Chapter 9: Pink Rose
Chapter 9: Pink Rose
Liezel Jami's Point Of View.
As I can't say anything, I'm not in favor of stuttering in front of him so I closed my eyes and pretended to be drunk.
"Wala na," naramdaman ko ang tapik sa likod ko. "Jami, uwi ka na ba?" Nagmulat ako at tinitigan si Ate Sierah.
I shook my head and smiled, I grabbed another glass and a hand stopped me from drinking it. Sinulyapan ko si Kuya Yamato.
"That's enough, okay?" Dahil sa pakiusap at maayos niyang sinabi ay naitikom ko ang bibig at awtomatiko akong nakinig sa kaniya.
After an hour, we all decided to go home. Kuya Yuno guided us to the parking lot, as he'll stay for a while.
"Yamato, dahan-dahan pagmamaneho." They made their shoulders bump each other as a sign of goodbye and then Kuya Yuno made Ate Sierah sit at the back.
"Sierah, Wake up. Don't sleep," mahinang tinapik pa ni Kuya Yuno ang pisngi ni Ate Sierah kaya naupo na ako sa harapan.
Sumandal ako at pumikit, "Seatbelt Jami." Dismayadong sabi ni Kuya Yuno at siya pa ang naglagay ng seatbelt ko.
"Yamato, paalala ko. Text me when you get home, okay?" Kuya Yamato gave him a thumbs up and then sat in the driver seat.
"Thanks for tonight!" Kuya Yamato yelled and opened the engine of his car, I rested my head and closed my eyes.
"Our manang will be waiting outside the gate," sambit ko.
"That's great," he calmly answered. I stood straight as I remember he drank too. He needs someone to keep him awake.
"Kuya Yamato—"
"There you go again," he chuckles and glances at me before turning his head on the road to focus.
"What is it?"
"Study hard, hmm?" He slowed down and bit his lower lip a little, "I will do my best." He replied.
Nang makarating sa bahay ay inalalayan nila manang si Ate Sierah, kaya naman nang maipasok na si Ate Sierah ay hinarap ko si Kuya Yamato.
"Thank you for today po," I started the conversation, he pocketed his one hand and stared at me while resting his back on his car.
"Thank you for tonight," he cleared his throat, he even scratched his head a little and then glanced at me, "I guess I'll see you, when I see you?"
Ngumiti at tumango ako sa sinabi niya, "I'll study hard, however I can't assure you that I will pass with higher grades." Naiilang siyang umiwas tingin sa sinabi.
"I believe you can po, good luck! Another semester is coming. Let's both do our best if you got uno, I will grant you one wish. Anything," he stopped himself from smiling but his eyes were so little because of it.
"Okay, deal."
"Goodnight po, thanks for being my date tonight." Pinaghawak ko ang dalawang kamay ko sa likuran ko habang sinasabi 'yon, nanatili naman siyang nakatitig, ang mga singkit niyang mata gusto ko na lang magpatitig sa kaniya.
Kalma, Liezel Jami.
Wala yata kayong lahing malandi, huwag mong sobrahan.
"Goodnight," I gasped as he patted the top of my head and smiled playfully.
"I enjoyed the night, because of you." Nag-init ang pisngi ko sa idinagdag niya, ngumiti ako upang hindi mahalata na sobra akong fluttered sa sinabi niya.
"Ingat po sa daan!" Kumaway pa ako at tsaka pumasok na sa gate namin.
Nang makapasok sa bahay ay kilig na kilig akong pumasok sa kwarto ko, nasapo ko ang mukha ko tsaka ako tumalon sa kama.
Mahigpit kong niyakap ang unan at hinaplos 'yon na para bang humahaplos ako ng pisngi ng tao.
Kuya Yamato, panindigan mo 'ko.
Aaaaaaaaaaaaaahhhhhhh! Bakit ganoon siya maka-tingin?
Na-realized niya na ba na mas cute ako kesa sa ex niyang mukhang tuhod?
Kahit pa may tama ako at naligo ako para feeling fresh bago matulog, humilata ako sa kama pagkatapos ko mag-blower at pumikit na.
Ngunit hanggang sa pagpikit ko ay mukha niya pa rin yung nakikita ko, nababaliw na yata ako.
Since that day, we didn't get the chance to see each other again as I'm stressed in my class for this upcoming new semester, ang sakit ng ulo ko.
Tatlong oras pa lang ang tulog ko, bakit ba bigay na bigay yung professor namin maglapag ng activities pero parang exam.
"Jami, can you help me with this?" I sighed as I grabbed her notebook and explained the basics so she could understand.
I tried helping others as I'm also struggling, I didn't eat for 8 hours already. Panay ako water, exam na naman next week.
Matapos silang turuan ay dinampot ko ang libro tapos ay naglakad ako papalabas, kailangan ko ng matinding hangin.
Hindi ko pa nakikita yung pampasigla ko, nanghihina ako lalo. Kahit tumanaw ako sa itaas ay hindi talaga kami nagtatagpo.
Ayaw na ba ng tadhana?
Aish kung ano ano na naman sinasabi ko.
Nanlalata akong napaupo sa cafe, sa field sana pero nagugutom na rin ako, sumalampak ako doon at yumuko sa mesa habang nakabukas ang libro.
College is really a sore in my head.
Matagal tagal akong yumuko not until I heard that someone put something on my table. That's why I made myself look at it not until I saw him sitting in front of me!
"K-Kuya Yamato," gulat na sabi ko.
"Hmm," he playfully smirked.
"Are you wearing makeup? Or you're just red?" Lumunok ako sa tanong niya tsaka ko nahawakan ang pisngi.
Napaayos ako ng upo, "Exhausted?" He noticed, maybe because I haven't combed my hair since I got to school, and maybe because I look so stressed!
Pangit ba ako?
Dahan-dahan na lang akong tumango bilang tugon, "That's first year," matipid siyang ngumiti.
"Don't forget to eat and stay hydrated, I'll go ahead." He tapped the table where the food and drink he bought me were placed there.
"T-Thank you po kuya," tumayo na siya. Napatitig ako sa kaniyang muli, "Good luck."
Nang talikuran niya na ako ay napansin ko na naka-plain white shirt lang siya at naka-tucked in 'yon sa pantalon na suot niya habang ang susi ng sasakyan niya ay naka-kabit sa sinasalpakan ng sinturon.
Ang gwapo.
Bagsak rin ang buhok niya ngayon at mukhang kahit stressed siya ay ang presentable niya pa ring titigan.
It's because a guy doesn't need a lot of effort to make themselves presentable, unlike girls, we even need to comb our long hair, put something on our hair, make-up, and a lot more.
Tinitigan ko ang strawberry milk sa ibabaw ng mesa at ang biscuits na milk flavor. Nakagat ko ang ibabang labi ko tsaka ko binuksan ang milk strawberry at ininom na 'yon.
Binuksan ko na rin ang biscuits, napansin ko naman na ginanahan akong mag-aral ngayon dahil bukod sa nakita ko na siya ay binigyan niya pa ako ng food.
Dumaan ang araw at halos puyat akong pumasok ng school, dama ko ang antok ngunit isang oras na lang ay start na ng examination namin this sem.
Naupo na ako sa pwesto ko, ngunit biglang pumasok yung pinaka-close ko sa classroom na ka-klase ko.
"Jami, pinabibigay ni engineer." Nangunot ang noo ko, engineer? Si Kuya Yuno?
"Marshall?" I asked.
"Hindi, si Engineer Lapiz," nanlaki ang mata ko.
W-What for? Inabot niya naman sa akin ang iced coffee na nasa container at ang bread at isang bar ng chocolate.
Tinitigan ko ang note sa chocolate bar, nakagat ko ang ibabang labi pinipigilang ngumiti.
Good luck, I guess, a few days ago was hectic. Study hard.
-Lapiz
Naningkit ang mata ng kaibigan ko sa harapan ko, "May something?" Umawang ang labi ko at mabilis na umiling iling bilang sagot.
"W-Wala."
"Be, huwag ako, yung mukha mo oh kakulay mo na yung tomato." Asar niya kaya napaiwas tingin na lang ako at napainom sa kape.
Dahil sa binigay niya ay nagising gising ang diwa ko kahit papaano, as the examination started I tried my best to correct every questions that is asked in the test paper.
I'm glad my brain is working straight, after 2 hours natapos na ang first subject exam namin at ramdam ko ang pagod.
After first subject, lumabas na ako ng classroom at nanghihinang napaupo sa harap ng accounting sa kung saan magbabayad.
Pumikit ako sa sariling palad ko, mamayang 2pm ang next examination namin for another subject, medyo sumasakit na yung ulo ko pero kaya ko pa naman sigurong alalahanin lahat ng inaral ko.
Need ko pa kumain ng lunch, pero hindi ko alam kung kakain ba ako o mag-aaral na lang. I really have a struggle in studying unlike my brother Laze.
I stood up and decided to eat first as Kuya Yamato told me few days ago, napailing ako at tsaka ko naisipang pumunta muna sa locker ko to get my other book.
After that I rushed to the cafeteria, dumeretso ako sa counter to buy my lunch. I can't decide so I picked what's familiar to me.
After getting my order, bumalikwas na ako to find a table but then my tray bump into a tummy, dahan dahan kong tiningala yung nabunggo ko at nanlaki ng bahagya ang mata ko ng makita si Kuya Yamato.
Napapailing siyang ngumisi, umatras ako. "S-Sorry kuya," mabuti na lang at naka-kulay itim siyang shirt ngayon. "May kasama ka?" He curiously asked, umiling ako bilang sagot.
"Okay, go ahead." Ngumiti ako sa kaniya at naglakad na papunta sa table ko, nakakagulat ang pagsulpot niya.
Bigla bigla siyang sumusulpot sa paligid, hindi ko man lang namamalayan yung presensya niya. Tahimik na akong kumain at muli siyang sinulyapan.
Kinuha niya ang wallet sa likuran ng bulsa ng pantalon na suot niya at nagbayad na, kahit malayo siya ay nakikita siya dahil sa tangkad niya ring taglay.
Noong birthday ni Kuya, kaunti lamang ang lamang ng tangkad niya kay Ate Miran ngunit ngayon ay kasing tangkad niya na ang Kuya Laze ko.
Habang kumakain ay nagbabasa ako, hindi ko sinasayang ang oras not until Kuya Yamato sat in front of me holding his tray of food.
"Eat your food first, and then review. Mas matatagalan ka diyan," sinulyapan niya ang libro ko.
Dahil doon ay nasunod ko siya kaagad, maybe he knows what's best since he already finished first year.
Tahimik rin siyang kumain sa harapan ko pagkatapos no'n, "Ah thank you po pala sa coffee, bread and chocolate bar po." He glanced at me, chewed on his food before smiling and nodding.
"No problem," we continued eating our own food.
"Kayo po, yung examination niyo?"
"It was good, and hard. As usual, we have to pass 3 models for 3 subjects." Napalunok ako, grabe nga 'yon.
"Mas mahirap po pala," bulong ko.
"If you kind of adjust it'll be easy, seryoso." Pinigilan kong mangiti sa pahabol niya.
Seryoso? Seryoso?
Pagkatapos kumain ay napasandal ako sa kinauupuan ko, "Ano oras next sched mo?" Ibinaba niya ang ininom na juice at tinignan ako.
"2pm po," tumango siya.
"Study hard, we'll see when we meet again." Paalam niya, tumayo na rin ako.
"Good luck po sa exam kuya," ngumiti siya at hindi ako gumalaw ng tapikin niya ang balikat ko ng mahina.
'Yon na ang huli naming pagkikita, natapos ang exam at doon lang ako nakahinga ng maluwag kasi birthday ni Ate Miran at invited kami nila kuya.
"Kuya Laze, where's my mask?" Natigilan si Kuya Laze sa tanong ko, nasulyapan niya ang sofa ngunit wala.
"Where did I place it," Kuya Laze stated while glancing at every corner but then I noticed that he was holding it with his mask.
What's happening with him?
"Are you nervous about something oppa?" Natigilan siya at nagtataka akong tinignan, I'm actually thankful that he's showing emotions and I know that it's because of Ate Miran.
"Huh? Why?"
"You're holding my mask, kanina pa po." Turo ko sa kamay niya, natigilan siya at tinignan ang kamay niya tsaka siya huminga ng malalim at inabot sa akin 'yon.
"Miran," pabulong niyang sabi kaya napangiti ako.
"You still love her, oppa. Why don't you two try?"
"I am trying," bulong niya.
"It will take time to tame a girl, oppa. Be patient, kahit taon pa po." Napaupo siya muli at sumandal habang hinihilot ang tangos ng ilong niya.
"I am being patient, baka susunod maging pasyente na ako." Natawa ako sa pahabol niyang biro, "Let's go na po."
"Let's go."
Pagkarating sa birthday party ni Ate Miran ay namangha ako dahil sa ganda ng ayos nito, sumulyap ako sa kung saan at sinimulan kong humiwalay sa mga kasama ko.
Syempre hindi ko makikilala si Kuya Yamato dahil naka-maskara siya, gusto ko pa man din siyang makita.
"Hoy Jami, kakasimula pa lang nagbabalak ka na uminom." Halos magulat ako ng marinig ko ang boses ni Kuya Yuno at nakalapit na nga siya sa akin.
"H-Hindi po ah," gitil ko.
"Hay nako, 'tong bata na 'to. Kaka-18 pa lang alak na kaagad ang inaatupag—"
"Hindi po!" Gitil ko.
"Hindi pa nga po ako umiinom eh, nag-iisip lang po ako." Naningkit ang mata niya kahit naka-maskara siya kaya ngumisi ako, "By the way nakita niyo po si Kuya Yamato?" Pabulong kong tanong.
"Nandoon," turo niya sa kung saan.
"Tsk, puro ka Yamato, Yamato, Yamato. Panay ba siya Jami? Jami? Jami?" Sa panre-real talk niya sa akin ay humaba ang nguso ko.
"Kuya Yuno naman, panira ng mood." Pagmamaktol ko dahilan para mahina siyang tumawa, inakbayan niya ako tapos ay inilapit niya ang mukha sa akin.
"Same vibes." Nanlaki ang mata ko at natulak siya, "Kuya Yuno ang kulit."
"Sige na, gumala ka na. Babalik ako mamaya," paalam niya at ngumiti. Ngumiti rin ako tapos ay kinawayan siya.
Habang umiikot ikot ay hinahanap ko talaga si Kuya Yamato, hanggang sa makita ko siya ay pasimple akong lumapit.
Papalapit na sana ako pero natigilan ako ng may babaeng lumapit sa kaniya, halos mapaatras ako dahil biglang hindi ko inaasahan yung makita hanggang sa mapalunok ako at nanatili sa kinatatayuan.
"What the hell is your problem," nang marinig kong sabihin 'yon ni Kuya Yamato ay halos mapahinga ako ng maluwag.
"You can't go to a man and kiss him, that's harassment." Ramdam ko ang galit at init sa tinig niya, "I'll go ahead." Inis niyang sabi ngunit nang humarap siya sa gawi ko ay nagulat ako ng magtama ang mata namin.
"Hindi ka naman nahalikan! Ang arte mo ha!" Sigaw ng babae kaya lumunok ako.
Napaatras ako and I were about to escape but then Kuya Yamato already caught my wrist and pulled me closer, my eyes widened in shock.
"Good evening," sa mahinang pagbati niya ay nanlaki ang mata ko.
"G-Good evening po."
"May kasama ka?" Umiling ako, hinayaan niya naman akong dumistansya ng bahagya.
Mabilis na tumibok ang puso ko sa presensya niya, "Let's go." Anyaya niya.
I swallowed hard as he stood up in the middle of the crowd, checking his pockets. "Wait a minute," I stopped and watched him checking his pockets.
"Damn," I heard him whisper to himself.
"What's wrong po?" I tried figuring it out, but he sighed and combed his hair using his fingers.
"I think I just lost my wallet. Sit over there. I'll be back," he stated and tried to smile but he failed, faking it and looking nervous.
Sinunod ko siya, naupo ako sa itinuro niya. Hinintay ko muna siyang bumalik, habang nakaupo ay pasimple siyang hinahanap ng mata ko.
Maya-maya ay natanaw ko na siya, ngunit natigilan ako ng may hawak siyang nakabalot sa isang magandang papel, nang makalapit siya ay natigilan ako ng i-abot niya sa akin ang isang pink rose na eleganteng nakabalot.
"A-Ano po— p-para saan?" Kinakabahan kong tanong.
"Para sa'yo?" Napakurap ako ng maraming beses.
"Thank you po," matipid siyang ngumiti at naupo na sa isang upuan sa gilid ko.
"Yung wallet niyo po nakita niyo na?"
"Ah it's in my car," he whispered.
Saan niya nakuha 'to? Bakit niya ako binibigyan ng pink rose?
Ah maybe because I am still young, kaya pink rose? I noticed he's wearing a nice black tuxedo tonight, looking expensive.
Nagtataka lang ako, bakit 1 pink rose, does it have any meaning?
"How's your exam?" Pagbabakasakali niya, tumikhim ako bago nagsalita.
"Maayos naman po, kinakaya. Isang model lang po kinailangang ipasa tapos naipasa ko na rin, ikaw po ba?"
"So far, It's finished." Ngumiti pa ako sa sagot niya.
Muli ay naging tahimik kami, grabe rin pala siya sa sungit lalo na ng may higad na dumikit sa kaniya kanina.
Kay gandang maging nobyo..
Hindi ko maalis ang tingin sa hawak kong pink na rose, ang ganda, ang ganda rin ng pagkakabuka ng mga petals nito.
Huminga ako ng malalim at binitiwan ang rose sa kandungan ko, tapos ay ibinaba ko ang kamay ko sa arm rest ng upuan ngunit halos mabawi ko kaagad 'yon habang nanlalaki ang mata ng aksidente kong mahawakan ang kamay niya.
"H-Hindi ko po sadya."
Mahina siyang natawa at ngumiti, "Okay lang." Inalis niya na ang kamay niya doon, sa haba yata ng braso niya ay lumalampas na yung kamay niya sa arm rest.
"Let's have fun?" Tumango ako.
"Tara po," nakangiting anyaya ko rin.
Tumayo kami at syempre hindi ko iiwan ang bulaklak na binigay niya, pinatabi ko 'yon kay mommy tsaka ako sumama kay Kuya Yamato.
Not until my friend in my class saw us, "Sabi na may something eh!" Napalunok ako muli.
"H-Ha? Wala." Pagsasabi ko ng totoo, dahil sa kaniya wala pero sa akin meron kasi ako naman yung may gusto.
"Engineer! Hello," bati niya.
"I-I'm not yet an engineer, but sure, I'll claim it." Gwapong ngumiti si Kuya Yamato, nakapamulsa sa kaniyang pants na suot.
"Ang gwapo niyo po talaga 'no, bagay kayo."
"Shh." Sita ko.
"Kuya, huwag mo na po pansi—"
"Bagay ba?" Namula ng husto ang pisngi ko ng gatungan niya 'yon at mag-pogi sign pa siya.
Kuya Yamato naman eh!
"Yieeeeeee," halos mahampas ko yung kaibigan dahil sa hitsura at tinitili tili niya.
Nasapo ko ang noo, "Walang something, kung meron man it's because we're something beautiful people." Pagdadahilan ko na mahinanh ikinatawa ni Kuya Yamato.
"Yeah?" Gatong niya pa.
"Bagay seryoso," sagot pa niya kaya ngumiwi ako.
"Pabayaan mo na 'yan kuya," wika ko at umalis na doon, napasunod naman si Kuya Yamato sa akin.
As Kuya Yamato followed me, I crossed my arms over my chest. Staring at the crowd, if he's giving me false hope he better stop or I'll get hurt hard.
"Hmm, are you annoyed?" He asked, I stared at him and sighed. I ended up pouting my lips as I couldn't talk to him without honorifics.
"Wala po," bulong ko na lang.
"You can be honest with me, sinabihan mo nga akong tanga, remember?" Nanlaki ang mga mata ko, he's being straight forward.
And now it's making me feel shy, how bold are you Jami? "Sorry po, t-totoo naman mga 20% po?" His lips parted as I stated my point, he jokingly made himself look disappointed.
"Well, totoo naman talaga." He bit his lower lip, accepting the fact. "Pero 20% lang, nabawi ko eh." Pagmamayabang niya pa kaya lumunok ako.
S-Should I laugh in this kind of situation? Or cheer him up?
"Opo." Sa sagot ko ay lalo siyang natawa, ngunit halos mapigilan ko ang paghinga after he suddenly grabbed my chin gently and smiled.
"You're cute, but I forgot you're wearing a mask. I can't pinch your nose." He even smirked and let go of my chin.
But my heart was racing, It's unbelievably fast.
Lumunok ako at umiwas tingin, bakit ka po ganyan? Normal ka po bang ganyan o pa-fall ka?
As the waiter gave us wine glasses, I got mine and tasted it.
Woah, "It's a great wine." Bulong ni Kuya Yamato sa sarili.
"Bakit po kaya masquerade? Favorite po yata ni Ate Miran." Mahinang sabi ko.
"Yeah, because of someone named Sha? However I didn't get to meet that man." Kwento niya.
Sha? Like Kuya Laze?
Hmm..
"Uy bro!" Halos magulat kami ng mabilis na tangayin ng dalawang kaibigan niya siya.
"Gago, tumigil nga kayo!" Sita ni Kuya Yamato.
"Dali na! May surprise kami!" Hinila nila hanggang sa wala ng magawa si Kuya Yamato.
Out of curiosity, I tried to catch up with them but I also couldn't find them in the crowd.
5 minutes passed and I'm still trying to locate them, not until I heard a familiar voice.
Nang sumilip ako ay tumaas ang kilay ko, ngunit agaran na lumamlam ang mga mata ko.
Nang dumaan yung waiter ay napakuha ako ng wine, nilagok ko 'yon at kinuha ko muli ang isa.
Napapikit ako ng mariin, sa kabilang dulo ay tamang cheer yung ibang friends niya while Kuya Yamato and Athena was in the middle of their circle.
"Huwag ka ng magalit, babawi ako. I'm really sorry, please forgive me?" Humawak pa si Athena sa braso ni Kuya Yamato at pasimpleng inaalog ng mahina.
"Hmm, love? Come back to me." I rolled my eyes as she sounded like a frog.
Ang pangit niya.
Ang pangit niya!
Wala naman na akong magagawa kung mapapayag niya si Kuya Yamato, edi mag-move on.
Ang d-dami daming lalake.
Hindi lang siya—
"Balikan na 'yan! Wooooohooo!"
"Comeback! Comeback!"
Hiyawan nila, sumasama ang loob ko bukod pa doon ay nakikita ko ang pagmumukha ni Athena.
Athena? Hindi bagay sa kaniya yung pangalan niya.
"I don't know why you are doing this, Athena." Huminga ng malalim si Kuya Yamato, nahilot niya ang sintido.
"Yieee, hindi matiis!" Hiyawan pa, ngumiwi ako at napainom na lang ng wine.
"This is my sister's birthday," mahinang sabi ni Yamato.
"Nasa gilid naman tayo bro, walang makikialam, kaya sige na, sinusuyo ka na oh." Luminga si Kuya Yamato, napatago ako sa paligid.
"I'm not happy with this," nang sabihin 'yon ni Kuya Yamato ay napatitig ako sa kaniya.
"It's not a surprise, it's just a piece of shit. Hindi niyo ba alam yung nangyari?" I can feel Kuya Yamato's anger.
"Kung ano man siguro yung nangyari bro pwede niyong pag-usapa—"
"You think so?" He sarcastically asked, "If you really know me, will I leave her if I can still fix us?" Napalunok ako.
"Man, you're ruining my day. What the fuck?" Natigilan ako nang pagkalingon ni Kuya Yamato sa gawi ko ay nagtama ang mata namin.
Na-estatwa ako, "Yamato, please comeback? Let's make it right this tim—" naputol sasabihin ni Athena nang maglakad si Kuya Yamato sa gawi ko.
At halos mahigit ko ang sariling hininga ng hawakan niya ang kamay ko at dalhin ako sa gitna. "I'm sorry, I'm already settling with someone I can trust." Kuya Yamato raised and showed them the hands that he's holding.
A-Ano raw?
"Athena, we've been done for more than a month now. I didn't know you're that desperate after cheating on me." Natigilan ang mga kaibigan nila.
"Gago.." Hindi makapaniwalang bulong nila.
"She's no match for you! Isa pa mas bata siya—"
"She's no match for me, because she's out of my league Athena. At least she won't use me for money." Naitikom ko ang bibig, ang iba ay pinagtawanan si Athena.
"Hindi ako naniniwala na kayo na, huwag mo 'kong ipahiya Yamato." Deretso siyang tinitigan ni Kuya Yamato.
"Bro, huwag sana ganiyan.."
"Tangina, mukha ba akong nagsisinungaling?" Napatitig ako kay Kuya Yamato ng magmura siya, ang lutong no'n pero hindi naman kasi talaga nakakatuwa.
"Kingina, stop guilt tripping me. All of you, ayoko na." Singhal ni Kuya Yamato.
"Para niyo 'kong ginagago, kayong lahat. Hindi niyo man lang inalam sa akin yung nangyari," masama ang loob niyang sabi. Napansin ko na humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Kung ganoon huwag kang gumamit ng ibang tao! Kung ayaw mo sa akin sabihin mo! Hindi yung gagamitin mo yung babaeng pinagseselosan ko noon!" Galit na sigaw ni Athena.
"Ginagago mo ba 'ko?" Galit na tanong rin ni Kuya Yamato kay Athena, ang lamig ng kamay niya at masasabi kong kahit nagtatapang siya ay kinakabahan siya ngayon.
"Yamato naman!"
"Ayaw mo maniwala?" Kwestyon ni Kuya Yamato.
"Ayaw mo?!" Nag-taas na siya ng boses.
"H-Hindi ako naniniwala.." Napatitig ako kay Athena na lumuluha na ngayon, "Panoorin mo." Napatitig ako kay Kuya Yamato ng yukuin niya ako at dampian ng halik sa pisngi.
Ngunit may ibinulong siya, "I'm sorry, for this is the second time I'll make you this close to me." He stared at my eyes, but I was still in shock.
A-Ano gagawin niya?
My heart fell as he held my jaw and pressed his lips onto mine, nanlaki ng sobra ang mga mata ko dahil hindi ako makagalaw.
I closed my eyes as he moved my head to the opposite side of his head, he sucked my lips in front of everyone.
It lasted for 10 seconds and I almost catched my breath, my heart was racing and then he glanced at everybody. Pulled me off the circle.
He held my hand and took me far away from that circle, nang nasa dulo na kami ay hindi pa ako makahinga ng maayos dahil sa tibok ng puso ko.
Sobrang bilis at ayaw kumalma, nang dumapo ang mata ko sa labi niya ay nag-init ng husto ang pisngi ko at tila kinikiliti ang laman loob ko.
Ngunit halos maramdaman ko ang marahan na pag-dikit ng ulo ko sa pader ng muli niya akong yukuin at sunggaban sa labi.
Awtomatikong umawang ang labi ko ng sakupin niya ang ibabang labi ko at bahagyang sipsipin pa 'yon.
M-Mommy..
Oh my god.
Mommy!
Napahawak ako sa braso niya ng subukan kong tumiklay dahil nagugustuhan ko ang ginagawa niya sa labi ko, sobrang kakaiba sa pakiramdam.
Nakakapanghina ng tuhod, I felt his palm on the back of my head guiding my face to do what he wanted. As he stopped, my eyes widened and my heart skipped a lot of beats!
I'm getting crazy!
Nagtama ang mata namin, tila nagulat rin siya sa ginawa. "J-Jami.."
Nanginginig ang kamay ko at nanghihina ang tuhod ko ngunit nang hindi ko na alam ang gagawin ay mabilis akong lumayo sa kaniya.
W-Wala naman na kami sa harap ng mga kaibigan niya at ni Athena pero bakit niya pa rin ako hinalikan?
Maiintindihan ko naman na ginamit niya ako para tumigil si Athena, pero bakit niya ako hinalikan kahit wala na sila?
P-Para saan 'yon?
Oh my gosh, my head hurts.
///
@/n: Any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro