Paang Makabayan at Ka Ben
"Ito ba ang iyong solusyon" ani Ka Ben
Ang mapaos sa lansangat damputing walang laban
Na pag-asay makakamtan sa iyong panulat at pananalita lamang?
Mapipigil ba ang nagwawalang Leon sa pamamagitan ng lapis at papel na tangan?
Ito ang punyal, ito ang baril! Ang mga ito ang siyang kikitil
Bagay na papaslang sa mga mapagmaliit at mapanupil.
"Ang pagdanak ng dagatang dugo'y malayo sa aking isipan" mahinahong tugon ni Paang Makabayan
Ang pagkitil ng buhay ay tanging may karapata'y Diyos lamang
Lapis at papel na sandata ko'y makakasugat din ng makailan
Makakaantig ng milyong puso at tiyak kong makikiisa sa ating laban
Hanggang mga kadigma nati'y matauhan na mali ang kanilang pamamaraan
Ka Ben ang malililok natin ngayo'y aaklatin ng kinabukasan....
written: October 23, 2014 @ 8:00 PM
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro