Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 36: YES

CHAPTER 36
YES

    
Two years later...

"Mama" sigaw ng kambal sa akin ng makita ako. Nandito ako ngayon sa school nila para sunduin sila. Agad nila akong niyakap at hinalikan ng makalapit sa akin.

Dalawang taon ang nakalipas sinula ng iwan ako ni Calyx. Masakit ang maiwan sa ere pero kailangan ko pa ring magpatuloy.

Ang sabi nila madali daw mag-move on pero saang banda doon ang madali?

Paano ka makaka-move on kung mahal na mahal mo ang isang tao? Paano ka makaka-move on kung pinalaya mo yung mahal mo kahit ayaw mo?

Walang madali sa pagmo-move on. Hindi ito isang bubble gum na ilang minuto lang ang tinagal ng tamis pero kalaunan itinapon mo na.

Ang bilis lang ng panahon dahil parang kahapon lang ay nasa sinapupunan ko pa ang kambal pero ngayon ay Grade 1 na sila.

Sana kung gaano kabalis ang panahon ay ganun rin kablis maghilom ang sugat na iniwan ng taong mahal natin sa atin.

Bigla namang may pumulupot na braso sa beywang ko at napatingin ako kay Jeremy. Hinalikan niya ako sa pisngi at ganun rin ang ginawa ko sa kanya. Matapos nun ay kinuha namin ang bag nina Tues at Wed at magkahawak kamay kaming apat na naglakad papunta sa sasakyan.

Katulad ng dati ay muli kong pinilit ang sarili na mahalin si Jeremy at kahit paano ay hindi naman ako nahirapan dahil fusto ko na talagang maka- move on kay Calyx pero syempre hindi yun basta basta mawawala. Nandito pa rin yung pagmamahal at sakit na iniwan ni Calyx na pinaniniwalaan kong maglalaho rin sa paglipas ng panahon.

Sa nakalipas na taon ay wala akong balita kay Calyx. Ni hindi ko rin sinubukan na alamin kung nasaan siya dahil matagal ko na siyang pinalaya kahit ayaw ko.

Napatingin ako sa kamay namin ni Jeremy na magkahawak ngayon habang nagda-drive siya. Isa lang ang nasisiguro ko ngyaon, haharapin ko kung ano man ang ibato ng tadhana, masakit man ito o hindi ay buong puso kong tatanggapin dahil minsan kahit anong pilit natin na itadhana sa ibang tao ay pilit pa rin tayo nitong nilalayo.

Friday ngayon at papunta kami ngayon sa favorite restaurant nina Tues at Wed. Tuwing sasapit kasi ang Biyernes ay nakasanayan na namin na magbonding ng sama-sama sa labas.

Pagkapasok namin sa restaurant ay nagorder na kami ng paborito ng kambal. Walang ibang mas sasaya na makita mo ang mga anak mo na masaya habang kasama kami. Kung pwede elang na pahintuin ang oras at wag na silang lumaki ay gagawin ko.

"Iwwy." sabi ni Wed ng makitang isinubo ni Jeremy ang lumagpas na sauce na pinunasan ng daliri niya galing sa bibig ko. Napatawa naman kami roong dalawa at napailing.

"Saan po tayo pupunta?" tanong ni Tues habang naglalakad kami palabas ng restaurant.

"Pupunta tayong arcade." sabi ni Jeremy.

"Yehey!" tuwang-tuwa na sambit ng dalawa habang tunatalon at pumapalakpak.

Nang makarating kami sa arcade ay hinayaan nami ni Jeremy ang dalawa na maglibot-libot habang kami ay nagpapapalit ng coins para maging token. Habang naghihintay kami ni Jeremy ng ilan pang token ay nalingunan namin ang kambal na nakikipaglaro at nakikipagkaibigan sa mga batang naririto.

"Let's play." sabi ni Jeremy. Pinapili niya ang kambal kung anong unang lalaruin at napili nila ang basketball.

"Girls versus boy." sabi ni Wed.

"What?!" biglang sbai ni Jeremy. "Okay. Fine." pagsuko pa ni Jeremy.

Nang magsimula na ay kanya kanya kaming pashoot ng kambal sa ring habang si Jeremy naman ay malaki na ang lamang sa amin kaya naman mas ginalingan pa namin. Natapos ang timer ay si Jeremy ang nanalo.

Matapos nun ay naglaro pa kami ng kung ano-ano hanggang sa natagpuan naming dalawa ni Jermey ang isa't-isa na masayang pinagmamasdan ang kambal na naglalaro.

Pagkauwi namin ay pinagpahunga ko muna ang dalawa bago maligo at tuluyang matulog. Pagod na pagod ang dalawa at halos naubos ang energy.

Dumiretso ako sa kwarto namin ni Jeremy at naabutan ko siyang nakahiga naroon at naghihintay sa akin. Simula ng iwan ako ni Calyx ay unti-unti kong sinanay na tumabi sa pagtulog kay Jeremy, na baka sakali roon ay matutunan ko siyang mahalin. Noon kasi ay magkahiwalay kami ng kwarto ni Jeremy at kung minsan ay sa kwarto ng kanbal ako natutulog.

Nagpalit muna ako ng pantulog at tsaka tumabi sa kanya. Ngumiti siya sa akin ng mahiga ako tabi niya. Nang makahiga na ako ay tumagilid ako para magkaharap kami.

Nakatingin kami sa mata sa isa't-isa. Hinawi niya ang buhok na nagkalat sa mukha ko at hinalikan ako sa pisngi. "Ey, I just want to tell you something."

"Ano yun?" nagtataka kong tanong.

"Lumalaki na yung kambal at gusto ko na makasama ka habang buhay kasama sila. Ang daming taon na ang lumipas, may parte man dun na magulo pero hindi natin maitatanggi na may masaya ring alaala ang nabuo noon.

"Alam mo naman na hanggang ngayon ay mahal kita...." tumalikod siya sa akin saglit at may kinuha sa side table.

Nakaharap na muli kami sa isa't-isa at inilabas niya kanina ang kinuha sa side table. Unti-unti niyang binuksan ang isang maliit na velvet box at may laman iyong singsing.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ang singsing. "Savvanah Del Mundo, will you marry me?" tanong niya at parehas kaming naiiyak.

Hindi ko alam kung naiiyak ako sa saya o sakit ba dahil may parte sa akin na ng makita ang singsing ay isa lang ang nasa isip ko kundi si Calyx.

Ang kasal ay isang sagrado at pang habang buhay na pangako. Hindi ito basta basta pero naalala ko ang sinabi sa akin ni Lola Rain na hindi lang dapat puso ang pinaiiral kundi kasama dapat nito ang isip.

Mahal ko si Calyx pero para sa mga anak ko ay gagawin ko ang lahat. Huminga ako ng malalim hudyat na ang anu man ang isagot ko ay dapat kong panindigan.

"Yes" sabi at matapos nun ay inilabas ko ang kamay na nasa ilalim ng kumot. Kinuha niya iyon at isinuot roon ang singsing.

Yes, pakakasalan ko si Jeremy dahil sa mga anak ko.

Nang masyot ang singsing sa akin ay naiyak ako. Tiningnan ko ito pero si Calyx pa rin ang laman ng puso ko at tumatakbo sa isip ko.



      

MISTERCAPTAIN
Professor

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro