Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

3 | para sa makatang hindi naririnig

Mistulang tinititigan, mga salitang kinatha
Iniisip kung ito ba'y maririnig pa ng madla
Mga talatang sinulat sa gitna ng taas't baba
Ano ba ang saysay nito kung ang puso'y hindi handa?

Ang isang makata ay ito: isang taong may damdamin
Isang taong tumitingin, isang taong malikhain
Sila'y mga nakakakita ng ganda ng takipsilim
Ikaw, isang makata ba ang tingin mo sa akin?

Ang mga taong di naririnig ay ang mga taong nilagpasan
Sa dagat ng mga mukha, di sila ang pinuntahan
Magsasalita, ngunit ang mga tinig'y tinabunan
Ikaw, ganito rin kaya ang nararanasan?

Para sa makatang ilang tagpong niyurakan
Hindi lahat ng awit ay narinig at napakinggan
Sariwain ang dahilan kung bakit to sinimulan
Sapagkat tayo'y makata at patuloy na lalaban

Ginawa ko ito para sa final project namin sa Filipino noong SHS. haha. Pinaprint sa vellum at pinaframe pa. Nandito pa sa akin yung framed na kopya nitong tulang ito. Lalabinganimin ang sukat at pumapatungkol ito sa mga nararamdaman ko noon bilang isang manunulat.

Sa totoo lang, totoo pa rin ito hanggang ngayon.

Ikaw, anong masasabi mo sa tulang ito? Magcomment sa baba. :)


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro