Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Harapin Mo

Natatakot ako. Inaamin ko natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit, basta natatakot ako.

Siguro dahil alam ko sa sarili ko na ang lakas-lakas kong tingnan sa labas kaya natatakot akong baka hindi ako kampihan.

Natatakot ako dahil alam ko sa sarili ko na palagi kong pinapalabas na masayahin ako at kaya kong tumayo, kaya naman oras na papipiliin siya, sa aking palagay, ay ako ang matitira dahil sa isip niya ay kaya ko naman na wala siya.

Masakit na mabasa ang mga pag-uusap nila, masakit na makita na magkasama sila ngunit tanggap ko na na ito ang ibinogay sa akin ng universe upang maging mas malakas ako.

Minsan, inaaamin ko, napapaisip ako, ano kaya kung maging mahina naman ako? Ano kaya kung ako naman ang maging needy? Ano kaya kung ako naman ang maging selfish at immature?

Pero hindi, eh. Life does not work that way. Nagising ako, maling lesson pala ang napulot sa sitwasyong aking kinasadlakan. Kaya pala hindi ako makaalis-alis dahil taliwas pala sa mensahe ng tadhana ang aking nakuha.

Walang masama sa pagiging malakas, walang masama sa pagiging matibay. Huwag ka sanang mag-alinlangang kunin ang mas mabigat na responsibilidad dahil lang gusto mo ng mas madaling buhay.

Sa mga pagsubok na pinagdadaanan natin, dito tayo tumatatag.

At hangga't hindi mo nakukuha ang lesson na para sa iyo, hindi ka makakaalis sa problemang iyan.

Huwag kang makonsensya dahil ikaw ay masaya. Huwag kang magpamanipula sa mga taong umaaktong biktima.

Mali ang magpaalipin ka sa mga sinasabi ng iba sa kagustuhan mong i-please sila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro