Chapter 20: Resign x Retirement
"Tryza," a voice called, making me step back to reality.
"H-Huh?"
Kumunot ang noo ni Jungkook habang hawak-hawak ang isang pares ng chopsticks at styro namang may pagkain sa kabilang kamay.
"What are you thinking?"
My eyes glued at him. Napalunok ako sa hindi namamalayan.
Makakaya ko ba? Makakaya ko bang bitiwan 'tong kung ano mang namamagitan sa aming dalawa? If not, do I have a choice, though? Alam ko namang mas hindi ko maaatim na mawala sa kaniya ang ilang taon niyang pinaghirapan. Mas matatanggap ko pa rin kung lalayuan ko siya kung ang kapalit lang din ay ang hindi niya pagkakasibak sa trabaho.
Pinaghirapan niya ito. I was there from a distance since their career started and I know how he cries whenever he thinks that he did not do his best for ARMYs/ their fans. They became successful because of their hardworks, not just talent. At ayaw kong sa isang iglap lang, dahil lang sa nagkikita kaming dalawa, ay mawala ang lahat ng pinaghirapan niya. Hindi ako patatahimikin ng konsensiya ko.
Tinaasan niya ako ng kilay, urging me to speak. I let out a deep breath and gathered all the strength I have.
"Maybe we should stop seeing each other."
Biglang sumeryoso ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Dumagundong ang kaba ko nang ibaba niya ang pagkaing hawak pati na rin ang chopsticks.
"Is this what Jimin-hyung asked of you earlier?"
"No," I immediately denied. "But he's not wrong, right?" Mapait akong napangiti. Damn, I feel like my chest's being ripped by a sharp scalpel. "I'm sure you can take it from here."
"Are you serious?" He sounded a bit mad.
"You said, we're succeeding, right? I'm sure you'll be fine on your own."
His eyes turned menacingly serious. "Are you leaving me?"
Nag-init ang gilid ng mga mata ko. "Okay lang naman, 'di ba? Sigurado naman akong makakaya mo, e."
His jaw clenched. "Talk on a language I could understand, Tryza."
Ngumiti lang ako sa kaniya at tumayo. Nag-angat siya ng tingin sa akin, seryoso at bahagyang may galit sa mga mata.
"Where are you going? Sit."
Umiling ako at muling ngumiti. This is the only thing I can do for him. I don't want to make everything hard. Hindi ko gustong umabot pa sa punto na muling may makakita sa aming magkasama. Mali na ang muling pagsama ko sa kaniya sa kwartong ito. Mas lalong dadami ang mali kung ibabalewala ko ang sitwasyon at hindi pa tatapusin ito ngayon. As much as my heart wants me to be selfish, I just can't. I have to be rational.
Tumalikod ako at nagsimulang maglakad papunta sa pintuan. Each step assails my heart. The wound gets wider as I get farther from him. The tears were threatening to fall in any second.
I have grown so fond of him. Not to mention that I had already fallen even before everything that had happened. And now that I am putting a stop to this hopeless love, it seems like it's sending me to the brink of death.
"Tryza." His voice was immediately behind me.
Nabuksan ko na ang pintuan at handa nang lumabas ngunit napatigil nang marinig iyon. I bit my lower lip to stop myself from letting out a sob.
"I'm sorry..." I softly mumbled together with the tears before closing the door behind me.
Nanghina ako nang tuluyang makalabas. Gustong-gusto nang sumuko ng mga tuhod ko ngunit pinilit kong maglakad palayo dahil sa takot na baka lumabas siya't maabutan ako roon.
I don't want him to see me this way. Ayokong makita niya kung paano akong nahihirapan sa sariling desisyon ko. Hindi ko gustong magkaroon siya ng bagay na magagamit laban sa akin kung sakali. I'm certain he'll point out my weakness if he wants me to stay. And I don't want that.
Nanatili ako sa isang gilid habang pinupunasan ang mga pisngi. Hindi ko inaakalang ganito pala kasakit iyon. Parang gusto ko na lang tuloy bumalik sa mga panahong hindi pa ako nakakalapit nang ganito sa kanila. Iyong mga panahon na iniidolo ko lang sila mula sa malayo. Mas mabuti iyon dahil umiiyak lang ako kapag may sakit sila o may banta sa buhay nila.
Nagpaalam ako na hindi papasok nang hindi ko na talaga kinaya. Ayoko namang makita nila akong namumugto ang mga mata at tulala habang nagtatrabaho. Dinahilan ko na masama ang pakiramdam ko kaya ako pinayagang umuwi at binigyan na lang ng substitute para may mag-ayos kay Jimin.
Hindi ko alam kung paano pa akong papasok muli sa trabaho. Hindi ko naman pwedeng iwasan si Gguk dahil kahit ano mang gawin ko ay magkikita at magkikita kaming dalawa. Nasa isip ko na ang maraming dahilan ngunit wala ni isa roon na sigurado akong hindi sila magtataka o maghihinala.
Tulala akong nakaharap sa telebisyon habang nag-iisip sa maaaring idahilan upang huwag pumasok bukas. Ayokong magkita kami ni Gguk. Hindi ko alam kung paano siya pakikiharapan. Ni hindi ko nga alam kung anong gagawin ko. Baka nga pati pakikipagtitigan ay hindi ko magawa.
But it's the best thing to do, isn't it? Tama naman 'yong ginawa ko, 'di ba? Tama naman na iiwas ako, 'di ba? I just want what's best for him, and if that best does not include me, then I'll accept it.
Ilang beses man akong mag-isip ng dahilan ay hindi ko nagawang ipagpaliban ang pagpunta sa trabaho kinabukasan dahil iyon ang huling araw ni Yeri doon. We were highly requested to come and I couldn't just say no to that.
Wala sa sarili akong naglalakad sa pasilyo. Nang makapasok ako sa kwartong itinalaga para sa isang farewell party niya ay handa na ang lahat sa silid. May mga palamuti nang nakahanda, maging pagkain at mga inumin.
"Hey!" Masiglang bati ni Chae Soo ngunit agad ding nag-iba ang hitsura nang makita ang mukha ko. "You look like a... zombie..."
"Good morning," matamlay na sabi ko bago inilapag ang bag sa isang silya. "Do you need help with anything?"
"Don't you think you should just rest?" Nakangiwing sagot niya habang sinusundan ako.
"I'm fine."
"Obviously, you're not." She rolled her eyes at me. "Come on. Sit." Wala akong nagawa nang hilahin niya ako at pinaupo.
"I can manage, Chae Soo," I insisted.
Sinamaan niya ako ng tingin. "You behave, little girl."
Bumuntong hininga ako at nanatili sa kinauupuan. Hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko. Hindi lang talaga ako nag-ayos ngayon kaya siguro nagmukha akong maputla at may sakit.
It didn't take a while before the party started. I wasn't socializing with anyone because I don't feel like it. Napilitan lang din akong magpaalam nang dumami na ang tao at sinabihan na rin ako ni Sae Young na umuwi na dahil mukha raw talaga akong may sakit.
"I'm really sorry, I won't be able to make it until the end," paghingi ko ng dispensa kay Yeri.
"No, it's fine. I hope you get well soon, Tryza." She smiled at me.
"Yeah. Thank-"
"And take good care of him," she added, making me stop on my tracks. Wala man siyang binanggit na pangalan ay alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya.
Ngumiti na lang ako sa kaniya at tumalikod na para umalis. I was silently thanking the heavens for not letting me cross ways with the BTS boys who were still not here. Ang sabi'y may kailangan pa raw silang gawin kaya male-late sa pagpunta rito. Mabuti na nga itong makakaalis na ako ngayon para hindi na kami magkita pa ni Gguk. Paniguradong hindi ko lang malalaman kung anong gagawin ko. Isa pa, hindi ko rin alam kung ano ang gagawin niya kung makikita ako rito. Will he ignore me? I think it's better if that's the case. But since I am not sure, I should play safe.
Nasa harap na ako ng pintuan at akmang bubuksan na iyon nang may nauna na sa akin mula sa labas. Napausog ako upang huwag tamaan ngunit agad ding natigilan nang makita kung sino ang bumukas no'n.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita si Jimin sa harapan ko. Bahagya rin siyang natigilan, indikasyon na hindi niya rin inaasahang makita ako.
"T-Tryza," he stuttered and looked behind him.
Napasunod ang mga mata ko sa tiningnan niya at wala sa sariling napalunok nang magtagpo ang mata namin ni Jungkook. His eyes were serious but his lips looked like he wanted to say something.
I looked away from him and faced Jimin, instead. "H-Hi." Ilang akong ngumiti. "Uh, excuse me." At kahit maliit ang espasyo sa gilid niya ay pinagkasya ko ang sarili roon upang dumaan.
Dere-deretso ang lakad ko, hindi alintana ang mabilis na tibok ng puso. Pakiramdam ko ay ilang milya ang tinakbo ko dahil sa sobrang bilis niyon. Hindi ako lumingon at dere-deretso lang sa paglayo. It was when I was about to turn when I had the courage to look behind me and immediately found his eyes staring at me. His stoic expression made my lips parted a bit. At habang patuloy ako sa paglalakad ay pakiramdam ko tuluyan akong kumakalas at lumalayo sa kaniya na siyang pumipilas sa damdamin ko.
"Look at where you're going." A serious voice stopped me. Hindi ko namalayang may nabangga na pala ako.
"I'm sor-" Hindi ko naituloy ang sanang sasabihin nang makita kung sino ang nabangga. "Kevin..." wala sa sariling nasabi ko bago naramdaman ang panghihina.
His jaw clenched before his eyes passed by me. Ilang segundo lang iyon bago niya ako walang pasubaling hinila paalis.
It was that day when I felt safe and protected from my own heartbreak. He took me to many places where I enjoyed so much. That day somehow made me forget that my heart contains bruises.
"Wala ka na bang planong lumabas dito?" Nakataas ang kilay na tanong niya tatlong araw matapos ang araw na iyon.
Hindi na ako bumalik sa trabaho at nagmumukmok na lang dito sa unit ko. Idinahilan ko muling may sakit ako at hindi ko pa kayang pumasok. Mabuti nga't pinayagan naman ako. Hindi ko nga lang alam kung hanggang kailan ko magagamit ang dahilang iyon. Hindi naman pwedeng may sakit ako ng dalawang linggo, hindi ba? So sooner or later, I would have to find another reason to tell. All to avoid going inside that building again.
It's ridiculous, actually. Noon ay gustong-gusto kong pumasok doon para makita sila pero ngayon naman ay kahit sino man ata ang pumilit sa akin ay hindi ako mapapapunta.
"Maybe I'll just resign?"
Natigilan siya. "Are you serious?"
Bumuntong hininga ako at umayos ng upo. "I mean, wala naman akong maisip na ibang gagawin. Siguro ay uuwi na lang ako ng Pilipina-"
Natigil ang pagsasalita ko nang makarinig ng katok sa pinto. Nagkatinginan kami ni Kevin. Nagtataka ang mukha ko dahil wala naman akong inaasahang bisita.
"I ordered a room service," he explained and walked to the door.
Naiwan akong mag-isa. Kinuha ko ang cellphone at nagsimulang gumawa ng resignation letter.
I am honestly not entirely sure about this. Ni hindi ko maramdamang gusto ko talagang gawin ito pero dahil na rin kailangan, pipilitin ko. Panigurado namang wala akong matinong trabaho na magagawa kung magpapatuloy ako dahil hindi lang ako magiging komportable na nariyan si Gguk sa paligid. I'd rather distance myself than keep struggling with confusions and uncertainties.
"Tryza!"
Nasa kalagitnaan ako ng pagtitipa nang umalingawngaw ang boses ni Kevin mula sa pintuan.
"What?" I shouted back.
"I need you here," sagot niya kaya mabilis akong tumayo upang tumungo sa pintuan.
"Marami ba 'yang pagka-" Nabitin ang sanang sasabihin ko nang makita kung ano o kung sino ang nasa pintuan.
Unti-unting umawang ang labi ko nang magtagpo ang mga mata namin ni Jungkook.
How is he here?! At higit sa lahat, paano niya nalaman na dito ako nakatira?!
His serious eyes bore at me, and I don't understand why it seemed to send voltages of danger.
"Kunin ko lang mga gamit ko," mahinang bulong ni Kevin sa akin bago tahimik na nilampasan ako.
Nakita ko kung paanong sumunod ang mga mata ni Jungkook sa kaniya. Napalunok ako sa hindi namamalayan.
"What are you-" Natigil ang sasabihin ko nang mabilis akong mapayakap sa kaniya nang biglaan niya akong hinila.
My heart hammered violently beneath my rib cage. And I don't know if I was being delusional or I really heard his heart beating the same way as mine.
"Are you okay?" The softness of his voice unclogged my contained emotions.
"Jungkook, I..." Tinulak ko nang bahagya ang dibdib niya upang makawala ako.
"They said you were sick. Are you okay now? Is Kevin here to take care of you?" Sunod-sunod niyang tanong na hindi ko nagawang sagutin.
I feel weird. Hindi naman kasi siya 'yong tipong mabilis magpakita ng emosyon. Hindi siya 'yong tipong mabilis mag-react sa isang bagay. Pero sa nakikita ko ngayon, napakabilis niyang basahin. He seemed composed but shattered in some ways.
Why is he so worried? To the point that he really resorted coming to my unit, huh? Well, he did said that he's growing some feelings for me. Jimin even confirmed that, but it's still wrong. Alam ko sa sarili kong mali.
"I'm fine. You should leave." I tried to sound normal as much as I could.
Hindi agad siya nakasagot at tila nasa kamay ko ang tingin.
"You're resigning..." Naging mahina ang boses niya. He looked up to me and I saw a glint of pain in his eyes, stopping me from tracks. "You're leaving..." he added.
Napatingin ako sa kaninang tinitingnan niya. Doon ko lang napagtantong hawak ko pala ang cellphone ko at kasalukuyan iyong nasa tab kung saan ako nagtitipa ng resignation letter.
I cleared my throat and hid my phone behind me but it was futile as he already saw it.
"Tryza, you're resigning." I saw the disbelief in his eyes.
Napakurap ako at nawalan ng salita. "I..."
"Is this about what you talked with Jimin-hyung? Is this about me losing my job?"
Nagulat ako sa mabilis niyang tanong. He knows? He knows that it's because of his career?
"That's it, isn't it?" May hinanakit sa boses niya, bagay na ngayon ko lang narinig. "Jesus, when will you ever think of yourself?!"
"Jung-"
"Are you afraid that I might lose my job, Tryza? Damn, I can lose everything for you, for all I care!"
"What?" Mahina, hindi makapaniwalang tanong ko.
What did he just say?! So, ibig sabihin ba'y parang walang silbi ang pag-iisip ko sa kapakanan niya, ganoon ba 'yon?! How could he easily say that?!
"Are you serious? Your career's a great part of your life, Jungkook!"
"I can live without it! I have enough saving-"
"Stop!" I shouted, fully loosing my control. "Stop throwing me those bullshits. You can't possibly just quit for me. You're not even certain about your feelings, why extend to the point of losing your job?! Who knows if it may just be an infatuation-"
"It is not just a mere infatuation!" He cut me off. "Do you know how much I go unproductive when you're not around? It was like you easily entered my life and dominated me! I can't find my way out, Tryza. You have to take responsibility."
Natigilan ako. He can't be serious, right? Alam kong matagal kong hiniling na maging karelasyon siya o kahit man lang may maramdaman siya sa 'kin pero hindi ganito. Nakakabigla. Masyadong mabilis na masyado nang hindi kapani-paniwala. Is it even possible? To fall in love in such a short period of time?
Sino ba ako para humindi? Tadhana na ang gumagawa ng paraan para paglapitin kaming dalawa. Aayaw pa ba ako? Pero mali ito, hindi ba? Hindi ako pwedeng maging sakim kung alam kong malaki ang magiging epekto nito sa kaniya.
"No." Umiling ako. "You're just confuse." I still denied.
His jaw clenched, complimenting how perfect his face is. "I don't talk if I'm not certain, Tryza."
Umawang ang labi ko ngunit mabilis ding nakabawi. "No. You're just confuse-"
"You don't believe me? Then, wait for the news of my retirement." And he walked away without saying anything.
"Jungkook," I called in panic with what he said but he's already gone.
Mabilis akong pumasok sa loob at hinanap si Kevin. Hindi matigil sa mabilis na tibok ang puso ko dahil sa kaba sa maaari niyang gawin.
Jungkook's a man of his words. Kung anong lumalabas sa bibig niya ay talagang ginagawa niya kaya natatakot akong baka totohanin niya ang sinabi. Ayokong mangyari iyon. Kahit kailan ay hindi ko hihilingin na mangyari iyon.
"Kevin," habol ang hiningang tawag ko sa pangalan niya. He immediately stood up and went to me. "M-May number ka ba ni Jimin o kahit sino na miyembro ng BTS?" Tila hinahabol na tanong ko.
Mabilis siyang tumango at kinalikot ang cellphone niya. Hindi ako mapakali habang ang cellphone ay nasa tainga niya.
"He's not answering," he wearily said.
"Try again. Baka hindi niya lang napansin. Please." I'm close to tearing up.
"Okay. Just come down, okay?" Inalalayan niya akong maupo bago muling sumubok.
Hindi ako matahimik kaya napapatayo ako sa kinauupuan. Nang matapos ang ilang ulit na hindi pa rin sumasagot ay talagang nawalan na ako ng pag-asa. Nasa isip ko nang lumabas at dumeretso sa Big Hit Building pero hindi ko magawang gumalaw sa kinatatayuan. Imbes ay binuksan ko na lang ang telebisyon upang mag-abang ng balita.
Natatakot akong totohanin niya ang sinabi kaya maigi at kinakabahan kong binabantayan ang balita.
Dumating ang pagkaing in-order ni Kevin ngunit nawalan ako ng ganang galawin iyon. Nakatunganga lamang ako sa tv at nagbabakasaling sana ay walang sasabog na balita tungkol sa pag-alis niya sa trabaho.
"Tryza, your phone keeps ringing," kanina pang pangungulit ni Kevin sa akin.
"Hayaan mo na muna, please," halos frustrated nang sagot ko, nakatutok pa rin sa tv.
"It's Manager Bang."
Mabilis akong napalingon sa kaniya. "M-Manager Bang?"
He sighed. "Yes, Tryza."
"Why didn't you tell me earlier?!" Paninisi ko at mabilis na dinampot ang telepono.
"Ms. Atienza. I've been calling you for hours," agad na bungad sa akin ni Manager Bang.
I cleared my throat to at least fix my voice. "I'm sorry, Manager. Uh, do you need anything?"
"I have something to talk to you. Report in my office 7 a.m. tomorrow. Do not be late," he strictly instructed.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Wala mang sinasabi sa kung anong pag-uusapan namin ay tila may kutob na ako sa kung ano iyon.
"Alright, Manager."
"Good. Good night, Ms. Atienza."
"Good night, Sir."
Kinabukasan nga ay maaga akong nagising upang maghanda. Pagkagising na pagkagising ko'y dumagundong na ang kaba sa dibdib ko, pinapataas ang tensiyon na nararamdaman ko.
Hindi ko na nagawa pang mag-jog sa araw na iyon. Kung halos palang ay hindi na ako lalabas sa shower at doon na lang mamamalagi, pero dahil kailangan kong paunlakan ang pagtawag ni Manager Bang ay wala akong nagawa kun'di ang kumilos.
My knees trembled when I entered the building. An urge of walking back surfaced inside me. Hindi ko alam pero parang nasa matter of life and death situation ako. Wala akong ideya sa kung ano ang dahilan ng pagpapatawag niya sa akin pero kung ano man iyon ay siyang nagdudulot ng kaba sa akin.
I took a deep breath and rode the elevator until the forty-fifth floor. Kasa-kasama ko pa si Kevin na nagpresintang samahan ako hanggang sa labas ng opisina ni Manager Bang.
"I can only take you here, I have to go back to my floor, too. You sure you can take it from here?" He seriously faced me.
Kinakabahan akong nagpakawala ng hininga at tumango sa kaniya. "Yeah."
"Email me if you need reinforcement."
Pilit akong ngumiti at tumango. I could feel my hands sweating like I ran for miles. Maging ang noo ko ay pinagpapawisan kahit bahagya namang malamig.
Nang makaalis si Kevin ay ilang sandali pa akong nakatunganga sa pintuan, hindi alam kung papasok ba o tatalikod na lang upang umalis. Sa huli'y humugot ako nang malalim na hininga at pinihit ang pintuan.
Nasa akma akong pagbati ng magandang umaga nang matigilan sa naabutang mga tauhan. Sa opisina ni Manager Bang ay naroon siya sa kaniyang upuan. Sa harapang upuan niya na pinanggigitnaan ng lamesa ay si Jungkook at sa likod ni Gguk ay si Jimin. Naroon din ang lima pang miyembro ng BTS na nakaupo naman sa sofang may kalayuan sa lamesa.
My heart hammered when my eyes and Gguk's met. He stood up and I stiffened when he went near me.
"Good morning," he huskily greeted and guided me to an adjacent seat to his'.
Ilang akong napatingin sa mga naroon at napalunok nang makita kung paanong seryosong sinundan ng mga mata ni Manager Bang ang mga kilos namin ni Gguk. Tahimik ang paligid at tila lahat ay nakikiramdam sa kung anong mangyayari. And that silence was alarming. It was unpredictable. What may happen was unpredictable. Not until Manager Bang cleared his throat and fixed his glasses.
"Good morning. I know you already know the reason why I called you out." He eyed Jungkook. Pagkatapos ay ako naman ang tiningnan niya. "And I am certain you have the idea too, Ms. Atienza," he added and leaned on his chair. "I'd like to clear things out with the both of you," aniya bago kami sinuyod ng tingin.
Napalunok ako at napatingin sa kaharap na hindi naman ata nakikinig dahil ang mga mata'y nakapako sa akin.
"I have found out that you two have a relationship which is strictly not allo-"
"I-I'm sorry, Sir, but we don't have a rela-"
"Tryza." Jimin cut me off.
Napakurap ako at natahimik. I know it was wrong to cut him off while talking but I just want to clarify what he said. Talaga namang wala kaming relasyon ni Jungkook. He's misunderstanding things here!
Tumikhim si Manager Bang upang muling mabaling sa kaniya ang atensiyon.
"As I said, we don't allow our artists to be in a relationship with anyone while under the contract. However, Mr. Jeon contributed a lot in the company's success. He's one of our most treasured gem so loosing him would mean a big loss to us, as well," he paused and looked at me. "Ms. Atienza, I'd like to inform you that Mr. Jeon submitted a retirement paper yesterday. We cannot accept that. However, he told us that he'll quit if we restrict him on having a relationship with you."
W-What? I mean, he did tell me that he'll retire but it's still shocking that he really did file.
"To inform you all, what I am about to do is greatly unfair to some. But as I said, he's an important gem to the company so we can't just let him go. With that, I would like to tell you that I'll permit your relationship-"
"Wait, Sir. I told you, we don't a rela-"
"Do you have a problem, Ms. Atienza?" His authoritative voice stopped me.
Napayuko ako. "N-No. I'm sorry, Sir."
He nodded. "Good. So, go back to what I was saying. I'll permit your relationship. But, I would like to ask your cooperation to be very careful. As much as possible, do not go out together frequently or if you will, do make sure that no one will recognize you. Even you, Ms. Atienza." He pointed me. "And Jungkook, you are an international artist. Media will surely follow any lead so be very careful. And hopefully, this relationship of yours would be kept only to those who are currently knowledgeable to it. I hope no additional personnel would know. Am I clear?"
"Yeah," Jungkook answered while I was already spacing out.
"Good. Now, you're all dismissed," Manager Bang ended.
Ilang segundo pa bago ako tuluyang nakatayo sa upuan. Tulala ako nang lumabas sa opisina at hindi makapaniwala sa mga nangyari at narinig.
Did he just allow Jungkook to be in a relationship with me? H-How? I mean, it feels surreal.
I know they treasure their artists, especially BTS who served as the key for their success. But, I can't believe they would allow that. Surely, they could sue Jungkook for breaking the rules, but they didn't.
"Tryza." Jimin tapped my shoulder to get my attention. He smiled at me. "We'll go ahead."
Ilang akong ngumiti. "Y-Yeah. Okay."
Nakaawang pa rin ang labi ko at tila hindi pa rin makapaniwala. Pero nang magtagpo ang mata namin ni Gguk na nasa harapan ko na ay lumambot ang hitsura ko.
Damn, what did I do to deserve this blessing?
Naalala ko ang sarili kong umiiyak sa tuwing may concert sila na hindi ako nakakapunta dahil nga wala akong perang pambili ng ticket. Kahit nga hindi ko lang mapanood ang live nila ay umiiyak ako. Parang kailan lang ba 'yon pero nandito ako ngayon, nakatayo sa harapan ng lalaking kinayang magpasa ng retirement papers para lang makasama ako.
He smiled at me. And swear, all the insecurities and confusions melted.
"Do I get a hug from this?" He asked, smiling.
Tumulo ang luha ko at mabilis na yumakap sa kaniya. I felt the tip of his lips touching my head and his arms enveloping me.
I heard how his heart beated rapidly. He chuckled when I let out a sob and said that word I never thought I would ever hear.
"Saranghae."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro