
Chapter 19: Lock
"W-What?"
Hinintay ko ang magiging sagot niya ngunit ngitian niya lang ako bago inabot ang kamay ko at hinila papunta sa counter. Binayaran niya ang teddy bear at ibinigay iyon sa akin nang makalabas kami ng store.
"Thank you."
He smiled. "You are most welcome."
Hindi matigil ang ngiti ko dahil sa sobrang fluffy and cute ng ibinigay niya sa akin. Nakailang kurot na ata iyon dahil sa panggigigil ko.
"I'll just go to the restroom. Wait here," he instructed.
"Okay," halos wala sa sariling sagot ko dahil abala na sa nasa harap.
"Kookie..." I mentioned the teady bear's name and giggled. "Your Daddy went to pee. We wait for him, 'kay?" Parang timang na ako dlroon habang nakaupo sa isa sa mga nakahilerang upuan.
Niyakap ko si Kookie at inilibot ang tingin sa paligid. I think it was past two p.m.. Napansin ko ring mas madami na ang tao ngayon kaysa kanina. Well, Jungkook did mention earlier that three p.m.'s the usual peak time of Namsan Tower where people flock to visit from different places.
Nawala lang ang paningin ko sa mga taong dumadaan nang isang katawan ang humarang sa harap ko. Nag-angat ako ng tingin at nakitang si Jungkook na iyon.
"Are we heading out?" Tanong ko nang mabilis na tumayo.
"Not yet."
"Not yet?"
He stared at me for a while after showing me something that made my jaw drop.
"Why do you... You bought it?!" Gulat na tanong ko nang makita ang lock na pinanghihinayangan ko kanina.
Tumango siya ngunit wala pa ring kung anong emosiyon na makikita sa kaniyang mga mata. Kung meroon man ay malabo.
"Let's seal our love with this lock."
And what he said really stopped me on my tracks. Hindi talaga ako nakagalaw ng kahit kaunti. Maging pagkurap ay hindi ko nagawa dahil sa gulat. Kung hindi ko pa siguro nabitawan si Kookie ay naging estatwa na ako roon.
"Wait..." I chuckled nervously when I bent to pick the teady bear. "What do you mean? We're not a couple."
"Well, I did tell you to go out with me so technically, we're in a relationship."
Umawang ang labi ko. Bakit hindi ko alam 'yon?!
"B-But..." Napakurap ako at tinuro ang lock. "The lock. You're not in l-love with-"
"We're succeeding, Tryza."
Napatigil ako. "Huh?"
"I am nearly over her."
"But that doesn't mean that you're in love with me. We can't seal this, Jungkook. I don't wanna be chained to my feelings to you when there's no assu-"
"But I want to."
Natigilan ako. "You want to..." I gulped. "You want to, what?"
"I'd like to be chained to you."
Nahigit ko ang hininga sa sinabi niya. Bigla akong nawalan ng mga salita at maging ang mga ingay sa paligid ay nawala. Tanging mabilis at malakas na tibok ng puso ko ang naririnig ko.
He must just be confused. Matagal siyang nagkaroon ng pagtingin kay Yeri, nasisiguro kong hindi ganoon kadaling kalimutan lang 'yon. Baka naguguluhan lang siya dahil ako ang palagi niyang kasama kaya nasasabi niya ang mga bagay na 'to.
"You must be confused." I laughed ridiculously, convincing myself.
"I am not. I admit I am not too certain but I'm sure we're winning on our plan, Tryza."
"Plan..." I murmured. "Right. It was all just a plan." Hindi ko pa rin gustong maniwala.
Lumapit siya para hawakan ang kamay ko. Ngayon, may bumadya nang luha sa gilid ng aking mga mata.
Ayoko namang ganito. Hindi siya sigurado pero sinasabi niyang gusto niyang magpatali sa akin. Paano pala kung na-misinterpret niya lang 'yong nararamdaman niya? Paano naman ako?
"Listen. I am trying, but even without trying, I know that I am growing some feelings for you, Tryza. You're a great person."
Is that even considerable? Is that considerable enough to seal that shallow love?
"Won't you give me a chance?" He softly asked, melting my walls.
Damn, why am I so weak when it comes to him.
"Do you trust me, Tryza?" Wala akong nagawa kun'di ang tumango. "Then trust me when I say I'll fall for you." And then he dragged me back to the terrace.
Dere-deretso siya hanggang sa railing na mismong pinuntahan namin kanina. He opened the locket and I saw our names inside it. Sinarado niya rin naman agad iyon at ang main lock naman ang binuksan.
Tiningnan niya ako nang mapansin ang distansiya ko sa kaniya. He was readying to seal the lock at the railing but when he saw me, he stood up properly and went to me. He gave me the keys and stared at my eyes.
"Tryza," he called and it was like an automatic reaction whenever he calls my name that I'll look up to him. "Will you let me?" Paghihingi niya ng permiso.
Nag-aalangan akong tumitig sa railing at sa lock na nasa kamay niya. Pumikit ako para pakiramdam ang sarili. A portion of me wants to stop it but nothing weighs high than what my heart says.
Bumuntong hininga ako at sa huli'y ngumiti sa kaniya. If this lock is indeed real, that it will seal us together, no matter what the outcome may be, then fine. Anyway, I'm already chained to him for a long time.
"Okay." I smiled and nodded.
He smiled back and finally locked the lock. Nasa kamao ko pa rin ang mga keys. Wala akong planong itapon iyon dahil naiisip kong kung hindi ko na makakaya ay maaari ko itong puntahan at buksan.
"Throw the keys, Tryza," he urged me but my hands wouldn't let me.
Umiling ako sa kaniya. Bumuntong hininga naman siya at lumapit sa akin.
"I promised you. Trust me." And his voice sounded so assuring that I wasn't able to stop myself from throwing the keys out of the tower.
Gumaan muli ang pakiramdam ko nang napagdesisyonan naming umalis na. Yakap-yakap sa isang kamay si Kookie habang hawak niya naman ang isang kamay ko habang sabay kaming naglalakad at paminsan-minsan ay humihinto upang kumuha ng litrato.
It was five p.m. when we arrived at the hotel I am staying. Nagkukulay kahel na ang kalangitan nang pinagbuksan niya ako ng pintuan palabas sa kotse niya.
"Lunch again tomorrow?"
Tumango ako at ngumiti.
"Alright." He smiled.
Ngumiti rin ako. "Thank you for today. I enjoyed it." At akmang tatalikod na ako nang muli siyang magsalita.
"Wait."
Hinintay ko ang sunod niyang sasabihin ngunit naglakad lamang siya hanggang sa makarating sa harapan ko. And another voltage of cold washed over me when I felt his lips on my forehead.
"I'll see you tomorrow," mahinang bulong niya bago tumalikod at kumaway sa akin bago pumasok sa kotse.
Napahawak ako sa dibdib nang makaalis siya, pilit pinapakalma ang nagwawalang puso. I tried letting out a deep sigh but my heart just won't calm down. It was hyperventilating. Sa dami ng nangyari at sa pinaghalo-halong emosiyon na naramdaman ko sa araw na iyon, ang paghalik niya ata sa noo ko ang isa sa mga nakakagulat na pangyayari. Isa pa sa mga hindi ko inaasahan ay ang nangyari at mga sinabi niya sa Namsam Tower.
We can't deny that Namsan Tower indeed holds a romantic ambience. Hindi ko alam kung nadala lang ba siya roon o talagang seryoso siya sa mga sinabi. But knowing him, he won't be easily moved just by something like that. And anyway, we have sealed a lock and it would be unpleasant to break the place' history of sealing couple's relationships. However, we don't hold what fate wants to happen. And whatever it might be, I will accept it.
Tumalikod ako para pumasok na sa hotel na tinutuluyan nang agad ding matigilan nang maabutan si Kevin na bahagyang nakaawang ang labi sa hindi kalayuang harapan ko. May dala-dala siyang supot na may dalawang milktea.
Napangiti agad ako at mabilis na lumapit sa kaniya, binalewala ang pagkagulat na nakita sa kaibigan.
"This is for me?" Masaya kong tanong at mabilis na inagaw ang supot sa kaniya.
"What... was that?" Parang ngayon lang siya nakabawi nang itanong iyon.
"What?" Patay-malisyang sagot ko.
"He just kissed you!" He exclaimed. Tuloy ay napatingin ako sa paligid upang tingnan kung may nakarinig ba sa kaniya. Nang makitang wala naman ay sinamaan ko siya ng tingin.
"Will you tone down your voice?" Tanong ko at nagsimulang maglakad.
"You didn't answer me, Tryza." May pagbabanta sa boses niya habang sumusunod.
Walang gana ko siyang tiningnan bago pinindot ang elevator para bumukas.
"Well, he did. On my forehead," I admit.
"And the teady bear?" Pang-uusisa niya pa bago wirdong tinitigan ang teady bear. Ang arte ng isang 'to.
Pumasok muna ako ng elevator bago siya sinagot. "He bought me this."
Napangiwi siya. "Eww. Cliché."
"'Wag ka nga. At least, nag-e-effort 'yong tao," depensa ko naman.
"Oo nga. Cliché naman."
Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas si Kookie sa kaniya. "Wala ka talagang kwentang kaibigan."
"Aba, at ako pa ang walang kwenta ngayon, e nagsasabi lang naman ako ng totoo. Duh, hindi ako magbibigay ng ganiyang gift kay Natasha, 'no."
"E, hindi naman ikaw siya, 'di ba? Tumigil ka na nga."
"Saan ba lakad niyo kanina?" Muli siyang nagtanong nang makarating kami sa tapat ng unit ko.
"Namsan Tower."
"N-Namsan?!"
"O, bakit?"
"Bakit naman kayo pupunta ro'n? Mag-jowa ba kayo?"
Natigilan ako at napatingin sa kaniya. Muling bumalik na naman sa isip ko ang lock na binili ni Gguk kanina ngunit mabilis ko rin iyong iwinakli sa isipan.
"Anong lulutuin mo ngayon?" Sa halip ay iniba ko ang usapan.
Sumeryoso siya at sumunod sa akin papuntang kusina.
"Tryza." May pagbabanta sa boses niya.
Bumuntong hininga ako at humarap sa kaniya. "What?"
"Are you being serious?"
"Wala namang masama kung pumunta kami ng Namsan, 'di ba? Hayaan mo na lang, please. Ayoko munang pag-usapan."
His jaw clenched a bit. "I don't like where this is going."
"Huwag kang mag-alala, kaya ko ang sarili ko." Ngumiti ako sa kaniya.
Sabay nga kaming nag-dinner sa gabing iyon at as usual ay siya na naman ang nagluto at ako ang naghugas ng pinggan. Sa sumunod na araw naman ay sabay rin kaming pumasok sa trabaho.
"Hey, good morning. Can we talk?" Jimin asked as soon as he arrived.
"Sure," nakangiting sagot ko at sumunod sa kaniya palabas.
Naglakad siya hanggang sa lumiko sa isang pasilyong walang tao. Sumunod lang din naman ako at nang makaliko na ay tumigil din nang makita siyang nakatayo roon.
"I'm sorry. Is this something urgent?" Nagtatakang usisa ko dahil kailangan pa siyang ayusan.
Humarap siya sa akin at seryoso akong tinitigan.
"Please be careful the next time."
Kumunot ang noo ko, naguluhan sa sinabi niya. Magtatanong na sana ako sa kung ano ang ibig niyang sabihin ngunit nagdagdag na siya ng mga salita.
"I know there's something going on between you and Gguk. The other guys also know that he asked for your help. There's nothing wrong with that when it's just us, Tryza, but-"
"Wait. You know?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
He nodded, making my jaw drop like it's the first time I heard it. So, all this time that I have been thinking that they don't have a single clue, alam na pala nila. They were acting like they don't. Paanong hindi ko man lang napansin iyon? I should have noticed. I should have found it weird that they're not suspecting or even acting weird at all.
"How did you..."
"Jungkook told us the last time. He said he's growing fond of you. He's actually not the type that would easily tell what he feels but he did because he was confused that time. He doesn't believe that you changed him in a matter of a short period of time."
Natulala ako bigla.
"But, Tryza, a staff spotted you last day in Namsan Tower. You know that music artists aren't allowed to have a relationship with makeup artists and other staffs, right?"
Napakurap ako. "I don't..."
"I am not asking you to stop. But please, be careful the next time. I like you for Jungkook but I don't want him to lose the image he worked hard for years, Tryza. I advise you don't frequent going out together."
Napalunok ako. Wala naman kaming relasyong dalawa pero bakit kinakabahan ako?
I don't want him to lose what he has at the moment. Ayokong ako pa ang magiging dahilan para masibak siya sa trabaho niya. And I think I was so dumb not to remember that they're not allowed to have a romantic relationship while under the contract. Nabasa ko na ang article na iyon noon pero hindi ko napagtoonan ng pansin. And yes, wala nga kaming relasyon, pero paano namin ipapaliwanag kung mahuhuli kaming magkasama? Hindi naman siguro sila maniniwala na magkaibigan lang kami, hindi ba?
At bakit ba sa tagal na ng panahon ko rito ay hindi ko man lang naisip na bawal pala silang magkaroon ng relasyon? Maybe I was blinded by the fact that he's also capable of loving someone. I got busy entertaining the fact that he's in love with Yeri and my mind disregarded the fact that they're not allowed to have any romantic relationship with anyone.
"Tryza." Jimin took my attention back with his worried voice.
Nag-aalangan ang mga mata ko nang tumingin sa kaniya. It was like all the things I have worked hard for months crumbled down. It was like the concrete plan I have been building for months got jumbled and messed up.
"Look. I did not say those to confuse you or to stop you from seeing Jungkook. That's not what I meant. I just want you to be careful so the entertainment won't sue you. Please, don't take this in a wrong way," he explained worriedly but my mind seemed to be closed from additional information. Ang tanging alam ko lang ay maaaring mawala kay Jungkook ang pinaghirapan niya kung ipagpapatuloy namin ang pagkikita. At alam ko sa sariling hindi ako makakapayag sa ganoon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro