Charm
Ang storyang ito ay may katotohanan. Nagsimula ang lahat ng makadiskobre ang isang sikat na archeologist ng isang gumuhong sibilisasyon sa kalagitnaan ng Mt. Cristobal. Marami silang nahukay na kayamanan at iba't-ibang reliko, ngunit ang pinaka mahalaga sa lahat ay ang nakuha nyang dyamante sa loob ng isang silid na nakatago sa loob ng kuweba. Sa tabi nito ay nakaukit ang katagang "Ang humihingi ay pagbibigyan, ang kumukuha ay mawawalan". Ang diyamante ay kahugis at singlaki ng itlog ng manok at ang gitna nito ay butas, kung saan ito ay nakatali sa isang maiksing na gintong chain.
At dito na nga nagsisimula ang ating kwento...
~~~~~
Archeologist: Ikmo, talagang sinuswerte tyo sa bago nating 'find'! Halika, may ipapakita ako sayo...
Ikmo: Ano yun?
Arche: Tignan mo itong nakuha ko... (ipakita ang diamanteng itlog) ang laking diamante nito, di ba? Itinago ko nga agad para di mapunta sa museum e...
Ikmo: Oo nga no, kakaibang dyamante yan... mukang blue diamond... at ang laki pa!
Arche: Oo Ikmo, at dahil ikaw ang matalik kong kaibigan, sayo ko lang ipinakita ito!
Ikmo: (nanlalaki mata) pwede ko bang hawakan?
Arche: Di pwede, tingin lang!
Ikmo: sige na pare, tignan ko lang ng malapitan...
Arche: sige na nga... pero sandali lang ha? (inabot kay ikmo ang diamante)
Ikmo: ang bigat nga... at ang kapal ng gintong nakatali... pare milyon ang halaga nito!
Arche: oo alam ko, kaya nga tinago ko agad e, masasayang lang yan sa loob ng isang museo! (kukunin na uli ang diamante...) o, tama nang tingin, akinang diamante ko...
Ikmo: sandali lang, tinitignan ko pa e!
Arche: kanina mo pang tinitignan yan e!
Ikmo: sandali lang sabi...
(nag-agawan ang dalawa -- nasa tabi sila ng bangin, naitulak ni Ikmo ang arkiologist, napasandal sya sa marupok na bakod sa tabi ng bangin na madaling bumugay, nahulog ito, pilit pa rin inaabot ang diamante, agad ibinulsa ni Ikmo ang dyamante at humingi ng tulong...)
Ikmo: Saklolo! May nahulog sa bangin!!!
~~~~~
(sa loob ng bahay ni Ikmo, nag yoyosi sya habang bagbabasa ng dyaryo, ang headline "Archeologist Falls to His Death in Mt. Cristobal)
Ikmo: (nerbyos) wala... wala akong kasalanan doon... (hithit sa yosi) aksidente ang nangyari... hindi ko sinasadya ang... (ding-dong! nagulat si Ikmo sa tunog ng doorbell, agd syang tumayo at naglakad palabas ng kwarto, di nya napansin ang yosi na nahulog sa luob ng drawer, katabi ang diamanteng itlog at ilang mga papeles)
Pulis1: Magandang araw po...
Ikmo: AHay! Ah... Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo, sir?
Pulis2: May konti lang po kaming gustong itanong sa inyo tungkol sa pagkahulog ng inyong kasamahan sa bangin...
Ikmo: Ah... tulad ng nasabi ko na, naglalakad kami pababa ng bundok ng madulas sya at bumigay ang railing sa gilid ng bangin...
Pulis1: wala ho ba kayong pinag awayan na kung ano?
Pulis2: nakita ho kasi namin ayon sa mga foot prints sa pinagyarihan ng aksidente, na tila nagkaroon ng 'resistance' o away kaya...
Ikmo: WALA! Wala akong naaalala! Isa pa, ba't kami mag-aaway, e matalik kaming magkaibigan?!? Baka ang nakita nyo e ang bakas ng aking paa habang pilit ko syang hinahatak pataas!
Pulis2: Akala ko po ba e, sabi nyo masyado kayong malayo kaya di nyo agad sya naalalayan...
Ikmo: OO -- tama, pagdating ko sa tabi nya ay huli na ang lahat... naabot ko na lang ang kanyang daliri... ngunit... ngunit...
Pulis1: (sniff -- may sinisinghot...) may naaamoy ba kayong nasusunog?
Pulis2: Oo nga no... parang galing dun sa kwarto...
(napatingin si Ikmo sa pinanggagalingan ng usok at napatalon patayo)
Ismo: ANG ITLOG KO!!! (sabay takbo sa pinto, pagbukas, sinalubong sya ng apoy, ngunit pumasok parin ito sa nagliliyab na kwarto... maya-maya pa, patay na ang apoy, tupok na ang bahay, at may inilabas ng stretcher, may takip na ang nakasakay dito...)
~~~~~
Sa sunog pa rin, naghahanap ang mga fire-fighters ng pinagmulan ng sunog, ang isa sa kanila ang nakakita sa diamanteng ginto at agad itong binulsa matapos tumingin-tingin sa paligid...
fireman: hehehe... swerte talaga ako ngayon... sino naman ang magaakalang may matitira pang mapagka-kwartahan sa natupok na bahay na yun... malamang ito ang sinasabi ng dalawang pulis na sinisigaw ni Ikmo na itlog... (tayo sa pagkakaupo at lapit sa isang safe sa likod ng litrato ng santo) dito ka muna kasama ng iba ko pang mga 'koleksyon' (mga alahas atbp. nakukupit sa mga sunog na bahay) kailangan ko pang pumasok sa trabaho... gehehehe... malay natin may mapulot uli akong bagong makakasama nyo!
(lumabas ang fireman, pagdaan, 2 pares ng mga mata ang lumabas sa dilim -- mga salisi gang/akyat bahay)
dorobo1: Pare, nakaalis na!
dorobo2: lika pasukin na natin!
dorobo3: totoo naman kaya yung tsismis na maraming tinatago yang isang yan? Eh pare-pareho lang naman tayong mga taga squatter's area!
dorobo2: Basta't sumunod ka na lang! (nakapasok na ang 3 at agad dumiretso sa kwarto) Ang sabi nila e madalas daw itong may kinakalikot sa likod ng litrato ng sacret heart at tumatawa ng kakaiba... (ibinaba ang litrato at nakita ang safe sa likod) o, kita mo na? (nilapit ang tainga sa safe at maya-maya ay bukas na ito...)
dorobo1: WOW! Ang dami nga nito! (ipinapasok ang mga alahas sa loob ng bag) may silbi rin palang pagiging tsismosa ni aling Inday 'no?
dorobo3: Tignan mo tong isang 'to! (kinuha ang diamanteng itlog) Eto, siguradong malaki ang makukuha natin dito!
(biglang bukas ng pinto, pasok ang fireman)
fireman: Sa lahat naman ng pwedeng maiwan, yung wallet ko pa... (nakita ang 3 magnanakaw) Hoy! anong ginagawa nyo sa pamamahay ko?! (nakita ang dyamanteng itlog) Hoy! Akin yan ha?! (sabay dukot sa pants ng baril)
dorobo2: Takbo na!!! (tumalon ang dalawa sa labas ng bintana)
fireman: bumalik kayo dito!!! (nagpaputok ng walang pakundangan)
dorobo1: Takbo pare! dali!!!
dorobo3: S-sandali! natamaan ata ako... (nagdudugo na ang binti ng isa at nahihirapang maglakad) tulungan mo ko...
dorobo2: Ano, e di pati kme nahuli!
dorobo3: Pare... wag nyo akong iwan... (inaabot nya ang kanyang kasama, nakapulupot ang diamanteng itlog sa kamay, napatingin dito ang kumpare nya)
dorobo1: Sige pare... (sabay hatak sa diamante) kami nang bahala sa parte mo! (tumakbo paalis)
dorobo2: Tama bang iwanan nalang natin yung isang un? Baka mamaya e idawit tayo nun sa mga pulis!
dorobo1: Huu... e ano naman kung magsumbong sya? (itinaas ang diamanteng itlog sa makulimlim na langit) sa makukuha natin dito, kahit saan, pwede tayong magtago!
(biglang kumidlat at kumulog)
dorobo2: sige, halika na, pare, bago nila tayo maabu-- (napatignin sa kausap nya, tinamaan ng kidlat, hawak pa rin ang diamante) HWAAAA!!!!
~~~~~
(sa ibang dako, may isang binatang madumi at puro pasa ang naglalakad sa ulan, malungkot ang kanyang mukha at mukhang malalim ang iniisip...)
boy: Haaaay... napag-initan nanaman ako ng mga tambay sa kanto... tapos nahulog pa ako sa estero kanina habang pinupulot yung nahulog kong pamasahe sa kanal -- na di ko na nahanap! napaka malas ko talaga... T-T
dorobo2: Hiiiiiiiiiiii!!! (tumatakbo, iisa ang sapatos, madumi ang itsura at duguan)
boy: eng? ano kayang problema nya? (naglalakad sya ng tumama sa hinlalaki nya ang isang bagay) arekup! di pa ba sapat yung mga kamalasan ko sa araw ko ngayon... (tumingin sya sa baba at nakita ang diamanteng itlog) Ah, ano to... (pinulot) baka nahulog to ng mama kanina... (tingin sa paligid) nasaan na kaya yung mama... (nakita sa may malayo, tumatakbo) ayun! Sandali! mama! Nahulog nyo yung key-chain nyo! (hinabol ang dorobo)
~~~~~
dorobo2: Haaaay...! Sa wakas, nawala na ang sinumpang itlog na yun! Sobra... di ko akalain na susundan ako ng malas habang nasakin ang diamanteng yun!
boy: Manong! (humahabol, kumakaway, hawak ang diamanteng itlog) Manong nahulog nyo po ito!
dorobo2: Waaaaaah! Lumayo ka sakin!!!
(tumakbo uli ang dorobo, sa pagtakbo, nadulas ito at muntik nang masagasaan, nakagulong agad ito palayo, pero yung sasakyan sa likod hindi agad nakahinto, umiwas ito at tumama sa poste, habang tumatakbo yung dorobo, tawag pa rin ng tawag si boy. Yung poste gumewang gewang at nahulog, muntikan na yung dorobo, dumapa agad sya, diretso to kay boy)
boy: eng? (pinapanood nya habang pahulog sa kanya ang poste) eng? (nahulog at pumatong ang poste sa bubong ng isang waiting shed sa likod ni boy-- ilang inches lang ang layo sa mukha nya)
dorobo2: (nakatakip ang 2 braso sa ulo, tumingin sya kay boy) Waaaaahhhh!!! (takbo uli paalis)
boy: kawawa naman yung mama, parang nadadamay pa sya sa kamalasan ko... (runs after) sandali lang po, ibabalik ko lang po ito sa inyo!
(construction area, tumatakbo pa rin yung dorobo, napaapak sya sa wet cement at lumubog, nahulog sya at tumama ang braso sa isang mesa na gawa sa plywood na nakapatong sa hollow block, may nakapatong ditong martilyo, lumipad ang martilyo at tumama sa ulo nya -- nag s-squirt ang dugo pero buhay pa rin)
boy: nako, manong! ingat po kayo! (yung lumipad na plywood, naglandong sa wet cement, doon umapak si boy)
dorobo2: Lumayo ka sakin!!! (takbo uli paalis)
boy: sandali lang po... (tumakbo ang dorobo, nadulas, tumakbo uli, muntik nang masagasaan, tumayo uli...) boy: manong, sandali lang po!!
(naghabulan pa ang dalawa, hanggang sa huli di na makayang tumakbo ng dorobo, gumagapang na sya palayo)
boy: manong sandali lang po...
dorobo2: w-wahg kang... lumapit...
boy: ibabalik ko lang po itong key chain nyo...
dorobo2: ayoko... ayoko na... nyan...
boy: ho? e... ano hong gagawin ko dito?
dorobo2: ITAPON MO!!!
boy: (tinignan ang diamanteng itlog) sayang naman po kung itatapon nyo na lang sya basta basta! Kung ayaw nyo na ho sa kanya, pwede ho bang hingin ko na lang sya sayo?
dorobo2: sige na! ibibigay ko na yan sayo! iyong-iyo na yan!!! (umiiyak na) ngayon, parang awa mo na! lumayo ka na sakin!!!
boy: Talaga po, manong? (malaki ang ngisi sa mukha) maraming salamat po! ^_______^
(naglakad na paalis si boy, nakangisi, samantalang ang dorobo naman ay pagapang na lumayo. nagpunta sya sa loob ng isang deserted na kwarto at huminga ng malalim)
dorobo2: haaaay, salamat, nakaligtas din ako...
(sa labas ng blg, may notice na nakalagay - foreclosed for renovation or something- basta ibigsabihin gigibain na yung blg)
construction worker1: O, nailagay nyo na ba yung mga dinamita?
construction worker2: oo, clear na rin ang area, wla nang tao sa loob...
(naglalakad palayo si boy, nakangisi pa rin ng narinig nya ang isang malakas na pagsabog)
boy: Ah! Ngayon nga pala yung paggiba nila dun sa lumang building sa may kanto, ang malas ko naman, di ko nakita!
nene: Uy boy! andyan ka lang pala!
boy: nene! kamusta?
nene: baaa, mukhang masaya ka ha? Wala bang nangyaring masama sayo ngayon?
boy: wala naman... tignan mo o, may nagbigay sakin ng goodluck charm ^_^
nene: wow, ang cute naman nyan, arbor na lang!
boy: ayan, hiningi ko nga yan para sayo e!
nene: wow, thank you ha?
(at umuwi na ang magkaibigan, sa likod nila, nagliliwanag na ang langit at lumabas ang isang bahag-hari...)
--THE END--
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro