Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Chapter 11

Luwalhati's POV

"Hoy, gago, nandito ex kalandian mo!" ani Lisa sa akin. Agad namang may side comment sina Cia at Mae. Napatikhim naman ako dahil do'n. Bago pa nila makita'y nakita ko na.

"Palapit na rito," bulong sa akin ni Ren.

"Landiin mo ako," ani ko kaya gad na nasamid, sakto pang umiinom ito.

"Gago! Anong pinagsasabi mo riyan?! Gusto mo ata akong mamatay sa nerbiyos." Napailing pa siya tila I'm saying nonsense.

"Sige na," pangungulit ko. I don't really like it when people see me na kaawa-awa. Pakiramdam ko'y basahan ang tingin nila sa akin.

"Bobo, tignan mo nga tingin ng ex kalandian mo sa akin. Parang gusto ng pumatay sa tingin," aniya na pasimple pang tinignan si Maurice na naglalakad patungo sa gawi namin. Hindi naman ako nahiyang pagmasdan siya. Nang malapit na talaga rito'y agad kong hinawakan si Ren at nagkunwaring tumatawa pa. Nababaliw na nga talaga ako. Tinatawanan na lang din ako ni Ren dahil sa pinaggagawa ko sa buhay.

"Luwalhati," tawag ni Maurice nang makatapat sa table namin. Buong-buo ang tinig nito. Sa kabila ng ingay sa paligid ay narinig ko pa rin siya.

"Oh, nandito ka pala. I thought you're at home?" tanong ko na tumawa pa. Nanatili naman ang mukha niyanh seryoso.

"Let's talk," aniya sa akin subalit ponagtaasan ko siya ng kilay.

"Anong pag-uusapan? Mamaya na. Busy ako," ani ko na hindi na siya binalingan pa ng tingin. Kita ko naman na pinagtitinginan siya ng mga tao. Pinapaupo na rin siya nina Cia sa table namin habang ako'y abala sa panghaharot kay Ren na pinandidirian na ako ngayon. Akala mo naman talaga! Kasing ganda ko nga ang ilang nakadate niya!

"Hindi ka ba aalis diyan? Pinagtitinginan ka na ng mga tao. Ako ang nahihiya," sambit ko kay Maurice na nanatili sa kaniyang pagkakatayo. Tinignan niya lang ako bago siya nagbuntonghininga.

"We'll talk after you talk to him then. I'll wait here," aniya na tinuro ang katabing table lang namin. Hindi naman ako tumango o ano. Bahala siyang manigas diyan subalit ako ata 'tong maninigas buong gabi dahil ramdam na ramdam ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

Nang pasimple ko siyang tinignan. Mag-isa niya lang sa table at may isang bote na rin ng alak doon. Napalunok ako nang magkasalubong ang mga mata namin. Kita ko ang talim ng kaniya subalit hindi rin naman ako nagpatalo. Siya lang ba ang may karapatan na magsungit dito? Hindi na ako nag-abala pang magbait-baitan. Inirapan ko na agad siya bago nag-iwas ng tingin. Sa hindi ko malamang dahilan, nakitaan ko pa nang ngisi ang mga labi niya. Hindi ko alam kung ano bang trip sa buhay ng hinayupak.

"Sayaw na nga lang tayo," sambit ko sa kanila. Tumango naman ang mga ito kaya nagtungo na kami sa dance floor. Iritado naman ako dahil nasulyapan ko pa si Maurice na nilapitan ng ilang babae. Hindi ko na nga lang nilingon pa kung in-entertain niya ba. Mas lalo lang na-irita nang may sumayaw sa tapat kong foreigner na kahit anong layo ko'y sunod nang sunod. Lahat na ata ng bagay ngayong araw ay kababadtrip-an ko. Nakakairita naman kasi talaga lahat.

Napaawang ang mga labi ko nang makita si Maurice na siyang nasa tapat ko na ngayon.

"It's time for us to talk," ani Maurice. Matalim ang mga mata. Hindi naman ako nagpatalo at masama rin ang tingin sa kaniya. Aba't siya lang ba ang may karapatan na mag-attitude dito?

"Mamaya nga, ang kulit mo!" inis kong sambit at lumayo sa kaniya. Sa huli'y hinayaan niya lang ako. Inis na inis na ako sa lahat kaya naman ang ending ay bumalik na lang ako sa upuan. Nakita ko so Maurice na nakaupo lang sa upuan niya habang pinapanood ang dancefloor. Agad siyang tumayo nang makita ako. Napapikit na lang dahil maling desisyon na naman ito.

Ang mga kaibigan pa'y agad na nagsialis nang makitang patungo sa table namin si Maurice.

"Fine, let's talk," inis na sambit ko sa kaniya. Masama ang tingin nang lingunin siya.

"Let's go outside," aniya sa marahang tinig tila gusto akong kausapin ng mahinahon.

"Bakit hindi pa rito? Kung ayaw mo, huwag na lang," ani ko na umirap pa.

"Fine, we'll talk here then." He was gentle with his words tila natauhan. Siguro'y narealize na siya na nga ang makikipaghiwalay kahit hindi naman kami tapos siya pa 'tong matapang. Sobrang lapit niya sa akin at halos ipulupot na ang kamay kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Ano ba?!" ani ko na masama ang tingin.

"We won't hear each other here but you want to talk in this place kaya sige," aniya na tila ba nanghahamon. Sinamaan ko siya ng tingin bago tinulak.

"Fine! We'll talk outside!" inis kong sambit bago nagmartsa palabas.

Nang makarating kami sa kotse niya'y pinapasok lang ako. Hindi naman na ako nag-aksaya pa nang oras at nilingon na siya. Sa huli'y wala siyang nagawa kung hindi ang itigil ang pag-start ng kaniyang kotse.

"So we'll talk about you wanting us to separate? Wala nang landian?" Humalukipkip pa ako habang nakataas ang kilay. Agad namang kumunot ang noo niya sa akin dahil dito.

"What? We'll talk about what's upsetting you and what we have is not landian." He's as if trying to understand me at ako 'tong matigas ang ulo na ayaw makinig.

"Oh? Edi balak mo pa rin pala kaming pagsabayin? Asshole! Ayaw magpakawala!" ani ko na tuluyan na ang pag

"Bakit ka ba nandito? Akala ko ba'y nasa bahay ka? Manloloko! Sinungaling!" galit kong sambit sa kaniya.

"I didn't lie. I'm resting at home but you're here. I can't wait for another day to talk to you but here you are, having the best day with your new crush," aniya na masama ang tingin sa akin.

"Huwag ka ngang magmalinis! Sa ating dalawa ikaw 'tong malandi! May kinakalantaryo ka na agad kahit na naglalandian pa lang tayo! Sana naman in-inform mo ako na sawa ka na, hindi ba?" tanong ko na tinignan pa siya nang masama.

"Kinakalantaryo?"

"Gusto mo pa atang inglesin ko." Umirap pa ako kaya napabuntonghininga na lang. Alam na hindi rin ako makakausap nang matino lalo na't galit.

"Ano? Hindi ka makasagot dahil tama ako? Sana sinabi mo. Kahit naman harutan lang ang mayroon sa atin, pupuwede namang sabihin na mayroon ng iba. Tangina niyo rin talaga, 'no? Mas madali pa para sa inyo ang magloko kaysa ang umamin. Ano 'yon? Para may thrill ba? Para happy ang life dahil kapag malamig ang isa, may lalambing pa rin?" tanong ko.

"What are you talking about? I'm not cheating on you!" Tila nawawalan na ng pasensiya. Umirap lang naman ako.

"Anong tawag mo sa inyo ni Sandara? 'Yong pagiging malamig mo sa text? Sa hindi kikipagkita sa akin? Sa hindi pagsagot ng tawag ko? Ayaw kong maging mababaw at gusto kong isipin na abala ka lang sa kompanya niyo subalit hindi naman ako tanga," inis kong sambit.

"Nothing is going on between me and Sandara. It's you that I like. Lolo want me to entertain her that time because she's a top celebrity—" Hindi ko naman siya pinatapos.

"Ulol, crush mo nga 'yon! Kaya ka nga pumupunta rito," inis na sambit ko na naalala 'yong mga araw na madalas siyang magtungo rito dahil dito tumatambay si Sandara.

"Ikaw ang sinisilayan ko," aniya sa marahan na tinig kaya natigilan ako. Hindi agad nakapagsalita.

"Sinungaling!" Wow, binola ka lang, wala ka na agad masabi, Hati.

"From the very start, it's you that I like but heck who would know that you're just 17? I tried really hard to conceal what I felt about you. I didn't even party for month and didn't visit Clouds para lang hindi ka makita," aniya na frustrated na nagpaaliwanag. Kuhang-kuha talaga ako ng isang 'to. Napatitig lang ako bago nagsalita. Nagkandautal pa.

"Really? Kaya pala sabi nina Chester na si Sandara ang pinupuntahan mo rito!" ani ko na umirap.

"Of course he'll say that. That jerk likes you," aniya na napairap pa. Inirapan ko rin siya.

"Oh? Kung ganoon bakit kasing lamig ng greenland ang trato mo sa akin?!" tanong ko na hindi pa rin nakukuha ang gustong marinig. Ang malamlam na mga mata'y unti-unting tumalim. Agad din siyang napasimangot dahil do'n.

"I don't want to talk when I'm mad," aniya kaya tumaas ang kilay ko.

"At ano naman ang kinagagalit mo?" tanong ko na humalikipkip pa.

"Fine, let's talk about it now. Why did you let your main crush kiss you?" aniya na nakasimangot. Kumunot naman ang noo ko roon.

"Huh? Pagkakaalam ko, ako 'tong nanghalik sa'yo," ani ko na nagtataka. Unti-unti namang kumurba ang ngisi sa kaniyang mga labi subalit sa huli'y pinigilan din.

"It doesn't change the fact that your crush kissed you." Sumimangot pa ito na tila naalala 'yon. Napakunot naman ako ng noo at napaisip. Saka ko lang napagtanto ang halik na tinutukoy nito. It's about Marco's kiss in the cheek. Napanguso naman ako dahil do'n. I didn't know. Wala rin naman kasi 'yon sa akin. Mali ko rin pala na hindi sinabi sa kaniya. Unti-unti ko namang binaba ang kamay na nakahalukipkip kanina.

"Sorry, I didn't know..." ani ko na napanguso.

"So, nanggaling ka sa village noong araw na 'yon?" tanong ko.

"Sorry, wala lang naman kasi 'yon sa akin," ani ko subalit nanatili lang ang tingin niya kaya sa huli'y lumapit pa ako para manlambing.

"Wala ng hahalik maliban sa akin," aniya na unti-unting nilapat ang kaniyang mga labi sa akin. Napaawang ang labi ko kaya agad na napasok ng dila niya 'yon. Hinihingal nang makalayo sa kaniya.

"So puwede akong manghalik?" tanong ko para lang asarin siya. Sinamaan niya ako ng tingin bago nagsalita.

"Sige, basta ako lang," aniya kaya napatawa ako.

"Ikaw rin, ako lang ang puwede mong halikan at ako lang ang hahalik," sambit ko na hindi nakontento sa halikan namin kanina. Agad ding lumapat ang labi ko sa kaniya. Ang tagal naming nanatiling ganoon hanggang sa parehas na humiwalay.

"I miss you so bad," bulong niya.

"Miss mo pala pero ikaw 'tong hindi namamansin!"

"Right, you're so unfair. I supposed to be mad but I just keep on missing you." Nanatili ang tingin niya at ang hawak sa kamay ko. Unti-unti niya na namang inilapit ang mga labi sa akin kaya naman hindi ko mapigilan ang matawa.

"Nakakarami ka na, ah! Sampung libo bawat halik!"

"I'll send it to your account." Napatawa naman ako dahil do'n. Para kaming tangang nagharutan lang.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya nang paandarin ang sasakyan.

"Let's have a date. Tagal na no'ng huli," aniya kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

"At sino kaya ang may kasalanan dahil do'n?" tanong ko. Napatawa na lang ako nang irapan niya rin. Ang dami kong kwento sa kaniya habang nasa sasakyan kami dahil sa dami ba naman ng tinatanong niya sa akin.

"Once there's something that bothering you, talk to me," aniya sa akin.

"Kapag may nagawa akong hindi mo gusto, sabihin mo. Let's make it work." Hindi ko naman napigilan ang ngiti sa mga labi ko dahil do'n.

"Let's do that. Ikaw rin!" ani ko.

"Hmm..."

"I also want to make a whole ass album with you. Tatlo," aniya na napanguso. Napatingin naman ako sa kaniya at unti-unti ring kumurba ang ngiti sa mga labi.

"Is it about my album with Marco?" natatawa kong tanong. Isang buong album kasi'y kasama ko si Marco.

"Okay, we'll do that," sambit ko na tumango pa.

"Let's take a picture. Mas marami," aniya na nakitaan pa ng pagsimangot. Hindi ko naman maiwasang matawa dahil naiinggit pala sa mga litrato namin ni Marco.

"Fine, mas marami," mapang-asar kong saad kaya sinamaan niya ako ng tingin. Cute.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro