Chapter One
Chapter One
Friend
I met the boy Wesley at age 10. When my mother who raised me alone and I moved to a small town in the province. Wala kaming ni isang kakilala ni Mama sa lugar na iyon. Aniya ay hindi na namin kakayanin pa ang mga gastusin sa pananatili sa Maynila. Unlike in the province where the cost of living isn't that expensive compared to Manila. But I knew she had other reason besides that...
Nagdidiskarga kami ni Mama ng mga gamit namin mula sa lumang sasakyan ni Mama patungo sa loob ng nilipatan naming bahay. It wasn't big or small and I think was just enough for us two. May kalumaan na rin ang bahay at makikita iyon kahit sa labas pa lang pero maayos pa naman. Nasa loob pa si Mama nang muli akong lumabas para balikan ang iba pang mga gamit.
Nahirapan ako sa isang malaking maleta pero pinilit ko. Nakita ko kasing pagod na rin si Mama kaya kung kaya ko naman ay ako nalang ang gagawa nito. Isang batang lalaki nga lang ang nagtuloy-tuloy lang na pumasok sa bakuran namin gamit ang nakabukas pa naming mababang gate. Natigilan ako sa ginagawang paghila sa mabigat na maleta at kunot-noong tiningnan ang bata.
"Tulungan na kita." he offered and gave me a friendly smile.
Hindi ako nagsalita agad. Nagtataka ako sa ginagawa niya. Bigla nalang siyang pumasok sa bakuran namin. Hindi ko siya kilala. At siguradong hindi rin siya kilala ni Mama...
"Ano'ng ginagawa mo?"
Naging awkward ang ngiti niya at nagkamot sa likod ng kaniyang ulo. "Ah... 'Yan lang ang bahay namin." May tinuro siyang bahay na katabi lang ng amin. Tumingin naman ako doon. Mababa lang ang mga tarangkahan namin kaya kitang-kita ang mga bahay sa loob. Gaya nitong amin ay dalawang palapag din ang bahay nila. Pero mukhang mas bago pa iyong bahay nila kumpara sa amin na luma na talaga kahit ang disenyo. Pero kung sa laki ay mukhang magkasinglaki lang naman ang dalawang mga bahay.
"Bagong lipat kayo dito?" tanong niya kahit obvious naman. Dinagdagan niya ang sinabi. "Ah! Matagal na rin walang tao sa bahay na 'to. Mabuti ngayon meron na." ngumiti siya sa 'kin nang malapad.
Seryoso ko lang naman siyang tinitingnan, hindi pa sigurado kung ano ba talaga ang pakay niya.
"Magiging magkapitbahay tayo. Ah! Ako nga pala si Wesley," nagpakilala rin siya.
Pinagmasdan ko siya, ang mukha niya. Maputi siya at may ibang kulay ng buhok. Unlike me who has a dark hair. Tapos kakaiba rin ang mga mata niya... Parang... dagat... pero hindi naman asul. Mas kulay green ang mga mata niya kung titingnang mabuti pero imbes na green na parang sa mga puno ay mas mukha iyong tubig... Maganda ang mga mata niya... Na halos mawala ako...
Ngumuso ako. "Ano'ng ginagawa mo dito?" tinanong ko siyang muli.
"Ah! Tutulungan lang sana kita... Mukhang mabigat..." tiningnan niya ang malaking maleta namin ni Mama.
Inisip ko ang sinabi niya. Inisip ko rin ang maletang nahihirapan akong ipasok sa loob ng bahay namin. Tiningnan ko pa siya nang ilan pang sandali. Hindi naman siya mukhang masamang tao. At bata lang din siya gaya ko kaya... Unti-unti na akong tumango.
Ngumiti pa siya at tinulungan na nga ako sa maleta. Mas matangkad siya sa akin at kumpara sa kaniya ay payat din ako. Halos sa kaniya napunta ang bigat ng maleta pero magkatuwang kami na dinala iyon sa bahay. Nakita kami ni Mama.
"Oh, Aryanne... Sino?" bahagyang napaturo si Mama kay Wesley.
"Hello, po! Ako po si Wesley."
"Tinulungan lang po niya ako, Ma. Kapitbahay po natin sila." sabi ko kay Mama.
"Opo, d'yan lang po ang bahay namin." si Wesley pa na nakangiti kay Mama.
Napangiti na rin si Mama ko habang nakatingin kay Wesley sa tabi ko. "Hello, Wesley." Lumapit pa sa amin si Mama. "Ang bait mo namang bata. Salamat sa pagtulong sa anak kong si Aryanne, ha. Oh, Aryanne, nag-thank you ka na ba kay Wesley?" bumaling sa akin si Mama.
Umiling ako. "Hindi pa po. Ngayon pa lang..." Bumaling ako kay Wesley. "Thank you." I said to him.
Ngumiti naman siya ng malapad. He used to as if always have that wide smile of his. "You're welcome, Aryanne!" he said.
Napangiti na rin ako ng tipid.
Nakangiti rin sa amin si Mama. "Siya, dahil tumulong ka rito sa amin, hijo, magmeryenda ka na rin dito, ha. Hindi ka pa ba hahanapin sa inyo?" ani Mama.
Umiling si Wesley na nanatili lang sa tabi ko. "Hindi naman po. Nasa school pa si Mama, e. Teacher po siya."
"Oh, ganoon ba? Ang Papa mo, hijo? Mga kapatid?" si Mama habang pinapasunod na kami ni Wesley sa kaniya sa kusina.
"Kami lang po ni Mama... Ako lang din po mag-isa ang anak niya." ngumiti sa akin si Wesley nang malingunan niyang nakatingin ako sa kaniya.
Bumaling ako sa likod ni Mama na kaharap na ang sink para maghugas siguro ng ilang pinggan. Umupo na rin kami ni Wesley doon sa mukhang antique na na wooden dining table.
Bumaling sa amin si Mama sandali. "Ganoon ba, hijo... Kami rin ni Aryanne... Kaming dalawa lang din..." ngumiti si Mama kay Wesley.
Bumaling sa akin si Wesley. "Wala ka na rin Papa? Pareho pala tayo." ngumiti siya na parang magandang balita iyon...
Hindi ako nagsalita at nag-iwas ng tingin. Tumingin nalang muna ako sa bintana na nakabukas. Hapon na sa labas. Ilang oras pa lang din simula nang dumating kami ni Mama. Ngayon ay sinusubukan niyang gawan kami ng meryenda dahil nandito rin si Wesley. Mabuti nalang at bagong grocery lang din kami. Dumaan na kami ni Mama para mamili bago tumuloy dito dahil alam naming mga hapon na nga kami dadating dito sa bahay. Mas mabuti nang may pagkain na kami para mamayang gabi.
Siguro nga tama rin iyong sinabi ni Wesley na pareho kami... Pero may Papa pa naman ako... At nasa Maynila lang siya. Mga dalawang beses ko pa lang siyang nakikita habang lumalaki ako at nandoon pa kami ni Mama sa Manila nakatira. Una ay noong nagkasakit ako at dinala ako ni Mama sa ospital. Hindi naman ako nito nilapitan noon pero nasilip ko siya sa kurtina ng ward na medyo may bukas mula sa hinigaan kong hospital bed. Inisip kong nagpunta siya dahil may sakit ako. Alam ko rin na nanghingi ng tulong sa kaniya si Mama para sa hospital bills ko. 'Tapos pangalawa noong sinubukan ko siyang tawagan sa cell phone ni Mama at may nakita ako roong number niya. At least I also knew my father's name so I found it on my mother's contacts. Pero iba ang nakasagot imbes na ang Papa ko. Isang babae... Nagalit noon si Papa at agad kaming pinuntahan ni Mama sa bahay namin. Galit siya noon... Halos magtago nalang ako sa likod ni Mama sa takot sa sarili kong Papa... Sinubukan iyong ipaliwanag sa akin ni Mama kahit batang bata pa ako. Aniya ay may pamilya na si Papa... May asawa at may ibang anak... Pilit kong inintindi iyon pero hindi ko pa rin naintindihan...
"Heto na," naglapag si Mama ng ilang gawa niyang sandwiches sa mesa.
"Wow! Mukhang masarap! Thank you, tita!" nauna sa aking kumuha ng pagkain si Wesley.
Ngumiti si Mama kay Wesley na sunod na naglapag ng juice naman na nasa pitcher sa harap namin. Kumuha na rin ako ng sandwich. Ginutom din ako sa ginawa namin ni Mama na paglilipat.
"Tita Lorain, iyan na ang itawag mo sa akin, hijo. Ito namang si Aryanne pwede mo rin tawagin nalang sa nickname niya na Yan." ngiti ni Mama. Mukhang agad na gumaan ang loob niya kay Wesley dahil lang siguro tumulong ito sa amin...
Tumango si Wesley habang ngumunguya ng sandwich.
Iniwan kami ni Mama doon dahil may gagawin pa raw siya sa taas. Naiwan akong magmemeryenda pa doon kasama si Wesley.
"Ilang taon ka na?" tanong ko nalang sa kaniya.
"Mag-12 na ako- Ah! Birthday ko pala next week. Invite na kita! Invited ko na kayo ni Tita Lorain." aniya.
Unti-unti nalang akong tumango. Mas matanda pala siya ng 2 years sa akin.
"Nag-aaral ka? Bakit hindi nalang kayo nagsabay ng Mama mo kung teacher din siya..." puna ko.
Umiling si Wesley. "Hindi... Elementary pa ako. Sa high school nagte-teacher si Mama."
Tumango-tango ako.
"Ikaw? Anong grade ka na?" tanong niya.
"Grade 5 ako,"
"Ah! Ako mag-Grade 7 na sa susunod na pasukan! Dito ka na rin mag-aaral?"
Tumango ako. "Oo, transferee ako. Papasok na rin ako sa Monday."
"Oh! Gusto mo sabay na tayo? May bike ako! Angkas na kita." Wesley said.
Hindi ko alam kung iiling ba ako o tatango... But the thought of his bike made me excited. "Talaga, may bike ka?" I wanted a bike, too. Pero 'di ako binilhan ni Mama kasi wala rin daw magtuturo sa akin at busy rin siya magtrabaho...
Nakangiting tumango si Wesley. "Oo! Gusto mo makita? Nasa bahay lang namin d'yan sa katabi. Sa may bakuran."
Unti-unti akong tumango.
Kaya naman pagkatapos magmeryenda ay nagpaalam ako kay Mama. "Ma! D'yan lang po ako sa bahay nina Wesley! Tingnan ko lang po 'yong bike niya!" paalam ko.
Narinig namin si Mama na bumababa ng hagdanan. "Saan, Aryanne?"
"Sa bahay lang po namin, Tita Lorain. Ihahatid ko rin po siya pauwi rito mamaya." Wesley assured my mama.
Ngumiti si Mama at tumango na. "Osige, basta huwag nang papagabi, Aryanne." bilin sa akin ni Mama.
Tumango ako. "Opo, Mama."
Pagkatapos ay nakalabas na kami ni Wesley ng bahay namin. Naglakad lang kami sandali at nasa bakuran na nila kami. Mukhang wala pa ngang tao doon at siya pa lang. "Anong oras umuuwi ang Mama mo?" tanong ko kay Wesley.
"Ah, si Mama. Mamaya pa 'yon. Mamayang konti andito na 'yon si Mama. Gusto mo rin makilala?"
Hindi ko na naman alam kung tatango ba ako sa iiling sa tanong niya. Curious lang ako kasi mag-isa lang siya sa bahay nila. Ako kasi kahit dalawa lang kami ni Mama ay hatid-sundo niya naman ako noon sa school kaya sabay lang din kaming umaalis at umuuwi ng bahay. Nagtanong nalang ako tungkol sa bike niya. "Nasaan na ang bike mo?"
"Nandito," giniya niya ako sa isang nakaparadang bisikleta sa bakuran nila.
Namangha ako. Noon ko pa gustong magkaroon ng bike at matuto sumakay doon. "Hindi ba delikado mag-bike papuntang school dito?"
Umiling si Wesley. "Hindi. Malapit lang naman ang school natin. Pwede na nga rin lakarin. 'Tsaka sa tabi lang naman tayo dadaan. Wala namang marami o malalaking sasakyan na dumadaan sa daanan ng mga bike."
"Mga?"
Tumango siya. "Oo, halos may bike ang bata rito."
Oh. Tumango ako. Baka puwede na rin akong bilhan ng bike ni Mama? "Puwede mo ba akong turuan mag-bike?"
Ngumiti si Wesley. "Oo naman!"
Ngumiti na rin ako. "Sige! Magpapabili rin ako ng bike kay Mama..."
"Puwede na kitang turuan ngayon kahit dito sa bike ko muna, pero maggagabi na. Ang sabi ni Tita Lorain kailangan mo nang umuwi sa inyo bago pa gumabi." paalala niya sa 'kin.
Tumango naman ako. "Oo, sige... Bukas nalang,"
Tumango si Wesley at ngumiti. "Oo ba!"
Ngumiti pa ako lalo.
Pagkatapos ay binalik na rin ako ni Wesley sa bahay namin gaya ng promise niya kay Mama.
"Ma! Nakauwi na po ako!" sigaw ko nang papasok na sa bahay.
"Sandali, pababa ako!" si Mama na naririnig na nga naming pababa.
Bumaling ako kay Wesley na naghintay sandali. Lumabas si Mama at bumaling kay Wesley. "Salamat, hijo. Uuwi ka na rin ba sa inyo? Nand'yan na ba ang Mama mo?"
"Nakauwi na po mayamaya lang si Mama."
Tumango si Mama. "Sige... Dumalaw ka ulit dito,"
Tumango naman si Wesley kay Mama at ngumiti. "Sige po!"
Ngumiti si Mama.
"Sasabihin ko rin po kay Mama na may bago kaming kapitbahay."
"Salamat, hijo. Sige umuwi ka na sa inyo at baka nand'yan na nga ang Mama mo."
Tumango si Wesley at saglit na bumaling muna sa akin bago tumalikod na rin para makauwi sa kanila.
Nauna nang bumalik si Mama sa loob ng bahay. Habang ako ay nakatanaw pa sa likod ni Wesley. Saglit siyang huminto sa paglalakad at nilingon ako doon sa may maliit naming portiko. Pagkatapos ay ngumiti siya sa akin. Ngumiti rin ako at bahagya pa siyang kinawayan. Kumaway din siya pabalik sa akin bago nagtuloy-tuloy na sa pag-uwi sa kanilang bahay.
Hindi pa agad nawala ang ngiti ko. Nanatili iyon hanggang sa nakita ko na siyang pumapasok na sa bahay nila.
I think he became my friend...
Wesley was my first friend.
Author's Note: Hello, readers! I will try to do a daily update. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro