Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

3

Dala ang bayong na sinidlan ko ng aking kakaunting damit. Luminga linga ako nagbabakasakaling makakita ng sasakyan.

Hindi ko alam kung saan ba talaga ang punta ko. May mga katribo din ako dating mas piniling mamuhay sa syudad.

Habang nakatayo ako dito sa tabi ng kalsadang minsan lang kung may dumaan. Nag iisip ako ng mga posible kong gawin.

Pinasadahan ko ang kabuuan ko. Nakasuot ako ng simpleng blusa na medyo maluwang at mahabang saya. Bigay to ng aking inay noong ika-16 ng kaarawan ko.

Ngunit isa siya sa lumisan para mamuhay sa syudad. Ngunit hindi ko na alam kung nasaan na siya.

magtatrabaho kaya ako?o mag aral?pagsabayin ko kaya?hays hindi ko na alam. Wala ako masyadong alam sa makabagong mundo.

Hindi ko din alam kung saan ako tutuloy. Kung sana hindi nangyare yung insidenteng yun. Napaluha ako sa ala alang iyon.

Namimiss ko na si Lana at ang magandang lugar naming iyon. Napakalayo at napakatago nun kaya walang ibang taong nakakaalam sa lugar na iyon bukod sa aming doon nagmula.

Papadilim na ngunit wala pang niisang sasakyan ang dumadaan. Nagugutom na din ako at isang pirasong mansanas na lang ang natitira kong pagkain at panghapunan ko sana.

mawawalan na sana ako ng pag asa ng may nakakasilaw na bagay ang tumama sa muka ko at narinig ko ang pamilyar na tunog na minsan ko ng naririnig kapag pumupunta kami ni Lana malapit sa mga kalsada.

*peep* *peep*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro