Papunta na rin po, Tita Beth. Kasabay ko na po si Mau,” ani ko.
“Oh, siya sige. Mag-ingat kayo,” aniya sa akin.
Nang makarating kami roon, agad din kaming sinalubong ni Tita. Welcome na welcome ako sa bahay nila. Minsan nga’y dito rin ako natutulog lalo na’t kapag malapit lang ang shoot. Tita is really kind. Mas mabait pa siya sa akin kaysa kay Maurice.
“Clear your schedule for 2 weeks next month. It’s your birthday na, Hija. Let’s celebrate in Hawaii,” aniya kaya agad akong napatingin sa kaniya.
“Hmm, make it 3 weeks para hanggang new year and christmas na,” sambit niya kaya tinawanan siya ni Maurice.
“You won’t make Hati leave for that long, Mommy. Gustong-gusto niyan na pagod,” ani Maurice na napailing pa. Napanguso naman ako at inirapan si Maurice.
“I don’t think Cia will let me po,” ani ko dahil kung ilang linggo akong matetengga paniguradong si Cia naman ang kawawa. Kailangan na kailangan din ng niyon ng pera para sa kaniyang inang nasa hospital.
“Fine, just one week. Let’s just celebrate your birthday,” ani Tita sa akin kaya tumango ako. Inimbita rin ako ni Tita sa Christmas katulad last year. I thought my Christmas last year will be very lonely subalit dahil sa kanila’y it was less lonely than I think it is. I was sad that I didn’t celebrate it with Lola. We visit her tho. Kahit paano’y pakiramdam ko’y kasama ko pa rin siya.
After our dinner, nangulit si Tita na rito na kami natulog kaya ang ending ay sa kwarto ako ni Tita nang matulog.
“Morning,” bati ko kay Maurice na siyang halos nakapikit pa nang lapitan ako.
“Good morning,” aniya bago ako ikinulong sa kaniyang braso. We stay like that for a while bago naghiwalay dahil pinuna ni Tita na kararating lang.
“Kung ganiyan lang din pala kayo’y bakit hindi pa kayo magpakasal at nang magka-apo na ako?” tanong ni Tita sa amin kaya halos masamid ako roon. Napatawa lang naman si Maurice at umiling. Hindi nga ako matanong-tanong kung kami na ba, mayaya pa kaya niya ako ng kasal?
“Oo nga, kailang ba ‘yang kasal nang magkaroon ako ng apo sa tuhod sa ’yo?” Napatingin naman kami sa Lolo niya na kararating lang. Bumati naman ako kaya malapad ang ngiti nito. Mabait naman ang pamilya ni Maurice, makulit nga lang lalo na ang Lolo niya. Wala nga ‘tong ibang maisip kung hindi ang apo kay Maurice. Minsan ay natatawa na lang ako kapag nababanggit. Pakiramdam ko naman ay wala pang balak si Mau na magkapamilya dahil mukhang hindi pa siya handa roon. Sabagay, ilang taon pa lang naman kasi siya. Ganoon din ako.
“Bakit ba pakiramdam ko’y ganito lang ang magiging usapan buong breakfast?” tanong niya sa akin. Hindi nga kami nagkamali dahil ‘yon nga ang mga naging usapan. Maski sa mga sumunod na dinner at breakfast ay ganoon lang ang mga naging tanong nila halos hindi na nga namin sagutin ni Maurice.
“I’ll drop by later,” ani Maurice nang ihatid ako sa set kung saan gaganapin ang shoot.
“Alright, ingat!” ani ko na nginitian siya. Hinalikan niya lang ako sa noo bago nagpaalam.
Nang pumasok ay isang hampas na kinikilig agad ang salubong sa akin ni Mae.
“Grabe, kung ganoon ka-hot ang boyfriend ko, pipikutin ko na agad,” natatawa niyang sambit. Napailing na lang ako bago naupo sa nakareserve na upuan para sa akin. Nagsimula naman na siyang ayusan ako. Ngayon ang first day ng shoot namin para sa teleserye na pagtatambalan namin ni Felix.
“Good morning, Hati,” bati sa akin ni Felix nang makita ako. Binati ko lang din siya pabalik.
We just talk for a while bago siya tinawag ng manager niya. Naging abala naman ako sa pagbabasa ng script. Teenage sweetheart kami ni Felix dito at magkikita muli sa tagal ng panahon. The story is nice. Para kang binabalik sa high school.
Buong araw ay naging abala lang kami. Kinahapunan ay hinintay ang paglubog ng araw para sa isang scene namin ni Felix.
“May kiss agad?” natatawang tanong ni Mae nang makita ang script. Natawa na lang ako dahil mayroon nga talaga. After seeing each other for the first time, napagtanto na mayroon pa silang gusto sa isa’t isa. This will be for the trailer din daw. Nailing na lang ako bago nagtungo roon. Smack lang naman ang kiss at wala lang naman ito kaya alam kong madali lang subalit nang makita si Maurice na siyang kararating lang ay halos masamid ako sa sarili kong laway.
Luh! Hindi ko nasabi sa kaniya na may kissing scene ngayon! Alam niya naman na kasama sa trabaho ‘yon at hindi naman siya nagrereklamo subalit talagang tahimik lang. Halos hindi ako gustong kausapin kapag may mga ganitong ganap. Kaya minsan ay ayaw kong ipanood ang ilang teleserye sa kaniya.
Kita ko ang pagtaas ng kilay niya sa akin nang makitang balisa ako sa kinatatayuan. Madalas ay sa tv o kung saan niya lang naman napapanood. Hindi live kaya ramdam ko ang kaba ngayon.
“Ayos ka lang?” tanong sa akin ni Felix kaya tumango lang ako.
“Nagagalit ba ang boyfriend mo sa mga ganitong scene?” tanong niya pa muli subalit umiling lang ako. Hindi siya nagagalit kaya lang ay mukhang nagrerewind sa utak niya kaya madalas ay tahimik, pinapansin man, hindi pa rin gaano.
Sinubukan ko namang maging propesiyonal para isang take lang subalit hindi ko alam kung ako ba ang mali o itong si Felix dahil laging nauulit. Ni hindi tuloy ako makatingin sa gawi ni Maurice.
“Felix, your line,” ani Direk. Tumango lang naman si Felix at humingi ng tawad. Nang sa wakas ay natapos ang scene. Doble-doble ang kaba ko nang tignan si Maurice na siyang diretso lang ang tingin sa akin. Blangko ang ekspresiyon ng mukha. Ni hindi ako nginitian kaya napanguso na lang ako.
“Kanina ka pa?” tanong ko sa kaniya.
“Yeah,” aniya na tumango. Para bang ayaw pang sumagot.
“Let’s have our dinner together. Nagpa-reserve na ako, you said na susunduin mo ako e,” ani ko kaya tumango siya.
“Are you mad?” tanong ko. Umiling naman siya.
“Then what? Bakit ang tahimik mo?”
“I’m just shock. I didn’t expect that’s what I’ll see,” aniya na iniwas ang mga mata sa akin.
“And I know that’s your work so I’m trying my best to understand,” sambit niya pa kaya hindi ko mapigilan ang ngiti. Nang mapansin niya ‘yon ay agad akong inirapan.
“But that jerk likes you.” Ang kalmadong mukha ay agad napalitan ng pagkasimangot kaya napatawa na lang ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro