Chapter Eight
Chapter Eight
Kiss
May usapan kami ni Wesley na sasamahan niya akong mamili ng mga gamit para sa pasukan. Bibili na rin siya ng kaniya. Sina Maxine kasi namili na sila ni Mike noong isang araw pa at nag-date na rin sila noon kay 'di na namin inistorbo.
"Si Justin nakapamili na?"
"Not sure." Wesley answered.
Noon kasi sabay kaming lima kung mamili kapag hindi lang parents din namin ang mamimili ng gamit namin sa school. Nakaka-miss din pala. We are growing up... And we are also meeting changes...
Pumasok kami ni Wesley sa isang bookstore na nagbebenta na rin ng school supplies. May gusto rin akong bilhin na libro kaya dito na namili.
"Wes, may titingnan lang ako doon." paalam ko sabay turo sa kung saan pupunta sa loob lang ng bookstore.
Tumingin si Wesley at tumango. May tinitingnan din siya doon. Umalis na muna ako sa tabi niya at lumipat sa ibang book shelf. Doon ay agad kong nakita ang hinahanap. Kukunin ko na sana nang may kamay na naunang kumuha no'n. I immediately turned to the owner of the large hand. Isang lalaki iyon na mukhang mas matanda ng ilang taon sa amin ni Wesley.
"Oh, are you getting it, too? Sige, sa 'yo nalang, Miss." he smiled as he handed me the book.
Hindi naman ako nakapagsalita agad. I didn't know what to immediately react. But I appreciate the what looked like kindness of the stranger. Kukunin ko na sana sa kaniya ang libro nang may tumawag sa pangalan niya. Narinig ko na rin si Wesley sa likuran ko.
"Art, come on!" someone called the guy.
Bumaling na rin ako kay Wesley. "Nahanap mo?" he asked about the book I was looking.
Bumaling muli ako doon sa lalaki na likod nalang ang nakita ko dahil paalis na sa bookstore. Kinuha ko iyong libro na iniwan nalang niya doon. Pagkatapos ay muli akong bumaling kay Wesley. "Ito," I showed him the book.
He nodded. "Tapos na rin ako. Bayaran na natin? Kompleto na ba 'yong mga notebooks na nakuha mo?"
Tumango ako. So we went to the cashier after.
When classes started agad kong na miss sina Wesley na wala na sa high school at nasa college naman ngayon. Parang ganito rin noong nauna sila sa aking magtapos ng elementary at ngayon nauna muli silang tumuntong ng college at sa susunod na taon naman ako.
Hindi na rin ako pinapansin ni Jhila kahit nag-Grade 12 na kami. Hinayaan ko nalang din siya. Si Jacob nalang yata ang naiwan kong kaibigan sa high school. Nagpapansinan din naman kami ng iba kong tahimik lang din na classmates.
May nabasa akong text galing kay Wesley. Nagtatanong kung dadaanan niya ba raw ako dito sa school. Napangiti nalang ako. Sobrang sanay na talaga kami na palaging nagsasabay. Pero ang alam ko ay medyo busy na ang college. Kaya ayaw ko na sanang abalahin pa siya. Nagtanong nalang muna ako kung tapos na rin ba ang klase nila. And he said wala na raw silang pasok at maaga pang na dismiss dahil wala pa raw talagang maayos na mga pasok ngayon.
Ako: Okay. Kung gusto mong dumaan dito sa school ikaw ang bahala.
I sent it to him.
Ilang sandali ay na received ko agad ang reply niya.
Wesley: Papunta na ako.
I only smiled and gathered my things.
Dahil unang linggo pa lang naman siguro ng classes ay mukhang allowed lang sina Wesley na hindi na muna mag uniform sa pagpasok sa college. Nakita ko agad siya nang makalabas ako sa gate ng school.
I was smiling but it disappeared when I saw that he wasn't alone. He's with a girl I'm not familiar with. Bumagal ang lakad ko palapit sa kanila ng babae.
"Aryanne," nakangiti si Wesley na sinalubong ako. Hindi naman ako makangiti.
"Sino siya?" tukoy ko sa babaeng kasama niya.
"Hi! Kapatid ka ba ni Wesley? Classmate ako ng kuya mo!" said the girl.
Sobrang kumunot ang noo ko sa sinabi ng babae. "Hindi niya ako kapatid." sabi kong agad na nainis.
"Oh!" the girl reacted.
"Let's go, Aryanne." Hinila na ako ni Wesle paalis doon.
"Sino 'yon?"
"Classmate. Nagkasabay kami sa tricycle galing sa university papunta dito. Pupuntahan din daw niya ang kapatid niya na high school." Wesley explained.
"Bakit niya ako napagkamalan na kapatid mo?"
Umiling si Wesley. "I don't know. We didn't really talk. She just assumed things."
I sighed.
Mukhang kahit sa college o lalo na ay marami pa rin ang nagkakagusto kay Wesley. And I can't blame the girls who will like him because of his face. Iyan talaga dahil hindi maipagkakaila na gwapo talaga si Wesley. At matalino rin siyang estudyante.
Pinauna ako ng sakay ni Wesley sa loob ng tricycle pagkatapos ay sumunod naman siya sa tabi ko. "How's your first day?" he checked on me.
"Okay lang... Parang ganoon pa rin naman. Ikaw? Kumusta ang first day mo sa college?"
"Fine." huminga siya.
Wesley took a teaching course. Iniisip niyang magtuturo na nga lang siguro siya ng music at arts sa magiging students niya sa future.
Iniisip ko na rin kung ano naman din ang kukunin ko sa college at graduate na rin ako sa high school pagkatapos ng school year na ito. Maybe I'll take up Education, too? Para pareho nalang kami ni Wesley. Although I was also thinking of law... I knew my father's a lawyer.
We talked while we were in the tricycle on our way home. Maliit lang din ang probinsya kaya hindi rin ganoon kalayo ang mga biyahe kapag sasakay ka ng tricycle at pupunta kung saan. Tricycle lang din ang madalas na public transportation dito sa lugar.
Bumaba na kami ni Wesley sa tricycle at agad din itong umalis pagkatapos lang naming mag-abot ng pamasahe. Nasa harap na kami ng bahay namin. Something was still bothering me at hindi yata ako matatahimik.
We were alone there. Wala ring ibang tao o dumadaan pa na sasakyan sa kalsada kaharap ng bahay namin. It was a quiet afternoon. I turned to Wesley and I knew I was about to do something I did not think through...
I was only about to kiss his cheek pero dahil biglang bumaling siya sa akin ay labi niya agad ang nahalikan ko. My eyes widened as how his eyes turned wide, too! I had the intention to kiss his cheek! But what happened was unexpected.
Sobrang nag-init ang mukha ko sa nangyari. Namumula rin si Wesley. It was so awkward! It was too much embarrassment. Especially on my part because I initiated it. While Wesley did not expect anything.
"Aryanne..." he called.
Hindi naman ako makatingin sa kaniya. Dali-dali ko nalang nilabas ang susi ng gate namin para mabuksan ko na iyon at makapasok na.
Our lips just touched! It was a quick peck on the lips and I didn't know what to exactly feel right after it happened other than being real embarrassed.
"S-Sige, bukas nalang uli-"
But Wesley stopped me by my arm. Napilitan akong lingunin na siya. "What happened..."
Sininghap ko nalang ang kahihiyan. "Hahalikan lang sana kita sa pisngi!" Halos mapapikit ako.
"Why..?"
I gasped. "Wala lang! Ibig kong sabihin... I just want to tell you that... To remind you that..." I trailed off.
"What is it, Yan?" Wesley probed. Mukhang may namumuo na ring ngiti sa labi niya.
Lalo lang akong nahiya at sana ay lamunin nalang ako ng lupa sa kinatatayuan ko.
And then I sighed heavily and just bravely faced it. "Gusto ko lang sabihin na... kung makakapaghintay ka ba sa akin? Hanggang mag-college na rin ako..." I said it.
What really happened? After seeing that girl a while ago. Alam kong hindi siya nag-iisa at marami pa ang ibang nagkakagusto rin kay Wesley. Paano kung may isa sa kanila na magugustuhan din pabalik ni Wesley? Kahit pa sinabi na niya sa aking ako ang gusto niya. I just want to remind him that. And to give him assurance, too, na may aasahan din siya sa akin...
"You mean..."
I nodded my head. "Oo, Wesley. I already told you that I like you, too. We are aware of each other's feelings. Kaya lang kung mahihintay mo na mag-college na rin muna ako..." I voiced out my condition.
Wesley nodded his head in understanding. Natuloy na rin ang gwapong ngiti sa mga labi niya. Parang gumaan ang loob ko at ngumiti na rin.
Nakitaan ko pa siya ng pagdadalawang-isip pero niyakap din niya ako. Bahagya pa akong nakaramdam ng awkwardness pero sa huli ay naging komportable rin at hinayaan siyang yakapin ako.
***
"Ano, Ma?" umawang ang labi ko sa narinig na inamin sa akin ni Mama.
Her tears fell in front of me. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Magkahalong galit dahil ngayon lang niya sinabi at matinding takot.
Matagal na pala siyang may sakit at tinatago niya lang ito. At ngayong hindi na niya nakayanan she thought I deserved to know the truth. Ang totoo na dapat noon pa niya sinabi sa akin! I'm her daughter! At kaming dalawa lang. Ang isa't isa lang ang inaasahan namin.
I shook my head. "Hindi totoo 'yan, Ma." I tried to deny it. Cancer? No. It can't be.
"Aryanne..." tawag sa akin ni Mama at sinubukan akong abutin pero humakbang na ako paatras. I saw her tears fell more.
Umiiling ako na umatras hanggang mabilis na akong umakyat sa hagdan at nagkulong sa kwarto ko.
I didn't eat my dinner kahit pa ilang beses din akong kinatok ni Mama hanggang sa naisip niya sigurong hayaan nalang muna ako.
I heard a tap on my window. Unti-unti akong umalis sa kama ko at tinungo iyon. Nagulat pa ako nang makitang nasa mismong bintana ko na si Wesley. Hinayaan ko siyang pumasok sa kwarto ko gamit ang bintana.
"I got worried for you. I was texting and trying to call your phone but you don't answer. Galing sa amin si Tita Lorain kanina... Nag-iyakan sila ni Mama... She also talked to me, Aryanne..."
Bumalik ako sa kama ko. Nakatayo lang si Wesley sa gitna ng kwarto ko. I tapped the space on my bed. Unti-unting umupo si Wesley sa tabi ko. Nanatili akong tahimik ng ilang sandali. Until my tears just fell again.
"Aryanne..." Pinaharap ako ni Wesley sa kaniya at sinubukan niyang punasan ang mga luha ko.
I shook my head. "I can't believe it, Wes. Matagal na pala ang sakit niya pero ngayon lang siya may sinabi sa akin." I cried.
Wesley brought me inside his arms to comfort me. I cried on his chest.
"I don't know what will happen. I'm scared. What will happen to me?"
"I'm here, Aryanne. I will be with you." he assured me. "Kami ni Mama sasamahan namin kayo ni Tita Lorain."
I hugged Wesley tight.
After a while I raised my head and looked at his handsome face. We looked into each other's eyes. Until slowly our heads neared each other and our lips touched. We both might not know yet how to properly do it. Wesley and I were inexperience and we're new to this. But I guess it was our instinct that our lips gently started to move against each other.
We looked into each other after the real kiss we just shared. There was no word after that. Lumapit lang muli ako kay Wesley at niyakap siya. He just let me and embraced my small body, too.
Pagkatapos ng ilan pang sandaling katahimikan sa amin ay nagtanong si Wesley. "Have you eaten your dinner?" he asked.
Kumalas ako sa yakap ko sa kaniya at nag-angat ng tingin sa mukha niya. Umiling ako. Napailing din si Wesley sa naging sagot ko. "Ikukuha kita ng pagkain." tumingin siya sa bintana ng kwarto ko.
Umiling ako. "Ako na..." I said softly. "Bababa muna ako para kumuha ng pagkain." paalam ko sa kaniya.
Tumango naman si Wesley.
"Dito ka lang muna?" I asked him.
Unti-unti rin siyang tumango. Bahagya akong ngumiti at umalis na muna sa kama ko at tinungo ang pinto.
Nang makabalik ako ay kinain ko na ang dinner ko habang nandoon lang si Wesley. Inaya ko rin siyang kumain but he said he's done with his dinner.
Pagkatapos kong uminom ng tubig at tapos na sa pagkain ay hindi pa rin ako iniwan ni Wesley. He stayed in my room until I fell asleep that night. With my head making his arm my pillow and my hand hugging his chest. Nakatulog ako habang mahina at marahan niya akong kinakantahan. It was like a lullaby that completely put me to sleep after everything that had happened that day. I felt Wesley kissing my head before I was gone to the world of dreams.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro