Chapter Six
Chapter Six
Feelings
"Aryanne..."
Nilingon ko ang tumawag sa akin. It was Jacob looking shy as he approached me. It's been years at mga bata pa kami noong sinubukan niya akong i-bully. Now I can see that he's changed and not anymore childish...
"Oh, Jacob?"
Lumapit siya sa kinatatayuan ko. Papunta na ako sa classroom ko nang araw na iyon. Lumiko na rin kanina si Wesley papunta naman sa Grade 12. Sa susunod na pasukan ay college na siya at maiiwan na akong mag-isa na magiging Grade 12 pa lang. Parang gaya noong naiwan din ako sa elementary dahil Grade 6 pa noon at graduate na sina Wesley. "Gusto sana kitang isayaw noong prom," medyo nahihiyang sinabi ni Jacob.
Hindi agad ako nakapagsalita. I was aware that he likes me. Parang hindi na rin naman niya iyon tinatago. Hindi lang din ako ganoon ka komportable.
"Kaya lang hindi umaalis sa tabi mo si Wesley..." he added.
"Uh, oo, sila nina Maxine and madalas kong nakasama noong prom..."
Jacob nodded. "Oo... Gusto ko lang sanang magtanong... uh, kayo na ba?"
Kumunot ang noo ko pagkatapos ay umiling. "Magkaibigan lang kami ni Wesley."
He smiled. "Sabi ko na! Kung ano-ano kasi ang sinasabi ng ibang estudyante tungkol sa inyo. Alam ko namang hindi totoo 'yon. Pero kasi... noong prom, hinarang talaga ako ni Wesley noong gusto kong lumapit sa 'yo. Muntikan pa nga kaming magkasuntukan kahit ayaw ko naman talaga ng gulo. Hindi ko lang kasi talaga siya maintindihan kung bakit ganoon siya umakto. Parang boyfriend mo siya kung umasta. Kahit hindi naman."
I didn't know it happened. Maybe I was with Maxine at that time? Or I was doing something else... Kaya hindi ko na napuna na gusto pala akong lapitan ni Jacob at isayaw...
"Sa totoo lang, Aryanne. Matagal ka nang binabakuran niyang si Wesley kahit wala naman siyang karapatan!"
Kumunot ang noo ko. Wesley can't do that. He's my friend and I know that he can be protective sometimes... Pero bakit naman gagawin ni Wesley ang binibintang sa kaniya ni Jacob? I'll just talk to Wesley later. "Kakausapin ko nalang si Wesley mamaya, Jacob. Sige, mauna na rin ako sa 'yo at baka ma-late pa ako sa klase ko."
He nodded with a smile on his literal bigger face. Ayos lang sa akin na maging magkaibigan kami pero kung liligawan niya pa rin ako ay hindi ko siguro mapapayagan dahil ayaw ko noon. Mga bata pa rin kami at mas mabuting mag-aral nalang muna.
I grew up without a father. And when I think of it, gusto ko sanang piliin ng mabuti ang posibleng magiging ama ng magiging anak ko sa hinaharap. I know it might still be early to think about it but I just can't help it. I've heard and read it somewhere that a child can't choose his or her parents but a woman can choose her child's father. At ganoon din naman sa mga lalaki sa babaeng pipiliin nila. Ayaw ko lang na matulad sa akin ang anak ko.
Nang uwian ay sumabay lang muli ako kanila Wesley. Maxine looked fine now after what happened on our prom... Mukhang okay lang din naman sila ni Mike... Nang maiwan kaming dalawa ni Wesley ay hindi muna ako pumasok sa gate ng bahay namin. Tumigil din si Wesley sa tabi ko. "Pwede ba tayong mag-usap, Wesley?" I asked him.
He looked at me and nodded his head. "What is it?"
I sighed a little. "Hinarangan mo raw si Jacob noong prom? Gusto niyang lumapit sa akin pero pinigilan mo raw siya..." I was also asking him dahil ayaw kong pag-isipan agad siya gayong kay Jacob ko lang ito narinig.
But then he looked away to his side.
I sighed obviously this time. "Wesley... hindi dapat ganoon. Magkaibigan tayo at alam kong nag-aalala ka lang naman sa akin. Kung tungkol pa rin ito sa pambubully sa akin noon ni Jacob ay matagal na iyon. I have already forgiven him a long time ago. And we can even be friends now. You don't really have to worry, Wesley—"
"I just don't want anyone hurting you again like what he did to you, Aryanne." he said.
I sighed. "Pero matagal na iyon, Wesley."
"And... he likes you. I thought you don't like him. Kaya ayaw ko siyang palapitin sa 'yo..." he reasoned.
I shook my head. "Ayaw ko ngang magpaligaw, Wesley, dahil mga bata pa tayo. Pero kung pagkakaibigan lang naman..." I shrugged my shoulders.
This time he's the one who sighed. "May gusto pa rin siya sa 'yo,"
Umawang ang labi ko para magsalita pero wala na yata akong masabi. And I'm not sure what came in my mind for my next words. "Ano naman kung may gusto sa akin si Jacob, Wesley? Hindi ba normal lang naman iyon? Lalo na sa edad natin. At ikaw rin naman maraming girls ang nagkakagusto sa 'yo."
"Pero hindi ko naman pinagtutuunan ng pansin ang mga iyon."
I sighed. "Oo nga..."
"But you're now considering Jacob to be your friend?"
Kumunot ang noo ko. "What do you mean, Wesley? Wala namang masama sa pakikipagkaibigan. Don't tell me, gusto mo rin na gayahin kita? Na hindi namamansin sa mga nagkakagusto sa 'yo at suplado pa? Then, I won't do the same. That's just not very polite, Wesley." I told him.
He just shook his heat. Medyo hindi ko siya maintindihan.
"Fine," sa huli ay sinabi niya lang bago siya saglit lang na nagpaalam sa akin at tumalikod na pauwi sa bahay nila.
I can't help it but to think about Wesley ang our conversation a while ago outside our house. We're okay, right? Hindi naman kami nag-away. Wala naman siguro akong nasabing masama. He did not walk out on me. Nagpaalam nga siya sa akin na uuwi na sa kanila kanina bago unalis sa harap ko.
Hindi ko lang siguro kaya kung magkakaroon kami ng tampuhan ni Wesley. Kung ganoon ay unang beses pa lang ito. And I surely wouldn't know how to deal with it.
I got a few pebbles para batuhin na naman ang bintana ng kwarto niya. Pero hindi siya sumagot. Hindi niya ako pinagbuksan. Noon naman kahit pa nga may sakit siya ay nagawa pa rin niyang buksan itong bintana niya para harapin ako. May mali ba talaga sa naging usapan namin kanina?
At school I saw Wesley talking to Jhila who was all smiling. Kumunot ang noo ko. It never happened before. Samantalang hindi pa kami nag-uusap ni Wesley simula noong napag-usapan namin si Jacob.
"Aryanne,"
I turned to Maxine who called my attention. She was looking at me as if she knew something... Kumunot lang din ang noo ko sa kaniya. Her serious look at me made me a bit uncomfortable. "Ano?" I asked.
She shook her head slowly. "Gusto n'yo ang isa't isa." she suddenly said that with certainty in her voice.
My forehead creased more.
Nasa canteen kami at hindi ako sinundo ni Wesley galing sa classroom ko. It was Maxine and Michael who went to me papunta dito sa kakainan naming lima ng lunch. Nandito na si Wesley nang dumating ako at bumibili ng pagkain niya at kausap pa si Jhila na kasunod niya sa pila.
"Ikaw at si Wesley." Maxine said. "Matagal ko nang nahahalata na may gusto si Wesley sa 'yo. At ngayon ay mukhang ikaw din sa kaniya."
Bumilis ang takbo ng puso ko. Natataranta ko siyang maagap na sinagot. "S-S'yempre gusto namin ni Wesley ang isa't isa dahil magkaibigan kami. Gusto namin ang isa't isa bilang kaibigan." subok kong pagtatama sa kaniya.
But Max shook her head. "Nag-usap na kami ni Mike..." she said differently.
Kaming dalawa lang ni Maxine ang nasa table namin dahil bumibili pa ng pagkain ang boys para sa amin. Sina Mike na rin ang bumili ng pagkain ko dahil nauna na rin si Wesley.
"Nagdesisyon ako na... bigyan kami ng pagkakataon." she sighed. Nakinig ako ng mabuti sa kaniya. "Gusto kong bigyan ng pagkakataon si Mike dahil mahalaga siya sa akin. At gusto ko rin bigyan ng pagkakataon ang sarili ko dahil gusto ko rin sumaya... Bahala nalang ang mangyayari sa hinaharap." aniya.
Parang isang sugal. Liking someone is like a gamble that you aren't sure if you'll win or lose. Committing to something or someone is a risk... I didn't know if I can do the same as what Maxine did.
"Hindi pa rin ako sanay."
Bahagya nalang namin tinawanan si Justin. Tinutukoy niya sina Maxine at Mike na halos subuan na si Maxine habang kumakain na kami sa mesa namin. Ramdam ko naman ang awkwardness pa rin ni Maxine pero si Mike ay mukhang tuwang-tuwa na mag-boyfriend girlfriend na sila ni Max. And I'm just happy for them, too. I am their friend so I will support them because their happiness makes me happy, too. At kung dumating man ang araw na maisip nilang nag-iba ang feelings nila... I will try to be there, too. Pero mukha namang gusto talaga nina Maxine at Michael ang isa't isa.
I can only hope that their feelings can stand the test of time...
"Sa susunod sina Aryanne at Wesley naman." Justin added that made my heart almost stop from beating.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Sinaway ni Maxine ang kaibigan. Seryoso rin siyang tinawag ni Wesley. But Justin only rolled his eyes at Wesley. "You're just making it complicated, Wes." ani Justin kay Wesley.
"Huwag kayong mag-aalala. Ayos lang sa akin. Hindi ko lang alam na by pair na rin pala pati sa group of friends." Tumawa pa siya na parang wala lang pero ang puso ko ay naghuhuramentado pa rin. "Seryoso, ayos lang talaga sa 'kin. I support you four." ngumiti rin siya sa akin.
Pero ramdam ko na ang pamumula ng mukha ko sa kahihiyan at kung ano pang nararamdaman. I didn't expect he'll say it aloud. Tama kaya si Maxine? Na talagang halata na kami ni Wesley... Inaamin ko na ba na gusto ko nga rin siya? I didn't know. I was still confused. Ang sigurado lang ako ay mahalaga sa akin ang pagkakaibigan namin ni Wesley.
Binato ni Maxine si Justin ng buto sa ulam niyang fried chicken. Agad naman nagreklamo si Justin sa pandidiri sa ginawa ni Maxine. Max only rolled her eyes at him. At nang bumaling siya sa akin ay nagbuntong-hininga nalang siya.
Umiling din ako, natatakot...
Dahil sa awkwardness na nararamdaman ay nagmadali na ako sa pag-uwi pagkatapos ng klase namin sa hapon na last subject at hindi ko na hinintay si Wesley. Kaya si Jacob ang nakasabay ko sa uwian dahil nakita niya rin akong mag-isa pauwi so he offered if he could send me home. Nagsabay kami sa tricycle.
"Ayos ka lang ba?"
Bumaling ako kay Jacob. "Uh, oo..."
Tumango naman siya. Siya ang nagbayad ng pamasahe naming dalawa at nag-thank you nalang ako dahil inunahan na niya ako at ayaw na ring tanggapin ang pera ko. "Mukhang malalim ang iniisip mo..." he said.
I looked at him again. "Hindi kayo nagsabay ni Wesley ngayon. Nagkaproblema ba sa pagkakaibigan ninyo?" he asked.
Umiling lang ako at tahimik hanggang sa huminto na ang tricycle sa tapat ng bahay namin. Hanggang doon nalang din ang mga nasabi ni Jacob. Kita ko pa ang panghihinayang sa mukha niya nang kailangan ko nang bumababa sa tricycle. Nagpaalam na rin ako sa kaniya at muling nagpasalamat sa panlilibre niya ng pamasahe. "Dito na ang amin, Jacob. Thank you," I said to him.
Jacob smiled and went in the tricycle again at umalis na sila. I sighed as I went to our gate. Napalingon nga lang nang makarinig ng isa pang parating na tricycle at nakita ko si Wesley na bumaba mula doon. Nagkatinginan kami.
"Nauna ka na pala," salubong niya sa akin. "Si Jacob ba 'yon?" Mukhang naabutan niya si Jacob na kakahatid lang sa akin.
I nodded. "Maaga natapos ang last subject namin..."
Tumango rin si Wesley sa sagot ko. Pero nanatili pa kaming nakatingin sa isa't isa. "Mukhang nagkakamabutihan kayo," he said with obvious displeasure on his face.
"Kayo rin ni Jhila. Nakita ko kayong nag-uusap kaninang lunch habang bumibili ka ng pagkain sa canteen." I said with as if a bitter taste in my mouth.
Nagkatinginan kami ni Wesley. Matagal bago muling may nagsalita sa aming dalawa. "Nagselos ka ba..." as if that just came unexpectedly out of his mouth. Mukhang pati siya ay nagulat din sa nasabi at hindi niya sinasadya iyon.
Nanliit ang nanlaki kong mga mata kanina sa sinabi niya. "Ikaw? Nagseselos ka rin ba na nakita mo akong kasama si Jacob?" I said fiercely.
I didn't know how exactly we went to this topic. Parang ang bilis na lumabas ng mga salita sa mga bibig namin. And we can't deny our feelings anymore, can we? Tama si Maxine... Siguro noong una, sa mga nakaraang taon, hindi pa namin lubusang mapangalanan ang ibang nararamdaman. But as we grew older mas lalong nadedepina ang totoong nararamdaman namin...
Matapang din akong tiningnan ni Wesley sa mga mata ko. "Oo..." he trailed off.
It was obvious. Kulang nalang ng mga salita... Tears formed in my eyes. I can't believe that after years of just being friends we'll end up this way... Sobrang mga bata pa namin noong unang nagkakilala ni Wesley. We used to just being friends. It was all innocent friendship until this happened. He was obviously already confessing to me right now... And I knew now how exactly I feel... Siguro nga ay bata pa ako. Mga bata pa lang kami. But our feeling aren't invalid, right? This is how we feel and we both knew it.
Tinalikuran ko nalang si Wesley at mabilis nang pumasok sa gate ng bahay namin at ni-locked iyon. Wala na rin akong narinig kay Wesley. My tears fell as I just threw my school bag on the floor of my bedroom at pabagsak na humiga sa kama ko. Padapa akong humiga doon ang I cried on my pillows.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro