Chapter Ten
Chapter Ten
Pain
"These are your brothers." Pinakilala sa akin ni Papa ang tatlong lalaking mga kuya ko.
When Wesley left home to go to his father in Europe, nagkasakit si Tita Joyce at hindi na siya nakapagtrabaho. May savings naman si tita but I wanted her to spend it on herself. Ayaw ko nang maging pabigat pa sa kaniya. Kaya gaya ng bilin ni Mama ay pumunta ako kay Papa.
He knew me. When I told him that my mother's already dead, wala siyang sinabi. He only accepted me and brought me home. Alam naman pala ng asawa niya at kahit ng mga kapatid ko na may isang anak pa ang Papa namin sa ibang babae. Pero hinayaan lang nila kami ni Mama.
My father's wife was okay, she's civil to me. Pero hindi rin kami nag-uusap kung hindi naman kailangan. Ang panganay kong kuya ay parang ganoon lang din. While I'm never comfortable with my second brother. Ang pangatlo ko namang kuya ay mabait sa akin. He's the only one who's kind to me in that house.
I was also introduced to some family friends. Lalo na sa mga Laurel na sobrang malapit si Papa at ang pamilyang ito ang nagpaaral sa kaniya hanggang sa maging abogado siya. Judge Laurel treated my father as his brother. Sabay silang lumaki at sa pamilya nila tumira si Papa simula nang maulila ito sa mga magulang na dating nagtatrabaho rin sa pamilya Laurel.
"Tapos na ba siya sa kaniyang pag-aaral?" tanong ni Judge kay Papa.
Bumaling sa akin si Papa saglit. I remained quiet as we ate our dinner on the long table Tita Carina prepared especially for the guests. "Hindi pa. Ililipat ko pa lang din siya ng eskwelahan. She's taking Political Science." Papa decided even though we barely talked about it.
Bumaba nalang ang tingin ko sa plato ko. The food was good enough but I miss Tita Joyce's cooking.
Masayang bahagyang tumawa si Judge. "Mag-aabogado rin!"
Papa nodded smilingly at Judge Laurel.
Pagkatapos ng dinner ay nag-usap pa ang mga nakatatanda. While I went outside to Tita Carina's garden as my brothers went on their own, too. Hindi nga lang nagtagal na mag-isa ako doon dahil sumunod sa akin ang nag-iisang anak ni Judge. Bumaling ako sa kaniya.
"Hey," he smiled. Hindi naman ako makangiti agad. He stood taller beside me. "Ano'ng year ka na sa Political Science?" he asked. He mentioned a university where he studies.
I didn't really know what to say. Mag-uusap pa kami ni Papa. I wanted to pursue and finish my Education course. I wanted to be a teacher like Tita Joyce. Sa ilang beses ko ring pagsama sa kaniya noon sa school at sa mga klase niya para mag-assist din sa kaniya minsan at natutuhan ko nang magustuhan ang pagtuturo.
"Oh, am I bothering you? I'm sorry, I hope I'm not making you uncomfortable..."
I turned to the man. Now that I look at him closely ay parang nakita ko na siya noon. Hindi ko lang maalala kung saan. Umiling ako. "Hindi... Uh, hindi ko pa alam kung saan ako i-enroll ni Papa." I said.
Tumango-tango naman siya.
Hindi rin nagtagal ang pag-uusap naming iyon dahil nilingon na namin nang may tumawag sa kaniya. Even his name sounds a little familiar to my ears. I'm not sure if we have already met before. Wala rin naman siyang sinabi. He only tried to talk to me politely that night.
"Let's go, son?" tawag sa kaniya ng Mama niya na asawa ng Judge. Sumulyap din ito sa akin.
From the very beginning I knew that Art's mother dislike me. Even though nilapit ko pa rin ang sarili ko kay Arthur Laurel. Dahil iyon lang ang nakita kong paraan para makatakas ako sa bahay nina Papa.
"Papa, ayos na po ako sa course ko ngayon—" I tried to talk to him about it.
Pero hindi natutuwang binalingan ako ni Papa. "Wala akong anak na hindi abogado, Aryanne." mariin niyang sinabi. Which was true. All my three brothers if not a lawyer yet like my eldest brother ay nag-aaral naman para maging abogado rin.
Wala akong nagawa.
Nag-shift ako sa kursong gusto ni Papa para sa akin. Dahil kung hindi ay hindi na rin niya ako pag-aaralin. And I wanted to keep my promise to my mother na magtatapos ako ng pag-aaral ko. It was not easy. It was hard.
Nasa Manila na ako nang mga panahong iyon. I was trying to live my life each passing day by studying to survive my course in college and living with my indifferent father and his wife. Mabuti nalang at kung hindi naman busy si Kuya Steven he make time for me for us to bond as siblings. Pero busy rin talaga siya sa law school. While Kuya Anthony make no time for me. He's also a busy lawyer. Ang pangalawa naman sa magkakapatid ay hindi na talaga ako naging komportable mula noong una pa lang.
I returned home that night from school after a busy schedule for my subjects. Pagod ako galing sa eskwela at diretso nang umakyat sa kwarto ko. Sinalubong pa ako nina Manang sa baba para mag-dinner pero pagod talaga ako at gusto ko nalang magpahinga. Wala pa sina Papa at Tita Carina sa bahay na um-attend pa ng isang formal party. Wala rin ang mga kuya ko. Iyon ang akala ko dahil laking gulat ko nalang nang makitang nasa loob pala ng kwarto ko si Kuya Clinton habang maghuhubad na sana ako ng mga damit ko!
Mabilis ko siyang nilingon nang makita ang repleksyon niya sa salamin! "K-Kuya Clinton, ano'ng ginagawa mo rito sa kwarto ko?!"
But he only smirked and went closer to where I stood. Umatras naman ako. Sisigaw na sana ako nang naunang kumatok sa kwarto ko si Kuya Steven. Mabilis kong tinungo ang pinto at pinagbuksan si kuya. "Kuya!" I immediately went out of my room and went to my brother's side.
Sumunod din na lumabas sa kwarto ko si Kuya Clinton. Nagkatinginan silang magkapatid. I saw Kuya Steven's jaw clenched seeing his brother who just got out of my room nonchalantly.
Kuya Steven turned to me after his brother left. "Are you okay, Aryanne? May ginawa ba sa 'yo si Kuya Clinton?" he worriedly checked on me. Mukhang kilala niya ang kapatid.
Marahan naman akong umiling.
"Listen, if he do something not good to you sabihin mo agad sa akin." Kuya Steven said.
Unti-unti lang akong tumango.
Pero ayaw kong pagmulan pa ako ng away sa bahay... Lalo at pakiramdam ko ay nakikitira lang ako... I don't want to also cause trouble especially to Kuya Steven who's the only one who showed kindness to me in that house.
"Kapag ba naging tayo... pwedeng sa 'yo nalang ako tumira?"
Nagkatinginan kami ni Arthur.
Higit isang taon na rin kaming magkakilala. Palagi kaming nagkikita dahil malapit ang mga pamilya namin sa isa't isa. And he expressed how he liked me. Nalaman na rin ito ng parents namin. Natuwa lang pareho sina Papa at Judge Laurel. Nakita ko naman ang disgusto kay Tita Alma, ang Mama ni Arthur.
Unti-unting tumango si Art sa tanong ko kahit may pagkabigla at pagtataka rin sa mukha niya. Dinugtungan ko nalang din ang sinabi para hindi na siya magtanong pa kung bakit o kung ano pa. "Medyo malayo kasi ang bahay sa university... Alam ko nakatira ka sa condo na malapit lang sa eskwelahan..."
Tumango muli si Art at hindi na nagtanong pa ng kung ano.
Pumayag si Papa na tumira ako kay Arthur. Wala rin namang problema iyon kay Judge Laurel. While Tita Alma just cannot voice it loudly, pero alam kong ayaw niya. Ayaw niya sa akin para sa anak niya.
"This was my guest room. It will be your bedroom now..." Pinapakita sa akin ni Art ang may kalakihan din niyang condo.
Tumango ako at bumaling sa kaniya para magpasalamat. "Thank you, Art." At least now I don't have to deal with my fright of Kuya Clinton. I feel safer here than in our house.
Nagpatuloy ako sa pagpasok sa eskwela. Hindi kami pareho ng schedule sa university ni Art at nagtatrabaho na rin siya sa law firm ng mga Laurel. Sa gabi pa usually ang mga pasok niya sa law school. Pero hinahatid niya ako sa university bago siya pumasok. We usually eat breakfast together in his condo, too. Tapos sinusundo niya rin ako at nagsasabay din kami pauwi sa condo niya. Mabait naman si Art sa akin.
"OMG! Ang gugwapo talaga nila!" tili ng classmate ko habang may pinagkakaabalahan sila ng iba ko pang mga kaklase.
I was trying to study for our next quiz but got distracted by their noises. Napabaling ang atensyon ko sa mga babaeng kaklase na abala sa pagtitingin ng kung ano sa mga cell phones nila.
"Ito si Justin! Siya ang pure Filipino sa kanila! Ang galing niya at nakapasok siya sa banda!" ang isang classmate ko pa.
Tuluyan nang nakuha ang atensyon ko noon dahil sa mga narinig. Banda... Justin... Isa lang ang kilala kong Justin. Simula noong nakarating na ako dito sa Manila ay nawalan na rin ako ng contact sa mga kaibigan ko sa probinsya...
"Magkaibigan din daw sila ni Wesley Rivera noon pa! At sabay nakapasok sa audition! Ang galing talaga nila!"
I feel like my mind just went blank after hearing his name again.
Pinilit ko lang tapusin ang huling klase ko na rin nang araw na iyon. I just messaged Art na huwag na niya akong puntahan pa at uuwi na ako sa condo.
I couldn't help it but to research online about what I heard from some or most of my classmates just today.
Both Justin and Wesley... auditioned in a singing competition in London, England. Soon after a group of five handsome and talented guys were put together to form a boy band that's becoming known to the world in just a short period of time.
Naibaba ko ang phone ko.
I tried to stop thinking about Wesley, too... Pero hindi siya mawala wala sa isipan ko. I still think about him no matter what. We've been apart for more than a year now or almost 2 years... Wala na akong balita sa kaniya... Until today.
I hated Wesley for leaving me. And I hated him more after seeing that he looked all fine now that he's already fast reaching his dreams. Does he also think about me still? Or not anymore. Baka nga nakalimutan na niya ako nang tuluyan. I can still remember how I begged him to stay. Na hindi ko kakayanin kung wala siya. But he still chose to leave me. And now I still cried in pain.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro