Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 7

Kabanata 7

Twirled Beneath the Twinkling Stars



Tumaas na ako at halos lahat nang mga tao ay nakadikit ang tingin sa'kin. 'Yung iba tumitilili, 'yung iba nakatunganga lang, 'yung iba naman nanlilisik ang mga mata. Paano ba naman kasi! Nag echo 'yung mga sinabi niya sa buong basketball court!


"Hayuf ka! Ano 'yun?" usisa ni Louisse.


"Your cousin is crazy..." nakabusangot kong tugon.


"Yieeeee," sinundot ni Ate Alielle tagiliran ko.


"Alielle." Pagtitigil ni Kuya Aeacus sa kapatid nito. "Whatever." dagdag niya.


"Aeacus, pabayaan mo na ang ate mo." mahinahong tugon ni Tita Chandra.


Natapos ang basketball game nila Seus at expected naman na manalo sila. May break pa sana kami kaya lang pinagpaliban ko muna ito at napagpasiyahang mag pra-practice nalang muna para sa game naming mamayang Alas Tres. Kampante na ako na darating si Papa at Mama dahil paming ulit ko nang sinabi ang game ko sa kanilang dalawa.


"Ma, mamayang alas tres 'yung game ko ha?" pang ulit ko muli kay Mama Beth sa kabilang linya.


"Sapphire, I already know... Ikaw talaga."


"Oh! Andito na pala si Donato." Narinig ko na binigay ni Mama ang selpon kay Papa.


"Pa, punta kayo ni Mama ha?" asik ko muli.


"Yes, we'll be there, okay princess?"


"I'll wait, Pa, Ma." Saad ko.


"Bye, Love you!" sambit ko nang nakangiti.


"Mahal na mahal ka din namin nang Mama mo anak." Narinig kong tugon ni Papa. "Sobra!" sigaw ni Mama sa background.


Pinutol ko na ang tawag at nakangiting mi-ne-message muli sina Mama at Papa tungkol sa game ko.


"Sent!" ngumiti ako at lumingon sa likod ko.


"Oh, Seus?" gulat kong ani. Why is he here? Tapos na game nila, kaya dapat kumain na siya tutal break time naman na.


"Uh." 'di siya makahanap ng salitang bibitawan.


"Ano nanaman ba, Seus?" nakapamewang kong sabi.


"Good luck sa game mo." At nagmamadaling umalis.


"Anong nangyayari dun?" nalilito kong sinabi sa sarili, tumawa ako nang makita ko ang banner sa likod niya.


"Para sa game ko ba 'yan?" tumatawa kong ani sabay hawak sa labi.


Naglakad ako papunta sa isa pang gymnasium namin, ngunit mas maliit nga lang, dun kasi mostly nagpra-practice ang mga athletes. Sa malaki naman nagaganap ang mga competition.


Nakita ko sila Jessa at Louisse, mukhang busy, may colored paper at kung anu-anong art materials na nakakalat. "Jessa, Louisse, ba't kayo andito? May practice pa ako kaya mauna na kayo. Punta na kayo sa kabilang Gym at baka maubusan kayo nang upuan." Pagtataboy ko sa kanila at umupo upang tignan ang ginagawa nila.


"May seats ang Vergara, Sapphire, don't worry." Jessa smiled as she reassured me.


"Eh, ayaw ka namin ma-api, alam mo naman na medyo epal 'yang mga kasama mo." Umirap si Louisse.


"'Tsaka! May dala akong pagkain, baka magutom ka habang nagpra-practice." sabay pakita niya nang Milktea, tubig at biskwit.


"Kailan mo 'yan binili?" usisa ni Jessa.


"Naku! Mamaya pati si Sapph pagbawalan mo na din?" ngumuso si Louisse.


"Ulyanin ka talaga, Louisse." tumawa kami.


"Nakalimutan ko lang 'yung sinabi mo, Jessa..." nagkamot ng ulo si Louisse.


"Ah! Si Seus bumili nito, akala ko nga akin 'to lahat eh. Sa'yo pala 'yung iba..." tumawa kami. Tinawag na ako nang mga kasama ko at nagsimula na sa pinakahuling praktis namin.


"I know we're gonna win, kasi naman andito sa team natin si Miracle. 'Tsaka mga Varsity players tayo 'no!" Nag apir sila at tumawa. Ang iba ay kasama ko pa din samantalang ang iba ay hindi na. Hindi kasi sila nakuha nung try-out para sa Varsity.


"Ma! Pa!" yinakap ko sila. "Malapit na game ko! buti at naabutan niyo..." humina ang masigla kong boses nang makita si Vance.


"Vance!" yinakap ko siya. He's wearing white long sleeve and black slacks. He looks very formal.


"I'm sorry for not attending your last Volleyball game." Pagpapaumanhin niya.


"Okay lang!" ngumiti ako. At least andito na sila.


"Sina Manang at Manong dadalo din?" pagbabaling ko kina Mama at Papa.


"Oo, anak." ngumiti si Mama. "Oh, siya mauuna na kami sa upuan namin."


"Sina Jessa at Louisse?" tanong ni Papa.


"Nauna na, Pa." iginaya ko sila sa upuan namin. "Pa, kulang napa-reserve kong upuan, kasi 'di mo naman po sinabi na sasama si Vance."


"'Di daw muna manonood sila Mang Roel at Mang Ram, may gagawin daw." Manang Elda informed us.


"Ah..." medyo nalungkot ako. Nag angat ako ng tingin sa kanila. "It's fine!" ngumiti ako at bumaba na.


I felt a little bit sad but at least they have an extra seat for someone! 


Sapphire! Always look for the brighter side!


Nakita ko sila Louisse at Jessa, aba't may kasama pa! si Sunny? Dapat 'di na nila dinamay si Sunny, She looked innocent handing those long Blue balloons.


"I admire their efforts..." umiling ako at bahagyang tumawa.


Nagstart na ang game at nangunguna kami. Nakita ko pa si Louisse na may hawak na banner. Lumaki ang mga mata ko ang nakalagay doon ay 'Sapphire 4 da win! That's my Ghorl!' Ang Jeje... but I do appreciate it. Pero mas lumaki ang aking mata nang makita ang drawing sa tabi nito.


"Louisse can draw?" ani ko sa sarili sabay palo ko sa paparating na volleyball ball. Naging smooth naman ito kaya lang nang tumingin ako kina Papa. Nakita ko sila Seus at Papa magkausap!


"Oh, no... Sana 'di ako isumbong ni Seus! He never saw me rolling my eyes!" I worriedly said.


Nag timeout at dali-dali akong uminom ako ng tubig, nabilaukan pa ako nang makita ko si Seus at Papa naglalakad patungo sa'kin.


Makahulugang tinignan ako ni Papa habang nakangiti. "Sapphire-" 


Pinutol ko siya at sinabing "Pa... I'll go na." ngumuso ako at naglakad papunta sa mga kasama ko. Iniwan ko sila. Nakita ko naman na ngumisi si Seus.


Nagusap kaming mag team at may sinabi silang kung anu-ano.


Nagstart na ang fourth set, medyo humahabol na ang kalaban, Paano ba naman kasi, baka kung anu-ano na ang sinasabi ni Seus sa Papa ko.


"Isa nalang! Kaya mo 'to! Isa nalang para manalo kayo..."


Ready!


Paparating na ang bola, Sapphire! Concentrate! Lumanghap ako at Tinamaan ang bola. Pumikit ako. I don't know if we won. Dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata.


Naabutan kong nakayuko at mukhang umiiyak ang aking mga kasama.


Naging slow mo ang pangyayari, It looked like the movies you see in TVs.


Rinig na rinig ang boses ko dahil lahat ay tahimik. "Did we lost?" 


"Hindi, ah!" Seus hugged me. Unti-unti ko din siyang niyakap pabalik... kahit na medyo na co-conscious ako sa pawis ko.


I don't even know how he got to the Volleyball court real fast.


Humiyaw ang mga tao at ang mga confetti ay kung saan-saan. Ang malalaking drums naming ay nagbibigay ingay sa buong school. Ang colored powder ay nahuhulog mula sa itaas. Napakasaya!


Bumitaw ako sa aming pagkakayakap. "Ang galing galing mo talaga." Ngumiti siya.


Umirap ako. "Alam ko." Unti-unti niyang kinuha ang mga confetti sa ulo ko.


Umakyat ako patungo sa kanila, puro bati ang naririnig ko.


"Galing naman ni Sapphie!" bulong bulong nila. I smiled in return.


"Congratulations for making the school win!" nakangiting sambit ng mga schoolmates ko.


"Salamat... but..." I trailed off.


"It was a joint efforts. Pwede mong I-Congratulate sila... I think they're in the locker room." I smiled at them.


"Ah-" they nervously said.


"Do you want me to accompany you?" I suggested.


"Oo sana-"


"Hindi! Okay na Sapphire! Inaantay ka na ng Family and Friends mo..." the other one said.


"Sure?" I asked them again.


"Opo..."


"Gagi! Ang galing mo talaga!" bati ni Louisse.


"Thank you, Louisse..." I hugged her and pinched her chubby cheeks.


"Congratulations, Sapphie. Sabi ko na nga bang mananalo ang School natin because we have you!" I hugged Jessa.


"Congratulations, 'nak!" Tita Chandra hugged me, as if I was her daughter.


"Thank you po, Tita Chandra!" I smiled and returned her hug.


"Galing naman ni Sapphire! Main Character vibes!" Sunny smiled.


"Salamat!" I hugged Sunny.


"Congratulations, Sapphire! But who hugged you just a while ago?" bungad ni Vance sa'kin. I don't know how he's in here... I mean... the seats of Vergara's.


"Ah! O-Oo... Si-" kinakapa ko ang salitang bibitawan ko.


"Ako, Pre, bakit?" nakangising tugon ni Seus.


"Why were you hugging, Sapphire?" the tension was going up between the two.


"Bakit? Bawal?"


"Well... Don't you know that-" pinutol ni Louisse si Vance.


"Hoy! Sapphire! Tignan mo 'tong mga banner! Ang gaganda 'no? siyempre maganda din gumawa." Louisse flipped her hair and showed the different banners.


All the banners were beautiful but the one with a drawing caught my eyes.


"Salamat, Louisse! I'll keep it inside my room..." I thanked her, not only for the banner, but also for cutting the tension between the two.


"Oh, Gagi! Ano na? Tara na!"


"Yes! Let's go to Sapphire's house! The food is waiting!" Jessa smiled awkwardly after saying that.


"Huh?" Tinaas ko kilay ko.


"Handaan." Seus chuckled.


"I forgot na this is secret..." Jessa pouted.


"I'm sorry, Sapphire! I'll-"


"No, Okay lang! Ikaw talaga..." I smiled, Jessa looked so guilty.


Nagpaalam na sila Seus, samantalang sila Papa ay naglalakad papunta samin.


"Vance, paano ka napunta kina Louisse?" tanong ko, He should be with Papa!


"I saw you were heading there so I went there." He flashed his smile.


"Hi! Papa!" Nagmano ako kay Papa bago siya hinalikan. "Hi... Ma!" gayun din ang ginawa ko kay Mama.


"Nanay!" I hugged Nanay and all the other Manong and Manangs.


"Jessa! Louisse!" nagagalak na sambit ni Papa.


"Oh! ba't ano 'yang nasa taas ng ulo mo Louisse?" Tumatawang sabi ni Papa.


"Balloon, Tito!" Nag posing pa si Louisse. "Ang cute 'di ba? Saglit..." gumawa ng korona si Louisse galing sa balloon.


Dahil hindi maisuot ni Louisse ang balloon sa ulo nila Mama at Papa, yumuko sila.


"'Yan na, Tito! Tita!" Louisse proudly said.


Naghanda pala ng handaan sila Papa at Mama para sa'kin kaya lang nasabi na ni Jessa ang surprise.


"Louisse, Jessa, Sunny, Sasama kayo sa'min pauwi? Pwedeng pwede kayong sumabay..." tanong ko.


"Awts Gege! Kahit gusto ko, nagaantay na ang Van namin!" Louisse pouted.


"Same... And magpapalit pa ako." Ngumuso si Jessa.


"Sasama sana ako kaso may susundo sa'kin..." agap ni Sunny.


"Pupunta kayo sa handaan?" tanong ko.


"Yes! How could I miss my best friend's achievement party?" Unti-unting ngumiti si Jessa.


"Oo naman... Sasama din siguro si Ate Rein." sagot ni Sunny


"Talaga?!" gulat kong tanong.


"Oo... Ikaw ay Louisse pupunta ka?" tanong ni Sunny kay Louisse.


"Magpapaalam pa ako kay Mama at Papa... Sana pumayag." Bumuntong hininga si Louisse.


"Pwede kitang ipagpaalam." I suggested.


"Talaga?!" kuminang ang mga mata ni Louisse.


"Oo..." I smiled.


"'Wag na... baka pagalitan ka." Humalukipkip si Louisse.


Iginiit ko kay Louisse na okay lang, sa huli ay pinagbigyan niya ako. Nagpaalam ako kay Papa. gusto niya pang sumama para ipagpaalam si Louisse ngunit tumanggi ako.


"Sapphire, Louisse, I'll go na... My sundo is over there na oh!" Jessa waved her hand.


"Layas na! Charot! Bye!"


"Tell your driver to drive slowly and carefully, Jessa!" I shouted.


"Yes, yes, I will! I suggest you guys rehearse kung ano sasabihin niyo kay Tita Alex at Tito Louis."


"Punta na'ko... bye!" Marahang sabi ni Sunny.


"Bye! Bebe Sunny!" Louisse waved her hand.


"Ingat ka Sunny!" I smiled.


Pumasok ako sa Van nila Louisse, It was very spacious may harangan pa sa Driver at Passenger, 'Privacy' daw sabi ni Louisse.


"Hi manong! May handaan po sa bahay namin baka-" I greeted.


"Sapphie, 'wag mo sila kausapin." Sinipat ako ni Louisse, at isinara ang harangan.


"You sure na hindi tayo naririnig ng Driver mo, Louisse?" ani ko pagkatapos naming mag rehearse ng sasabihin kay Tita Alex at Tito Louis.


"Oo... sana..."


It was my first time going to Louisse' house.


"Sapphire, pakilipat nga ang laman ng bag ko dito sa isang bag." Louisse handed out her two bags.


Kumunot ang noo ko pero tumango na lamang. "Sige..." the empty bag is a Gucci bag while the other one is a simple bag.


Nakita ni Louisse ang kunot noo ko kaya nagsalita siya. "Routine ko 'to, Sapphire, One time they caught me using that bag they scolded me for it. They said I should be prim and proper." Gulat akong napabaling sa English ni Louisse.


"Is my makeup okay?" Louisse asked. I never saw her wearing this much Makeup.


"Amp! alam ko... ibang iba ako! ganun talaga!" tumawa siya.


"Sapphire, mag English ka ha? Tapos dapat seryoso lang. 'Tsaka wag mo kakalimutan na maging prim and proper. Tulad ng sinabi ko noon, Lara ang itawag mo sa'kin. Mag po at opo din!" Louisse reminded me.


Binuksan ng Manong ang Van. Nakahilera ang mga Manang nakayuko, nakauniporme lahat. Para bang inaantay ang Prinsesa. Kulang nalang talaga mukhang maglalagay na sila ng Red carpet sa dinadaanan namin ni Louisse.


Ang bahay nila ay 'di hamak na mas Malaki kaysa sa aming bahay. Sa bahay palang makikita ang karangyaan nila Louisse.


"Manang, Is my Mom and Dad inside?" Louisse kept on a serious face.


"Yes, Ma'am." Their Manang nervously said, 'yung tipong papawisin na.


Iginaya kami ng nakayukong Manang sa loob. Everyone bowed to Louisse. My eyes darted to Louisse' parents. Their outfits inside the house looked so formal.


"Good afternoon po, Mom, Dad."


"Good afternoon po, Mrs. And Mr. Vergara." I greeted.


"Lara?" they said, they sounded so disappointed.


"Mr. and Mrs. Vergara, I'd like to invite-" they cutted me off.


"Stop talking." Tito Louis interrupted me.


"We did not allow you to speak." Tita Alex laughed sarcastically.


"Lara!" baling niya kay Louisse.


"I'm sorry, Mom, Dad, I brought my friend here."


"Lara, didn't I told you to not bring any of your friends here?!" Tita Alex' voice surrounded the Living Room.


"I'm sorry, Mom, Dad..." konti nalang lumuhod na si Louisse.


"Your sorry's aren't enough!" Tita Alex rolled her eyes. "Apollo ang anak mo!" asik niya kay Tito Louis.


"All you did was to disappoint us!" Tito Louis pointed out.


"You, always, disappoint us in every aspect!" Dagdag ni Tita Alex.


"Mr. and Mrs. Vergara, I know that you usually never let Lara, go out for a party... I understand your reasons why... I appreciate it and I gladly respect it. But It would mean a lot if you consider letting, Lara, go..." Akala ko okay na ngunit hindi pala.


"Manong!" tawag ni Tito Louis.


"Yes, Sir?"


"Pakilabas 'tong walang respetong bata."


Hinihila ako ng Manong papalabas. Medyo napabagal kasi nakatingin ako kay Louisse.


"Ang bagal! Baka gusto mong masisante?!" sigaw ni Tito Louis sa Manong dahilan kung bakit mas idiniin ni Manong ang paghawak sa'kin.


"Ilabas niyo na ang Estupidang 'yan!"


"Mom, Dad..." Louisse knelt.


"Not today, Lara." Tito Louis ended the conversation.


"Dad, kahit ihatid lang si Sapphire... Hindi niya alam ang pasiko sikot dito."


"No. She'll figure that on her own."


"And! Be formal! Lara!" Rinig kong galit ni Tita Alex.


"Bata, lumabas ka na, mamaya ako pa ang pagalitan!" Galit na untag ni Manong.


"I will po, sorry for the worries..."


"Worries, worries, Lintek!"


"Amara?" Gulat akong napalingon.


"Are you okay? Gusto mo na bang umuwi?" He worriedly looked at me. He immediately held my hand and looked for any wound or bruises.


"Manong, ikaw ba ang may gawa nito?" Seus asked calmly ngunit nahihimigan ko ang galit sa kaniya.


"Seus, okay lang ako-"


"Sapphire... siya nga?" Bumaling si Seus sa'kin. I didn't speak.


"And, Manong, stop talking to her like that..." 


"Seus, It's okay... I promise."


"'Di mo ba alam na magiging Vergara 'yan?" Dagdag niya nakangisi.


"Sapphire?" Kunot noong tanong ni Tito Zeus.


Nagmano ako. Nakita ko naman na dumating si Kuya Aeacus.


"Seus, your crush." Diretsahang sabi ni Kuya Aeacus. Tinutukoy ako.


"Kuya." Baritonong boses ni Seus ang narinig ko.


"Bakit ka andito?" tanong ni Tito Zeus.


"May salu-salo po Tito sa bahay at gusto ko sanang ipagpaalam si Louisse..." I smiled.


"Sino ang naroon?" ngumingiting sambit ni Seus. Mukhang may naiisip.


"My Family... kami nila Jessa." I said.


"Sino pa?" Nakangiting tanong ni Seus.


Naalala ko na dadalo pala sila Ate Rein at Sunny


"Ate Rein and Sunny."


"Kuya, crush mo." Natatawang sabi ni Seus. Tinignan ng matalim ni Kuya Aeacus si Seus.


"Ako nang kakausap sa kapatid ko..." pagkatapos sabihin ni Tito Zeus ito, nagtungo na siya sa loob.


"Sapphire, Copacetic huh?" Tanong ni Kuya Aeacus. Nanlaki ang mata ko, he never talks to me!


"I'm fine..." I smiled to assure him.


"Your standards are so high, Seus. Preeminence." pinutol ni Seus.


"Halika..." hinawakan ni Seus ang kamay ko at nagtungo papaloob.


"Kuya Apollo... payagan mo na ang pamangkin ko." rinig na sabi ni Tito Zeus.


"I already told her that it's a no, at um-oo naman."


"Amiel? Aziel? Why are you here?" Tanong ni Tita Alex.


"Sinasamahan lang po si Dad, Tita." Sagot ni Seus.


"Where's my dearest Alielle? Ba't 'di niyo sinama?" Dagdag ni Tita Alex. Mukhang gustong-gusto makita si Ate Alielle.


"Busy." Kuya Aeacus answered.


"And who's that girl behind you? Hazel?"


"It's Sapphire." Kuya Aeacus informed Tita Alex na siyang nagpalaki ng mata niya.


"Didn't I already threw you out?" Tito Louis interrupted.


Inalis ko ang pagkakahawak kay Seus.


"Tito, you shouldn't tre-" pinutol ko si Seus.


"It's okay." I then held his forearm which made him put on a ghost smile.


Kalaunan ay pinayagan na si Louisse. Gulat pa siya nung nakita ako, nagaalala. Nagpaalam ako at iginiit ni Seus na siya na ang maghatid sa akin pabalik ng bahay.


"Here na..." I said when I saw my house.


He opened the door for me. "Salamat."


Tatalikuran ko na sana siya kaya lang may naisip akong tanungin. "Babalik ka dito?" Hinilot ko ang aking sentido.


"Oo..." paos niyang sagot.


"Do you want me here?" diretsong tanong niya.


"Uh- N-No... No!" I hesitantly denied.


"Alright." At kinuha ang selpon niya.


"Manong, pakihatid si Louisse. Sapphire's house, near Crystal's Residence. Yes. Yep. Alright." Nakapamulsa niyang sambit sa selpon.


"Let's go..." at hinawakan ang bag ko.


Nakita ko si Manong Guard ng school na mukhang nahihiyang pumasok. "Hi Manong Guard! Have you eaten yet? May pagkain po sa loob!" I smiled to Manong.


"Naku! Sapphire! Nakakahiya..." nagkamot ng ulo si Manong.


"It's okay! We'll lead you to the way..." I smiled.


Nang makapasok ako ng bahay, ay puro bati ang natanggap ko. May mga ilang teachers at administrators ang naroon. Naroon din ang mga kaklase ko at ibang teammates. Nagpaalam ako may Seus at umakyat na sa aking kwarto upang magpalit. I wore my White oversized shirt and shorts.


Nakita ko kaagad si Seus na nakikipagusap kay Papa, uminit ang pisngi ko. Napagpasiyahan kong bumati nalang sa mga bisita.


"Good afternoon po! Pasok po kayo!" bati ko sa mga ilang schoolmates ko.


"Galing mo talaga Sapphire! Proud kami sa'yo!" nag thumbs up siya.


"Salamat!" I thanked her.


"Ano pong sikreto niyo? Napakagaling niyo po, eh!" asik nung isa.


"Team effort..." I smiled.


"May pagkain po sa loob... Kuha lang po! Luto po 'yan ng Nanay ko!" I proudly said.


"Sapphire! Awit! Andito na ang pinakamaganda mong kaibigan!" Louisse ran up to me and hugged me.


"Anong ikaw Louisse? Ako kaya!" Jessa remarked and hugged me.


"Who told you na kayo ang maganda, ako kaya 'yun!" I giggled.


"Hmph!" Louisse pouted.


"Sapphire!" Jessa exclaimed.


"I'm just kidding..." I chuckled.


"Tara pasok na tayo..." iginaya ko sila papasok.


"May shanghai ba?" Louisse laughed.


Nagpaalam ang mga kaklase ko at ibang mga teachers. Kumakain kami ngayon at puro ang tanaw ko kay Seus at Papa na hanggang ngayon ay naguusap pa din.


Manong Ram went up to us. "Manong, anong maitutulong ko?" I asked baka kailangan niya ng tulong.


Tumawa si Manong Ram. "Louisse, 'yun oh, Gwapo!" Tinuro ni Manong Ram si Seus.


Nagtaas ng kilay si Louisse. Sinipat ko si Manong Ram . "Manong... They're cousins." Gulat namang napabaling sa'kin si Manong.


"Ah... Eh... Hehe." Nagkamot ng ulo si Manong Ram.


"Hoy, bhie, ba't 'yang pinsan ko... Kanina ko pa napapansin na puro usap ang ginawa dito! At si Tito pa!" sabay kagat ni Louisse sa shanghai.


"Oo nga eh! So-solohin sana namin ang Papa mo!" Jessa frowned.


Nagusap kami hanggang nawala ang sinag ng araw. 'Di na namin pinagusapan ang nangyari sa bahay ni Louisse. Umuwi na si Jessa dahil curfew na daw niya. Si Louisse naman inaantay si Seus.


"Tito! Ba't niyo kinakausap 'yan!" angal ni Louisse sabay upo sa sofa.


"Natutuwa ako sa kanya." Malisyosong bumaling sa'kin si Papa.


Uminit ang pisngi ko at pumunta sa natitirang bisita, ang teammates ko. "Hello Anne! Congratulations pala sa'tin! Ah... 'Di pa kayo uuwi? Baka mapaglitan kayo..." I asked.


"Congratulations! Magaling lang talaga ako mag Volleyball." She proudly remarked.


"Gusto ko nang umuwi, kaya lang wala pa ang sundo ko..." Dagdag na sagot niya.


"Pwede ka naming ihatid!" I smiled.


"Really?" Nanlaki ang mata niya.


"Gusto mo din bang magpahtid?" tanong ko kay Dianne.


"Yeah." Simpleng sagot niya.


"Ikaw?" tanong ko naman sa isa.


"Yes, sama-sama na kaming uuwi." at muling bumaling sa selpon. "Also! Miracle already left." Dagdag niya.


"Sige at tatawagin ko na si Manong Ram..." I left them.


Kahit gusto kong sumama ay naginsist silang si Manong Ram nalang ang mag hatid sa kanila.


I saw Vance on our verranda, hindi ko siya kinausap kanina dahil mukhang busy kausap ang mga schoolmates ko. "Vance! Uuwi ka ba sainyo? Malayo ang Manila... Dito ka na muna magpalipas ng gabi..." I then said.


"Okay... Mukhang nagkakabutihan si Tito at 'yung bossy-ing lalaki ah?" Tanong niya.


"Sinong lalaki?" nagtaas ako ng kilay. "Kumain ka na ba? You should try my favorite recipe of Nanay!" I changed the topic. Nasa bukana na kami ng Living Room, ang boses ni Louisse ay umaalingawngaw sa buong Sala.


"Seus! Uwi na tayo! Baka pagalitan ako ni Mama at Papa." Sambit ni Louisse, hinihila niya ang braso ni Seus.


"Oo na, cute kong pinsan." At tumayo.


"Magpapaalam na po kami ni Louisse, Tito. Salamat po sa masayang kwentuhan." Nakangiting sambit ni Seus.


"Sige... Magiingat kayo." Ngumiti si Papa. "Sapphire! Ikaw na ang maghatid sa kanila palabas." Utos ni Papa.


"Opo..." I said, bumaling ako kay Vance. "Wait lang, Ihahatid ko lang sila sa labas." Tatalikuran ko na sana siya nang nagsalita siya muli.


"Ako naman din, Sapphire." He pleaded, nasa harap na naming si Seus at Louisse.


Kumunot ang noo ko. "Ano? Saglit lang." at iginaya palabas si Louisse at Seus.


"Magiingat ka Louisse ha? Love you!" I pinched her chubby cheeks.


"Opo... Love you too!" Louisse hugged me. "Thank you kanina..." she said while hugging me.


"No problem..." I smiled.


"Galing galing mo talaga!" pagkatapos sabihin nun ni Louisse ay pumasok na siya sa loob ng sasakyan ni Seus.


"Seus! Ingat sa pag dra-drive..." I smiled.


"Thank y-you for... e-everything." Utal kong sabi.


He looked at me, serious. He hugged me. His hugs were always comfortable. It feels like I'm safe in his arms. His hugs were feathering soft. His hugs were my happy pill...


"Pasok ka na... I'll wait for you to get there." His voice was hoarse.


"Drive slowly!" I smiled and waved.


Weeks had passed. Time flew like crazy.


"Nagawa na prom gown niyo?" Louisse asked.


"It's done... pero may i-dadagdag daw si Mama Beth."


"Mine also, done na. And! They prepared two gowns for me." Jessa sipped her milktea.


"Aba't hopia everyone!" Louisse giggled.


"Ikaw ba? Nagawa na sa'yo Louisse?" I asked.


"'Di ko alam kung makakapunta ako... Wala pa akong permission ni Mama at wala pa akong gown."


"Mga Bhie! Anong kulay ng mga gown mo para sa prom?" Louisse changed the topic.


"Kulay Pula... Ikaw Jessa?" I asked.


"I'm stuck with either Baby Pink or Baby Blue." Nakapalumababang sagot ni Jessa.


"Oh, I alala something!" ani Jessa na para bang may mahalagang sasabihin.


"Seus rejected Isabelle!" Jessa exclaimed, nagkibit balikat si Louisse. "Pati na din sila Ate Charli!" nabilaukan si Louisse sa pagkain niya.


"Are you okay?" at hinagod ang likod ni Louisse. "Drink this." Inabot ko ang tumbler ko.


"Charli? As in Ate Charlotta?!" pasigaw na baling ni Louisse kay Jessa.


"Oo! 'yung friend ni Ate Rein!" Jessa bit her donut.


"Tama ba ang pagkakadinig ko 'sila'?! ibig sabihin madami?!" gulantang tanong ni Louisse.


"I think so! And as for I know, He rejected every girl!" iling ni Jessa.


"Awit! pati si Kuya Aeacus, puro reject ng girls! 'Yang dalawang 'yan..." napasinghap si Louisse.


"Ang ta-taas ng standards ng mga pinsan ko! Si Ate Charli nga mayaman, mabait, maganda! Ano pa bang gusto mo?" Louisse remarked.


"Kailan pa natutong tanggihan ni Seus 'yang mga babae?" Tanong ni Louisse.


"Ever since..." Jessa trailed off. Napaisip ako, kalian nga ba?


"Ever since dumating si Sapphire!" Jessa smiled while tickling me.


"Madami nang naging girlfriend ni Seus, pero never siyang naging two timer. 'Yun nga lang pinaglalaruan lang niya at hindi siya seryoso." Napasinghap si Louisse.


Tumunog na ang bell, hudyat na kailangan na naming pumasok sa aming mga classroom. Ang Prom ay ang palaging bukambibig ng mga kaklase ko. I don't blame them, I also feel excited.


Kinalait ako ni Owen, "Anong kulay ng gown mo, Sapphire? I-pa-pares ko lang sana sa susuotin kong suit."


"Hindi naman kailangan paresan mo, Owen. 'Tsaka sa Cotillion lang tayo magiging partner, and may ibang gown na susuotin dun. You could freely ask someone else, since random lang ang pagpili ng partner." Diretsahang tugon ko. Ayaw kong pilitin siya na maging pareho kami ng kulay, maybe he likes someone else, It's just that he's stuck with me...


"Ah ganun ba? Sige..." Daig pa ni Owen ang natalong sisiw.


"End of discussion, You may go out peacefully and quietly." Our prof ended the class.


Hawak hawak ko ang Invitation na binigay sa'min para sa prom, binabasa ang kung anu-anong nakalagay. "Ang ganda..."


"Mo." Seus said crouching.


Uminit ang pisngi ko. "Anong kulay ng gown mo?" He suddenly asked. He didn't really cared about Prom so I'm wondering why'd he ask.


"Red." I immediately said and looked at the invitation, full of fancy fonts and glitters.


He chuckled. "Louisse, went home, earlier today." Seus informed me. "Si Jessa umuwi para i-try ang gown niya."


I frowned. "Wala na akong kasabay mag lunch..."


"Pwedeng pwede ako, Sapphire." Ngumisi siya.


My teammate, Anne, walked up to Seus. "Seus! May ibibigay lang sana ako..." Anne handed out a love letter.


"Pwede bang maging partner kita sa Prom?" Tanong niya nakaluhod. Ang mga tao ay nagpapalakpakan. Tumabi ako sa gilid at bahagyang pumalakpak.


Bumaling sa'kin si Seus at lumingon muli kay Anne. "I don't like Prom." At umalis sa harapan niya. Kinuha niya ang kamay ko, nagpatianod ako hanggang makarating kami ng Cafeteria.


"Seus, Ba't mo ni-reject? Sayang kaya!" I exclaimed.


"I am reserved for someone else..." His voice was hoarse.


"Oh, okay..." Bahagya akong nalungkot.


Sino kaya 'yun? Probably, Hazel...


I woke up, feeling the excitement. "Prom day!" I smiled.


I did my Daily Routine. Sa umaga ang huling praktis para sa Prom at sa hapon naman magaganap ang Promenade. My gown is a Red ball gown, with a lot of rhinestones in it. Si Mama Beth ang mismong nag design nito and I always thank her for it. I genuinely love my Mama.


"Wear your high heels, para masanay na kayo! Last practice na!" The choreographer yelled at us.


Pagkatapos ng mahabang praktis ay umuwi na ako. Si Mama Beth ang nag makeup sa'kin.


"Oh, ayan, It's done!" Mama smiled at me.


"Napakaganda!" ngumingiting sambit ni Mama.


"S'yempre! Nag mana sa Papa!" Papa proudly said.


Habang nasa sasakyan puro talak si Papa at kung anu-ano ang sinasabi. Nakadating naman ako ng maayos sa Venue.


"Enjoy the night!" Mama Beth kissed my cheek.


"I will! Love you always!" I hugged both of them.


"Susunduin ka namin ulit dito, Sapphire. Idala mo sila Louisse at Jessa... Love you too." Papa rolled up the window of the car.


Everything went smooth as usual. I couldn't go up to Jessa and Louisse, kasi medyo malayo sila sa linya. 'Tsaka medyo strikto ang naatasan sa pagdidisiplina sa'min.


"Owen Easton Cruz! and Amara Althaia Sapphire Merritt!" tawag sa'min. We entered the Ballroom. My Dazzling Gown tied up the theme of this year's prom.


'Di na ako magtataka kung 'di ko masisilayan si Seus ngayong gabi. As he said, he doesn't like Prom and plus! He didn't go to any of the practices we have attended.


Nagpatuloy ang mga speeches ng mga administrator ng school. Nang unti-unti kong nakita ang pamilyar na hubog ng katawan.


"Seus?" I asked.


"Anong sinasabi mo?" litong sambit ng kaklase ko.


"Ah! Nothing..." I shyly bowed down.


"Bhie!" tawag ni Louisse sa'kin.


Louisse looked stunning, tonight. She's wearing a Royal Blue Ball Gown. It really suits her.


"Louisse... you might get scolded, balik ka na sa upua-" naputol ang sinasabi ko.


"Dala ni Seus si Hazel!" nakapamewang sabat nito. Tumayo ako at tinignan muli sila Seus.


So he is really here... but with another girl...


"Dito na muna ako bhie ha? 'di ko mahanap si Jessa eh!" sabay upo ni Louisse sa upuan ko.


"Sure..." I smiled.


"Let us call on... Ezekiel!" tawag ng emcee. Lumabas ito at may hawak na gitara, I think he's in college...


"Gwapo!" asik nung kaklase ko. Sila'y nagbubulong bulungan.


"Magaling daw kumanta! Kaya lang mahirap sila!" sambit pa nung iba.


"Matalino 'yan! Kaklase 'yan ng ate ko!" pagyayabang ng isa ko pang kaklase.


"Grab your partner for the first dance of the night..." The speaker of tonight gladly announced.


"You're just too good to be true... Can't take my eyes off of you..." His lovely voice surrounded the ballroom


Tumingin ako kay Louisse, she looked at him with full of warmth. 


May lumapit sa'kin. "May I take your first dance tonight?" na nagagaw ng pansin ni Louisse.


"I'm sorry... I-" Lito akong sumagot.


"Awit ka bhie!" bahagya akong tinulak ni Louisse, napangiti ako.


I've lost count on how many boys asked me to dance with them.


"Louisse, may I take your first dance?" ngumingiting ani Kieth.


"Sure ba!" Masayang sambit ni Louisse.


"Balik ako bhie ha?" at kumaway.


"Enjoy!" I smiled widely. I stood up and went outside.


Ang malamig na hangin ay nagpakalma sa'kin.


"Amara..." marahang tawag sa pangalan ko.


"May I take your hand, and dance with you?" Pumungay ang kanyang mga mata. "My girl..." he softly whispered.


I blushed. "Y-yeah... Okay!" The soothing music inside the Ballroom echoed outside


He softly enfolded me in his arms. I gently wrapped my hands around his neck.


He looked at me, full of adoration.



〰〰〰〰『𖤣𖥧𖡼..✎ ..𖡼𖥧𖤣』〰〰〰〰


sofiagii


Lovelots

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro