Chapter Two
Chapter Two
Friends
"Kumain na tayo ng dinner, Aryanne." sabi sa akin ni Mama na naglalapag muli ng ilang pagkain sa mesa para sa hapunan namin.
Tumango ako. "Opo."
"Kumusta si Wesley? Mukhang mabait naman na bata." ngumiti sa akin si Mama.
Tumango muli ako. "Ayos naman po, Mama. Nakita ko na rin po ang bike niya... Uh, Mama? Pwede po ba akong magpabili rin sa inyo ng bisikleta?" marahan kong tanong.
Bumaling sa akin si Mama.
"Tuturuan po ako ni Wesley mag-bike! Sabi niya," I added.
Nanatili ang tingin ni Mama sa akin. Napangiwi ako dahil pakiramdam ko ay hindi pa rin niya ako ibibili.
"At naka-bike daw po halos ang mga bata dito..." I added more in the hopes of convincing my skeptical mother.
Mama sighed. "Basta magpapaturo ka ng mabuti kay Wesley, Aryanne. Responsibilidad din ang pagkakaroon ng sariling bisikleta. Kung ibibili kita ipangako mo na hindi ka magiging pabaya at iiwas sa mga aksidente,"
I smiled widely with my eyes also widening. Ibibili na nga ako ni Mama ng bike! Umalis ako mula sa upuan. Tumungo ako sa nakangiti nang si Mama para yakapin siya. "Opo! Thank you, po, Mama!" I hugged her waist tightly.
I heard chuckled. "Sige na, kumain na tayo at baka lumamig na ang pagkain natin."
Tumango ako at sumunod na rin.
The next morning Wesley was early in our home. Kakagising ko pa lang at kabababa pa lang sa kusina ay nandoon na si Wesley at mukhang naghihintay na sa akin. Medyo natigilan pa ako papasok ng kusina pero tumuloy na rin. Sinalubong niya ako ng ngiti.
"Ang aga mo..." salubong ko sa kaniya.
Nakaupo siya doon sa harap ng mesa namin at ino-offer-an ni Mama na mag-breakfast pero ani Wesley ay nakakain na raw siya sa kanila.
"Oo... Tuturuan kitang mag-bike ngayon." sabi niya na parang pinapaalala pa sa akin ang naging usapan namin kagabi.
Tumango ako. Mukhang ang excited naman yata niya... Umaga ba ang usapan namin? Akala ko ay pwedeng mga hapon din kagaya kahapon... Pero ayos na nga rin ang maaga. Wala rin namang pasok ngayon dahil Sabado.
"Kumain ka na, Aryanne. Ito ang cereal mo. Nakakain na raw si Wesley sa kanila kaya magmadali ka na rin para hindi mo siya gaanong pinaghihintay. May usapan pala kayong dalawa sana ay mas maaga kang gumising, hija." si Mama.
Bumaling ako kay Mama. "Opo..."
Tumango siya at kinuha na ang bag niya na nakapatong doon. "Aalis na ako, Aryanne. Iyong mga bilin ko sa iyo kagabi. Huwag muna kayong pumunta sa malayo. Pwedeng d'yan lang muna kayo kanila Wesley. Wesley," ngumiti si Mama kay Wesley.
"Opo, tita. Hindi po muna kami mamamasyal ni Aryanne. D'yan lang po sa may bakuran namin ko siya tuturuan mag-bike." Wesley told my mom.
Tumango na si Mama at nilapitan ako saglit para mahagkan. "Babalik din ako mamaya, anak. May pagkain ka na d'yan para mamaya sa lunch mo at gumawa na rin ako ng meryenda ninyo ni Wesley." ngumiti pa muli si Mama kay Wesley.
Tumango ako, ganoon din si Wesley. Pagkatapos ay nakaalis na si Mama. Pupuntahan niya ngayon iyong in-apply-an niya dito. Magtatrabaho siya bilang legal secretary gaya ng trabaho niya na rin noon sa Manila.
Pagkatapos kong kumain ay pumunta na kami sa kanila. Aniya ay nand'yan ang Mama niya kaya pumasok muna kami sa loob ng bahay.
First time kong makapasok sa bahay nina Wesley at maayos at malinis din ang loob. Sinalubong kami ng Mama ni Wesley.
"Wesley, magmeryenda muna kayo." ngumiti sa akin ang Mama ni Wesley.
"Ikaw si Aryanne, hija?"
I politely nodded my head. "Opo..." sagot ko sa maliit na boses.
Ngumiti pa ito lalo. "Nakwento ka na sa akin ni Wesley kagabi, kayo ng Mama mo. Ako si Tita Joyce. Umalis ang Mama mo?"
Tumango ako. "Opo, may pupuntahan po sa trabaho..." sagot ko naman sa tanong nito.
Nakangiti lang ang Mama ni Wesley. Masasabi kong isang magandang babae ang Mama ni Wesley. Pero mukhang hindi sa kaniya nagmana si Wesley... Like mine she also has a dark hair. And their eye colors were different. Siguro ay sa Papa niya nagmana si Wesley...
Ako kasi ay mas kamukha ako ni Mama... Kaya siguro parang ayaw sa akin ni Papa dahil hindi siya ang naging mas kamukha ko...
"Kumain ka, hija."
Marahan akong tumango at kumuha sa cookies na gawa ng Mama ni Wesley kahit halos kakakain ko pa lang ng breakfast sa amin.
"Maglalaro ba kayo mamaya d'yan sa bakuran?"
"Tuturuan ko po mag-bike si Aryanne, Mama."
Tumango si Tita Joyce sa sinabi ng anak niya at ngumiti sa akin. "Sige at may gagawin din ako para sa klase ko sa Monday."
Nakita kong tumango si Wesley at tumango na rin ako. Nagpaalam na ang Mama ni Wesley matapos lang kaming bigyan ng pagkain.
"Masarap itong gawang cookies ng Mama mo..." nasabi ko.
Ngumiti sa akin si Wesley. "Masarap din ang ginawang sandwich kahapon ni Tita Lorain."
Tumango lang ako.
Pagkatapos ay inaya ko na siya na turuan na akong mag-bike. We spent the rest of the day in their front yard learning how to ride a bicycle. Natigil lang kami nang tawagin ni Tita Joyce para mag-lunch. Doon na rin ako kumain sa kanila at hindi na nakauwi sa bahay namin. Masarap ang luto ni Tita Joyce. Marunong din naman magluto si Mama pero masarap magluto si Tita Joyce.
"Anong oras ang uwi ng Mama mo mamaya, hija?"
Nag-angat ako ng tingin kay Tita Joyce mula sa masarap na pagkain. "Uh, siguro mga mamayang hapon pa po..." sagot ko.
"Ano nga pala ang trabaho ng Mama mo?"
"Secretary po sa law office..."
Tumango-tango si Tita Joyce. "Kung ganoon ay ikaw lang mag-isa sa bahay ninyo kapag nasa trabaho ang Mama mo at wala kayong school ni Wesley?"
Tumango ako. "Ganoon na nga po..."
Tumango si Tita Joyce at magaang ngumiti. "Pwede ka rito sa amin kapag nasa trabaho ang Mama mo, hija. Nandito lang naman ako sa bahay madalas kapag Sabado at linggo. Pero minsan ay may pasok din ako ng Sabado. Pero nandito naman si Wesley para may kasama ka kaysa nag-iisa ka lang sa bahay ninyo at babae ka pa naman..."
Unti-unti lang akong tumango sa sinabi ni Tita Joyce. Ngumiti naman siya. "Siya, dadamihan ko na ang lulutuin ko para sa hapunan natin, Wesley. At nang mabigyan din natin ng kahit ulam mamaya sina Aryanne bilang pag-welcome na rin sa kanila." ngiti sa akin ni tita.
"Sige po, Mama." sagot naman ni Wesley sa Mama niya.
Pagkatapos magpahinga ng kaonti mula sa pagkain ng lunch ay balik muli kami ni Wesley sa pagtuturo niya sa aking magbisikleta.
Pero mayamaya ay nand'yan muli si Tita Joyce. "Hindi ba kayong dalawa nasasaktan sa init ng araw? Mamaya nalang siguro uli 'yan, Wesley. Pumasok muna kayo sa bahay at mag-siesta."
Kahit marami naman ding puno sa bakuran nina Wesley ay tama rin si Tita Joyce na mataas na nga ang araw sa mga oras na iyon.
Nakita kong ngumiwi si Wesley sa sinabi ng Mama niya. Mukhang ayaw niya sa idea ng siesta. Ako naman ay ayos lang dahil medyo nasanay din naman akong matulog sa hapon. "'Lika, gamutin na rin muna natin 'yang sugat mo." Wesley said.
Tiningnan ko ang maliit na sugat na natamo ko sa aking tuhod. Tuloy-tuloy na kasi ang pagmamaniobra ko sa bike ni Wesley nang hindi ko agad nakita ang isang bato sa bakuran nila kaya naman natumba ang bisikleta kasama ako. Kanina niya pa rin ako sinabihan na linisin na muna namin ang sugat ko pero pursigido talaga akong matuto mag-bike. At ayaw ko rin sanang punahin pa ang sugat ko dahil baka maudlot pa ang pagbili sa akin ni Mama ng bike dahil dito. Tsk.
Tumango nalang ako kay Wesley.
"Oh, may sugat ka, hija," anang Mama ni Wesley nang makapasok na kami sa bahay nila at nakita ako ni Tita Joyce.
Umiling ako. "Hindi naman po masakit..."
Umiling si Tita Joyce. "Kahit na, hija. Sa pagbibisikleta iyan panigurado. Dapat hindi mo muna siya talagang hinahayaan, Wesley, at natututo pa lang si Aryanne. Halika, hija, at gamutin natin 'yang sugat mo."
Sumunod naman ako kay Tita Joyce at umupo doon sa sofa nila habang hinihintay siyang kumuha ng first aid kit. Naupo rin si Wesley doon sa tabi ko.
I was flinching a little as Tita Joyce cleaned my small wound. Bahagya rin hinihipan ni tita ang sugat ko at marahan lang ang paggalaw niya. While Wesley remained on my side watching what his mom was doing.
"Ayan, tapos na. Matulog muna kayo sa taas para makapagpahinga." Ngumiti sa akin ang Mama ni Wesley. "Aryanne, may isang kwarto akong hinanda para sa 'yo sa taas." ngiti nito.
Nauna sa amin si Wesley na umakyat ng hagdanan nila. Sumunod naman ako kasunod din si Tita Joyce. Pinakita niya sa akin ang isang malinis at maayos na mukhang guestroom sa ikalawang palapag ng bahay nila. "Kapag nandito ka sa amin, hija, ay pwede mong gamitin ang kwarto na 'to." ngumiti sa akin si Tita Joyce.
Nag-angat ako ng tingin sa maganda at mabait na Mama ni Wesley. Bahagya na rin akong ngumiti. "Salamat po, Tita Joyce..."
Ngumiti lang naman ito at giniya pa ako sa loob ng kwarto na hinanda nito.
Nagpaalam si Tita Joyce habang nagpapahinga kami ni Wesley sa mga kwarto namin. Aniya ay maghahanda siya ng meryenda namin para mamaya paggising namin sa hapon. At pati na rin daw dinner at bibigyan din daw niya kami ni Mama ng ulam mamaya. Siguradong masarap na naman ang mga iyon.
Hindi nga ako nahirapan sa pagtulog lalo na at naramdaman ko rin ang pagod sa pagkakatuto na magbisikleta. Nagising nalang ako sa ilang pagkatok ni Wesley sa pinto ko. Bumangon ako at pinagbuksan siya.
"Mukhang napasarap ang tulog mo. May gawa nang meryenda si Mama sa baba." pagpapaalam niya.
I'm not sure if he did had his nap, too.
Tumango ako at sumama na sa kaniya.
"Aryanne, gising ka na, hija. Halikayo at magmeryenda." salubong sa amin ni Tita Joyce.
Pagkatapos magmeryenda ay balik muli kami ni Wesley sa pagba-bike sa bakuran nila. Hanggang sa kahit isang araw pa lang ay mukhang natuto na agad ako. Baka bibilhan na ako agad ni Mama ng bisikleta. I was excited!
Nang bumaba na ang araw ay nagpasya na rin akong umuwi na sa amin para pagdating ni Mama ay nandoon na ako at hindi na niya ako kailangang sunduin pa sa kabilang bahay. Maayos din akong nagpaalam kay Tita Joyce who reminded me na maghahatid din siya ng pagkain mamaya sa bahay namin. Nagpasalamat ako at hinatid na ako ni Wesley sa amin.
Naligo na rin ako at nag-ayos ng konti sa bahay. I was excited to tell my Mama that I was already able to ride a bike properly.
And when she arrived home and was already with my new bought bike, I felt like I couldn't wish for more! I happily hugged my mother to which she just chuckled to.
"Thank you, Mama! I love you!" I told her gratefully.
"You're welcome, anak."
Dumeretso rin muna si Mama sa kusina para tingnan ang pagkain namin habang abala na ako sa pagtingin sa bagong bili kong bike. I was also excited to tell Wesley about it!
"Oh, hindi ka kumain kanina, Aryanne?" si Mama.
"Kanila Wesley na po ako kumain, Ma... Pinagluto po kami ni Tita Joyce..."
"Ah! Ang Mama ba ni Wesley?"
Tumango ako. "Opo."
Tumango nalang din si Mama.
Narinig namin na may tao sa labas at tinungo na ni Mama ang pinto. Sumunod din ako. Pinagbuksan namin sina Wesley at Tita Joyce na may dalang lalagyan ng ulam sa dalawang kamay niya. "Hello!" masiglang bati ni Tita Joyce.
Agad din naman itong sinalubong ng ngiti ni Mama. "Pasok kayo. Ikaw siguro si Joyce, ang Mama ni Wesley." ngumiti rin si Mama kay Wesley.
"Oo, ikaw naman si Lorain? Saan ko ito ilalagay?"
"Ah! Dito nalang, akin na. Nako! Salamat dito, nakakahiya naman..."
Umiling si Tita Joyce. "Walang anuman. Matagal ding walang tao ang bahay na ito mabuti at may nakatira na dito ngayon." ngiti ni tita.
"Oo, ah, nabili ko ito sa isang kaibigan. Bahay pa daw ito ng grandparents niya." paliwanag ni Mama kay Tita Joyce.
Tumango-tango naman si tita.
"Mukhang masarap! Nag-abala ka pa, pero salamat."
"Walang anuman!" natutuwang ani Tita Joyce kay Mama.
Pinakita ko naman kay Wesley ang sarili ko nang bike habang abala rin sa pag-uusap ang mga nanay namin. Natuwa rin si Wesley para sa akin. I smiled more.
Hindi na rin nagtagal sina Tita Joyce dahil kakain pa rin sila ni Wesley ng hapunan sa bahay din nila. Nagpaalam na rin kami sa isa't isa. "Bukas nga pala ay magsisimba kami ni Wesley. Baka gusto n'yo lang sumama at Linggo?" si Tita Joyce kay Mama.
Maagap din naman na tumango si Mama na nakangiti rin. "Oo, sige, sasama kami ni Aryanne. Salamat, Joyce."
Tumango na ang nakangiting si Tita Joyce at tuluyan na silang nagpaalam ni Wesley.
Sa sumunod na araw ng Linggo ay nagsimba nga kami ni Mama kasama sina Wesley at Tita Joyce. Maraming tao sa simbahan at ilan na roon ang mga kaibigan din ni Wesley. Pinakilala niya sa akin ang mga ito pagkatapos lang ng misa.
"Hello, Aryanne!" sunudsunod naman na bati sa akin nina Michael, Justin at Maxine.
I was happy to meet more friends! Parang nakakapanibago pa para sa akin dahil wala naman talaga akong kaibigan noon kahit sa school... Dahil siguro hindi rin talaga ako marunong makipagkaibigan... Ngayon ay nandito si Wesley na siyang una kong naging kaibigan at pinapakilala pa ako sa mga kaibigan din niya. From his friends I turned to Wesley with a grateful smile on my face. Ngumiti lang din sa akin si Wesley. Pagkatapos ay muli akong bumaling sa tatlo pang mga bata.
They are Wesley's friends. And his childhood friends became my friends, too.
Author's Note: Hi! You can join our Facebook group: Rej Martinez's Readers. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro