Chapter 12
Chapter 12
Luwalhati’s POV
“Where are you?” tanong ni Maurice mula sa kabilang linya.
“Hmm, I don’t think I can go.” Agad kumurba ang ngisi sa mga labi ko nang matahimik siya sa kabilang linya. It’s his graduation today at inimbita niya rin ako na dumalo sa kaniyang eskwela.
“Bakit?” Disappointed ang tinig nito kaya hindi na maalis ang ngisi mula sa akin.
“Hmm, I’m really tired to go out today,” ani ko na nagtunog na antok na antok pa.
“Alright. Pahinga ka.” Narinig ko na rin ang tawag ng kaniyang pamilya kaya nag-end na rin ang tawag.
“Okay na po, La?” tanong ko kay Lola. Tumango siya sa akin. Lola also bake him a carrot cake because that’s what he likes. Mayroon ding cheesecake para sa akin. Syempre, mawawalan ba ako? Paboritong apo kaya ako ni Lola.
“Just give him my regards,” ani Lola kaya tumango ako.
“Thank you po, La!” Hinalikan ko pa siya sa pisngi. Siya kasi ‘tong nagbake na lang basta nang malaman na graduation ni Maurice.
“The best ka po talaga,” ani ko na pinapak ang pisngi niya. Tinawanan niya lang ako bago napailing.
“Umalis ka na nga’t mukhang kanina ka pa hinihintay ng nobyo mo,” aniya sa akin kaya tumango ako.
Dala-dala ko rin ang regalo ko sa kaniyang t-shirt na siyang terno kami. Mayroon ding sapatos na nasa loob at ang pinakaregalo ko talaga sa lahat ay ang tux niya dahil ‘yon ang hilig niyang kolektahin.
Nakita kong tumatawag ulit siya kaya napatawa ako. Mukhang hindi pa rin nagsstart ang graduation niya.
“Hello?” tanong ko.
“Sabi mo magpahinga lang ako? Bakit ka tumatawag?” Pinigilan ko maman ang matawa dahil pakiramdam ko’y kunot na ang noo nito. Talaga kasing pinag-usapan namin na pupunta ako sa graduation niya.
“You didn’t congratulate me. Congratulate me first before you rest,” aniya.kaya hindi ko na napigilan pa ang halakhak. How can this brute be this cute?
“Hmm, hinihintay mo dapat na sabihin ‘yan. Desisyon ka!” natatawa kong sambit.
“Congratulations!” Hindi ko na mapigilan pa ang kumakawalang ngiti mula sa aking mga labi.
“Thank you. Rest now, I’ll call you again later,” aniya kaya mas lalo lang lumapad ang ngiti ko.
Mayamaya lang ay nakarating na rin sa school nito. Hindi ko naman mapigilan ang mamanghan habang nakatingin dito. Kumpara sa eskwela namin ay mas malaki ito ng apat na beses.
Pinapasok din ako ng guard nang makita. Wala rin pala talaga akong choice kung hindi ang tawagan si Maurice dahil paniguradong maliligaw ako rito kung sakali. Subalit bago ko gawin ‘yon ay nagtanong muna. Nahanap ko rin naman agad ang paggaganapan ng graduation nila.
Habang nakamasid sa paligid, kita kong yayamanin talaga ang mga tao rito. Hindi naman ako nagpatinag doon. Kahit na kinakabahan ay nagawa ko pa ring magmukhang confident habang naglalakad. Pero bakit ba ang sosopistikada maski ng mga estudyante rito?
“Hati!” sigaw ng isang tinig. Agad ko naman nakita ang kaibigan ni Maurice na si Joaquin.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya sa akin.
“Si Maurice?”
“Oh, you’re also here for Mau.” Ngumiti siya at tumango.
“Nandoon, pinagkakaguluhan ng mga babae,” aniya na tinuro ang gawi ni Maurice. Marami nga talagang babae roon at mukhang lahat ay abala sa pakikipag-usap kay Maurice. Hindi ko naman mapigilan ang mamangha habang tinitignan ang mga babaeng kasama niya. Halos lahat parang mga modelo dahil ang gaganda. Kumokolekta ata ang isang ‘to ng maganda.
Hindi naman ako lumapit at nanatili lang sa pwesto ko. Mayamaya lang din ay nagsimula na rin ang program. Kita kong nakatigtig lang ito sa kaniyang phone habang hinihintay na matawag.
“Should I tell him that you’re here?” tanong ni Joaquin na narito pa pala.
“Hindi na, mamaya na lang,” ani ko na nginitian siya. Tumango lang naman ito at nakipag-usap na lang sa ibang kakilala.
“Cum laude,” bulong ko nang marinig na tinawag si Maurice. Napaawang naman ang labi ko roon. Wow! Hindi lang pala basta gwapo! Grabehan na lang pala talaga.
Hindi man lang ako na-inform na cum laude pala siya! Edi sana mas nadagdagan ko pa ang regalo at hindi siya inaasar ngayon.
Nang nasa taas na siya’y sinamahan siya ng isang sopistikadang babae na siyang anak ni Mr. Trinidad, ang Lolo ni Maurice.
Nang magtama ang mga mata namin, bakas ang gulat sa mga mata niya. Napaawang pa ang labi habang nakatingin sa akin. Hindi ko naman maiwasan ang matawa. Hindi ko magawang kumaway dahil sa dami ng bitbit.
Pagkababang-pagkababa niya’y hinalikan ang Mommy niya na yumakap sa kaniya bago nagtungo sa gawi ko. Napunta tuloy ang tingin ng mga tao sa akin. Hindi ko naman maiwasan ang mapatikhim dahil do’n. Sanay naman ako sa atensiyon subalit hindi sa ganitong paraan. Ang dami kaya ng tao at halos lahat ay nakatingin sa gawi namin imbes na nasa may stage ang mga mata.
“Hi—” Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ay niyakap niya na ako.
“I thought you won’t go,” aniya. Hindi ko naman mayakap pabalik kaya napangiti na lang ako.
“Ano ba? Huwag mong ipahalata na patay na patay ka sa akin,” bulong ko sa kaniya.
“Hala, swerte naman ng gf niya!” Narinig kong bulungan ng mga masa gilid namin. Nilingon ko naman sila.
“Hindi ko pa po boyfriend. Landian lang,” ani ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Maurice.
“Totoo naman! Landian with kiss!” natatawa kong bulong sa kaniya kaya ayaw na akong pakawalan sa inis.
“This is not landian,” nakasimangot niyang sambit. May sasabihin pa sana ako nang makita ang Mommy niya na nakatingin sa amin at narinig pa ata ang sinabi ko. Awkward naman akong tumawa at tinulak pa si Maurice.
“Mommy mo,” bulong ko. Bakit nga ba hindi ko naisip na paniguradong nandito ang Mommy niya? Nagawa ko pang magtungo wari’y supportive girlfriend kahit na hindi pa kami.
“My, this is Hati, the one I keep on talking about,” pakilala ni Maurice sa akin. Agad ko naman siyang pinagtaasan ng kilay.
“I hope it’s good po,” ani ko na ngumiti pa. Nginitian din naman ako nito.
“It’s good, Hija. Lagi kang bukambibig niyang anak ko,” aniya na tumawa pa.
“Is that for me?” tanong ni Maurice sa akin. Tumango naman ako na iniabot ang regalo sa kaniya.
“Congrats!” nakangiti kong bati.
“Thank you,” aniya na nakatingin lang sa akin.
“Itong carrot cake, galing kay Lola. Nabanggit ko na paborito mo.” Iniabot ko pa ang carrot cake na hawak. Lagi ko siyang naikukwento kay Lola kaya halos alam na rin lahat ni Lola ang tungkol sa kaniya. Kita ko naman ang paglapad ng ngiti sa kaniya.
“Thank you kay Lola natin,” aniya sa mapang-asar na tinig. Halos masamid naman ako sa sarili kong laway dahil ganoon ako kapag may nababanggit siyang kapamilya niya lalo na kapag ang Mommy nito.
“Should I bring that in our car?” tanong ng Mommy niya subalit agad na umiling si Maurice.
“Huwag na po, My. Magaan lang naman,” ani Maurice kaya agad na nanliit ang mga mata ng Mommy niya. Sa huli’y hinayaan na lang siya.
“We’ll take a picture,” aniya kaya hindi ko maiwasan ang matawa. He’s still in that thing. Nailing na lang ako at pinagbigyan siya.
“Kuhanan ko na po kayo.” Syempre, need natin sumipsip sa Mommy niya. Ang ganda niya! Kamukha talaga sa Dawn Zulueta. Ngumiti pa ito kaya pupuwede na akong atakihin. Nailing na lang ako sa sarili bago nagpatuloy sa pagkuha ng litrato sa kanila.
After her graduation, inanyayahan ako ng Mommy niya na sumama sa bahay nila.
“Ma’am, wala pa po kaming label. Nakakahiya naman po,” ani ko kaya kita ko ang tingin ng Mommy niya sa akin.
“Is it Mom? As in Mommy or Ma’am? As in Ma’am?” tanong niya na nakataas ang kilay.
“Ma’am. Madam ganern po,” ani ko kaya napatawa nang mahina si Maurice na siyang nasa tabi ko. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay dahil dito.
“Call me Mom or Tita Beth,” sambit ng Mommy niya.
“And you’ll be together din naman. Tara,” anyaya niya kaya sa huli’y wala akong nagawa kung hindi ang sumama.
Agad naman akong napalunok nang makarating sa bahay nila. Pakiramdam ko’y pupuwede ng pasukan ng langaw ang aking mga labi.
“Wow,” pabulong na saad ko habang nakatingin sa buong paligid.
“Ang yaman niyo po pala. Hindi po ba kayo mag-aalok ng sampung milyon para layuan ko ang anak niyo, Tita?” tanong ko kay Tita na siyang natawa dahil sa tanong ko. Maski si Maurice ay napailing na lang din dahil sa sinabi ko.
Nang makapasok kami sa loob ay hindi ko mapigilang mapatingin sa chandelier at mamahaling mga vase nila.
“Nasa magkano ‘yan? Mabigat ba kapag nanakawin ‘yan?” bulong ko kay Maurice. Pinitik niya lang ang noo ko dahil do’n. Parang isang hotel ang bahay nila at ang dami rin talagang kwarto rito. Napanguso na lang ako habang nakasunod papasok sa loob.
Nang makarating pa sa hapag. Para akong malulula sa dami ng pagkain. Hindi naman ako nagtanong tungkol sa Daddy niya dahil nang isearch ko ang pangalan niya sa google. Nakita kong naging controversial pala ang paghihiwalay ng Mommy at Daddy niya.
Ang daming regalo kay Maurice at mukha pang mamahalin lahat. Hindi ko tuloy maiwasan ang mahiya dahil kumpara sa binili ko. Hindi lang ata 10 times ang halaga niyon.
“You’re in your 3rd year next year, Hija?” tanong sa akin ni Tita.
“Yes po,” ani ko na ngumiti.
“So what’s your plan? Will you get married after you graduate?” tanong niya kaya halos masamid ako sa sarili kong laway.
“Mom, you’re scaring her!” ani Maurice sa kaniya. Tumawa lang naman si Mommy namin at nailing pa.
“I’m just asking,” ani Tita na nailing pa.
“I watched some of your drama. Ang ganda mo at ang galing umarte kaya nga gigil na gigil ako sa ’yo!” sambit ni Tita kaya hindi ko maiwasan ang matawa. May mga drama na kasi ako at kadalasan pa’y kontrabida kaya nga si Lola’y mas nagagalit pa sa bida kapag pinapanood ang mga teleserye ko. Natatawa na lang naman ako lalo na kapag may mga scene na nakikipagsabunutan na ako ang nag-insist, minsan ay sa akin siya kampi subalit minsan ay nasesermonan ako kahit na sa drama lang naman ‘yon.
“Hala, nakakahiya naman po,” natatawa kong sambit dahil talagang sinusubaybayan niya ang drama ko.
“Pati ‘yan si Maurice. Scene mo nga lang ata ang paulit-ulit na nirereplay,” ani Tita na nakangisi pa sa anak tila tuwang-tuwa na ibinuking ito. Mapang-asar ko ring tinignan si Maurice subalit kalaunan ako rin ang mahiya sa ideyang pinapanood niya nga ako.
After we talked for a while, natapos din ang dinner namin. Dumating din ang mga kaibigan niya na susurpresahin ito. Marami silang magtotropa, may mga naggagandahang ding babae na mukhang close kay Tita. Ayaw rin kasing magtungo ni Maurice sa bar kaya sila na lang ang nagpunta rito.
“I want to have a date with you,” nag-aalburutong saad ni Maurice sa akin. Naiinis na nagtungo ang mga kaibigan niya rito. Napatawa lang naman ako roon.
“Sige na, we can date tomorrow.” Ngumiti pa ako at tinulak na siya palayo sa akin. Ilang oras din akong nakikipag-usap sa kaniya. Ni ayaw pansinin ang ilang kaibigan.
“Ihatid mo na ako so you can focus with your friends,” ani ko.
“Mamaya na,” aniya subalit inirapan ko lang siya. Sa huli’y pumayag siya ng sabihin kong gusto kong inaantok na ako.
“Good nigt. Congrats ulit,” nakangiti kong saad. Hindi niya ako binitawan at nanatili pa ring nakatingin sa akin.
“Kiss ko?” tanong niya kaya hindi ko maiwasan ang mapairap bago siya hinalikan. Subalit dahil mapusok ang hinayupak nagtagal kami sa ganoong sitwasiyon.
“Good night. Thank you for making this day special,” aniya na ngumiti pa sa akin.
“Ikaw pa? Lakas mo sa akin,” natatawa kong sambit bago kumaway.
Malapad ang ngiti ko habang papasok sa bahay. Dumeretso ako sa aking kwarto para maglinis ng katawan. Nang matapos ay lumabas muli para tikman ang cheesecake na para sa akin subalit unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi nang makita ang taong nakalupasay sa sahig ng kitchen.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro