stop bringing people from the past to your present
Stop. Just stop. Stop relieving those memories. Stop thinking about it over and over again.
Huwag mo nang hugutin sa memory bank mo ang mga alaala ng nakaraan dahil habang ginagawa mo 'yan, hindi mo namamalayan, na-aalter mo na pala ang totoong nangyari. Naiisip mo ang certain scene tapos may nababago na doon, it is either mas pinaganda mo o mas lumala - either way, parehas lang iyon na detrimental sa health mo.
There is a reason why your ex is an ex and why you've blocked some of your friends.
You did that because they have done something to you, constantly, that caused you negative emotions or turned you into a negative person.
Stop taking them back because they are still the exact same person.
If you cannot accept them, then let go. Hindi 'yong pipiliin mo sila at pipilitin. Pipiliting maging ganito, maging ganiyan. Para kang bumili ng ripped jeans pero ayaw mo pala ng may butas-butas kaya ang ending nagtatahi ka. You don't have to go through so much adjustments and heartaches at ipilit kung hindi kayang mag meet talaga ng ends.
I am not implying that those people are bad person but if they are taking energy more than they are giving, because relationships are like that, give and take, then, that person is bad for you.
And it is okay to cut ties with them, IT IS OKAY TO LET GO OF THEM. You might miss them at first but eventually, you feel how free of a person you are.
And when you feel that sense of empowerment, na ah omg pwede naman pala ang maging ganito ako kalaya, don't blame your past self, stop crying over the spilled milk. Instead, be thankful of yourself for taking the step to move on and let go. thank yourself for having the courage to stand up, take the step and move forward kasi may mga tao talagang pang-acquaintance lang.
May mga tao talagang pansamantala mo lang makakasama sa journey mong iyan. ang letting go of those people does not mean that you have to resent them for life, 'no.
instead, be thankful pa rin sa kanila, sa pagdaan nila sa buhay mo kasi if it was not for them, you would not know your boundaries in life.
they brought you closer sa kung sino ka talaga at nakatulong sila upang ma-form ang pagkatao mo. Kung 'di dahil sa kanila, hindi mo marerealize na, ah, ayaw mo pala sa taong marunong pang mag-invite sa kung sinong gusto mong isama sa mga lakad mo, na ah, ayaw mo pala sa mga taong matinding mag-mura (na dati akala mo ay hot lol)
na ah, nakakaturn-off pala 'yong mga taong mabait sa'yo tapos makikita mo kung paano maging gago sa iba (bagay na kinakakikiligan mo dati kasi nababasa mo sa wattpad, ganoon ang ideal man).
'Yong mga ganoong bagay...
Na refine ang choice mo sa buhay. Na hindi ka kainan na pwedeng pasukan nalang basta ng mga tao at aalis kung kailan nila gusto at para kang tangernger na hi, thanks, come again *with a smile*
Na realize mo na HINDI MASAMA ang mag-set ng boundaries at piliin lang ang mga taong papapasukin mo sa buhay mo.
na you CAN set boundaries, dahil kaya mo naman talaga.
na you SHOULD set boundaries, dahil 'yon ang dapat.
na you MUST set boundaries dahil kung hindi gutay-gutay kang nilalang ka, sinasabi ko sayo.
Ito ang natutunan ko sa ilang years kong experience at ang dami na ring nawala sa akin, sad but ang dami kong natutunan. sana ikaw rin na nagbabasa, habang maaga pa, sana ma-save kita with my own little way. kung sakali mang nandiyan ka na, I hope and pray na sana hindi ka maggive up sa life. Stand up, bitch! Iiyak lang, break down saglit pero sana maging happy ka ulit. I will provide my step by step guide to happiness na kung sa gitara ay kinapa ko pa. Dahil putangina naman! Wala talaga akong nakitang manual kung paano maging masaya step by step, taragis hahaha. this is my arrangement, my way. It might work for you, it might work talaga. 'Di pwedeng hindi 'no, naniniwala ako na kahit papaano ay magsshed ito ng light sa'yo.
love love,
mfollower (pamc)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro