1
Sariwang hangin at banayad ang agos ng tubig. Ninanamnam ko bawat segundo dahil hindi ko alam kung ano ang magiging hatol ng mga nakakataas.
Hindi ko alam kung ito na ba ang huling araw ko sa pinakamagandang lugar na kinagisnan ko.
Nakakalungkot, lahat ng katribo ko ay galit sa akin at hindi na nakakapagtaka kung huling araw ko na nga ito.
"Hera..."napatingin ako sa babaeng pinakamatalik kong kaibigan. Siya lang ang naniniwalang wala akong kasalanan.
Tiningnan ko lang siya. Batid kong tutulo na ang mga luha niya.
Lumapit siya at niyakap ako ng mahigpit saka siya umiyak ng umiyak sa balikat ko.
Niyakap ko siya pabalik.
"Lara, tumahan ka na. ."pagpapatahan ko sa kanya pero ako mismo hindi alam kung may pag asa pa nga ba ako.
"Pero halos lahat sila ay pinagtatabuyan ka! ayokong mawala ka Hera!" patuloy ang pagluha niya at ramdam ko ang pagbasa ng balikat ko.
"Hindi ako mawawala, aalis lang pero makikita mo pa rin ako pangako."pinal na sabi ko. Magdedesisyon pa lang ang mga hukom pero batid ko na ang magiging desisyon nila.
"Pero malay mo. Hindi ka papaalisin at kakalimutan na lang ang nangyaring insidente." umangat ang ulo niya at puno ng pag asa ang kanyang mga mata.
"huwag na tayong umasa Lana." mahinang bulong ko at lumandas ang butil ng luha sa mga mata.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro