5: Sa Messenger
June 26, 2019 6:56 PM
Dashielle Gamboa:
Snow?
Niyebe?
Pinaghihintay mo naman ako
Uy
June 26, 2019 7:24 PM
Dashielle Gamboa:
Snow
Tayong niyebe
Magre-reply o magre-reply ka?
Paasa ka talaga kahit kailan
Huy
Ano naaaa
June 26, 2019 8:14 PM
Snow Reyes:
Sorry po. Napag-utusan lang.
Dashielle Gamboa:
Usap na tayo
Nawawala ka na naman
June 26, 2019 8:34 PM
Snow Reyes:
Sorry ulit, okay didiretsuhin na kita.
Dash, kung sinabi ko ba nang mas maaga na gusto rin kita noon, tayo ba ngayon?
Dashielle Gamboa:
???
Snow Reyes:
Naiisip ko kasi minsan, paano kung mas maaga kong narealize na hindi mo naman talaga matutukoy kailan ang tamang panahon. Hindi na sana ako nagsayang pa ng oras.
Dashielle Gamboa:
Siguro oo, siguro hindi.
Baka kasi hindi lang talaga tayo itinadhanang magkatuluyan.
Kasi biruin mo, pareho naman pala tayo ng nararamdaman pero ang daming sitwasyon ang nag-iwas sa atin sa isa't isa.
Snow Reyes:
Paano kung tayo pa rin pala balang araw?
Dahielle Gambao:
Hindi natin iyan alam
Ngunit sa ngayon, gusto kong makatuluyan si Rince. Mahal ko siya, alam mo 'yan.
Snow Reyes:
Siguro nga.
Salamat, Dash
Dashielle Gamboa:
Salamat sa usapang ito, Snow.
Alam kung hindi naman na ito kailangan ngunit mas maganda pa rin iyong malinaw na tayo ngayon sa isa't isa.
Snow Reyes:
Dash?
May tanong pa ako.
Dashielle Gamboa:
Po?
June 26, 2019 9:35 PM
Snow Reyes:
Mahal mo pa ba ako?
Iyong totoo
Dash?
Sorry, nabigla ba kita sa tanong ko?
June 26, 2019 9:51 PM
Snow Reyes:
Dash, sorry ☹
Snow Reyes changed his nickname to Niyebe
Niyebe changed your nickname to Dash the Flash
June 26, 2019 10:23 PM
Dash the Flash:
Gagi, anong klaseng nickname 'to HAHAHAHAHA
Niyebe:
Hoy, iyong tanong ko.
Dash? Nawawala ka na naman eh
DAAAAAASH
Dash the Flash:
Hindi na Snow
Sorry may chat kasi si Rince
Niyebe:
Mahal mo talaga siya noh?
Dash the Flash:
Yes 😊
Siya ang pahinga ko, Snow.
Siguro hindi ito kagaya ng naramdam ko noon sa iyo. It was not like the rollercoaster ride of emotions. It's sometimes boring lalo na nitong tumatagal na kami. But you know what I've learned?
This is the reality. When you commit to a relationship, you have to be ready for the boring days. In reality, it's not always about the heart pounding efforts, the extravagant actions and surprises. Hindi lang basta tungkol lagi sa mga nakakakilig na salita at aksyon ng ka-relasyon natin.
When you really love someone, you have to be ready for the stormy and boring days too. Hindi naman movie, fairytale at wattpad lagi ang buhay.
Sometimes, even the comfortable silence and their very existence ay sapat na. You become contented with what you have.
Hindi man ito kasing intense gaya ng naramdaman sa iyo dati, but I know it's just what I wanted.
HAHAHAHAHA shemay nagmonologue ako.
Niyebe:
That I would agree.
Razzelle became my home too.
Sana magtagal kayo, Dash.
Dash the Flash:
Kayo rin, sana magtagal kayo😉
You know what, it's kinda tragic when I say it like this:
Kahihintay natin sa isa't isa, nahulog pa tayo sa iba
Hahahaha, but I was thankful, Snow.
Niyebe:
Good things come to those who wait, Dash
Salamat sa paghintay sa akin noon.
Dash the Flash:
It's kinda poetic talking about this hahaha. Pero salamat din, Snow.
Salamat sa paghintay mo sa akin noon.
-END-
Note: Sorry for the short ending at pati kung hindi ito ang inaasahan ninyo haha. But thank you so much for reading this story 💖❤ I hope ay nakuha po ninyo ang mensahe na nais kong iparating sa istoryang ito. Muli, maraming maraming salamat po ❤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro