CHAPTER 34: PAPA
CHAPTER 34
PAPA
Nagising ako ng maramdaman kong may humahaplos ng buhok ko. Pag-anagt ko ng tingin ay si Jeremy na gising na pala. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
"Good Morning" nakangiting bati ko. "Nagugutom ka ba?" tanong ko pa habang umiinat pero imbes na sumagot ay dahan dahn siyang naupo mula sa pagkakahiga at tinulungan ko naman siya.
Buong magdamag ay binantayan ko lang si Jeremy at kasabay nun ay ang patuloy na pagtakbo sa utak ko ng sinabi ni Calyx. Dumalaw rin kagabi sina Tito Huey at Tita Felicity pero hindi rin sila nagtagal.
Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at ngumiti. "Okay ako, wag mo akong alalahanin. Puntahan mo na si Kuya Calyx." aniya.
Hinawakan ko ang dalawang kamay niya na nakahawak pa rin sa pisngi ko. "Mahal ko si Calyx pero kailangan mo ako ngayon. Walang ibang mag-aalaga sa iyo kundi ako." naiiyak kong sabi. Nakakainis kasi siya. Alam niyang naaksidente siya tapos ayaw niyang magpaalaga.
"Si Kuya Calyx naman bago ako." sabi pa niya sabay pahid ng luha ko at tumango ako sa kanya bilang pagsang-ayon.
Bago unalis ay inayos ko ang mga kakailanganin. Tinawag ko rin ang nurse at doctor na naka-assign sa kanya. Matapos nin ay tinawagan ko si Manang Yena para magbantay sa kanya.
Paguwi ko ay naabutan king nilalaro nila Tue at Wed ang tuta na galing kay Calyx. Takbo rito, takbo doon at kasabay nun ay ang hagikgik ng dalawa.
Napatigil silang dalawa ng makita ako at patakbong lumapit sa akin. "Mama" sigaw nilang dalawa at niyakap ako. Pagyakap nila ay naamoy ko agad ang pawis nila.
"Magpahinga muna kayo at maliligo tayo." sabi ko sa kanila. Muli nilang binalikan ang mga tuta nila at ibinalik sa kulungan.
Nang magpahinga ay binigyan ko sila ng tubig at pinanood ang dalawa habang nagliligaan sa harap ko. Ilang saglit pa ay tumaas na kami at dumiretso sa CR.
Nang makahubad kami ay sabay sabay kaming tatlong pumasok sa loob ng CR. Nakakatuwa naman ang dalawa dahil kahit paano ay alam na nila kung paano linisan ang mga sarili. Natawa pa nga ako sa kanila ng magboluntaryi silang dalawa na kukuskusan nila ako at pumayag ako.
Pagkatapos maligo ay tinulungan ko silang patuyuin ang katawan. "Mama nasaan po si papa?" tanong ni Tuesday habang pinupunasan ko siya.
"Nasa hospital siya baby. Naaksidente ang papa kagabi pero okay na siya ngayon." paliwanag ko. "Punta po tayo, alagaan natin siya." sabi ni Wed na ngayon ay nakabihis na.
"Aalagaan natin ang papa pero may kailangan lang muna puntahan si mama. Pagkauwi mamaya ay pupunta tayo sa kanya. Okay ba?"
"Sige po mama." sabay nilang sabi at hinalikan ako sa pisngi.
Nang maiwan akong mag-isa sa kwarto tsaka ako nagbihis. Habang inaayusan ang sarili ay iniisip ko ang mga sasabihin kay Calyx. Wala naman siyang dapat ikagalit pero sa tingin ko ay kailangan niyang marinig ang paliwanag ko pero hindi ko alam kung paano sasabihin.
Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon ay pinagdududahan niya ang nararamdaman ko gayung malinaw para sa akin na ipinapakita ko at ipinadama ang pagmamahal ko sa kanya.
Paglabas ko ng kwarto ay hinanap ko ang kambal at nakita ko sila sa kwarto nilang dalawa na nasa study table at nagco-color.
Bago umalis ng bahay ay binilinan ko ang mga katulong na asikasuhin muna sila at babalik rin agad ako. Pinadalhan ko na rin sila ng snack sa taas in case na magutom ang mga iyon.
Inilabas ko ang susi mula sa bag at sumakay sa sasakyan ko. Pupunta ako ngayon sa pad ni Calyx para makapagusap kami ng maayos. Ayokong tumagal ang hindi pagkakainitndihan namin dahil hindi iyon maganda sa isang relasyon.
Nang makarating sa pad niya ay pinindot ko ang password. Alam ko ang password ng pad niya dahil kung minsan ay dito ako tunutuloy ng hindi alam ng mga anak ko pero aprubado naman iyon ni Jeremy.
Hindi pa man tuluyang nabubukas ang pintuan ay nasilip ko sa kusnina si Georgina na mukhang nagluluto ng almusalan at nakita ko rin si Calyx na mukhang kakagising lang at papalapit sa kanya.
Agad akong nakaramdam ng selos pero imbes na alamin ang nangyayari ay mas pinili kong isarado muki ang oubtobat umiiyak na umalis. Natatakot ako ngayon sa iniisip ko kay mas pinili kong wag alamin ang nangyayari.
Mabilis kong pinaandar ang saskayan pabalik sa bahay dahil sa galit at selos. Pero laking gukat ko ng bumungad sa akin si Lola Rain, ang lola ng Mendoza brothers at mama ni Tito Huey.
Sa di ko man maintindihan ay agad niya akong niyakap na siyang dahilan kung bakit aako napahagulgol ng malakas. Hinyaan niya lang ako na nakayakap sa kanya habang hinahagod ang likod ko hanggan tuluyang nakalma.
"Magulo ang pag-ibig tulad ng sabi ko noon sa iyo pero sa oras na malaman mo ang tunay na kahulugan nito maiintindihan mo ang lahat." sabi niya sabay ipit ng buhok ko sa likod ng tainga na nagkalat sa mukha ko.
"Sundin at paganahin mo rin ito." wika pa niya sabay turo sa ulo ko. "Hindi sa lahat ng pagkakataon ay puso ang dapat pairalin natin. Kinakailangan nating matutunan na balansehin ang utak at puso." Dugtong pa niya at tumango ako.
"Papa, namiss po kita." sabi ni Wed habang sinusuklayan ang doll niya at si Tues naman ay inosententg tinitingnan ang amang si Jeremy habang kumakain ng burger.
Lumapit si Wed kay Tues. "Ate Tues pahingi po." at sinubuan siya ng burger. Matapos nun ay nakita ko ang ginawang pagpunas ni Tuesday sa nagkalat na sauce sa bibig ni Wed.
Napangiti kami parehas doon ni Jeremy. Kahit kailan ay lagi silang nagdadamayan. Nagkakaroon man ng tampuhan sa isa't-isa pero hindi nila nakakalimutan ang magsorry sa ginawa nilang mali.
"Baby ako wala?" tanong ni Jeremy sa dalawa at nagpout ang dalawa sa kanya. "No Papa, si Mama po ang masubo sa iyo." mataray na sabi ni Wed sabay baling sa akin na kumakain rin ng burger.
"What?!" natatawang tugon ni Jeremy.
Apat na burger ang binili ko pero dalawa ang nakain ni Tues kaya nawalan si Jeremy. Lumapit ako kay Jeremy at itinapat sa bibig niya ang kalahati ng burger ko.
"Joke ko lang yun sa mga anak natin –ay este anak mo. Sinusubukan ko lang sila." paliwanag niya.
"Walang rabbies ito." biro ko pa at tumawa rin siya. Ilang sandali niyang tinitigan ang buger pero kalaunan ay napilitan din siyang kunagat sa burger na hawak ko at sumubo.
"Nakapagusap na kayo ni Kuya Calyx?" nagaalala niyang tanong. Umiling ako at ngumiti ng pilit.
Hindi man kami maayos ngayon ni Calyx pero ayokong alalahanin pa ni Jeremy ang relasayon namin gayung mas kailangan niyang mag-alala sa sarili niya.
MISTERCAPTAIN
Professor
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro