Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Chapter 13

Luwalhati’s POV

“Lola!” malakas na sigaw ko bago niyugyog ang balikat nito subalit sumasama na rin ang kaniyang katawan. Sinubukan kong kalmahin ang sarili at tinignan ang palapulsuhan nito. Ang luha ko’y nag-unahan sa pagtulo nang wala na talaga.

“No, this can’t be. Please…” paulit-ulit kong dinadasal na sana’y hindi totoo. Agad ding tumayo para tumawag ng tulong mula sa labas.

Hindi ko alam kung bakit pati ang ulan ay hindi pa nakikisama ngayon.

“Marco! Tita!” malakas kong sigaw habang kumakatok sa bahay nina Marco subalit napagtanto rin na wala talagang lalabas doon dahil nagbabakasiyon nga pala sila. Sinubukan kong tumawag sa emergency hotline kahit na nanginginig ang kamay at basang-basa na ang cellphone dahul sa lakas ng ulan. Isama pa ang luhang patuloy lang sa pagtulo. Ayaw rin talagang makisama.

Patuloy lang ang pagbanggit ko nang pangalan ni Lola habang sumisigaw ng tulong. Hindi ko alam kung timing ba na malakas ang ulan at hindi man lang naririnig ng mga tao ang tawag ko o ano.

“Lola,” bulong ko sa sarili habang umiiyak sa kalsada. Ang ulan ay hindi na inalintana pa. Basta isa lang ang nasa isip. Ang lola na siyang wala na ngayon. Wala na akong pakialam pa sa ibang bagay. Basta gusto ko lang naibalik nila ang Lola ko.

“Tulong… please…” I just don’t know what to do. Gulong-gulo na ako. Napatakbo ako nang makita ang kotse ni Maurice na pabalik sa bahay. Walang pag-aalinlangan siyang lumabas habang kita ang pag-aalala sa mukha niya.

“Hati, what’s wrong?” anang tinig nito.

“Ang Lola ko—” Ni hindi ko maituloy ang sasabihin dahil patuloy lang sa paghikbi. Pinapasok niya naman ako sa kotse niya. Mabilis ang maneho patungo sa kung nasaan si Lola ngayon.

Tulala lang ako habang umiiyak. Hawak-hawak ang malamig na kamay ni Lola.

“Iligtas niya po ang lola ko, please,” ani ko na patuloy lang sa pagluha. Kita ko ang pag-iling ng ilang nurse habang tinatakbo si Lola papasok sa loob.

Tuluyan naman ng nanghina ang tuhod at mapapaupo sa sahig kung hindi lang nahawakan ni Maurice. Isang mahigpit na yakap ang iginawad niya sa akin.

“Dead on arrival.” Ang daming sinabi ng doctor subalit ‘yon lamang ang tumatak sa aking isipan. May parte sa akin na umaasang sana, hindi pa… Na sana hindi… But how can this happen? I know that she can be happy but how about me? Paano naman ako? I still want to spoil her as much as she spoil me. Gusto ko pang ibalik lahat sa kaniya. Gusto ko pang pagawan siya ng bahay sa gilid ng dalampasigan katulad ng kung anong gusto niya but how can I do that now? She left me.

Iniwan niya na lang ako… Iniwan na naman ako… Ayaw ko nang maiwan…

“Condolence, Hati,” ani Lisa nang makita ako. Ngumiti lang ako.

“Kain muna kayo. May pagkain diyan. Ipaghahanda ko kayo,” ani ko na nakangiti pa rin. Nanatili naman ang tingin nila sa akin bago ako niyakap nang mahigpit.

“I know that it’s hard pero masasanay ka rin,” aniya sa akin.

“Oo naman. Ayos lang ako,” ani ko na ngumiti lang sa kaniya. Sinenyasan ko naman sila na kumain.

“Hati, nandiyan na raw ang mga bagong bulaklak,” sambit ni Marco sa akin. Umuwi rin nang malaman na wala na ang Lola.

“Sige, papasukin na lang dito sa loob at pagmeryendahin,” ani ko na ngumiti. Tita can’t go home. Ayaw siyang pauwiin ng boyfriend niyang kano kaya ako ang nag-aasikaso ng lahat. Mabuti na rin ‘yon nang ma-pre occupied ang utak ko.

“Kain ka na rin,” ani Maurice na hindi umaalis dito.

“Yup, kakain na.” Ngumiti pa ako subalit hindi niya ‘yon sinuklian. Nanatili lang ang seryosong mukha niya habang nakatingin sa akin. Para akong maiiyak sa mga mata nito. Katulad kung paano ako tignan ni Lola kapag nag-aalala siya sa akin. Kapag ayaw kong sabihin ang nadarama. Iniwas ko lang ang mga mata bago nginitian at kinausap ang mga dumadalaw.

“Parang no’ng nakaraan lang ang bumisita pa siya sa amin nagkukwento tungkol sa pelikula mo. Ang bilis talaga ng buhay,” anang isa sa mga kapitbahay namin.

“Oo nga po. Ganoon po talaga,” ani ko na ngumiti kahit naninikip na ang dibdib. Anong ganoon talaga? Hindi puwede ‘yon. Gusto ko pang makasama siya nang matagal. Malapit na ang birthday ko at iniwan niya na lang ako nang hindi man lang nagpapaalam.

“Ligaya, isama mo na rin ang mga sakit ko,” bulong nito kay Lola. Kung normal na araw lang ito’y napuna ko na dahil gusto pa atang paalisin ang Lola ko na maraming dala-dalang sakit subalit dahil hindi, ngumiti lang ako.

Nang humupa ang tao, mas lalong natahimik ang lugar.

“Stop looking at me like that,” ani ko kay Maurice na nakatitig sa akin. Tumawa pa ako upang baliwalain ang tunay na nararamdamn subalit kita ko ang titig niya sa akin. Ang mga mata nitong gustong-gusto kong iwasan.

“Stop concealing what you feel now. Stop smiling at me,” aniya bago inilahad ang kamay sa akin. Unti-unti naman akong lumapit bago humagulgol ng iyak.

“She really left me in this fucking cruel world. I want to come with her,” sambit ko kay Maurice kaya agad niya akong nilingon.

“Then what about your career? Your dreams? Your friends? How about me?” nanghihinang saad niya habang nakatitig sa akin. Ang bigat-bigat ng dibdib ko. Gusto ko na lang tuluyang maglaho. Ayaw ko na rito. Gustong-gusto ko ng sumunod kay Lola. Doon, sa kung saan masaya ang mundo.

Patuloy lang ang paghagulgol ko habang hinahayaan ako ni Maurice na umiyak sa braso niya.

“Sleep. Gigisingin na lang kita,” bulong niya sa akin. Nanatili lang akong tulala habang nakasandal sa kaniyang braso subalit kalaunan ay kinain din ng antok dahil sa bigat ng mga mata. Sa puyat at iyak.

For the past few days na nandito pa siya. I tried to act like everything is normal when in fact gusto ko na lang maglaho. Gusto ko na lang din lumisan. I don’t think I can live the same way again. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay kung siya lang ‘tong sinasandalan ko sa panahong walang gustong kumupkop sa akin. Nasanay ako buong buhay na kasama si Lola kaya iniisip pa lang na wala ito’y nawawalan ako ng ganang mabuhay.

“You said you likes to watched my film. Hindi pa nga ako nagiging bida,” sambit ko na tumawa pa habang nakatingin sa kaniyang kabaong na ibinababa na.

“Gusto mo pa nga ng apo mula sa akin, hindi ba? Paano mo na makikita ‘yon?” tanong ko na nakangiti pa rin. Ilang hagulgol ang narinig mula sa mga nakasama niya habang ako’y nanatili lang nakangiti habang inaalo ang bawat isa.

“Huwag po kayong umiyak, ayaw ni Lola nang malungkot,” ani ko na tumawa pa. Nababaliw na nga talaga ako.

“Hati,” tawag ni Marco sa akin nang lapitan ako. Ngumiti naman ako sa kaniya nang lingunin siya.

“Hey, salamat sa inyo ni Tita sa pagtulong,” pasasalamat ko.

“Umuwi na si Mommy para asikasuhin ang mga bisita. Uuwi ka na rin ba?” tanong niya. Lumingon ako ng isang beses sa puntod ni Lola bago tumango.

“Uuwi na rin,” ani ko.

“Gusto mong sumabay na sa akin?” tanong niya. Tumango lang ako. Nakita ko si Maurice na naghihintay lang sa akin sa isang tabi.

“Sasabay na ako kay Marco,” ani ko kaya tumango siya. Tahimik lang kaming dalawa ni Marco hanggang sa makarating sa bahay. Nagpasalamat lang ako bago inasikaso ang mga nakipaglibing.

Pangiti-ngiti habang nakikipagkwentuhan sa mga ito.

“Hati, gusto mo bang dito na muna kami matulog?” tanong sa akin ni Tita.

“Hindi na po, Tita. Kaya ko naman po mag-isa,” ani ko.

“Pasasamahan kita kay Marco,” aniya subalit ngumiti lang ako na umiling. Alam kong may pasok at abala rin sila sa kani-kanilang buhay. I don’t want to burden someone.

“Sigurado ka?” tanong nila. Tumango lang ako at ngumiti. Ayaw pa sana nila akong iwan kung hindi ko lang pinilit.

“Tawag ka lang, pupunta agad kami,” sabi ni Marco sa akin. Tumango lang ako at ngumiti pa para pagaanin ang atmospera.

Nang maiwan sa loob ay tulala lang akong naupo sa sofa.

“If I have given a chance I would like to turn back time. The time when the only problem I have is how will I watched EXO’s concert,” bulong ko sa sarili.

“The time when you’re still here.” Napatitig lang ako sa litrato namin na nasa dingding.

Unti-unti akong tumayo at parang robot na lumabas ng bahay. Napatingin ako kay Maurice na siyang nasa labas lang. Kanina ko pa siya pinapauwi.

“Where are you going?” tanong niya.

“Diyan lang,” ani ko na ngumiti. Pinagbuksan niya naman ako ng pinto at pinapasok sa loob. Tila alam na kung saan ako pupunta. Kahit madilim na ang paligid ay sinamahan niya pa rin akong magtungo sa puntod ni Lola.

“Cry now. No one is watching,” ani Maurice sa akin. Para bang cue ng luha ko dahil pagkasabi niya niyon ay napahagulgol na lang ako ng iyak. Inalalayan niya lang ako habang hawak-hawak sa baywang. Halos wala na akong lakas matapos kong umiyak. Ni ayaw ko pang umuwi kaya sinamahan lang ako ni Maurice na manatili roon. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan.

“Uwi na tayo,” ani ko nang kumalma. Tumango lang siya bago ako inalalayan. Ni hindi ko magawang ngumiti sa kaniya dahil kapag nakikita ako ang mga mata nito’y naalala ang mga mata ni Lola. It’s just so pure. Pakiramdam ko’y mahalaga ako.

“Thank you,” mahina kong sambit.

“Just call me if you need someone to talk with,” aniya na hinaplos ang buhok ko. Tumango ako subalit naglahad pa rin siya ng kamay.

“Give me your phone. Just dial #1 if you need me.” Seryosong-seryoso ang mukha nang ibalik ang phone ko.

“I’ll also list down some of emergency hotline,” aniya kaya tumango lang ako.

“I’ll sleep here. Labas ka lang at katukin ang kotse,” sambit niya kaya agad akong napatingin sa kaniya.

“Huh?” Naguguluhan ko siyang tinignan subalit hindi siya nagsalita.

“I won’t go kahit paalisin mo pa ako,” desididong saad niya. Isang buntonghininga ang pinakawalan ko dahil mukhang hindi makikinig sa akin ang isang ‘to.

“Just sleep inside. Sa sala ka na,” ani ko. Noong una’y nag-aalinlangan pa siya subalit sumunod na lang din sa akin nang tignan ko siya at sinenyasan na pumasok.

Nanatili ang katahimikan sa aming dalawa. Iniwan ko rin siya sa labas habang ako’y nagkulong na sa kwarto. Nang mag-isa na’y mas lalo lang nakaramdam ng lungkot at sakit. Ilang oras akong humahagulgol ng iyak hanggang sa nakatulog na lang.

Kinabukasan, anong oras na nang magising ako. Hindi ko rin nadatnan si Maurice sa sala. The house felt really empty. Wala na ang Lola na hahalikan ko tuwing umaga at kukulitin na ipagluto ako ng kung ano. Lola na siyang nakakaintindi ng tantrums ko. Lola na hindi ko na kasama ngayon.

Nagtungo lang ako sa kitchen para uminom subalit napatingin sa laman ng ref. Napatitig lang ako sa ilang sweets and cheesecake na hindi ko na nakain pa. I tried to eat it kahit na alam na sira na ‘yon. It was bake by Lola. It doesn’t matter.

“Shit! Hati!” sigaw ng isang tinig. Agad kong nakita ang galit, pag-alala at lungkot sa mukha ni Maurice bago niya nilayo sa akin ‘yon. Nagtuloy-tuloy lang ang iyak at bigat na nararamdaman ko.

“Fuck.” Hindi siya magkandaugaga nang lapitan ako.

“Spill it, Hati,” aniya na nanginginig ang tinig. Hindi ko alam kung sa galit o pag-aalala. Iiyak naman ako habang umiiling. Sinubukan pang lunukin. Naramdaman ko na lang din ang pagbigat ng talukap ng mga mata.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro