Chapter Eleven
Chapter Eleven
Selfish
"You aren't asleep yet?" Hanggang sa naabutan nalang ako ni Arthur na tulala sa living room ng condo niya.
I slowly turned to him. Wala nang luha sa pisngi ko dahil napagod na rin ako kanina sa pag-iyak. Dim din ang lights sa sala ng condo.
Tumayo ako at lumapit kay Art na kakarating lang galing law school. I didn't know yet what I exactly feel for him. I just saw a chance of getting away from our house through him and I just grabbed it out of desperation.
Mabait sa akin si Arthur. Hindi niya ako pinipilit sa kahit na ano. He's a responsible person.
I wanted to forget Wesley already like how he probably forget about me, too. Ayaw ko na siyang isipin pa. Iyon ang pinili niya at sana maging masaya siya. I can hear my own sarcasm in my head. I was bitter.
Inabot ko ang labi ni Art para mahalikan siya. He was a bit taken aback at first but then he started kissing me back passionately...
Naupo ako roon sa meeting kasama sina Sir Oliver, ang may-ari ng TV station, si Miss Savannah Ortega at kaniyang Manager, at si Wesley...
I looked down.
Nakinig pa rin naman ako sa mga pinag-uusapan sa meeting.
Later on I told Arthur how I didn't really want to pursue law. At dahil lang iyon lahat kay Papa. At the end he helped me get away from doing something I didn't really want.
I slowly found myself writing songs again... Like how I used to before... Tumigil nalang din muna ako sa pag-aaral at nag-iisip pang bumalik sa dati at una ko nang course. Maybe I can end up teaching students music someday...
Nito lang ay nagkaroon muli ako ng contact kay Sir Oliver. I wanted to earn some money, too, at huwag umasa nalang kay Art. Hindi rin naman niya talaga ako responsibility. I'm just his girlfriend. Kaya minsan ay naiintindihan ko na rin kung bakit ayaw sa akin ni Tita Alma. Pabigat lang ako sa anak niya na isang achiever.
So I started earning through social media by posting my original songs online, too. And with the praises and encouragement of some of my viewers I feel like I just became more attached to music.
Hanggang sa na discover na rin ako ni Sir Oliver...
"Ang mangyayari ay si Aryanne ang makaka-duet ni Wesley sa mga kakantahin para sa movie nila ni Savannah. But yes si Savannah pa rin ang nasa music videos na gagawin..."
Tumingin sa akin ang TV station owner. I understood why she's personally here. Sobrang sikat ni Wesley. She's giving him importance. "Are you okay with that, hija?" she asked me.
Unti-unti naman akong tumango. "Opo..." Pakiramdam ko ay wala pa rin ako sa sarili. I may be physically there but my mind was going somewhere and restless.
Pero totoong ayos lang sa akin iyon. I just wanted to earn money...
Nang mag-angat ako ng tingin ay nagkatinginan kami ni Wesley. Hindi ko agad naalis ang tingin ko sa kaniya. Busy nang nag-uusap ang mga kasama namin sa meeting room. Hindi rin niya inalis ang tingin sa akin.
I looked into his still familiar beautiful pair of sea green eyes.
Eight years. It's been 8 years or more since the last time I saw him like this. Talagang nasa harapan ko na at hindi nalang nakikita ko lang sa mga magazine at billboard o internet gaya noon.
I can feel how my heart was beating abnormally inside my chest at what was happening.
Maraming mga taon na rin ang lumipas. Did I still think about him all those years? I did. Hindi rin naman kasi maiiwasan especially that his face was everywhere. Sobrang sikat ng grupo nila. Sobrang sikat ni Wesley. Not just because of his face but of course because he's real talented, too. Magaling talaga siya sa music.
I looked down. I can't stand watching him for more. Kinausap na rin siya ni Savannah kaya bumaling na rin siya sa makakatambal sa big screen soon.
Tinapos ko ang meeting na iyon. Nagkaroon na rin ng contract signing. Nagdalawang-isip pa ako at hindi agad gumalaw ang kamay ko na may hawak na ball pen para pumirma. Pero inisip ko si Sir Oliver at ang effort niya na madala ako rito. At the end I signed all that's needed to be signed.
Natapos nalang ang lahat at nakauwi na ako sa condo namin ni Art ay parang wala pa rin ako sa sarili. I didn't know exactly what I was feeling. Nang dumating si Arthur ay ngumiti ako sa kaniya at sinabi ang news about sa nangyari sa akin nang araw na iyon sa TV station. He was happy for me. He's proud. He said it can be my big break. Ngumiti lang ako.
He wanted to celebrate for me. He called our parents but as I already expected parang wala lang iyon kay dad. Hindi pa rin siya natuwa na tumigil ako sa gusto niyang pag-aabogado. We fought but Art was there kaya wala rin masyadong nagawa sa akin si Papa. Especially that Art was already my fiancé at that time.
We've been engaged for years now. Matagal na nga rin. Pero hindi pa naman talaga nagpaplano para sa mangyayaring kasalan. Art respects me and he goes with my pace. He's giving me the decision of when I'd want our wedding.
"Nga pala, Attorney Corpuz and Attorney Bautista are inviting us to their coming wedding." Pinakita sa akin ni Art ang invitation.
Kinuha ko iyon mula sa kaniya at nanatili ang atensyon ko doon. Mike and Maxine are getting married. I remember how I met the two again just last year. Bago pa lang sila noon sa law firm ng mga Laurel. They both succeeded in their careers as lawyers now. Their relationship endured...
Naalala kong dinalhan ko ng lunch niya noon si Art sa trabaho. Nagkasalubong kami ni Maxine sa loob ng law firm. Pareho pa kaming nabigla na makita ang isa't isa noon pagkatapos din ng ilang taon. Natapos na nila ni Mike ang law school at halos kakapasa lang din nila pareho sa bar exam. At ngayon ay sabay din silang nag-apply at nagtatrabaho na sa law firm nina Arthur.
"Kumusta ka, Aryanne?"
Nag-usap kami ni Maxine sa roof top ng hindi naman ganoon kataasang building ng firm. Tahimik doon at kaming dalawa lang din ang tao.
"Hindi mo na kami kinausap simula noong umalis si Wesley."
I turned to look at Maxine. Tumingin din siya sa mga mata ko. "Umuwi si Wesley. Gusto niyang kunin si Tita Joyce... at ikaw rin sana para isama na sa kaniya sa ibang bansa. Pero wala ka na doon sa lugar natin. I don't know what happened after. Pero nanatili si Tita Joyce sa dati nilang bahay. Bumalik na rin si Wesley sa England dahil kailangan na siya ng mga kagrupo niya sa banda."
"Nagsisimula pa lang sila noon at alam kong nahirapan pa si Wesley na umuwi dito sa Pilipinas. Pero pinagsikapan niyang balikan kayo ni Tita Joyce..."
"Pero mukhang wala na pala talaga siyang babalikan." Tumitig sa akin si Maxine.
I turned my eyes in front.
"Hindi ko inaasahan na magiging girlfriend ka pala ng boss ko, oh, fiancée na pala." pagtatama niya.
Bumaling muli ako sa kaniya. I can see some bitterness in her. Pero sa huli ay medyo pilit din siyang ngumiti sa akin. "Masaya akong malaman na mukhang okay ka naman sa buhay mo ngayon, Aryanne. Uh, sige, balik na ako sa trabaho ko sa baba. Marami pang gagawin dito sa law firm." Agad din siyang nagpaalam.
Halos wala akong nasabi. Hanggang sa iniwan na akong mag-isa ni Maxine doon. Ni hindi ko siya nakumusta rin sana... Sila ni Mike na mukhang naging maayos naman hanggang ngayon. I was thinking about what she has told me. Na binalikan daw kami ni Wesley... I didn't know...
Nag-meet uli kami sa TV station para sa mga gagawing recordings. Akala ko nga ay na late na ako dahil mukhang maaga si Wesley doon. But when I checked the time on my watch ay hindi pa naman at mukhang sakto lang naman ang dating ko. Wala rin doon si Savannah Ortega at may ginagawa pa para sa isang TV commercial. Mukhang hindi rin naman siya kailangan dito...
I looked away as I can't stare too long at Wesley like he did. He talked with the staffs and then later on we started. Pero mukhang hindi maayos iyon at pinayuhan kaming mag-usap muna ni Wesley para mapag-usapan at mas maayos namin iyong kanta.
I went nearer him nervously. I still didn't know how to approach him. It was awkward...
He looked and feel professional as he conversed with me about the song that I wrote. Approved naman na iyon pero may suggestions si Wesley na kung pwede ba raw na may konting baguhin o idagdag kami sa lyrics ng kanta. I remember how great he was with composing songs. Sa kaniya lang nga rin ako natuto noon... Kaya pinagbigyan ko ang lahat ng gusto niya para sa kakantahin naming dalawa.
I composed myself and tried to be how Wesley was just being civil with me.
Natapos din namin ang meeting na iyon at may mga susunod pa. We were just there for work... Pagkatapos ay umalis lang din agad si Wesley. I just looked at his back as he was walking away...
Nagsimula na rin ang shooting para sa movie nila ni Savannah Ortega. Sobrang excited na ng mga fans at lahat ay natutuwa sa tambalan ng dalawa. I can't also help it but to follow news about them... Kailangan ko rin yata iyon dahil may involvement din ako sa movie nila.
Unang sumikat si Wesley sa ibang bansa dahil doon din siya unang nakilala at doon nabuo ang grupo ng banda nila. Pero mabilis din siyang sumikat worldwide. Just last year nagkaroon ng matinding issue ang isang kasama nila sa banda kaya nagkaroon din ng halt ang grupo. Kaya ngayon nasa bansa si Wesley para gumawa din muna ng trabaho rito. Habang wala pang update sa mga gagawin sa banda nila.
"Aryanne?"
Natigilan din ako nang makita ko si Justin nang dumating ako sa TV station. May meeting muli kami ng production. "Justin..."
He's also a member of the boy band with Wesley. Wala na rin akong balita sa kaniya. I didn't knew that he's also here now in the country.
Akala ko ay tulad nina Maxine ay mangungumusta rin siya sa akin kahit papaano... Pero hindi ko gaanong inasahan na makitang mukhang galit yata siya sa akin... Hindi ko maalalang may pinag-awayan kami noon bago kami tuluyang nawalan ng communication.
"You're not married yet?" Tiningnan niya ang kamay ko.
Marahan akong umiling. I wasn't wearing any ring on my fingers dahil hindi pa naman ako kasal. At hindi ko rin talagang sinusuot iyong engagement ring na bigay sa akin ni Art dahil medyo malaki iyon at hindi gaanong komportable sa daliri ko...
Nagtaas ng kilay si Justin. I feel like this wasn't the Justin I knew with the reactions he's showing me now. Ang kilala kong Justin ay friendly at mapagbiro rin. Naalala kong siya ang madalas magpatawa sa grupo namin noon. "Hindi pa. Ang alam namin noon ay engaged ka na." he said.
Umiling ako. "Uh, hindi pa kami nagpapakasal..."
Tumango siya. "Totoo nga na ikaw ang isa sa mga makakatrabaho ni Wesley... Tsk." He shook his head like he didn't liked it. "Madali lang naman siguro 'to? Pagkatapos ay wala na?" He sounded as if he wanted to get rid of me.
"Uh, may ginagawa lang kami na kanta..."
He nodded. "I hope it end soon." Tumitig siya sa akin.
"And, Aryanne, please don't give Wesley any false hope."
Kumunot ang noo ko. What did he mean by that? "Justin—"
"Just get this work done and marry your lawyer boyfriend. Pagkatapos sana hindi na uli kayo magkita pa ni Wesley. Babalik na rin naman kami sa England pagkatapos lang nitong ginagawa niyang movie with Savannah." Tuloy tuloy niyang sinabi.
Unawang ang labi ko. "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, Justin. Wala akong gagawin na..." I trailed off. Hindi ko halos maintindihan ang mga sinabi niya.
He stared at me. "Wesley's fine now. Don't try to ruin him again—"
"Wait." mariin kong pigil sa kaniya. "I don't really know what you're talking about, Justin—"
"Oh! Of course you do not know. Have you ever tried knowing even? Mukhang wala ka rin naman pakialam. You did not really cared for Wesley. All you cared about was yourself."
I didn't get why he seemed so mad at me. We were alone in that hallway. Papunta pa lang ako sa pagmemeetingan namin nang makasalubong ko siya.
"Ano ba talaga ang sinasabi mo, Justin? I don't get any of it. You can't just accuse me—"
"Wesley tried to kill himself several times! He wanted to end his life because of you!" he burst out.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Nanginig din ang labi kong nakahiwalay. Unti-unti akong umiling sa sinabi ni Justin dahil hindi ako makapaniwala.
He looked at me with resentment. "You are one selfish person, Aryanne."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro