Huling Sigaw
Di napiga, di nagturo, mga kasamahan sa pag-aaklas di binuko
Sa seldang puno ng pagdurusat pangungulila
Sa asawa, sa bagong silang na anak at sa mga nakasama sa kalsada
Ngunit di sya kailanman nawalan ng pag-asa
Bugbug man ang katawa'y sa labi umukit ang ngiti
Nang marinig ang balitang libong kababaya'y sa lansangan humihikbi
Maramo't man ang kapalarang sa kanyay itinakda
Sapagkat baril na itinutok sa noo niya'y sadya ng sa kasaysayan nakamarka
Sa pagkalabit ng gatilyo'y sinabayan nya ng sigaw
'Mabuhay ka bayan kong aking pinakamamahal' boses niya't baril sabay umalingawngaw...
Written: 01-19-2015 @ 9:00 pm
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro