Totoo Pala, Sayang
Akala ko kaya kong buhatin, akala ko kaya kong baguhin.
Kung gusto mo maging "somebody" dumikit ka sa mga taong kaparehas mo ng goals.
Hindi ito pagiging user-friendly. Hindi PALA ito pagiging user-friendly, walang mali doon.
Jive with people na kapareha mo ng values kasi kung hindi mahihirapan kang makapunta sa direction mo. You are the average of five people you are always with.
Pangarap kong mag valedictorian pero wala akong ginawa para ma-achieve 'yon at hindi ganoon ka-supportive ang mga kaibigan ko.
Hindi ko sinasabing nagkulang sila o hindi tunay na kaibigan kami sa isa't isa, it is just that iba ang perspective nila.
Ang tingin nila sa school, makapasa lang ayos na. Hindi sila katulad ng mga kaibigan ko noong junior high school na willing mag-step forward at kunin ang leadership.
Ni hindi nga nila ako ma-elect as the president of the class. Mali ba nila? Hindi.
Nagtampo ba ako deep inside? Oo. Pero sinong may kasalanan? Ako.
Oo, ako and I take full responsibility sa sarili ko.
Una palang alam ko nang iba kami ng values at pinapahalagahan. Una palang hindi ako naging vocal sa pangarap kong manguna sa klase dahil gusto ko it will come as a surprise pero naging hipokrito lang ako.
Mali ako dahil ang circle of friends, choice 'yan. Hindi yan something na tatama nalang sa'yo. Hindi yan kusang mahuhulog sayo mula sa langit.
Hinihingi, hinahanap. Winowork-out.
Kaya alamin mo sa sarili mo ang gusto mong maging and surround yourself with people who share the same values and beliefs.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro