Chapter Nine
Chapter Nine
Alone
Few months after I just graduated from high school when my mother died of cancer... I was on the 12th grade when I also started working part-time. Para matustusan kami ni Mama dahil hindi na niya kaya pang magtrabaho dahil sa sakit niya. I was a working student. But that was just impossible no matter how I try and work hard para may pampagamot din si Mama. Dahil malala na ang condition niya. Matagal na niyang tinatago ang sakit niya.
I also blamed myself why I didn't knew it right away. Sana ay noong napapadalas na ang pagkakasakit niya ay sinamahan ko na agad siya sa doctor. Pero hindi ko iyon naisip. Hindi ko insahang mangyayari sa amin iyon ni Mama. I never thought she'll leave me early.
"Ma, humingi na po tayo ng tulong kay Papa." I've been telling her this. Gusto kong gumaling siya. Gusto ko pang mabuhay ang Mama ko! I didn't know what I'd do if I lose her.
Pero palagi lang umiiling si Mama. "Hindi na kailangan." Pagkatapos ay hinawakan ni Mama ang kamay ko. "Aryanne, kapag wala na ako—"
"Ma!" saway ko sa kaniya at muli na namang naiyak.
Umiling si Mama at dumiin ang hawak sa akin kahit nanghihina na siya. "Makinig ka, Aryanne. Wala na tayong magagawa. Ginawa ko ang lahat para mapalaki ka hanggang ngayon. Gusto kong magsisi na nagpadala ako sa isang lalaking kagaya ng ama mo pero ayaw ko dahil dumating ka naman sa buhay ko. Mahal na mahal kita, anak. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko." She smiled weakly at me.
My mother grew up an orphan until a couple who can't bear a child adopted her kaya siya nakapag-aral at nakapagtapos. Pero maaga ring namatay sa isang aksidente ang mga umampon sa kaniya. She was working in a law firm where my father was also working as an attorney. Secretary naman si Mama doon at may namagitan sa kanila. Nang mabuntis si Mama sa akin ay gustong ipalaglag ni Papa dahil may asawa na siya at mga anak. Hindi pumayag si Mama at tinaguyod niya akong mag-isa.
Patuloy ang buhos ng luha ko sa aking paisngi. Sunubukan ko pa ring punasan iyon. Gusto kong maging matapang para sa aming dalawa ni Mama.
"If things get hard for you when I'm gone, pumunta ka sa Papa mo. May karapatan ka sa kanila. Hindi na niya ako kailangang tulungan pa dahil wala naman siyang responsibilidad sa akin... Pero ikaw, responsibility ka parin niya dahil anak ka niya. Ipangako mo sa akin, Aryanne, na magtatapos ka ng pag-aaral mo. Your father can help you. Promise me that you will be happy. That you will still live a good life. Gusto ko lang na maging masaya ka, Aryanne." bilin sa akin ni Mama.
She left me in the care of Tita Joyce who's been her good friend for a long time, too. Binenta ang bahay namin para pambayad sa mga utang noon sa pagpapagamot ni Mama. Tita Joyce and Wesley willingly welcomed me in their home.
Hindi umaalis sa tabi ko si Wesley hanggang matapos na naming ilibing si Mama. He and Tita Joyce helped me with my mother's burial. At kahit noon din sa pagpapagamot namin kay Mama. Hindi nila kami iniwan. Wesley held my hand. I turned to him and he gave me a reassuring smile but his face was still filled with worry and concern for me. I leaned to his chest and he hugged me by his one arm as he was also holding an umbrella to shield us from the small rain.
Ilang sandali pa ay umalis na rin kami sa sementeryo. And I went home to Wesley and Tita Joyce. She became my second mother. Hindi niya ako pinabayaan noong wala na si Mama.
Pinahinto ako ni Tita Joyce sa pagpa-part-time job at nagsabi na siya na ang bahala sa pag-aaral ko. She was still working as a teacher at mukhang maayos naman ang trabaho niya pero nahihiya ako at ayaw kong umasa lang. Isa pa ay kumikita na rin ng sarili niyang pera si Wesley kahit ayaw din iyon ni tita...
When I finished Grade 12 and I graduated from high school, doon pa lang kami nagpaalam kanila Tita Joyce at Mama na manliligaw sa akin si Wesley... At pumayag naman si Mama basta ay maging responsible lang kaming dalawa ni Wesley. I knew my Mama was at peace to leave me with Tita Joyce and Wesley because she trust them. At alam ko rin na gusto niya si Wesley para sa akin. Parang anak na rin ang turing niya kay Wesley.
"This is hard." bahagyang reklamo ko sa isang subject sa eskwela na hindi ko masyadong maintindihan. Nasa college na rin ako at sa kursong Education.
"Patingin," kinuha ni Wesley ang notes ko. Malapit na rin ang exams kaya nag-aaral kaming dalawa ng sabay. "Ganito lang ang gagawin mo..." Wesley started teaching me about it. Mula pa noon ay siya na talaga ang tumutulong sa akin kapag may hindi ako maintindihan sa school. Kung hindi lang din siguro siya distracted sa music... Siguro ay mas mataas pang mga marka ang nakukuha niya sa eskwela.
"Okay," I nodded my head as I slowly understood what he was teaching me.
Binigyan din ako ni Wesley ng kunwaring test at pinasagutan iyon sa akin. To check if I really get it at parang practice ko na rin bago ang totoong tests.
"Correct?" Nakadikit ako sa gilid niya at tinitingnan siya while he checked my paper.
Tumango si Wesley. "Tama naman."
Bahagya akong ngumiti at niyakap siya sa gilid niya. We were alone in my room dito na sa bahay nila ni Tita Joyce. Iyong guest room noon na madalas ko ring tulugan dito sa kanila mula noong bata pa ako. Katabi lang din nito ang kwarto ni Wesley.
"We're studying, Aryanne." he reminded me.
Bahagya lang akong ngumisi. I think I became a clingy girlfriend to Wesley. When my mother died I felt so lost. Pero dahil nandiyan si Wesley ay pakiramdam ko hindi ako mawawala at na may uuwian pa rin ako. Sila na ni Tita Joyce ang naging pamilya ko.
"Ayaw mo?" I teased him.
"Tsk." He turned to me and lowered his head on my face. And then we started kissing each other's lips again.
Whenever we're this close I feel like I'm comforted. I don't know anymore what I'd do if I'll lose Wesley in my life, too. Pakiramdam ko ay hindi ko na talaga kakayanin. I became too dependent on Wesley.
Napahiga na ako sa sahig ng kwarto, while he's on top of me as we continue to kiss. May maliit kasi ako na mesa sa kwarto at sa sahig lang din kami madalas ni Wesley nakaupo habang nag-aaral.
"Wesley, Aryanne,"
We heard Tita Joyce kaya dali-dali kaming naghiwalay ni Wesley. Hindi naman namin ni-lock ang pinto. Mabilis kaming umayos na dalawa at bumalik sa mga pinag-aaralan. Tumuloy sa pagpasok si Tita Joyce na may dalang meryenda na nakalagay sa isang tray para sa amin ni Wesley. Ngumiti sa amin si tita.
"Study break muna." ani tita habang nilalapag ang mga pagkain doon. Maagap ko rin siyang tinulungan.
"Thank you, tita." I hugged her side and even kissed her cheek. Bahagya lang tumawa si tita sa ginawa ko.
The three of us were doing good. We were okay. We were happy.
"Hindi ba sinabi ko na sa 'yo, Wesley? Bakit gumawa ka pa rin ng paraan..." Tita Joyce looked stressed.
Bumaling ako kay Wesley. He was able to make contact with his dad who lives abroad. May nakita siyang ilang information tungkol sa ama niya sa mga gamit ni tita. And now they just talked and his father's willing to support him.
"Bakit hindi, Ma? Papa ko 'yon, e. You did not tell me anything about him. Palagi mong iniiwasang pag-usapan natin siya. I don't understand. Nang makausap ko naman si Papa ikaw daw ang nang-iwan sa kaniya!" Tumataas na ang boses ni Wesley. I wanted to remind him that it's still his mother he's talking to.
"Wala kang alam, Wesley! Hindi mo alam! Sige! Gusto mo doon sa ama mo? Pumunta ka sa kaniya! Iwan mo kami ni Aryanne dito!" Umiiyak na si Tita Joyce.
Maagap ko siyang nilapitan para suportahan. I looked at Wesley. Umiling ako para patigilin na siya.
"Hindi ko maintindihan si Mama." Wesley said.
Pagkatapos kong ihatid si tita sa kwarto niya ay pinuntahan ko naman si Wesley. I didn't know what to say. I understand Tita Joyce. And I want to understand Wesley, too.
Bumaling siya sa akin. "Nakausap ko si Papa—"
"Totoo ba? Aalis ka para puntahan ang Papa mo. Saan, sa London? Malayo iyon, Wesley. Magtatagal ka ba doon? Kailan ka babalik?" sunudsunod kong tanong sa kaniya. I remained quiet a while ago while he and Tita Joyce fought about this. But I was there and I heard everything.
Nanatiling nakatingin sa akin si Wesley. "Ikaw din, Yan?"
Umawang ang labi ko at hindi ako nakapagsalita agad.
"Akala ko ba naiintindihan mo? I thought you support me with music."
"Sinusuportahan nga kita, Wesley! Kaya palagi nga akong nanonood kapag tutugtog kayo ni Justin sa kung saan man, 'di ba? Kahit gabi, kahit may pasok pa kinabukasan nang maaga! Pero kailangan mo ba talagang umalis?" Hot tears pooled in my eyes.
Noon pa namomroblema si Tita Joyce sa pagbabanda ni Wesley. Napabayaan na kasi niya ang pag-aaral niya at may isa hanggang dalawang bagsak na subject na rin siya sa sem na ito.
May part-time job pa rin ako kahit sinabi na rin ni tita na hindi na iyon kailangan. Gusto ko parin kasing makatulong kahit konti sa mga gastusin namin kanila Tita Joyce. Ayaw lang ni tita na mapabayaan o mahirapan kami ni Wesley sa pag-aaral namin. So I make sure na maayos din ang grades ko sa eskwela. Para hindi na alalahanin pa ni tita at stressed na talaga siya kay Wesley.
"Yan," Lumapit siya sa akin at hinawakan ako. "Listen to me, hindi lang naiintindihan ni Mama. But this is not only for me. Para ito lalo sa inyo ni Mama. Pagdating ko ng London maghahanap din agad ako ng trabaho. Hindi naman ako aasa lang kay Papa. Kapag okay na doon kukunin ko rin kayo ni Mama." he promised.
"Bakit doon pa, Wes? Bakit hindi nalang dito?" I was already crying.
He wiped my tears away. "Sabi ni Papa susuportahan niya ang music ko. Baka doon mabilis akong makagawa ng pangalan. Sandali lang naman, Yan, pangako. Konting sacrifice lang."
Umiling ako. "Ayaw kong umalis ka, Wes. Ayaw kong iwan mo 'ko." I cried.
Dinala ako ni Wesley sa dibdib niya at niyakap. I felt him kissing the top of my head. "I love you, Aryanne." he said.
Humigpit ang yakap ko sa kaniya. "I love you too, Wes. Huwag ka nalang umalis, please!" I begged him to stay.
I feel like if he'll leave me now I'll be alone again. And I didn't want that anymore after my mother left me.
Bahagya ko siyang tinulak pahiga sa kama niya. I kissed him so passionately and he kissed me back as we slowly undressed each other. Binuhos ko ang lahat ng nararamdaman at pagmamahal ko sa kaniya nang gabing iyon. He assured me of his love and I made him promise to stay. Wala siyang malinaw na sagot pero hindi ko siya papayagang umalis at iwan ako.
"Mukhang nagustuhan ng mga tao ang performance ninyo kanina nina Justin." I smiled at Wesley.
Ngumiti rin siya pabalik sa akin at kinuha na ang gitara niya. The guitar I gave him that he's been using for years now. Lalo akong ngumiti. And then Wesley held my hand.
"Una na kami, Jus." paalam niya sa mga kasama.
Umalis na kami pagkatapos. Naimbitahan silang tumugtog sa ibang lugar naman. Maayos naman palagi ang performance nina Wesley at mukhang satisfied din palagi ang mga nakakapanood.
Kaya lang ay halos huminto na rin sa pag-aaral si Wesley. Nakakalungkot at palagi na rin silang nag-aaway ni Tita Joyce sa bahay. Hindi na sila magkaintindihang mag-ina. Sayang nga at sa susunod sana na taon ay last year na rin ni Wesley sa course niya.
"Pero, Wes, next sem papasok ka na uli sa university?" I asked him.
Sinuot na niya sa 'kin iyong helmet para makasakay na kami sa motor niya at makauwi na sa bahay. Hindi siya agad sumagot. Pinanghinaan agad ako.
"Gusto mo bang dumaan at kumain muna tayo sa labas? Medyo maaga pa naman." He changed the topic instead.
I sighed. Tumango nalang ako.
Dinala ako ni Wesley sa isang kainan. Masarap naman ang mga pagkain nila doon.
"Nagsabi ako kay tita na kumain na tayo dito. Magpapahinga na rin daw siya." I told Wesley.
He didn't say anything.
I sighed loud enough for him to hear. "Pwede bang tama na, Wes? Sobrang stressed na ni Tita Joyce sa 'yo. Pero nagmamatigas ka pa rin. Please? Please, kausapin mo na nang maayos si tita."
Mula sa pagkain ay nag-angat siya ng tingin sa akin at tumango na rin naman. Nagbuntong-hininga ako at medyo gumaan na ang loob na kahit papaano ay kakausapin na niya si tita.
Nag-usap nga sila ni tita nang mahinahon na. At sa huli ay pinayagan na siya ni tita na pumunta sa Papa niya sa ibang bansa... While I didn't liked the decision.
Paulit-ulit na hinagkan ni Wesley ang pisngi ko. While my eyes just remained on the ceiling as we lay naked in bed beside each other. Nakatagilid ng higa si Wesley sa tabi ko para mayakap ako nang mabuti.
And then I turned to him. "Aalis ka talaga?"
He sighed. Nakatingin kami sa mga mata ng isa't isa. "We already talked about this—"
"At pumayag ba ako? Siguro hinahayaan ka nalang ni Tita Joyce... Pero ako, Wesley, hindi kita hahayaan diyan sa gusto mo." I told him firmly.
He sighed again. Inalis niya ang mga nakaharang kong buhok sa mukha ko. He gently put the strands of my hair behind my ear. Nakatingin kami sa mga mata ng isa't isa. "Hindi naman matagal, Yan. Kukunin ko rin agad kayo ni Mama—"
As if it's that easy. Hindi ko talaga maintindihan si Wesley.
Mabilis akong tumagilid ng higa para matalikuran siya. I heard him sighing from behind. Niyakap niya nalang ako galing sa likod and kissed my bare shoulder.
"Kapag umalis ka ngayon, Wesley... Huwag mo na ring isipin na may babalikan ka pa." mariin kong sinabi sa kaniya.
"Aryanne..." he called.
Pinikit ko na ang mga mata ko at tinatapos na doon ang usapan namin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro