Pag-ibig Ni Dalisay
O anong saklap ng ating kapalaran
Sana'y mapatawad mo ako aking sinta sa aking kasalanan
Matagal kong hinintay ang pag-ibig na iyong iaalay
Kaya bawat gawin ko'y nilapatan ko ng husay
Upang mapansin mo ang aking kariktan
Ngunit ng inibig mo si Selya'y puso koy lubos mong sinaktan
Oo pinagkanulo kita nabulag ako ng kadiliman
Na kong di ka rin iibig sa akin wala sa iyong makikinabang
Ngayon heto ka ng dahil sa akin
Isang malamig na bangkay di ko ito ipinalangin
Bagkus ako'y nangarap sa mga alitaptap ng kalangitan
Na sa paghuli nila sa iyo baka puso mo'y matauhan
Na heto ako ang siyang nag-alay sayo ng lahat
Ang tumulong sayong magwagayway ng watawat
Ngunit kapalaray sadyang mapaglaro
Ikaw na pinakamamahal koy agad ginawang paru-paro
Oo ng dahil sa akin, akong si Dalisay
Kaya bago ko kunin ang sarili kong buhay
Patawad aking kaibigan, patawad aking mahal
O kay sarap mahimlay sa'yong dibdib
Sana'y sa kabilang buhay ako na ang iyong pag-ibig...
Written: 01/19/2015
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro