Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18: Namsan Tower

Kung inaakala kong iyon ang magiging una at huling pagsasabay namin sa pagkain ay nagkamali ako. Dahil sa tuwing nasa studio kami ay sabay kaming dalawa kung kumain sa loob ng kwartong iyon. And as usual, he would take a nap after eating, not only on my shoulder but he also advanced to my thighs. Ang mga tanging araw na hindi kami nagkakasamang dalawa sa pagkain ng tanghalian ay kung wala akong trabaho o kung may show silang pupuntahan. Paminsan-minsan pa nga'y lumalabas pa kaming dalawa kahit wala akong trabaho ngunit iilang beses lang iyon dahil mahirap matiyempuhan ang schedule.

It has become a very usual thing for me. At first, talagang ilang na ilang pa ako at laging nababahala na baka may makakita sa aming dalawa pero sa nagdaang panahon ay nasanay na rin ako.

He was very careful, I could sense it. Kahit ako rin naman. Ni isang beses ay hindi pa kami nahuli ng ibang miyembro ng BTS na magkasama o 'di kaya ng mga kasama ko sa trabaho. Hindi ko alam kung anong dahilan ang sinasabi niya sa mga kasama dahil sa tuwing babalik kami galing pananghalian ay talagang walang mababakas na pagtataka o paghihinala sa kanila, hindi katulad nina Chae Soo at Sae Young na palaging may kakaibang tingin sa akin. Hindi na kasi sila naniniwalang si Kevin palagi ang kasama ko sa panananghalian dahil minsan na nilang nakita si Kevin kasama si Natasha noong sinabi kong kasama ko siyang kumain. Starting that day, they also started suspecting me for dating someone unknown. Alam kasi nilang maliban sa kanila ay si Kevin lang ang kaibigan ko rito kaya ganoon ang iniisip nila.

I was alarmed for the first few days because I was afraid that they may dig up and find out that I'm having lunch with the BTS' maknae. That'll be an issue for certain. However, as the days pass by, I got used and put little attention to it.

"Up for dinner later?" Kevin asked while we were entering the Big Hit Entertainment building.

"The usual place?"

Umiling siya. "Just in your unit. I don't have much time."

"Alright." I nodded.

I was early than my usual time today. Maaga kasi ang schedule ni Kevin kaya sumabay na lang din ako. We parted ways when he went out of the elevator. Ako naman ay nagpatuloy hanggang sa maabot ang floor namin.

Bahagya akong napatalon nang pagbukas ko ng pintuan ng kwartong pinag-aayusan sa pito ay bumungad sa harap ko si Jungkook.

"Sorry. Did I startled you?"

Napalabas ako ng hininga at napatawa nang kaunti bago naglakad papasok. "No," I answered, chuckling.

Dumeretso ako sa seat ni Jimin at nagsimulang ilatag doon ang mga kakailangin ko sa pag-aayos sa kaniya.

"Here. I forgot to return this yesterday." Jungkook approached me and handed me the powerbank he borrowed.

"Oh. Thank you." Ngumiti ako at tinanggap ang inabot niya.

He nodded and exited himself. Sa pag-alis niyang iyon ay naabutan ko ang natitigilang mata ni Yeri na halatang kakapasok lang dahil nakahawak pa sa doorknob ang kamay niya.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko, hindi inaasahang maaabutan niya kaming magkausap ni Jungkook. Hinanap ko si Gguk ngunit nakita ko siyang seryoso lang na nakatutok sa cellphone niya habang nakaupo sa sofa.

My eyes went back to Yeri and I saw her staring at Jungkook, too. Pinag-extend siya ng manager ng BTS ng dalawang linggo dahil sa busy na schedule ng boys noong nakaraan kaya hanggang ngayon ay nandito pa rin siya ngunit tatlong araw na lang din naman ang natitira sa kaniya rito.

Her wedding with Jungkook's brother is getting near. Just two weeks from now and she'll officially be a Jeon.

"Uh..." I tried to speak to clear what she saw but she was quick in smiling at me.

"Good morning, Tryza." Her smile stopped me.

Hindi ako nakapagsalita agad at walang nagawa kun'di ang sundan lamang siya ng tingin nang maglakad siya para mag-ayos din ng gagagamitin.

Tumikhim ako nang makabawi sa gulat at bumalik na rin sa pag-aayos ng gamit. I could literally feel my heart beating violently. Talagang kinabahan ako. I was like being caught in the act of doing something illegal.

Inalis ko iyon sa isip upang makapagtrabaho nang maayos. I didn't hear Yeri being talkative with anyone's issue so it should be fine. Isa pa, wala naman siyang makukuha kung sasabihin niya iyon sa iba. She'll just ruin her brother-in-law's image if she will. And surely, she won't.

"You have something to do tomorrow?" Jungkook asked when we were eating lunch, again.

Umiling ako. "Nothing. Will just probably stay in my unit."

Tumango siya at inubos muna ang nginunguya bago sumagot. "I'll pick you up, then."

"We're going somewhere?"

Tumango siya. "Yeah."

Napukaw ang interest ko. "Where?"

He grinned but shook his head. "You'll see when we get there."

I frowned. But nevertheless, still flashed a smile after a few seconds.

"What should I wear? Something formal? Casual?"

"Hmm, a dress?" He didn't sound sure.

Ngumiwi ako. "Why do you sound unsure?"

"Because I don't know. But, really, you should wear a dress." He smiled, getting me mesmerized again.

He rarely smiles and whenever he does, it just stops my world automatically.

"Okay."

Kinagabihan sa araw na iyon ay pumunta nga si Kevin sa unit ko para sabay kaming maghapunan. As usual ay siya ang nagluto habang nakatunganga ako sa harap ng countertop.

"You have a date tomorrow?"

Natauhan ako sa boses niya.

"Huh?"

He rolled his eyes at me. "You're smiling like a stupid idiot, Tryza."

"Wow, ha! Grabe ka sa 'kin. Stupid na nga, may idiot pa," pagtataray ko.

"E, kasi naman, kanina ka pa nakangiti riyan. Para kang timang."

Umismid ako. "Ewan ko sa 'yo."

Matapos naming kumain ay umalis na rin siya agad dahil nga kaunting oras lang ang malalaan niya rito. Naiwan akong naghuhugas ng plato. Pagkatapos ko naman ay nag-shower na ako at pinatuyo ang buhok bago napagdesisyonang matulog.

I was up on my usual time for the next day. Dahil walang trabaho ay napahaba ang oras ko sa pagja-jog. Tuloy pagbalik ko sa unit ay pawis na pawis na ako.

"Oh, my God. Hindi ko inaasahang maaabutan ako ng init," inis na sabi ko habang papasok sa unit.

I went directly to the shower and took my time there. When I was done, I ate my breakfast silently.

It was past eleven am when Jungkook sent me a message, saying that he's waiting downstairs. Mabilis akong nag-ayos at bumaba para puntahan siya. Naabutan ko siyang prenteng nakasandal sa harap ng kotse niya, suot-suot ang isang shades, coat at jeans. He looks so casual and simple while I'm here sporting a red cut out dress.

Napaayos siya ng tayo nang makita ako.

"Wow. You're..." Hindi niya magawang maituloy ang sasabihin.

"Do I have to change? Our clothes don't match," I asked, feeling anxious by his stares.

"Uh... no. That's perfectly fine." He smiled. "Let's go." Sinalubong niya ako at mabilis akong nanlamig nang dumampi ang kamay niya sa gilid kong walang nakatakip na damit.

Inalalayan niya ako papasok sa kotse niya, bagay na ngayon niya lang ginawa. I bit my lower lip when he closed the door to my side and then I held my chest, feeling how violent it beats.

Jesus, I feel like I am falling much deeper each day! Paano pa ako makakaahon nito?! He just know how to do things that could make my heart skip a beat.

He removed his coat and shades when he went inside the car, revealing his black polo shirt. Oh, not bad.

Katamtaman ang paraan ng pagpapatakbo niya ng sasakyan habang nasa biyahe kami. Dahil nga hindi ako pamilyar sa bansa nila ay hindi ko matukoy kung saan kami pupunta. Nang magsimula ang biyahe ay pamilyar pa ang ibang daan ngunit nang tumagal na ay hindi ko na alam kung nasaan na kaming dalawa.

Hindi ko inaakalang medyo matagal pala ang biyahe namin kaya mabilis akong nilamig sa aircon ng kotse niya. I was crossing my arms in my chest to ease the cold when his eyes went to me.

Napatingin ako sa kaniya nang may abutin siya sa backseat ng sasakyan. Pagkatapos niyang makuha ang inaabot ay inilahad niya iyon sa akin. It was his coat.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at tinanggap iyon.

"Thank you," I thanked him and wore his coat.

Tumango siya at inabot ang adjuster ng aircon para hinaan iyon. He then went back to driving. It did not take long, though. After just a few minutes, we arrived at our destination. And I swear, my jaw dropped when I saw the Namsan Tower. Napakalapit niyon sa kinaroroonan naming dalawa.

"Nam-Namsan...?" Hindi ako makapaniwalang humarap sa kaniya.

Seryoso niya akong tiningnan at sa huli'y ngumiti. Humarap siya sa 'kin at pinakatitigan ang mga mata ko. "Will you come inside with me?"

I was immediately under a spell. "Of course." I smiled after nodding.

Ngumiti siya bago inilahad ang kamay sa akin. My heart skipped a beat. Tinaasan niya ako ng kilay nang matapos ang ilang sandali ay hindi ko pa rin tinatanggap ang kamay niya.

Tumikhim ako para makabawi at mabilis na ipinatong ang kamay ko sa kamay niyang nakalahad. He tightened his hold when he started walking. Walang tigil naman sa kakalibot ang mata ko sa buong paligid. The whole place was breathtaking! Ni hindi ko magawang makapaglakad nang maayos dahil sa katitingin sa paligid kaya napapalingon si Jungkook sa akin.

Ngumiti ako nang magtama ang mga mata naming dalawa. "I'm sorry. I'm just amazed by the place."

Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad, ngayon ay mabagal na upang pagbigyan ako sa panonood ng paligid.

When we finally entered the tower, my amazement even hightened. Naglibot kaming dalawa hanggang sa makaabot kami sa terrace kung saan kitang-kita ang mga tanawin at mismong malawak na tanawin ng Namsan. Sa paligid ng mga railing ay ang napakaraming love locks na siguradong inilagay rito ng mga magkasintahang nakapunta na rito.

"Oh my God..."

Hindi ko maitago ang pagkamangha. The place is just so romantic. It offers a great view of various breathtaking places.

"That's the Gyeongbukgong Palace," Jungkook whispered and positioned his hands on the railing beside mine.

Napatingin ako sa kamay naming dalawa na halos magkadikit. Sunod ko siyang tiningnan at natigilan nang magkatinginan kaming dalawa.

"Are you listening?" He asked with intimidating eyes.

Nag-iwas ako ng tingin at lumunok. "Yeah. Sorry."

"That's Bukchon Hanok Village." He pointed a spot and I did my best to pay attention, doing so hard not to get distracted by how close he was.

I admit that for the past weeks we have been eating and going out together, I found out a lot of interesting traits of him that I barely knew. He loves peace and silence. He's always very honest and straightforward when talking. He's not easily fathomed and intimidated. Ako talaga pala ang nai-intimidate sa kaniya. At hindi rin siya ganoon kadalas kung magsalita. Madalas pa ngang limitado ang mga sinasabi niya.

"Have you been here before?" Tanong ko matapos matagal na pinagsawaan ang tanawin.

Nagbaba siya ng tingin sa akin at umiling. "No."

"I see."

"How about you?" He averted his eyes. "With Kevin or Jimin-hyung, perhaps."

Natigilan ako at kung hindi lang mabilis naalala na may ibang nagmamay-ari sa puso niya ay iisipin na sanang nagseselos siya.

Bumuntong hininga ako, dismayado sa sariling naisip. I'm just getting my hopes high again.

"I had never been here before," sagot ko habang ang tingin ay nasa kalangitan na tila sobrang lapit sa kinakasadlakan namin.

Naramdaman ko ang titig niya sa akin. It was a hard battle fighting the urge to look at him, as well. Napatingin lang akong tuluyan sa kaniya nang mag-aya siyang maglibot sa mga tindahan doon at maghanap ng pagkain. There, my enthusiasm came back when we explored the stalls and ate at HanCook restaurant.

"You liked the food?" He asked when we were walking out the restaurant.

Tumango ako at nag thumbs-up sa kaniya, dahilan para mapangiti siya. His cute bunny smile was displayed proudly in front of me, making me giggle a bit. He just gets cute naturally without him trying.

"What's funny?" His brow raised.

"Nothing." I chuckled. "Oh!" Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang isang store na maraming locks. "Are those the love locks?" Masigla kong turo ng store sa kaniya.

"Yeah. You want to go there?"

Mabilis akong tumango at hindi na nag-alinlangan pang hilahin siya papunta roon.

"Annyeong haseyo." The woman politely greeted us.

We politely greeted her too before striding our way to the locks. There were a lot of designs in different colors, purposely made for lovers.

Tuwang-tuwa ako sa kakatingin noon habang si Gguk naman ay nakasunod lang at kinakausap ang saleslady gamit ang lengguwahe nila.

If you were to choose one lock, I am certain you'll have a tough time. Everything was beautiful and gives off a romantic feeling. Not until I found a heart-shaped lock that was actually a locket type where lovers could write their names inside it. It has two different keys—one for sealing the locket and one for sealing the lock to where you will put it.

Hawak-hawak ko iyon nang nilapitan ako ng saleslady at buong pusong ngumiti sa akin.

"Good pick, Madam! That's the most promising lock we have here, certainly suitable for you and your boyfriend here." Iminuwestra niya si Gguk na siyang nagpalaki sa mata ko.

"Ah, n-no. He's n-not m-"

"I see your relationship tastes like sugar, so sweet."

Napangiwi ako sa sinabi niya.

"He's not my-"

"Will you get it now, Ma'am?" She cut me off for another time.

Napatingin ako kay Jungkook, nangungusap ang mga mata at sana'y maintindihan niya ang ipinapahiwatig kong ibalewala niyang kaming dalawa dahil hindi naman talaga kami. Maybe coming here together put the thought that we're together. Though, I won't deny that I would like that, but still... I'd like to play with reality. Pero aabutan ata kami ng gabi ay walang salita na lalabas sa bibig niya kaya ako na lang ang gumawa ng paraan.

Awkward akong ngumiti sa tindera at kahit nanghihinayang na hindi kukunin ang lock ay tinaggihan ko nga ang pagkuha niyon. Pagkatapos kong humingi ng dispensa ay hinatak ko na palabas si Gguk sa store.

"Why didn't you get it? You seemed to like it very much," tanong niya habang hinahatak ko siya sa katabing store ng mga teddy bear.

"I don't have a boyfriend to have our love sealed with that. Maybe someday if I get to have one," sagot ko bago tuluyang pumasok sa store.

Binitawan ko ang kamay niya at naglibot sa paligid para humanap ng maaaring bilhin pero pilit na bumabalik sa isip ko ang imahe ng lock na iniwan ko sa kabila. I really liked the design and how it seemed to have some enchanting power of romance with it. Kaya lang ay wala naman akong magagawa dahil wala nga naman iyong magiging silbi kung bibilhin ko dahil wala naman akong jowa.

Hindi ko napansing nakatulala na pala ako roon habang nasa harapan ng hilera ng mga maliliit na teady bear. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal doon pero namalayan ko na lang ang pagkakatulala nang may kumalabit sa akin.

Tumalikod ako para harapin kung sino iyon ngunit mukha ng isang malaking pink na teady bear ang bumungad sa akin. It was not as big as a life-size one but still big enough for cuddling.

Dumungaw sa gilid ang mukha ni Gguk. Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil sa ka-cute-an ng pagbungad niya.

"Who are you planning to give it?" Nangingiting tanong ko.

"You."

"Me?" Kompirma kong itinuro pa ang sarili.

He nodded. "You seem sad so you can hug him."

"It's a he?" Ngayon ay talagang natawa na ako. Paano ba naman kasi ay kulay pink iyon pero lalaki pala.

He nodded again. "His name's Kookie."

"That's your nickname."

He nodded for another time. "So you'll think that you are hugging me."

At mabilis na nabitin sa ere ang tawa ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro