Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Three

Chapter Three

Bully



Monday came and it was my first day in my new school. Kanina papunta ay nagsabay kami nina Wesley at mga kaibigan niya sakay ng mga bike namin. It was a nice experience for me, kahit masyado lang nag-alala sa akin si Wesley dahil bago pa lang din ako natuto sa pagbibisikleta. But I had enough practice during the weekend and Sunday. And we all arrived safely at school. Tinabi ko lang din sa mga bisikleta nina Wesley iyong akin pagkatapos ay pumunta na kami sa mga classrooms namin.

Pare-parehong mga kaedad ni Wesley sina Justin, Michael at Maxine at nasa parehong grade level din silang apat at magkaklase pa. Habang ako ay Grade 5 pa. Kaya kinabahan ako papasok ng classroom ko. Nasa first floor lang iyon ng isang dalawang palapag na school building. Nagpaiwan na ako dito kanila Wesley at tumuloy na rin sila nina Michael sa classroom din nila. I sighed and I held onto the straps of my bag before entering the room.

Maingay ang mga estudyante bago ako pumasok. At nang makita nilang may bagong batang pumasok sa classroom ay humina ang kanilang pag-iingay at halos lahat ay bumaling sa banda ko. Lalo lang akong kinabahan. Pero nilakasan ko ang loob ko at tahimik lang na naghanap ng isang bakanteng upuan na pwede sa akin. Isang batang babae ang mukhang masaya na tinuro ang isang upuan na katabi ng kaniya. Unti-unti akong lumapit doon nang isang malaking bata ang humarang sa dadaanan ko sana.

"Oh, bagong classmate!" mukhang ayaw niya akong padaanin.

Lalong lumakas ang pintig ng puso ko sa kaba. Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa bata at lalo lang akong natakot at agad napayuko. Bakit ba may mga batang pakiramdam nila ay may karapatan silang guluhin ang ibang kapwa rin naman sana nila bata?

"Ano'ng pangalan mo?" he demanded.

Pinilit ko muling mag-angat ng tingin at sumagot. "Aryanne..."

Mabuti nalang at dumating na rin ang teacher. Natigil iyong bata at malaya na akong nakapunta sa bakanteng upuan. Doon pa lang din ako halos nakahinga. Sinalubong ako ng ngiti ng batang babaeng katabi ko. "Hello! Ako si Jhila. Ikaw si Aryanne? Narinig ko,"

Tumango ako.

"Huwag mo nalang pansinin si Jacob. Feeling bully kasi ang isang 'yan." aniya na mukhang tinukoy iyong malaking batang humarang sa akin.

Marahan nalang akong tumango.

Pinakilala rin ako ng adviser namin sa klase. Kabado naman akong napakilala sa lahat. "Ako si Aryanne Cruz... Uh, nice to meet you all..." marahan at mahina kong sinabi.

Narinig naming biglang tumawa iyong Jacob. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Pero agad din naman siyang sinaway ng teacher kaya natigil din siya.

Ngumiti sa akin si Jhila nang makabalik na ako sa upuan ko. Pagkatapos ay nagpatuloy na ang klase. Nang mag-break ay nilabas na namin ang mga baon naming pagkain. "Wow! Mukhang masarap!" puna ni Jhila sa pagkain ko.

Bumaling ako sa kaniya. "Gusto mo?" I politely offered.

Masaya namang tumango-tango si Jhila at gamit ang tinidor niya ay tumusok siya ng isang maliit na piraso sa baon ko. "Kumuha ka rin sa akin!"

Unti-unti akong tumango at ginaya nalang ang ginawa niyang pagkuha rin sa pagkain ko. Earning even just one friend on my first day in a new school made me smile. Mukhang mabait din si Jhila.

Naputol nga lang ang tahimik at masaya namang pagkain nang biglang nasa harap na namin si Jacob na nakangisi lalo na sa akin. Agad akong kinabahan.

Walang paalam siyang kumuha rin sa pagkain ko. "Ano ba, Jacob!" saway sa kaniya ni Jhila. "Isusumbong talaga kita kay teacher!"

Pero parang walang pakialam si Jacob sa banta sa kaniya ni Jhila. Halos maubos niya ang pagkain ko bago walang sabi rin na umalis. Pero inubos na niya ang baon ko at halos wala nang natira para kainin ko. I wanted to cry.

"Itong akin nalang, Aryanne... Meron pa naman, share nalang tayo. Isusumbong ko talaga mamaya si Jacob kay teacher. Huwag kang mag-alala." pang-aalo sa akin ni Jhila.

Walang nagawa ay unti-unti nalang akong sumunod sa sinabi ni Jhila. Nagpigil nalang din ako ng luha.

Nagsumbong nga si Jhila sa teacher namin kaya napagalitan si Jacob. Pero dahil doon ay mukhang lalo lang ako nitong pinag-initan. Dahil nang mag-uwian ay halos mahiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nang biglang may pwersahang humila sa akin galing sa likuran gamit ang bag ko na suot suot ko sa aking likod.

Nakangiti na ako noon dahil nakita ko na rin si Wesley na mukhang papunta rin yata sa classroom ko. Nang matigilan kami pareho sa nangyari. Ako sa pagkagulat at si Wesley na mukhang nabigla rin sa ginawa sa 'kin ni Jacob.

Napaharap ako kay Jacob na mukhang nagalit nga dahil napagsabihan ng teacher. At mukhang sa akin niya ibubunton ang galit niya.

Pero bago pa man niya ako magawan pa ng masama ay mabilis na nasa gitna na namin si Wesley. Malaki si Jacob pero matangkad din si Wesley.

"Bakit ka humaharang? Sino ka ba?"

"Bakit mo hinihila ng gano'n si Aryanne?"

Bahagyang natigilan si Jacob saglit pero hindi nagpatinag. Sinilip niya ako na nasa likod na ni Wesley at ngumisi siya. "Bakit, kapatid mo ba 'to? Sumbungera 'yan, e!"

"Siguradong may ginawa ka sa kaniya kaya siya nagsumbong." sagot naman ni Wesley sa kaniya.

May isang student pa na mukhang kaibigan ni Jacob ang may saglit na binulong sa kaniya. Ngumisi lalo si Jacob. He looked directly at Wesley. "Ah! Magsusumbong ka rin ba? Kanino, sa Papa mo? Eh, wala ka namang Papa!" Tumawa siya kasabay 'yong mga kaibigan niya na mukhang kilala nila si Wesley.

Nakakakuha na rin kami ng atensyon sa ibang mga students. Nagtatawanan pa sila nang biglang sinuntok ni Wesley si Jacob! Na hindi inaasahan ni Jacob na napaatras at halos mahulog na sa sahig dahil sa nangyari. May mga napahiyaw kasama na ako! "W-Wesley...!" Napahawak ako sa kaniya. At nang makita ko ang mukha niya ay halos mabitawan ko rin siya dahil nakita ko ang galit niya para kay Jacob.

Lalo akong natakot sa nangyayari.

"Wesley!"

Napalingon ako at nakita kong tumatakbo na dumating si Maxine kasunod sina Michael at Justin. "Kayo! Mga salbahe kayo!" sigaw ni Maxine sa grupo nina Jacob.

Hindi pa agad nakabawi si Jacob at mukhang gusto niya ring gumanti ng suntok kay Wesley pero nakaharang na sa kaniyang harapan si Maxine. "Siya ang nanuntok!" tinuro niya si Wesley sa tabi ko na mukhang hindi pa rin kumakalma.

May dumating na mga teacher at isa isang nagsumbong ang mga students sa paligid sa nasaksihan nilang nangyari. And we all went to the school principal.

"Aryanne!" dumating si Mama na nag-aalala at mukhang napaaga ang alis sa trabaho niya dahil sa nangyari sa akin dito sa school. And it was still my first day.

Halos sabay din sila na dumating ni Tita Joyce para naman kay Wesley na siguradong tinawagan sila ng teachers. "Ano'ng nangyari, Wesley?" lumapit si Tita Joyce kay Wesley na tahimik lang na nandoon.

Dumating din ang guardian ni Jacob. Nasa office din sina Maxine at mga kaibigan ni Jacob.

Mahinahon kaming lahat na kinausap ni Principal. We explained our sides. Sa huli ay pinagsabihan kami at na settle din naman iyon.

"Wesley, hindi ba 't sinabi ko na sa 'yo na hindi maganda ang pakikipag-away?" Pinagsasabihan ni Tita Joyce si Wesley habang paalis na kami sa school.

Nagpaalam na rin sina Maxine, Michael at Justin at sumakay na sa kani-kanilang mga bisikleta pauwi na rin ng mga bahay nila. Habang kami ay sa sasakyan na ni Mama. Nilalagay namin ni Wesley ang mga bikes namin sa likod ng sasakyan. Tinulungan din kami ni Mama.

"He was bullying, Aryanne!" Wesley reasoned to his mom.

Nagkatinginan kami ni Mama. This wasn't the first time that I got bullied at school. Pero noon ay hindi nalaman ni Mama. Ngayon lang dahil nalaman din ni Wesley...

Tita Joyce sighed. Bumaling siya sa akin. "Ayos ka lang ba, hija?"

Tahimik akong tumango kay Tita Joyce. "Opo..."

Wesley's mother sighed again. "Basta sa susunod ay umiwas nalang kayo sa gulo..."

Sabay kaming tumango ni Wesley.

Pumasok na rin kami sa backseat habang sa harap sina Tita Joyce at si Mama na siyang nagmaneho. Pinag-uusapan pa nilang dalawa ang nangyari.

"Kapag inulit pa niya 'yon, magsabi ka sa 'kin." Wesley told me.

I turned to him. "Ayos lang..." Nadamay pa siya...

"What do you mean ayos lang?" mukhang hindi niya iyon nagustuhan.

Umiling ako. "Sanay naman ako..." I sighed. "Ang mga bully... kapag hindi mo naman sila pinagtutuonan ng atensyon ay titigil din naman sila..." based on experience sa dati kong school.

Wesley shook his head in displease. "Hindi ka dapat masanay nalang, Aryanne. Paano kung hindi ka na titigilan ni Jacob? Hahayaan mo pa rin?"

I was looking at Wesley. I didn't know if I should nod or shake my head. At the end I just stayed quiet until we reached home.

Nagpaalam na rin sina Tita Joyce at Mama sa isa't isa. I also said goodbye to Wesley. Giniya na rin kami nina Mama sa mga bahay namin.

"Iyon lang ba ang ginawa niya?" si Mama na tinutukoy si Jacob nang nasa loob na kami ng bahay. Tumango ako. Nagbuntong-hininga naman siya. "Mabuti at nandoon si Wesley at pinagtanggol ka. Ang ibang mga bata talaga... parang hindi napapangaralan nang mabuti ng magulang nila..."

At the end we had our dinner before I went up my room.

The next day at school, wala nang ginawa sa akin si Jacob. Hinatid ako ni Wesley sa classroom ko mismo at hinanap ng mga mata niya si Jacob. Jacob just did his thing nonchalantly na para bang wala lang nangyari kahapon...

Nalaman ko na repeater din pala si Jacob. Kaya sana ay sina Wesley ang same grade level niya. That explains why he had friends from Wesley's classmates. Those students yesterday na mukhang tintukso rin si Wesley sa kawalan niya ng Papa...

"Pinsan kayo ni Wesley Rivera?"

Bumaling ako kay Jhila nang tanungin niya ako nito. It was break time and unlike yesterday ay hindi na talaga ako ginulo ni Jacob. Maayos ko nang nakain ang baon ko kasabay uli si Jhila.

I became comfortable knowing that there might be no kid who would try to bully me anymore because Wesley was there for me...

Umiling ako. "Hindi, uh, kaibigan lang..."

"Oh!" her eyes widened a bit. "Hindi ko alam na magkakilala kayo. Ang swerte mo naman at kaibigan ka ni Wesley! Si Maxine lang halos ang alam kong kasali sa grupo niya."

Hindi ko yata maintindihan ang sinasabi ni Jhila...

"Alam mo ba maraming may crush sa kaniya! Gwapo kasi! Ako rin crush ko si Wesley!" she giggled.

My eyes widened at her direct remark! "Pero... Jhila, mga bata lang tayo..." sabi ko sa kaniya.

"Huh? Crush crush lang naman! Hindi pa naman boyfriend!" she giggled again.

I just shook my head slowly. I didn't understand...

I was still Grade 5 at hindi ko pa naiisip ang mga ganoong bagay. Kaibigan lang din para sa akin si Wesley gaya nina Maxine at hindi crush na sinasabi ni Jhila... Napakabata pa namin! Bakit kaya naiisip na ni Jhila ang mga ganoong bagay? Ayos lang kaya iyon?

Umiling nalang ako at hindi na inisip pa ang bagay na iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro