2
Kinakabahan ako sa tagpong ito. Ako laban sa aming batas at ng mga katribo ko.
Hindi ko sila tinitignan dahil alam kong nanunuyang tingin ang ipinupukol nila sakin.
"Hera anak ni Custan, ngayon ay hahatulan ka namin sa nagawa mong kasalanan." malaki ang boses at puno ng awtoridad na sabi ng Ikatlong hukom.
Gusto ko sanang magprotesta na wala akong kasalanan at hindi ko kayang pumatay! ngunit batid kong kahit anong sabihin ko ay hindi sila maniniwala.
Nakayuko ako habang pinapakinggan ang mga bulungan.
"mamatay tao."
"salot."
"walang utang na loob."
ilan yan sa mga naririnig kong bulungan ng mga katribo ko.
"Ngayon ang napagdesisyunan namin na magiging kabayaran mo sa kasalanang iyong ginawa ay...hindi ka na kailanman kaisa sa tribong ito at kakalimutan ng lahat ang iyong pangalan."napaangat ako ng ulo dahil sa gulat.
Ang buong akala ko ay papaalisin lamang ako pero maaari pa ding makabalik. Tumulo ang masaganang luha ko.
"Kung gayon, hindi na ko maaaring makabalik pa dito?" garalgal kong tanong sa tatlong matatandang hukom na nasa aking harapan.
"Kahit kailanman. Kapag nahuli kang bumalik dito ay papatayin ka dahil sa paglabag mo sa utos."wika ng ikalawang hukom.
"Maaari mo ng lisanin ang tribong ito. At kayong lahat ay pinagbabawalang banggitin ang kanyang pangalan at magsalita tungkol sa kanya na makakapagpaalala sa trahedyang nangyare."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro