Chapter Four
Chapter Four
Sick
"Marunong ka?" medyo gulat at mangha kong tanong kay Wesley nang makitang nagsimula siyang patugtugin ang isang lumang gitara.
Ngumiti lang siya sa akin at tumango.
Nakinig ako habang tumutugtog siya. Kasama namin sina Maxine na nagpunta sa isang tree house sa likod ng bahay nina Michael. Ginawa raw ito ng Papa ni Mike noong mas bata pa silang apat para may mapaglaruan ang magkakaibigan. Sobrang bata pa talaga naging magkakaibigan sina Justin, Maxine, Michael at Wesley. Kung sabagay magkakapitbahay lang din sila.
"Saan ka natuto? May nagturo ba sa 'yo?" tukoy ko sa paggigitara niya.
Nag-angat ng tingin ang berde niyang mga mata sa akin. Umiling siya. "Wala naman... Pero noong narinig kong mag-gitara ang Papa ni Michael nakuha na no'n ang atensyon ko. Pinapahiram nila ako ng gitara kapag nandito ako kaya natuto rin," he shrugged.
Tumango ako.
Narinig namin sina Maxine na paakyat na sa tree house. Hindi sobrang laki ang tree house pero hindi rin naman maliit. Sakto lang para sa aming lima at medyo maluwang pa nga ang loob. Galing ang tatlo sa bahay nina Michael para kumuha ng meryenda. Sinalubong ko sila at tumulong na rin.
"Nandito pala ang gitara n'yo, Mike? Hindi ko napansin kanina." si Maxine.
Tumango si Michael at tumingin na rin kay Wesley. Kumuha na rin kami sa pagkain na dala nila. Juice iyon at ilang biscuit.
"Marunong palang mag-gitara si Wesley..." sabi ko sa tabi ni Maxine.
Bumaling siya sa akin. "Oo! Marunong din siyang kumanta, silang tatlo!"
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. I didn't know the three boys can perform some music... Pero nalaman ko rin na may banda din pala ang parents nina Michael at Justin. Kaya hindi na nakapagtataka na namana rin ng mga anak nila ang kanilang talento.
And for the first time I heard Wesley sing with both Justin and Michael. And it was amazing! They were good. Sumasabay na rin si Maxine at nang tingnan ko ay ngumiti siya sa akin. Until I slowly joined their singing, too... At first I was just humming the familiar song quietly until I was already opening my mouth to sing with them. And it was really fun!
So for Wesley's 12th birthday I gave him a guitar as a gift. Inubos ko ang buong ipon ko sa aking piggy bank at tumulong din si Mama para mabili namin iyon.
"Happy birthday, Wesley." I greeted him.
Hindi pa siya agad nakapagsalita nang makita ang regalo ko sa kaniya. We had a simple celebration for his birthday. Tita Joyce cooked all the delicious food and Mama also helped her in preparing. Kami ni Mama at ang tatlong sina Maxine, Justin at Michael lang din ang nandoon bilang bisita gaya lang din ng gusto ni Wesley.
"T-Thank you, Aryanne..." he said slowly and even stuttered a bit. And then he hugged me.
Nagulat pa ako sa yakap niya sa akin. I looked at everyone around in their home. Nakangiti sa amin pareho sina Mama at Tita Joyce. At ganoon din ang tatlo pa naming mga kaibigan.
"Thank you!" muli siyang nagpasalamat nang pakawalan ako sa yakap. He was smiling widely and gratefully which made me smile in the end.
We ate the food for his birthday happily after Wesley just blew on his cake. And of course after we sang him a happy birthday song.
Those were my first few weeks with the new place, new school and classmates, and Wesley and his friends. And of course Tita Joyce who's really a good cook! Hindi ko inaasahan na magiging ganoon ang mga unang araw ko sa nilipatan namin ni Mama. Back in Manila I had no friends... for being the quiet type... Tapos dito sa probinsya ay parang bigla akong nagkaroon ng mga kaibigan, mga taong agad napalapit sa akin, especially Wesley. He was my first friend and became my protector... He's my best friend.
Nang mag-break ay nakita ko si Wesley sa labas ng classroom ko. Ako yata ang huling lumabas dahil inayos ko pa nang mabuti ang mga gamit ko. Ngumiti agad ako nang makita si Wesley na nakatayo doon. Parang nakaramdam ako ng ginhawa nang makita siya. Parang bumalik muli ako noon sa Grade 5 na si Aryanne. Kahit pa kakatuntong ko na sa Grade 7 sa taong iyon. I was still a bit uncomfortable with the new faces of my other classmates in the 7th grade. Kahit ang ilan naman doon ay naging classmates ko na sa Grade 5 at Grade 6 last year gaya ni Jhila. Maybe I was still adjusting to my new school year. Kung sana ay hindi mas matanda ng konti sa akin si Wesley at naging magkaklase nalang kami siguro ay mas komportable ako. Because he will be just near me... For the past years I grew closer to Wesley, na para na kaming hindi mapaghiwalay ayon kanila Mama at Tita Joyce. Wala rin naman iyong problema sa kanila. They knew we were best friends and we trust each other more than anyone else. And they're happy to know that both Wesley and I are there for each other.
"Wesley," bati ko nang lumapit sa kaniya. "Nasaan sina Maxine?" I looked for our friends.
"Nasa canteen na sila. Tara na?"
Tumango ako at sumama kay Wesley.
Puno ng students ang canteen dahil break nga. May mga pila para makabili ng pagkain. Dinala ako ni Wesley sa table kung saan nandoon na nga sina Maxine. "Dito ka na. Ako na ang bibili ng pagkain natin," he said.
I looked up to him. "Sige... Ito ang pera ko." inabot ko sa kaniya ang pera ko na nilabas sa wallet. Tinanggap naman iyon ni Wesley at pumila na doon para makabili ng pagkain.
Bumaling ako kanila Maxine na mukhang stressed na kahit unang araw pa lang ng pasukan. Marami na raw kasi agad silang projects na dapat ipasa sa iba't ibang subjects nila. "Ikaw, Aryanne? Kumusta first day mo?"
Tumango ako. "Ayos naman, uh, wala pa kaming masyadong pasok sa ibang mga subjects..."
Maxine groaned. "Ah! Mabuti pa kayo... Bakit ganito iyong atin?" bumaling siya kanila Justin at Michael na pareho lang naman nagkibit-balikat. They looked cool with the said school projects. Wala na rin naman silang choice kung 'di gawin ang mga iyon dahil para sa school din naman. May pagkain na sina Maxine dahil nauna sila rito. Habang hinanap ng mga mata ko si Wesley at nakitang malapit na rin siya sa pila. And when he came back on our table ay kumain na rin kami ng lunch.
Habang kumakain kami ay muling nagsalita si Maxine. "Nakatingin na naman sa 'yo," she said.
From my food I looked up to her. "Ano?" hindi ko agad nakuha ang sinabi niya. Sinundan ko ang line of vision ni Maxine, and I saw Jacob looking our way. He looked away when he saw us looking. Agad niyang niyaya ang mga kaibigan na umalis na sila. Mukhang tapos na rin naman silang kumain sa canteen.
"Kunwari pa noon na binubully ka pero ang totoo may gusto lang talaga sa 'yo. Halata naman ngayon."
I turned to Maxine again. Umiling ako. It can't be true. Masaya nalang ako na hindi na ako pinapakialaman ni Jacob simula pagkatapos noong ipagtanggol ako ni Wesley sa kaniya.
Nakisali rin sa usapan sina Michael at Justin na bahagya pang tinawanan si Jacob na wala na doon at nakaalis na. I turned to Wesley beside me who was just looking at me, too. Umiling nalang din ako sa kaniya. Wala na rin siyang sinabi.
Hindi ko sineryoso iyong sinabi noon ni Maxine, but I was Grade 10 nang mabanggit ni Mama ang tungkol sa pagkakakita niya kay Jacob at sa Mama nito na galing lang abroad at ilang taon ding nanatili doon para magtrabaho kasama ang Papa niya. Nasa palengke noon si Mama at nakasulong niya ang mag-ina. "Nagulat nga ako. Hindi ko naman yata sila kilala... o hindi ko matandaan," Mama said.
"Classmate ko po si Jacob noong Grade five hanggang mag-Grade 6, Ma." I told her.
"Ganoon ba, hindi ko maalala... Noong una ay mukhang nahihiya pa iyong si Jacob sa mga pambubuko ng Mama niya tungkol sa pagkakagusto raw sa 'yo, Aryanne!"
Nagkatinginan kami ni Wesley.
The four of us were in our home because it was my mother's small dinner birthday celebration. Kaming apat lang at sadyang dinamihan ni Mama ang mga biniling pagkain so that we can invite Wesley and Tita Joyce. Naging sobrang malapit na rin sa amin ni Mama ang mag-ina.
I turned to my mother again. Nagpatuloy naman siya sa pagkukuwento. "Sa huli ay sinabi nga ni Jacob at nagpaalam siya na kung pwede raw ba ay ligawan ka niya, Aryanne?"
Umiling ako kay Mama. Umiiling din si Mama.
"Ano'ng sinabi mo, Lorain?" Tita Joyce smiled.
"S'yempre kung ako ay hindi ako papayag na ligawan na ang anak ko dahil bata pa si Aryanne!" iling ni Mama.
Bumaling sa akin si Tita Joyce. "Ikaw, Aryanne..?"
Umiling din ako kay Tita Joyce, at sinulyapan si Wesley na binaba ang tingin sa pagkain. "Bata pa po ako, tita." I told her.
Ngumiti lang si tita at wala na rin sinabi. Samantalang nagpatuloy pa si Mama sa usapan...
"Good night, Wesley." I said my goodbyes to him and Tita Joyce when they were about to leave our house after the dinner.
Bumaling siya sa 'kin. Bahagya siyang tumango. "Goodnight, Yan." he said mentioning my nickname.
Ngumiti ako at hinayaan na namin sila ni Tita Joyce na umuwi sa bahay nila nang gabing iyon.
The next day was a Saturday. May usapan kami ni Wesley na may ipaparinig din siya sa akin na bago niyang compose na kanta. Kalaunan ay nagpaturo na rin ako ng music kay Wesley. He's a good singer and good with guitars. And he willingly taught me.
Pero hindi siya nagpunta sa bahay namin gaya ng usapan. Ako nalang ang pumunta sa bahay nila. Pinagbuksan ako ni Tita Joyce and she told me that Wesley was sick. I was immediately worried. Kahapon kasi ay umulan habang pauwi na kami kaya nabasa rin kaming dalawa. Kaya siguro parang ang tahimik ni Wesley kagabi sa bahay namin. Siguro ay masama na ang pakiramdam niya.
"Kumusta po siya, tita?"
"Medyo bumuti naman na ang pakiramdam niya tingin ko dahil nakainom na ng gamot at kumakain din naman siya kahit alam kong medyo walang gana dahil sa lagnat..." ani tita.
Tumango ako.
Kaya bumalik nalang din ako sa bahay namin dahil nagpapahinga si Wesley.
But I was worried and I can't help it. He probably caught a cold from the rain yesterday afternoon. I wanted to talk to him and ask him myself of how he's feeling. I hope he's okay... I opened my window that's facing the window to Wesley's bedroom, too.
It took me long before I was sure to get some pebbles. Gawain namin ito ni Wesley kapag gusto pang makakwentuhan ang isa't isa at nasa loob na kami ng kani-kaniyang mga bahay at kwarto namin. Siya ang naunang gumawa nito at sumunod nalang din ako. Hindi rin ganoon kalayo ang dalawang bahay sa isa't isa kaya bubuksan lang namin ang mga bintana namin at maayos na parin kaming makakapag-usap na dalawa. Pwede lang pa nga yatang tawirin ang pagitan ng dalawang mga bintana... I started throwing a pebble on Wesley's window as a sign for him that I'm here... Ang balak ko ay isang beses ko lang talaga gagawin iyon dahil magpapahinga nga siya dahil may sakit siya. Hindi ko na nga dapat pinipilit pa ito.
But I just want to see him and see for myself how he really was...
Suko na ako sa isang beses na pagtapon ng maliit na bato sa bintana niya dahil ayaw ko na nga sanang istorbohin pa ang pagpapahinga niya, pero hindi ko pa inaasahang bumukas ang bintana ni Wesley! My eyes widened a fraction when I saw him, who doesn't look so sick... But he looks weak... I sighed.
"Are you okay?" I asked him with obvious concern in my voice.
He smiled despite being weak because of fever. And then he nodded.
I leaned on my windows. "Magpagaling ka na agad. You remember ipaparinig mo pa sa 'kin iyong sinabi mong bago mong gawa na kanta?" I reminded him.
He nodded again. "I will. Mamaya... o bukas..." he said in a weak voice, too.
"Bukas na!" agad kong awat sa kaniya. He needed to rest to get well. "O sa susunod na araw, Wes! Magpagaling ka muna." I told him.
He nodded and even tried to give me a reassuring smile. Hindi ko na rin pinatagal iyon at pinayuhan na siyang bumalik na sa bed niya at magpahinga pa. Sumunod din naman si Wesley hanggang sa napanatag na rin ako.
Hindi na rin naman nagtagal ang lagnat niya. Before Monday ay okay na siya. And the next days pinarinig na niya sa 'kin 'yong kanta niya...
Author's Note: Hello, readers! I wasn't feeling okay kaya ngayon lang po uli may update. I'll just publish another chapter later. I will also announce a regular story updates soon. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro