4
+Hera+
huminto ang isang magandang sasakyan sa aking harap. Nagulat ako nung biglang bumaba ang salamin na sa tingin ko ay bintana.
bumungad ang isang napakagandang babae. Halos kaedad niya ang aking ina.
"Iha, anong ginagawa mo diyan?gumagabi na."mahinhing tanong niya sakin.
"ah, kasi po. Naghihintay ako ng masasakyan papuntang lungsod."nahihiyang sagot ko sakanya.
"kung ganon, sumabay ka na samin."nakangiting sabi niya pa. Lumagpas ang tingin ko sa likod niya. Asawa niya yata ang isang iyon hindi naman nakatingin sakin kaya binalingan ko agad ang mabait na ginang.
"maaari po ba?"lumaki ang ngiti ko. Sa wakas may masasakyan na ko.
"mom! are we not yet going?. may nakaupo pala sa likod. Binata na sa tingin koy medyo matanda sakin ng kaunti.
"iha sumakay ka na."nakangiting sabi niya na binalewala ang palatak ng anak niyang mukhang nagmamadali.
tumango ako at lumapit sa sasakyan. Nakatayo lang ako dun. Hindi ko alam kung paano ito binubuksan para makapasok.
nakatayo lang ako dun at pinagmasdan lang kung saan ang pintuan. Nagulat ako ng bigla itong bumukas.
"Seriously?kailangan ka pa talagang pagbuksan?."mataray na sabi ng lalaking anak ng ginang.
"Jax! don't talk like that."hindi ko naintindihan ngunit halatang mapagbanta ang tono ng boses ng mabait na ginang.
"tss."yun lang ang sinagot niya. Ang sama naman ng ugali netong lalaking to.
"By the way iha, what's your name?"tanong niya pero ano daw? name? pangalan iyon diba?
"uhm ako po si Hera."mahinang sabi ko. Napasinghap ako ng biglang umandar ang sasakyang ito. Npakapit ako sa upuan. Ngayon lang ako nakasakay sa ganitong sasakyan!
Hindi ko pinahalatang kabado ako.
"oh what a nice name. I'm Meicel and this is my husband Donny."tukoy niya sa lalaking sa tingin kong nagmamaneho. Pero husb-a-ad ano daw?."and that's my son Jaxzer."tukoy niya sa lalaking katabi ko.
"Kinagagalak ko po kayong makilala."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro