CHAPTER 11: IT'S ALL YOUR FAULT
CHAPTER 11
IT'S ALL YOUR FAULT
Mabilis na lumipas ang panahon, nagkaroon ng konting handaan ngayondito sa mansyon ng mga Mendoza matapos ang binyag nina Wed at Tues. Nalaman ko rin na ikakasal ang pinsan ni Jeremy na si Jake sa sunod na buwan at inimbita akong dumalo.
"Lola Rain" tawag ni Jeremy sa isang matandang babae na papalapit sa amin ngayon.
Nang tuluyang makalapit sa amin ay agad akong nagmano pati rin si Jeremy. "She's the beautiful mother of my two daughter. Lola meet Savannah. And Savannah meet Lola Rain."
"Nice too meet you po." nakangiti kong sabi.
"Baby, alis muna ako." paalam sa akin ni Jeremy kaya naiwan kami ng lola niya.
"Mahal mo ba ang apo ko?" agad nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Nagtaka ako sa tanong niya pero aaminin ko, na hindi ko alam kung ano ang isasagot sa tanong niya.
"Po?" nagaalinlangan kong tanong.
"Mahal mo ba si Jeremy?"
"Hindi ko po alam." nahihiya kong sagot. Kahit sino naman ang nasa sitwasyon ko ay mahihiya sa ganung tanong.
Dahil sa naging yanong ni Lola Rain ay napatanong ako sa sarili. Oo, mahal ko si Jeremy noon pero ngayon ay hindi ko alam. Kahit ako ay nalikito sa nararamdaman ko.
"Isipin mong mabuti hija. Magkaiba ang sinasabi ng puso at isip. Maaaring siya ang unang minahal mo pero hindi ito nangangahulugang siya din ang huling mamahalin mo. Sa nakikita ko ay magkaiba ang sinasabi ng puso at isip mo ngayon." makahulugan pa niyang sabi.
"Ang pag-ibig ay parang libro. Maaring siya ang nasa prologo pero hindi pala ikaw ang epilogo." pagpapatuloy niya pa.
"Pero paano ko nga po ba malalaman kung sino ang tunay kong mahal?"
"Kung mahal mo yung una at mahal mo rin yung pangalawa. Piliin mo yung pangalawa, kasi hindi ka naman mahuhulog at mapapamahal dun sa pangalawa kung hindi nawala yung pagmamahal mo dun sa una." paliwanag niya pa.
Totoo ngang magulo ang pag-ibig...
"Mahal ko, magpahinga ka na." malambing na sambit sa kanya ni Lolo Lucas sabay halik sa pisngi niyo. Minsan na kasing naikwento ni Calyx ang tungkol sa Lolo Lucas nila kaya kilala ko ito.
"Mauna na kami, hija." paalam nila sa akin at tinugon ko ito ng ngiti.
Matapos makipagusap sa kanila ay lumapit ako kay Jake na pinsan ng mga Mendoza. "Ang cute ng pamangkin ko Ate Sav. " aniya sabay tingin sa unahan na kung saan malayang pinagmamasdan ng ilang bisita ang mga anak ko.
"Dapat lang ay hindi sila magmana kay Kuya Jeremy." pagbibiro niya pa at ngumiti lang ako.
"Nasaan ng pala si Jeremy?" tanong ko.
"Nasa taas po ata sila Ate. Sa kwarto ni Kuya Calyx." aniya.
"Ahh ganun ba, sige salamat. Puntahan ko lang." aalis na sana ako ng maalala kong ikakasal na pala siya. "By the way, congrats sa inyo ng fiancee mo." ani ko bago tuluyang unalis at nagpasalamat naman siya.
Pagtaas ko ay hindi naman ako nahirapan na hanapin si Jeremy dahil nandun siya sa kwarto ni Calyx, magkasama yung dalawa.
Akmang papasok na sana ako ng biglang suntukin ni Jeremy si Calyx na ikinagulat ko kaya nanatili akong nakatayo dito sa may pintuan at hinintay ang sunod na mangyayari.
Napatingin ako kay Calyx na tumumba sa sahig at may dugi sa labi. "It's all your fault Kuya Calyx! Gusto mong makuha sa akin si Savannah kaya ano, anong ginawa mo? Sinabihan mo siya na wag gamitin ang apilyido ko dahil ang gusto mo ikaw ang maging tatay ng mga anak niya." galit na wika ni Jeremy na ikinagulat ko.
Naguguluhan ako ngayon dahil bakit naman siya magagalit roon. Tsaka ako ang nagdesiyon na wag gamitin ang apilyidong 'Mendoza' dahil nung araw na manganak aki ay wala si Jeremy sa tabi ko na siyang hanap hanap ko.
"Mahal ko Kuya si Savannah alam mo iyon." naiiyak na sabi pa ni Jeremy.
"Alam ko na mahal mo siya kaya nga nagpaubaya ako, di ba. Noon pa man ay pinaubaya ko siya sa'yo dahil kapatid kita. Ayaw kitang masaktan. Pero nangako ka sa akin na hindi mo siya sasakyan at sinabi ko rin sa'yo na aagawin ko siya sa'yo kapag ginawa mo yun." umiiyak na sabi ni Calyx.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga narinig ko. Nanatili lang ang tangin ko kay Calyx na nakaupo sa sofa habang nakatabon ang dalawang kamay sa mukha niya habang uniiyak. "Gusto ko siyang agawin sa'yo pero di ko ginawa dahil ayokong pagsamantalahan yung pagkakataon ngayon na kung saan alam kong kailangan ng karamay ni Sav at hindi yung ganitong pagmamahal na kung saan maguguluhan siya." dugtong pa ni Calyx.
Huminga ako ng malalim at tuluyang binuksan ang pintuan. Pumasok ako at sabay silang napatingin sa akin. "Savannah" nagulat nilang sambit.
"Walang kasalanan si Calyx, Jeremy." ani ko at umalis na. Habang paalis ay hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha ko.
Kaya pala itinulak ako noon ni Calyx dahil nagpaubaya siya sa kapatid niya na tuluyan ko ring minahal pero sa huli ay sinaktan lang ako.
MISTERCAPTAIN
Professor
Maraming salamat sa paghintay ng update ko, pasensya na kung ngayon lang.
Salamat muli sa pagbasa at paghintay. Nawa'y walang sawa kayong maghintay sa crush niyo...charot!... sa update ko pala 😅.
Anyway, it's our 3rd periodical exam this next week at sana makapasa ako. Ito muna ang update ko sa ngayon. Bye.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro