Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Seven

Chapter Seven

Sorry



"Okay lang ba kayo ni Wesley?"

I turned to Maxine who asked me. Hindi ko agad siya nasagot. Okay ba kami ni Wesley? Hindi na kami nag-usap pagkatapos noong maabutan niya akong hinatid ni Jacob sa bahay namin. I didn't know how to approach him after what happened. At mukhang ganoon din siya... Bahagya nalang akong umiling kay Max.

"Napansin kasi namin na mukhang hindi kayo masyadong nag-uusap..." she added.

Bumaling na rin sa pinag-uusapan namin si Mike na mukhang nakikinig lang din sa tabi ni Maxine. Nasa bahay kami nina Justin at nasa sala kaming tatlo. Habang kumuha naman ng meryenda sa kusina sina Justin at Wesley. May gagawin silang project at inaya nalang din nila ako. I appreciate that over the years they all really treated me as part of their group. That I'm part of their friendship.

"May hindi ba kayo pagkakaintindihan?" si Maxine uli.

Umiling lang ako at nakabalik na rin sina Wesley. Naupo pa rin siya sa tabi ko. Sumunod naman sa tabi niya si Justin. Pinalibutan naming lima ang coffee table sa living room nina Justin. Sa maliit na mesa ay nagkalat din ang ilang mga papel na kailangan nila para sa kanilang school project na tinabi muna para malagay naman doon ang pagkain.

Nagsimula kaming mag meryenda. Patingin-tingin sa amin ni Wesley sina Maxine at Mike. Ganoon din si Justin na mukhang nakapuna na rin sa katahimikan namin ni Wesley. I felt a little awkward. Parang wala lang naman kay Wesley na binabasa lang din iyong handouts nila. Dahan-dahan nalang din akong kumain sa meryenda.

Natapos lang agad nila ang ginagawa. Dahil mukhang seryoso si Wesley ay nagseryoso na rin ang tatlo kaya natapos nila agad. Nagsabay pa rin kami ni Wesley pauwi dahil magkatabi lang naman ang mga bahay na uuwian namin.

Pareho lang kaming tahimik noong una hanggang sa bigla siyang tumigil at hinarap ako. I also halted on my steps and faced him. Nagkatinginan muna kami bago siya tuluyang nagsalita. "I'm sorry..." he said.

Umawang ang labi ko. Nanatili akong nakatingin sa kaniya. "Wesley..."

"Maybe I made you uncomfortable. Sorry, masyado akong nagpadala sa emosyon ko. Hindi dapat ako umakto ng ganoon. I'm sorry, Yan." he sincerely apologized to me for his past action.

Nanatili lang ang mga mata ko kay Wesley. "Gusto mo ba ako..." I said it after a while.

His mouth opened but he didn't talk right away. Until he sighed. "Yes, but we'll remain friends! Walang kung ano pa man kung ayaw mo, Aryanne. Kung si Jacob ang gusto mo, then it's okay! It's fine. You don't really have to think about me. Ah! You know what, kalimutan mo nalang 'to. Huwag mo nang isipin." He smiled awkwardly that he almost looked stupid.

Nagbuntong-hininga ako pagkatapos siyang matamang tingnan. "Hindi ko gusto si Jacob, Wesley." pagtatama ko. I looked at his face to see his reaction. Pero nanatili lang siyang seryoso. "Mga bata pa tayo..." I added.

Wesley nodded his head like he understood what I meant.

After that we became okay again. No more awkwardness. At hindi na rin kami inalala nina Maxine. Hanggang sa natapos ang school year na iyon. Maxine, Michael, Justin and Wesley received awards from school, especially Maxine for her outstanding performance. She graduated as valedictorian.

It was already school breaks and I was just with Wesley at their house. May pinaparinig na naman siya sa 'king bagong gawa niyang kanta. I admire his talent for music. He's really a good singer and the songs he composed were great. Sinabayan ko siya sa pagkanta pagdating sa gitna dahil parang na memorized ko na rin agad ang mga bagong lyrics na mukhang madali lang din masabayan. Wesley smiled at me. And we continue to sing the song he made...

But after a while I told him my thoughts for days and weeks. Wesley's my best friend since we were young. He was my first friend. He protected me from those who wanted to bully me then. He's always there for me. He understands me and he knows me. Alam niya ang mga gusto at ayaw ko. Alam ko rin kung ano ang pangarap niya...

"Gusto mo ba talaga ako?" I asked him seriously.

I saw him blushed that made me smile. Nakapag-usap na kami at alam kong gusto niyang kalimutan ko nalang ito pero hindi na mawala sa isip ko. "Bakit mo ba ako gusto?" I continued.

"Aryanne..." He was looking at me as if he's annoyed.

I chuckled a bit.

"Tsk. I think you should go home now. Baka hinahanap ka na ni Tita Lorain." he said.

I looked at the time on my wristwatch that's also a gift from Wesley for my birthday last year. "Maaga pa naman. Wala pa siguro si Mama sa bahay." Tiningnan ko siya. "Pinapaalis mo na ba ako?" Nag-angat ako ng kilay sa kaniya.

He shook his head. "No!"

I smiled. "So?"

"So? What?"

I sighed loudly. "Hindi mo talaga sasagutin? Noong si Jacob ang tinanong ko kung bakit niya ako gusto, he said it's because he finds me pretty."

Wesley was looking at me. I looked away a bit. Nasa porch lang kami ng bahay nila kasama ang gitara niya na regalo ko rin sa kaniya noon. Si Tita Joyce ay nasa loob ng bahay at mukhang nasa kusina para maghanda na ng hapunan.

"Ikaw? Ba't mo 'ko gusto?" pagpapatuloy ko pa rin. I just wanted to know...

Wesley sighed. "Bakit ba gusto mo pang malaman? 'Di ba nag-usap na tayo na kalimutan nalang?"

Kumunot ang noo ko. "Why? You realized na mas mabuting manatili nalang pala tayong magkaibigan? Bakit sina Maxine at Mike nga..." I trailed off.

"What do you mean?"

Ako naman ngayon ang nakaramdam ng awkwardness. I lowered my head in embarrassment. Kasalanan ko naman ito dahil ako rin ang nagbukas pa ng usapan. But... I just really wanted to know...

Nakakahiya pa ring pag-usapan pero...

Maxine's right. Gusto ko rin talaga si Wesley. That's why...

"Sagutin mo nalang..." nanghina ang boses ko at tumingin sa ibang bagay. I knew why I'm pushing this.

Wesley sighed. "Well, because you're my best friend. And we understand each other. I'm comfortable with you... I like your presence... You support my like for music. And, well, uh, yes. Maganda ka, Aryanne." He blushed. Hanggang tainga niya ang namula.

Nakikita ko naman ang sarili ko sa salamin. May mahaba at itim na buhok, matangkad at payat na talaga mula pagkabata. Hindi ako sigurado kung maganda ba talaga ako o hindi naman. Pero may sariling mga mata naman si Wesley at iyan ang tingin niya kaya...

While Wesley who was a bit chubby when we were younger grew not only more taller but his body also changed. Maybe because of his foreign blood, too. Kaya mas matangkad din siya kumpara sa mga kaedad.

I looked up at him. We looked into each other's eyes. "Ako lang ba ang nagugustuhan mo?" tanong ko sa kaniya.

His forehead creased. "What do you mean? Of course." he answered.

"Paano si Jhila?"

"What about her?" kunot ang noo niya.

"Noong minsan ko kayong nakitang nag-uusap sa canteen noon."

Kunot pa rin ang noo niya na para bang hindi na niya maalala ang sinasabi ko. "Oh? Isang beses lang 'yon. She only greeted me and I just politely greeted her back. She's your classmate and friend?"

Hindi nalang ako nagsalita.

Naghintay si Wesley sa sasabihin ko pa. Nag-angat muli ako ng tingin sa kaniya at nagkatinginan kami.

"Bakit gusto mong kalimutan ko nalang na may gusto ka sa 'kin?" I asked him.

Medyo namumula pa rin ang mukha ni Wesley. "I just don't want you uncomfortable, Aryanne. Dapat nga ay hindi ko nalang sinabi."

"Then what?"

"What? Hindi ko dapat ipilit."

"I think... I like you, too,Wesley." I said it bravely.

Maybe being real comfortable with each other was what pushed us to continue talking about it despite the feeling of embarrassment, too. Kasi nasanay na kami pareho ni Wesley na palaging nagsasabi ng kung ano-ano at lahat na yata sa isa't isa. Iba lang ngayon that we're already talking about our feelings... And for each other.

His jaw dropped.

I sighed. "Pero kasi... mga bata pa tayo. Tingin mo ba hindi naman agad agad magbabago ang nararamdaman mo sa 'kin?"

"Kailan mo ba nalaman sa sarili mo na gusto mo na pala ako?" I added before he could answer.

"I don't know... I'm not sure, Aryanne. Noong una iniisip ko gusto kita kasi kaibigan kita... Pero..."

"Nakaramdam ka na ng kakaiba noong nakita mong lumalapit sa akin si Jacob na alam mo ring may gusto sa akin..." I guessed.

Kasi may kakaiba na rin sa naramdaman ko noong nakita ko silang nag-uusap ni Jhila... Tingin ko ay wala itong pinagkaiba sa naramdaman din ni Maxine noong nakita niyang may kasama ring iba si Mike... A feeling of jealousy maybe.

I'm still young to be sure of everything right now. Kaya nga ayaw ko rin magpadalos-dalos...

Wesley sighed before he nodded his head. "Siguro..."

Tumango ako.

"Siguro kapag gusto mo pa rin ako sa susunod..." I didn't know how to exactly say it. Will I make him wait until I'm ready? Or till we both are ready. Kasi tingin ko sa ngayon ay bata pa kami at nag-aaral pa...

Nagkatinginan kami ni Wesley. Mukhang naghihintay pa siya sa sasabihin ko pero tinikom ko na ang bibig.

***

"Ano ang kukunin mong course sa college?" I asked Wesley. College na kasi sila nina Mike. Samantalang Grade 12 naman ako sa pasukan. Huling taon ko na rin sa high school.

Si Maxine ay Accountancy raw sila pareho ni Mike. Although Michael likes music, too, aniya ay mas gusto niyang magkaroon ng mas stable na trabaho sa future. Si Maxine naman lawyers ang parents, na nakakasama nga ni Mama sa trabaho na secretary naman sa law office na pinapasukan niya. Kaya mukhang ganoon na rin ang gustong career ni Maxine at preparatory course niya ang accounting. Si Justin naman ay mukhang hindi pa rin sigurado. Mukhang gusto nga rin niyang i-pursue ang music. Lalo nitong nakaraan lang ay naimbitahan silang tatlo nina Mike at Wesley na tumugtog.

Nitong bakasyon ay may bagong bukas na restobar dito lang sa lugar namin. Naimbitahan sina Wesley, Mike at Justin na tumugtog doon dahil kakilala ng music and arts teacher namin noong high school iyong may-ari. Malapit din kasi kami kay Sir Oliver at nakikitaan talaga niya ng talent sa music sina Mike, Justin at Wesley. The customers liked the three boys' performance. Nanood nga rin kami noon ni Maxine kasama namin sina Mama at Tita Joyce. Doon na rin kami nag-celebrate ng 18th birthday ko. Kumain lang kami sa maayos na restobar at nakinig sa pagtugtog nina Wesley doon.

"Hindi pa ako sigurado..." sagot ni Wesley sa tanong ko.

"Ayaw mo bang maging teacher din gaya ni Tita Joyce?"

Bahagyang tumango si Wesley sa sinabi ko. "Siguro... pwede rin akong magturo sa mga bata ng music."

He's really passionate about music.

"Sinabi ko rin kay Mama na kung magtrabaho nalang muna ako. Kasi hindi pa rin naman ako sigurado sa course na kukunin."

"Ano'ng sinabi ni tita?"

Umiling si Wesley. "Gusto niyang mag-aral ako..."

"Ano bang naiisip mong trabaho muna kung sakali?"

"Any... And sing to places like restobars if I can. Nag-usap din kami ni Justin. He wants to pursue our music." he said.

I was watching Wesley. Nasa bahay naman namin kami ngayon, sa sala. Medyo boring nga at nanonood lang kami ng kung ano ang palabas sa TV. When I remember of asking him about his plan for college. Noon ko pa kasi naririnig ang mga plano nina Maxine at wala pa yatang nababanggit si Wesley... "Sinabi mo rin ba kay Tita Joyce?"

Tumango si Wesley.

"Ano'ng sabi niya?"

Wesley shook his head. "Ayaw niya. She just want me to study."

Tumango ako. I understand Tita Joyce... Pero naiintindihan ko rin si Wesley. Gusto niya talaga ang music. Hindi ganoon ka practical gaya marahil ng iniisip ni tita pero may potential naman si Wesley.

Umuwi na rin si Wesley sa kanila nang dumating si Mama. Nakapagluto na ako ng kanin at nag-uwi nalang si Mama ng ulam namin. She wasn't feeling well so I got worried.

"Ma, ayos ka lang po ba talaga?" paninigurado ko. This wasn't the first time these days. Ilang linggo ko na rin napapansin na parang palaging hindi maganda ang pakiramdam ni Mama.

Ang payat na rin niya lalo at mukhang palagi siyang pagod. I thought it's because of her work. Naisip ko iyong sinabi ni Wesley na magtrabaho muna. I thought of part-time job. Kaya ko naman sigurong maging working student.

"Ayos lang ako, Aryanne." sagot lang ni Mama palagi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro