Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Chapter 14

Luwalhati’s POV

The next thing I know, I’m already in the hospital. Nilalagnat at masama ang pakiramdam. Agad ko ring nakita si Maurice sa tabi ko.

“How are you feeling?” tanong niya sa akin.

“I’m fine,” mahinang saad ko subalit mabigat pa rin ang pakiramdam. Hindi ko alam kung dahil ba sa nakain o hindi lang matanggap ang lahat.

Ilang oras akong tulala habang nakatingin sa kisame ng hospital. Unti-unti na lang din na tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Hindi nagsalita si Maurice at hinayaan lang akong umiyak. Nang mapagod at natahimik ay nagtanong si Maurice.

“What do you want to eat?” tanong niya.

“Hindi ako nagugutom,” ani ko kaya kita ko ang titig niya sa akin.

“You should eat. Kahit kaunti lang. Do you want fruits?”

“Cheesecake,” ani ko na nangingilid na naman ang luha. Matagal bago niya ako tinignan bago unti-unting tumango.

“Cheesecake it is,” aniya na mayamaya lang ay may tinawagan.

“Ano pa?” tanong niya.

“Cheesecake lang,” ani ko na hindi na napigilan pa ang mapaiyak. Nilingon niya lang ako, dahan-dahang lumapit para yakapin ako.

“Shh… I’ll buy you cheesecake kahit ilan pa,” bulong niya.

Wala pa atang ilang minuto’y dumating ang cheesecake na ipinangako niya. Tahimik naman ako nang kumain subalit unti-unti ring napahagulgol ng iyak.

“This is not the cheesecake that I want. I want Lola’s cheesecake,” ani ko na hindi na rin napigilan pa ang pagbuhos ng iyak.

“Shh,” bulong niya sa akin bago hinaplos ang buhok ko.

“Can you give me your Lola’s recipe?” tanong niya sa akin.

“Mind if I’ll be the one who will bake cheesecake for you from now on?” tanong niya. Hindi naman ako nakapagsalita sa patuloy na pag-iyak. Hindi ko rin magawang pakalmahin ang sarili. Akala ko’y wala ng luhang lalabas mula sa mga mata ko subalit hindi pa rin pala ito napapagod sa pagtulo.

For months, I always want to go out. Lahat na ng project na pupuwedeng kuhanin ay kinuha ko na para lang hindi manatili sa bahay.

“Grabe, hindi man mukhang nagluluksa ‘yang si Hati. Mukha pa atang masaya na wala nang nanenermon sa kaniya.” Narinig kong bulungan ng ilan sa mga kapitbahay ko. Hindi ko rin naman pinansin pa at nagpatuloy na lang din sa paglalakad paalis.

What do they know about my pain? And do I need to let them see that I’m not fine? Kailangan ba kaawaan nila ako? No. I don’t want that to happen.

“Hey,” tawag ni Maurice na siyang kalalabas lang sa bahay niya rito sa village. He bought a house here. Ang matindi pa’y talagang katapat lang ng bahay ko. Hindi ko alam kung paano niyang nabili kina Aling Lourdes ‘yon gayong hindi naman ipinagbebenta ang bahay.

“Do you want to go to bataan to celebrate your birthday?” tanong niya sa akin. Nahinto naman ako dahil do’n bago siya nilingon. Right, birthday ko na nga pala.

“Baka hindi ko na icelebrate,” ani ko kaya agad kumunot ang noo niya. Wala na rin naman si Lola na siyang kinukulit ko para maghanda ng kung ano-ano.

“Makikikain ka na naman?” tanong ko sa kaniya nang nakasunod siya sa pagpasok ng bahay. Nagtatrabaho na siya subalit madalas na tumambay dito sa bahay kapag walang ginagawa which is fine with me dahil kapag may kasama lang naman nawawala ang mga iniisip at kapag mag-isa na lang? I just want everything to end. Lahat ng masasamang bagay ay naiisip. Pakiramdam ko’y pagod na pagod ako kahit totoo wala naman talaga akong ginawa. Kapag nakapikit? Paulit-ulit na nagrerewind sa utak ang itsura ni Lola no’ng mawala siya and when it happens, hindi ko maikalma ang sarili dahil nakakaawa ang Lola ko.

“Do you want sinigang?” tanong ko. Nang malaman niya ang putaheng ‘yon. Naging paborito na.

“Hmm, it’s up to you. Kung ano man gusto mong lutuin.” Ngumiti pa siya sa akin kaya ibinalik ko lang din ang mga ngiti nito.

“Come here,” aniya nang makitang nahihirapan ako sa pagsusuot ng apron. Siya ang nag-ayos niyon habang nakatitig lang naman ako sa kaniya. Agad kong pinalis ang luhang tumutulo. I just remember how Lola used to scold me kapag hindi ako nagsusuot ng apron kapag nagluluto o ‘di naman kaya’y kapag sandamakmak ang kalat ko sa kitchen.

Ang pigil na hikbi ay nagtuloy-tuloy nang imbes na bitawan ako ni Maurice ay inilapit lang ako sa kaniyang dibdib at niyakap. Patuloy na ang paghagulgol ko at hindi na rin alam kung paano pa patatahimik ang sarili.

“Sorry punong-puno tuloy ng luha damit mo,” ani ko kaya ginulo niya lang ang buhok ko bago ako nginitian.

“It’s fine.”

“Ano ba ‘yan? Imbes na nakapagluto na!” natatawa kong sambit. Nanatili lang naman ang titig niya.

“Okay lang ako,” ani ko dahil alam ko na ang mga mata niyang ganiyan. Imbes na lumayo ay nanatili lang siyang nanonood sa akin sa pagluluto.

Nang matapos ay nakaayos na rin ang mga pinggan sa hapag. Nilingon niya ako at nginitian kalaunan. Nagkwento lang ako habang tanong siya nang tanong kaya napapahaba rin ang pinagsasabi ko.

“Ako na maghuhugas,” sambit niya. Tumango naman ako bago nagtungo sa sala. Nang maiwang mag-isa, napatulala na lang sa gilid habang pinagmamasdan ang mga litrato namin ni Lola. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib at ang luha na tuloy-tuloy na naman sa pagtulo.

Naramdaman ko na lang si Maurice na nakatayo sa gilid at may dala ng tubig. Gawain na ata niya ‘yan. Sa sobrang sanay niyang makita na umiiyak ako tuwing mag-isa, hindi na nawawalan ng tubig.

“Oh, baka ma-dehydrate ka kaiiyak,” aniya.

“Want to visit your Lola?” tanong niya sa akin. Sunod-sunod naman ang naging tango kaya sinamahan niya akong magtungo roon. We bought flower at nagtungo sa puntod kahit na tirik na tirik ang araw.

We usually spend our free time there saka lang umuuwi kapag may mga trabaho na. Ganoon lang ang naging routine namin sa mga sumunod na buwan.

“Wake up, Sleepy head.” Nagising ako sa marahang tapik mula sa kung kanino. Inaantok naman akong bumangon at nilingon si Maurice na siyang ginigising ako.

“Happy birthday,” bati niya sa akin bago ako hinalikan sa noo.

“We’ll go to Bataan today,” sambit niya. Matagal lang akong nakatingin sa kaniya dahil hindi pa gumagana ang utak hanggang sa napatango na lang ako at bumangon na rin.

Napatitig pa ako sa salamin nang madaan. Kitang-kita ang namamagang mga mata dahil sa ideyang hindi ko kasamang icecelebrate ang birthday kasam si Lola. Hindi ko lang mapigilang iiyak ang lahat kagabi.

Nang matapos sa pag-aayos lumabas na ng kwarto subalit agad na natigilan nang makita si Lisa na nakatayo habang may hawak na cake.

“Happy birthday to you~ Happy birthday~ Happy birthday~ Happy birthday to you~”

Nakita ko rin na nandito sina Marco at ilang kaibigan. Napaawang lang ang labi ko bago napatungo. Pinigilan lang ang maluha.

“Blow the candle na! Wish!” sambit ng mga ito kaya napatango lang ako bago inihipan ang kandila. Isa-isa naman silang bumati sa akin. Pasasalamat naman ang ibinalik ko.

“Happy birthday, Hati,” bati ni Marco na isinuot sa akin ang isang bracelet.

“Thank you,” ani ko na nginitian din siya pabalik.

Hinanap naman ng mga mata ko si Maurice na agad ko ring nakitang nakatayo lang sa gilid habang nakatingin sa amin ni Marco. Ngumiti siya nang magtama ang mga mata naming dalawa.

“Grabe ‘yang si Maurice, Beh! Ni hindi natulog para ayusin ang lahat ng ‘to!” sambit ni Mae na siyang malapad ang ngiti. Nilingon ko ulit si Maurice na siyang nanatili ang ngiti habang nakatingin sa akin. That’s why he looks tired but he still manage to give me this day.

“Thank you,” I murmured.

“You’re welcome,” aniya na hindi nawawala ang tingin sa akin.

Naging abal na rin ang mga kaibigan sa pagsakay ng kani-kanilang gamit sa van na sasakyan. Maski si Ren na busy sa lahat ng ganap niya sa buhay ay narito ngayon.

“Hindi ko akalain na talagang magagawa mong bingwitin ‘yang si Maurice. Kakaiba talaga ang ganda mo,” aniya na tinawanan ko lang.

“Tabi na tayo,” ani ko kay Maurice na pumwesto sa likod para tabihan siya.

“Thank you,” bulong ko sa kaniya.

“For what?” tanong niya na nakataas ang kilay.

“For everything and this.”

“That’s nothing. Anything for you,” aniya na hinaplos pa ang buhok ko.

“You can sleep in my shoulder. I’ll lend it to you,” ani ko na tinapik pa ang braso ko. Nahinto naman ako sa pagsasalita nang mapatingin sa hawak niya. Nilagyan niya ng maliit na kandika ang cheesecake na siyang nakabalot sa maayos nalalagyan.

“Hmm, it’s not yet perfect but uh… I just want to bake you one,” aniya na napakamot pa sa pisngi. Awang na awang naman ang labi ko dahil do’n.

“Happy birthday,” bulong niya sa akin. Nang-iblow ang candle. I just want my Lola to be happy. I want peace on earth and mind. I also wish this guy to reach genuine happiness.

“I don’t know what to say. Thank you,” ani ko na walang ibang alam sabihin kung hindi salamat.

“Can I eat it now?” tanong ko.

“Uh… sure but it’s not that good yet…” nahihiyang saad niya. Hindi ko naman mapigilan ang ngiti. It doesn’t really matter. I’m just really glad that he made something for me.  

Napatawa ako nang mahina nang makitang nakatitig lang siya sa reaksiyon ng mukha ko.

“It taste good,” ani ko. Natigilan lang nang maramdaman ang pahirin niya ang luha.

“Sorry, I supposed to be happy today but I just really miss Lola,” sambit ko. Natahimik na rin kaming dalawa kahit na ang ingay pa ng mga kasama namin.

“That’s not the end of it,” aniya na iniabot pa ang isang box. Agad naman akong napatingin nang makitang concert ticket at album ang laman niyon.

“Let’s go to Korea after your project,” nakangiti niyang saad. Sunod-sunod naman ang naging pagtango ko.

“Thank you,” ani ko bago siya mahigpit na niyakap. Ginulo niya lang ang buhok ko. Hindi ko alam kung ilang beses ko ba sasabihin ang katagang ‘yon ngayong araw but I’m just really happy.

Nakasandal lang siya sa akin nang umandar na ang sasakyan. Hindi ko na rin namalayan ang sarili na nakatulog at nakasandal na rin sa kaniya. Hindi naman ako makalingon kay Maurice dahil tulog na tulog pa rin ito. Hindi ko naman siya ginising kahit nang magkaroon ng stop-over dahil mukha siyang pagod sa pag-aasikaso ng kung ano.

“Ayos ka lang ba riyan, Hati?” tanong sa akin ni Marco na napatingin pa kay Maurice na siyang tulog pa rin.

“Ayos lang.” Nginitian ko naman siya subalit nanatili lang ang tingin niya sa akin.

“Kain ka na rin muna,” aniya.

“Mamaya na. Sabay na kami ni Maurice,” ani ko kaya matagal siyang napatitig sa akin bago tumango.

Mayamaya lang ay nakarating na rin naman kami sa Las Casas kung saan ang first stop namin. Excited naman silang nagsibaba. Sa ingay nila’y nagising si Maurice.

“Good morning, we’re here,” ani ko na ngiinitian siya. Napatawa naman ako dahil tulala lang siya ng ilang mga minuto bago niya ako nilingon. Bakit ang gwapo pa rin kahit na ganigo

“I’m sorry. Masakit ba ang braso mo?” agad niyang tanong nang may mapagtanto. Umiling naman ako at ngumiti.

“Ayos lang, parang sira. Lakas mo sa akin,” natatawa kong biro.

“Let’s eat,” ani ko na tinuro ang ilang pagkain.

“You didn’t eat?” tanong niya.

“Kakain na,” sambit ko kaya tumango siya sa akin.

Sabay naman kaming kumain sa loob habang nakatingin sa mga kaibigan na nalilibang na sa pagkuha ng litrato.

“You won’t ask me to take pictures with you?” mapang-asar kong tanong sa kaniya.

“We will later and we also have our whole lifetime to do that,” aniya kaya kusang kumurba ang ngiti sa mga labi ko subalit unti-unti ring nawala.

I also want to spend my whole lifetime with him. I wish his words will remain the same.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro