Chapter 10
Chapter 10
Luwalhati's POV
"Kung natutunaw lang 'yang phone mo. Kanina pa 'yan lusaw," sambit ni Lisa sa akin nang makita ako. Natanggap na siya rito sa Clouds at may project kaming dalawa together.
"Sino ba kasi 'yan? Pinaghihintay ba ang isang Hati?" tanong niya na nakangisi sa akin. Umiling lang naman ako at nanatili pa rin ang mga mata sa phone ko.
Ilang araw na ang lumipas na hindi talaga ako gaanong nilalandi pabalik ni Maurice. Nanlalamig na ito sa tuwing kausap ko. Hindi ko alam kung anong problema o kung bakit kami dumating sa puntong 'yon. Hindi ko alam kung ayaw niya na ba sa akin o ano.
"Maurice? Siya pa rin?" tanong niya sa akin. Pasimple lang akong tumango.
"Wow, you really like him, huh? Wala naman tumatagal sa 'yo. Ilang months lang ay ayaw mo na agad," aniya. Nanatili lang naman ang mata ko sa reply ni 'Maurice' kaninang umaga. 'Okay' lang 'yon.
"Si Maurice na naman ba 'yang dinadrama niyan?" tanong ni Cia na dumating. Nilingon pa ako dahil ang tamlay ng awra ko ngayon.
"Hay nako, ilang beses ka na kasing pinagsabihan ni Ren na huwag mahuhulog do'n!" sambit sa akin ni Lisa.
"Hindi pa naman ako nahulog!" reklamo ko kaya agad silang napatawa sa akin.
"Sa itsura mong 'yan? Sigurado kang hindi ka pa hulog? Ganiyan lang ang reply, para ka nang pinagsakluban ng langit at lupa," ani Cia sa akin kaya hindi ko mapigilan ang umirap.
"It's just that I don't know what I did wrong! Mabait naman ako! Naglalandian pa naman kami no'ng una tapos bigla na lang nanlamig!" reklamo ko.
"May bago na 'yon," ani Mae kaya sabay-sabay kaming napatingin sa kaniya. Tumalim naman ang mga mata ko kaya agad siyang napatikhim.
"I don't want you to overthink pero ganiyan din 'yong boyfriend ko, Beh. Noong una'y nagrereply pa pero nadaig pa ang freezer sa lamig! Tapos unti-unting hindi na nagrereply, 'yon pala may bago na! Gago ampota! Sarap putulan ng bayag si Gago kahit wala namang bayag umpisa pa lang," nanggigil na saad ni Mae. Tila na-trigger ang nakaraan. Napaawang naman ang mga labi namin. Dinaluhan naman agad siya ni Cia bago hinagod ang likod nito.
"Dapat inalisan mo na," bulong pa sa kaniya ni Cia. Hindi ko rin mapigilan ang mag-react doon.
"Totoo ba? Bakit hindi na lang agad sinabi? Tangina talaga niyang mga lalaking 'yan! Ayaw pakawalan ang isa. Gustong-gusto na may pagpipilian! Ang liliit naman ng itlog!" ani ko. Natawa naman sila dahil do'n.
"True lang!" anila na napailing na lang din.
"Kaya ikaw, Girl, tigilan mo na 'yang si Ruiz. Gusto lang niyon maghanap ng biktima! Paniguradong may bagong apple of the eye na naman 'yon!" ani Lisa. Nahinto naman ako dahil do'n. Right. Sa akin nga pala nagsimula ang usapan. Ngumiti na lang ako at hindi alam ang sasabihin.
Mayamaya ay tinawag na si Lisa kaya naiwan akong mag-isa. Ang lakas kong magsabi ng kung ano-ano subalit nang maisip si Maurice ay tila nananikip ang dibdib. Paano nga ba kung may bago na siyang flavor of the month pero hindi lang naman ako pang-isang buwan, hindi ba? Nagtagal din kami dahil... sa akin. Pakiramdam ko'y hindi naman talaga niya ako gusto. Baka nagrereply lang dahil kinukulit ko nang kinukulit.
"Uy, girl, speaking," ani Mae nang lumapit muli sa akin. Napatingin naman ako sa tinutukoy niya. Agad na nakitang pumasok si Maurice kasama si Sandara na siyang nabingwit ng Clouds. Sikat na si Sandara noon pa at mas lalong umingay ang pangalam dahil sa isang drama niya.
Kung noon ay maaasar ko pa si Maurice na gusto niya ito subalit ngayon ay mukhang hindi ko 'yon magagawa dahil ako ang unang mapipikon. Nang magkasalubong ang mga mata namin. Nginitian ko lang siya nang tipid kahit na wala ako sa mood para gawin 'yon. Iniwasan niya lang ako ng tingin.
"Sabi ko sa 'yo, Beh! Hindi man lang nahiya! Ano? Sugurin na ba natin?" tanong sa akin ni Mae subalit tumawa lang akonat umiling. Hindi ako ganoong uri ng tao. Mas gusto ko lang na tahimik na natatapos ang lahat. I don't really like to be involve with a fight.
Nilibang ko lang ang sarili sa pakikipagtawanan kina Lisa kahit na gusto ko na lang umiyak. Mabilis lang akong patawanin lalo na kapag bad mood subalit kasing bilis din kapag naiiyak dahil lang sa mga bagay-bagay. Ni hindi ko naramdaman ito noong makita si Lisa at Marco noon. Parang pinipiga ang dibdib ko sa sakit habang pinagmamasdan si Maurice at Sandara nag-uusap. May pahampas-hampas pa si Sandara rito habang ngumingiti naman si Maurice. Idagdag mo pa ang panunulsol ng mga katabi ko.
Hindi ko na rin talaga alam kung anong dapat na maramdaman.
Nang ako na ang sumalang, maayos ko rin naman na nagawa ang trabaho kahit na nadidistract kay Maurice na nakatingin lang sa akin.
Nang matapos ang photoshoot sa akin. Nilagpasan ko na lang siya. Hindi katulad nang madalas gawin na aayain pa itong tumakas para lang mag-lunch.
"Tara na," matamlay na saad ko kina Mae subalit mukhang may gustong sabihin.
"May lunch daw," aniya.
"Pupuwede bang hindi na ako sumama riyan, Cia? May next shoot pa tayo, 'di ba?" tanong ko kahit na alam namang hapon pa 'yon. Hindi naman sila makatingin sa akin dahil do'n. Alam din na masama ang loob ko subalit wala rin talagang magawa dahil nakatataas daw ang nag-utos.
"Sige," ani ko na tumango na lang.
"Mabilis lang ba 'yan?" tanong ko. Hindi naman nila alam kung paano sila tatango. Mas lalo lang akong natahimik nang nasa iisang table na lang kami. Talagang tumapat pa sa akin si Maurice na siyang kinakausap pa rin ni Sandara. Tangina talaga niya, gusto talagang ipamukha sa akin na may bago na.
Hindi ko na lang pinansin at nanatili ang mga mata sa pagkain. Marahan ang bawat pagsubo at wala ni isang nililingon sa table. Gusto ko ng umuwi at kanina pa rin gustong maiyak. Sino ba kasing nakakataas 'yan?
"Tapos ka na?" tanong ni Maurice nang makitang tapos na akong kumain. Ni hindi naubos ang nasa pinggan ko. Kita kong napatingin sa akin ang tahimik na mga staff.
"I'm on a diet," ani ko na tipid na ngumiti. Kita ko naman ang pagtiim ng bagang niya habang nakatingin sa pinggan ko.
"But I'll eat it, Sir..." sambit ko na lang dahil siniko rin ako ni Cia. Sabagay nakakabastos nga naman na hindi ito ubusin lalo na't mamahalin.
"Don't force yourself to eat if you don't—" Hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy lang sa pagkain. Nang matapos, nakita kong may cheesecake na rin na panghimagas subalit hindi ko na nagawang kumain dahil atat na atat na akong umalis.
"Maghihintay na lang ako sa kotse, Cia," ani ko kaya nilingon ako ni Cia. Sa huli'y nagtungo lang din ako sa kotse. Doon na bumuhos ang luha ko. Tinted naman kaya walang makakaaninag sa akin. Ang malakas nga lang na hikbi ang maririnig dahil hindi naman soundproof ang kotse. Sobrang frustrated sa nadarama. He likes Sandara! Kaya nga siya balik nang balik sa bar noon.
Nahinto lang ako sa pag-iyak nang makita si Maurice na kumakatok sa kotse. Pinigilan ko ang magpakawala ng ingay. Agad ko ring inayos ang sarili. Laking pasasalamat na lang din talaga dahil dumating din naman agad sina Cia.
Tahimik na ako sa mga sumunod na trabaho. Wala rin akong pasok kaya dumeretso lang sa pag-uwi.
"Bakit namamaga 'yang mata mo?" tanong ni Lola sa akin. Yumakap lang ako. Hindi na siya nagtanong pa at tinuro ang binake niyang blue berry cake.
"Gusto ko pong cheesecake," ani ko. Napailing na lang siya sa akin dahil dito. Ganitong-ganito ako noong elem at high school. Kapag sobrang frustrating ng araw ay si Lola ang manlalambing sa akin kahit hindi naman siya ang may kasalanan.
"Blue berry cheese cake 'yan, magtigil ka!" aniya subalit sa huli'y nilapitan ako para yakapin.
"Ano na naman ang problema mo?" tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko.
Matagal lang akong nakabuntot kay Lola bago nagtungo na sa cr para maglinis ng katawan. Tapos na ako sa lahat ng gagawin kaya nahiga na lang ako habang pascroll-scroll sa facebook.
Matagal lang akong nanatiling ganoon habang pinag-iisipan kung itetext ko ba o hindi si Maurice. Napakagat na lang ako sa aking mga labi habang pinaglalaruan ang phone. Agad akong napatalon sa gulat nang makitang may mensahe galing sa kaniya.
Maurice:
Are you asleep?
Hindi ko naman alam ang irereply ko. Bakit niya ba ako tintext pa kung may iba naman na siyang gusto. Mas nawalan pa ng gana nang makita ko ang tag photo sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan.
Kaya naman pala nagtatanong dahil night out with friends na ito. Ang malala'y nakita ko pa si Sandara sa litrato. Nasa katapat na upuan ni Maurice.
Kumuyom lang ang kamao ko at hindi mapigilan ang sama ng loob na nararamdaman. Inis na inis ako subalit ano nga bang magagawa ko? Alangan itali siya sa akin? Bakit nga ba hindi ko na lang din tapusin? I know that we're not in relationship but there's something going on between the two of us.
Ako:
Nasaan ka?
Sa huli'y napagpasiyahan na kauusapin ito ngayon subalit agad na kumulo ang dugo nang mabasa ang reply niya.
Maurice:
I'm just staying at home.
Hindi ko mapigilan ang mapasimangot dahil sa sagot niya. Sa bahay lang daw! Sinungaling! Napairap na lang ako at inilapag ang phone sa study table. Tama rin naman kasi sila, hindi naman magseseryoso 'yon. At maganda lang ako. Marami ring magaganda ang nakaaligid sa kaniya.
Nakita kong tumawag siya subalit agad ko ring pinapatay. Napairap na lang ako dahil do'n. Gusto raw ako! Sinungaling! Napakasinungaling niya! Tangina, bakit ba ako nagpauto?
"Hello!" inis na sinagot ko ang phone.
"Hoy, bakit highblood ka agad, huh?" Napanguso ako nang mapagtanto na si Ren pala 'yon.
"Wala," ani ko na nakasimangot pa rin kahit na kaibigan na ang tumawag. Mas lalo pang sumama ang loob dahil hindi siya ang tumatawag.
"Problema mong gaga ka? Halika rito! Hindi ko na sumasama sa amin. Isa pa nang kumalma ka naman. Halatang inis na inis!" Wala ako sa mood na mag-party subalit sa asar ko kay Maurice ay nakita na lang din ang sarili na nag-aayos. Pinatay ko lang din ang phone ko. Manigas ang Maurice na 'yan diyan. Asa-asang ka rin talaga na susuyuin ka, Hati. Napairap na lang ako sa aking sarili.
Nang makarating sa bar ay agad akong sinalubong ng mga kaibigan.
"Girl! Hb na hb ang mukha mo! Chill ka muna," ani Ren nang makita ako. Hindi ko naman maiwasan ang mapairap dahil do'n.
"Gago, broken 'yan, tigilan mo," natatawang sambit ni Lisa. Nakita ko rin sina Cia na narito. Agad naman silang kumaway at sinenyasan akong lumapit. Walang kagana-gana naman akong umupo sa table kung nasaan sila.
"Hati, ang dami pang lalaki riyan!" ani Lisa sa akin. Umirap naman ako. Ang ingay talaga ng gaga. Gusto pa atang ipangalandakan sa lahat na broken hearted ako.
"Bakit? Nanliligaw naman sa 'yo si Gavin, hindi ba? Siya na lang ang pagtuunan mo ng pansin," sambit sa akin ni Cia pati ni Mae. Hindi naman ako nagsalita. Akala ata nila'y sobrang daling gawin niyon.
"Tanga ka kasi. Binantaan na kita. Hindi ka nakikinig," ani Ren na mukhang naawa sa akin.
"Tigilan niyo nga ako! Parang ngayon lang kayo nakakita ng broken hearted na maganda, ah?" tanong ko na sinamaan sila ng tingin. Imbes na makipagkwentuhan pa'y nakita na lang din ang sarili na tumutungga ng alak. Mas naging abala pa ako roon na hindi na namalayan pa ang oras.
Nahinto lang nang magawi sa entrance ng bar ang mga mata. The devil that we keep on mentioning finally enter his territory. Agaw pansin sa lahat ng nakakakita. Sino ba namang hindi mapapalingon diyan kung ganiyan kagwapo? Gago nga lang talaga. Bago pa magtama ang paningin namin ay iniwas ko na ang mga mata at nanatili na ang tingin sa inumin. Pucha kasi, bakit ba ang gwapo niyan?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro