Chapter 7: Showing Flaws
Chapter 7: Showing Flaws
Liezel Jami's Point Of View.
Napatitig ako kay Kuya Yamato na maganda ang ngiting lumabas ng faculty ng professor namin, hanggang sa iwagayway niya ang report card niya.
Bigla ay sumaya ang puso ko at agaran na lumapit, "What's your grade?" Nanlalaki ang mga mata kong tanong.
"Dos, Jami. Dos!" Nanlaki ang mata ko at napatalon sa saya, "Congrats kuya!" Ngumiti siya at tsaka ko napansin na nawala ang mga mata niya ngayong nakangiti siya ng sobra.
Nang matapos kaming matuwa ay hindi pa rin siya makapaniwalang tumitig doon, tila napagod ako kaya naman napaupo ako sa gutter at tsaka huminga ng malalim.
"I'm excited to show this to dad," napatitig ako sa kaniya, excitement were written on his eyes and I can't turn a blind eye on it.
I'm happy that he's happy.
With or without his appreciation, he still did this on his own and I just helped him focus.
Dahil masaya siya at excited na ipakita 'yon sa parents niya ay pinili ko na lamang umuwi nang walang paalam sa kaniya.
Dumaan ang araw ko at hindi ko namalayan ang sarili na hindi ko pala siya masulyapan mula ng araw na 'yon.
Hindi ko na ba siya gusto?
Bumuntong hininga ako at dumeretso na sa cafeteria, hindi nasanay ang puso kong hindi siya hinahanap ng mata ko ngunit sinusubukan ko.
Dahil nakakatakot masaktan, natatakot akong ipagkatiwala ang kasiyahan ko sa kaniya dahil alam kong masasaktan ako ulit.
Nang makarating sa cafeteria ay bumili ako ng coffee, tapos bread for my break time, hindi pa naman lunch. Prente akong naupo habang nakatitig sa coffee ko.
Bigla ay parang nanlata ako, gusto ko na namang masilayan yung ngiti ni Kuya Yamato na naniningkit lalo ang mga mata niya.
Bakit ba hindi ko na siya nakikita coincidentally? Tumayo na ako at naglakad paalis ng cafe, sa classroom ko na lang uubusin ang coffee na binili ko.
Habang naglalakad ay paakyat ako ng hagdan, medyo nanlalata pa ako ngunit half way ay natigilan ako dahil nakaharap ko siyang pababa ng hagdan.
Naestatwa ako dahil nagtama ang mata namin, ngunit ngumiti siya sa akin kaya napalunok ako kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko.
Hindi ko alam kung paano ako magre-react.
"Yamato, kayo pa ba ng girlfriend mo?" Nang umiwas tingin na siya ay sinubukan ko mg humakbang ulit ngunit mabagal lang para marinig ko ang usapan nila.
"Ah, not anymore." Nang marinig ko 'yon ay nakagat ko ang ibabang labi at magana akong umakyat sa classroom namin.
Tuwang tuwa akong naupo at binuklat ang libro ko, mas gumagwapo siya habang tumatagal. Simple lang naman na white shirt ang suot niya ngayon at slacks hindi pa nga tucked in 'yon.
Ang ganda niyang titigan, hindi masakit sa mata. Pagkatapos ng klase ay napahikab ako kaya naman sinuot ko na ang bag ko dahil bibisita ako sa cafe ni lola.
Kalaunan ay dumaan ang mga araw at sa tuwing nakakasalubong ko si Kuya Yamato ay ngumingiti naman siya, not until one day. I saw him at the back of our school with Athena.
I tried to stop myself from eavesdropping but I am really curious on what's going on with them, "You'll really side with Jami? She's just your childhood friend. Isa pa she likes you, sinisira niya lang tayo." Napanguso ako sa paninira niya sa akin.
"Athena, you made me happy for real. You made me happy somehow, but now that you're gone. I realized I'm okay," wika ni Kuya Yamato.
Gusto ko siyang palakpakan sa sinasabi niya, "Athena, I still care but you're making me a fool, keep on playing with my feelings." I sighed, poor him. Getting played and he just noticed and realized it now.
"Jami doesn't like me, she just cares because she's that kind of person, Athena. Sana ito na yung huling beses dahil baka sa susunod hindi na ako ganito kaayos kausap." Nang marinig ko 'yon ay umalis na ako doon, palakad lakad ako.
Pupunta sana ako sa library upang umidlip ngunit natigilan ako nang makita si Kuya Yuno, nang malingon niya ako ay kinawayan niya ako kaya lumapit ako sa kaniya.
"May project ka ulit dito kuya?" Kwestyon ko, naningkit ang mata niya at inayos ang suot na polo.
"Hmm, why are you in a good mood?" Natigilan ako nang mabilis niyang mabasa 'yon.
"Wala po, good mood lang. Bawal po ba?" Pabalang na sagot ko nangunot naman ang noo niya, "Hindi, tangi." Ngumuso ako nang sabihin niya na naman ang tangi na word.
"Tangi ka rin po." Bulong ko na mahina niyang ikinatawa, but then he leaned forward to make our face in same height.
"B-Bakit po?" Pinigilan kong mautal ngunit bigla siyang ngumiti ay kinabahan ako sa sobrang lapit niya.
"Sama ka?" Nanlaki ang mata ko wala pa man, "S-Saan po?"
"To a party?" Lumunok ako at napahawak sa kung saan sa likuran ko, "Hindi na po may—"
"Yamato's coming," he murmured, which made me blush.
"Okay po, sama ako." Napangisi si Kuya Yuno at tsaka ginulo ang buhok ko, "Okay, I'll send you the details later." Paalam niya at kumaway siya habang nakatalikod.
Bakit ba ang tatangkad nilang mga lalake? Kaunti pa at baka maging kasing laki na nila yung pintuan samantalang kaming mga babae nagpapaliitan yata.
Dahil sa party na 'yon ay minabuti kong umuwi ng maaga, to prepare. "Lola, I'll attend a party later, I guess I'll be home late." Paalam ko na at humalik sa pisngi niya.
"Sure apo, update us if something happens." Ngumiti ako at nagpaalam na sa kanila, after I prepared everything ay umalis na rin ako bago pa dumilim.
Going 6pm pa lang kasi madilim na rin, I wore my shoes that has 2 inch heels. Simply it looks like a shoes but it has heels dahil ayokong ma-stress ang paa ko.
Inayos ko naman ang fitted pants na suot ko, as I am wearing all black tonight, I just want to be bold tonight, cold kunyare?
Kuya Yuno may be able to afford this much since he's paying for drinks and food tonight, even the band he hired.
Pumasok na ako sa loob ng club, ang lakas ng music at ang aga nila uminom, may laman na kaya ang mga tyan nila bukod sa alak?
Deretso akong naglakad ngunit nanlaki ang mata ko sa paghapit sa bewang ko, nang hindi ko kilala ang lalake ay tinapik ko ang mga braso niya.
"Let go of me, please." Nang mapansin niya na seryoso ako ay binitiwan niya rin ako kaya pinagpag ko ang damit at naglakad na.
Hindi ko naman makita si Kuya Yuno ngayon, o si Kuya Yamato. Siya pa man din ang pinunta ko rito, nang makita si Ate Sierah ay nanlaki ang mata ko at excited na lumapit sa kaniya.
"Eonnie!" Nalingon niya ako at dahil doon ay nanlaki rin ang mata niya, "Ang tagal naman magpakita ng host ng party, Jami." Bulong niya kaya napangiti ako.
"Si Kuya Yuno?" Tanong ko.
"Oo." Sagot niya, lumilinga linga ako not until Ate Sierah pointed at my back.
"Kalaglag panty naman yung ka-gwapuhan no'n oh," nalingon ko ang sinasabi niya at halos ma-estatwa ako nang naka-itim rin siyang shirt, tucked in on his pair of pants. Naka-tupi pa ng ilang beses ang sleeves ng black shirt na suot niya, pinakikita ang hulma ng braso niya.
"Halatang famous sa girls oh," dagdag ni Ate Sierah, crush ko po 'yan ih.
Crush ko po 'yan.
Ang pantalon na itim ay mas pinakita ang pagiging mestizo niya, ang singkit niyang mata ay naging intimidating kung tumingin.
He's also wearing the same silver watch, maybe his favorite? "Ang gwapo, itulak mo 'ko kunyare dali!" Utos sa akin ni Ate Sierah kaya napailing iling ako.
Mukhang magkakaroon pa ako ng kaagaw sa crush dahil ang gwapo niya ngayon, awtomatiko akong napaayos ng tayo nang mapatingin sa gawi ko si Kuya Yamato.
"Ay oh my god, he's familiar." Bulong ni Ate Sierah.
He really is, nagkita na kayo nang debut ko. Nang lumapit si Kuya Yamato ay nagulat ako sa pagpisil ni Ate Sierah sa braso ko, "Oh my god! Lalapit ba siya sa akin? Shet!" Napalunok ako at pasimpleng siniko si Ate Sierah.
"Kumalma ka ate, nakakahiya ka." Ngumiwi siya at kilig na kilig sa tabi ko.
Nang tumigil sa harap namin si Kuya Yamato ay hindi ko alam kung paano ako magre-react. "You're here, Jami." Nakagat ko ang ibabang labi ko.
"I was invited po," magalang na sagot ko.
Sinuri niya ako tsaka siya ngumiti, "You're a big girl na," halos mag-init ng husto ang pisngi ko nang ipatong niya ang palad sa tuktok ng ulo ko!
Oh my heart, calm down please..
"Ako rin," bulong ni Ate Sierah sa tabi ko kaya alanganin akong ngumiti.
"Hello," nang kamuntikan ko ng makalimutan ipakilala si Ate Sierah ay umayos ako ng tayo.
"Ah kuya, pinsan ko nga po pala. Si Ate Sierah Garcia, uhm ate, si Kuya Yamato Lapiz—"
"Lapiz? You mean Kuya Laze's girl— brother?" Hindi makapaniwalang sabi ni Ate Sierah, hindi talaga sila magkasundo ni Ate Miran.
"Ah yes, she's my older sister." Sagot ni Kuya Yamato at sinulyapan ang silver watch niya tsaka siya huminga ng malalim.
"Let's take a seat, come." Anyaya niya sa amin kaya sumunod kami ni Ate Sierah sa kaniya, nang makarating sa malaking circular table ay ibinaba ni Kuya Yamato ang jacket na dala niya.
"What are you taking, this college?" Nasulyapan ko si Ate Sierah nang tanungin niya si Kuya Yamato.
"Ah civil engineering," wika ni Kuya Yamato at prenteng ipinatong ang susi ng kaniyang sasakyan sa mesa pati na ang cellphone niya.
"Parehas kayo?" Ngumuso ako kay Ate Sierah, tatanungin pa obvious na nga.
"Yeah, she's my junior." He calmly answered, "Ako 'di mo tatanungin—"
"Ate Sierah umayos ka nga," nahihiyang bulong ko.
"It's okay," Kuya Yamato chuckled, "What's your course?" Kinikilig naman akong nakurot ni Ate Sierah sa legs kaya napalo ko ang kamay niya.
Hinayaan ko muna silang mag-usap, "I'm not good at acads, I'm just trying hard." Kwento ni Kuya Yamato, huminga pa siya ng malalim at isinandal ang likod niya sa kinauupuan.
"If you're trying hard and good at it, edi ganoon na rin 'yon?" Sagot naman ni Ate Sierah, hindi ko nga alam kung paano ako sisingit sa usapan nila not until Kuya Yamato's phone rang and so as mine.
Ngunit una kong nasulyapan ang cellphone niya nang makita ko na ang pamilyar na numero ay nakagat ko ang ibabang labi, naalala ko ako ang nagbura no'n ngunit natutuwa ako dahil ngayon ay wala nang pangalan sa kaniya ang numero na 'yon.
"Jami, sagutin mo na." Sinagot ko naman ang tawag, nang marinig ang same music ay tumaas ang kilay ko.
"I'll guess, Is this Marshall?" Pang-aasar ko, at narinig ko na nga ang nakakalokong tawa ni Kuya Yuno.
"Damn, you just called my last name. This number is from my other phone, how did you guess?" Ngumisi ako sa tanong niya.
"Obviously because I'm hearing your background," sumbat ko.
"Ah, where are you located?" Napalingon ako sa paligid, "Malapit sa stage." Pagsagot ko.
"I'll go there, see you." He ended the call that made me glanced at Ate Sierah who's confused who she wanted to see and meet.
"I-Is that Yuno Marshall?" Pabulong niyang sabi sa akin, mukhang narinig naman 'yon ni Kuya Yamato kaya napangisi si Kuya Yamato.
"Yeah?" Nanlaki ang mata ni Ate Sierah at natakpan ang bibig, "Oh my gosh."
"Ate, panay landi." Bulong ko.
"Gaga, bente na ako, anong gagawin ko sa buhay ko 'di ba." Napangiti si Kuya Yamato at umiling iling.
"Gusto mo hanapan kita ng date mo tonight? I won't tell Kuya Laze, I promise." Napalunok ako sa sinabi niya, pasimple kong sinulyapan si Kuya Yamato na nakaakbay ang kamay sa sandalan ng upuan.
"Sus, Ate Sierah isusumbong mo ako. Sinabi mo nga yung—"
"It's because he's mad na," bulong niya.
"Then if he's mad again you'll tell him agai—"
"I won't, kasi ako na yung mapapagalitan, so are you G?" Napatitig ako sa kaniya makaka-move on ba ako pag ginawa ko 'yon?
Wala namang sigurado, pero bakit hindi? "Then, I'm in." Napangiti si Ate Sierah sa sagot ko.
"That's great! Saan ba ako hahanap?" Pabulong niyang sabi sa huli at luminga linga.
"What's your type?" Ate Sierah asked, "Hmm, taller than me." Nangunot ang noo niya, "More."
"Ayoko sa manyak," sa sinabi ko ay nalingon namin si Kuya Yamato na mahinang natawa. Umiling iling pa siya at nang tignan niya kami ay pinaglapat niya ang labi ay umiwas tingin.
"Ayoko rin sa masyadong feeling, yung over confidence, ayoko." Tumango si Ate Sierah na para bang sinusulat niya 'yon sa isip niya.
"Gusto ko yung may sense kausap, enjoy kausap, hindi tatanungin kung gusto ko bang matulog kasama siya baka masakal ko." Mas natawa si Kuya Yamato sa narinig kaya napanguso ako.
"I'm not joking," nasulyapan niya ako at umiwas tingin na lang.
"Ang hirap bigla ng gusto mo," nalingon ko si Ate Sierah.
"Wala ka bang gustong tao? Para hindi na ako maghanap sa kaniya na ako dederetso." Nakagat ko ang ibabang labi, "Ah yeah you told me you like someone right?" Halos maitikom ko ang labi nang itanong 'yon ni Kuya Yamato.
"She does?"
"Sino?" Intriga ni Ate Sierah.
"Sino ba?" Tanong ni Kuya Yamato.
Kuya, ikaw po. Ikaw, ikaw, ikaw!
Aish..
"Bakit niyo pa aalamin, hindi naman ako gusto no'n." Bulong na sabi ko at tsaka ko nakangusong kinuha ang inumin at ininom 'yon.
"Bitter, kawawa naman." Asar ni Ate Sierah.
"Sino kayang hahanapin ko na date mo—"
"Don't look so far, baka hindi mo 'ko makita." Natigil ako sa pag-inom ng nasa baso dahil sa sinabi ni Kuya Yamato.
A-Ano raw?
Ano daw?!
Napatitig ako ng deretso sa stage dahil hindi ko siya malingon sa estado kong sobrang pula ng mukha! Oh my god!
Kuya Yamato, kinakalimutan na kita pero sa tuwing nakikita kita bumabalik yung feelings tapos, gagatungan mo pa?
Pwede bang kunin mo na ako lord kung pinapaasa niya rin naman ako?
"G-Gago," bulong ni Ate Sierah at tsaka napatikhim.
"Hooo! Init ah," napa-paypay pa si Ate Sierah sa sarili niya tsaka sinulyapan si Kuya Yamato.
"H-Hindi ko na pala kailangan maghanap sa kung saan, siya na lang." Turo ni Ate Sierah, dahan-dahan kong sinulyapan si Kuya Yamato na hawak ang baso niya at sumisimsim.
"Matangkad sa'yo, gwapo, may sense kausap." Napalunok ako nang sobra, is he insisting to date me tonight?
Really?
"He just broke up with his girlfriend, isn't it unfair for me?" Biglang sabi ko, napatigil si Kuya Yamato.
"And you're moving on, in your one-sided love? Isn't that fair?" Ngumuso ako sa sagot niya, how would it be fair when you're the one I want to move on from?
"At least I don't have trust issues like you po," pabulong na sabi ko pa. "Wow, foul ka doon ha." Nakagat ko ang ibabang labi, pilit pinipigilang kumawala ang ngiti.
Yung naka-tupi niyang sleeves ay ang ganda tignan sa may kaputian niyang braso, I don't know if he go to gym or work out but he's really well-fit.
"Muntik ko ng tukain, kaya lang ikaw naunang tinuka." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ate Sierah.
"A-Ano pong tuka?" Nang masamid si Kuya Yamato sa alak na iniinom niya ay nalingon ko siya.
"I mean— hindi na ako mag-eexplain sa inosenteng utak mo Jami, sasakit lang ulo ko." Singhal niya at halos batukan ako.
Tuka? Tuka? Ibang tuka ang nasa isip ko!
"So ano? Are you guys G?" Nasulyapan ko si Ate Sierah.
"Aalis po ba tay—"
"Isa rin, isa ring Hakuna Miran." Nalingon ko si Kuya Yamato sa sinabi, anong ibig niyang sabihin?
"I'm down," he stated and made our glass toast, what is that for?
I don't get it, really.
"How about you Jami?" Ate Sierah asked, "Huh? Ano po ba gagawin ko?"
"Payag ka ba na siya na lang date mo for tonight— Jusko Liezel Jami ha ginigigil mo brain cells ko." Nakagat ko ang ibabang labi.
Syempre hindi— syempre hindi ako tatanggi.
"Sige po." Sangayon ko na.
Kunyare ay bahagya pang napipilitan, nang dumating si Kuya Yuno ay tumayo ako kaagad ngunit napalunok ako nang dampian niya ng halik ang pisngi ko mabilisan.
"Glad you guys came, hi sungit." Kuya Yuno greeted Ate Sierah, tumayo si Ate Sierah at siya ang humalik sa pisngi ni Kuya Yuno.
"Is that how you greet people, nowadays.." Pabulong na sabi ni Kuya Yamato that made me smile, "Oo, ganoon. Halika, kiss rin kit—"
"Kuya, doon ka nga." Sita ni Kuya Yamato at iniiwas ang sarili sa asar ni Kuya Yuno.
Pagod na ako tawagin silang kuya, hanggang sa isip ko. Bumuntong hininga ako at naupo, maya-maya ay dumating ang food and drinks for us.
"Call your friends." Suhestyon ni Kuya Yuno.
"They'll come, I already sent them the invitation." Naupo si Kuya Yuno sa tabi ni Kuya Yamato, umakbay pa.
"Kuya mo Jami hindi pupunta?" Kwestyon niya sa akin, "May project po sila kuya eh." Pagdadahilan ko.
"Kaya pala hindi rin maka-punta si Miran," tumango tango pa siya. Inalis niya na rin ang jacket niya dahil kahit malamig sa loob ng club ay umiinit dahil sa alak.
"Itim na itim suot niyo ah," napansin yata ni Kuya Yuno 'yon.
"It was a coincidence." Pagsasabi ko ng totoo.
Tumango siya at tsaka tumingin na sa mga taong sumasayaw, "They're all having fun," pabulong na sabi ni Kuya Yuno.
"Ah, happy birthday kuya." Nanlaki ang mata kong nalingon si Kuya Yamato ng sabihin niya 'yon.
"Birthday mo po?" Gulat na sabi ko.
"Joke lang," halos bumusangot ako nang sabay na tumawa si Kuya Yuno at Kuya Yamato dahil sa pagbibiro ni Kuya Yamato.
Kala ba niya funny siya, tsk.
Funny naman kasi mukha akong tanga.
"Join me," natignan ko si Kuya Yuno.
"To where po?" Nagtatakang sabi ko.
Inayos niya pa yung suot niyang pantalon at tsaka niya inilahad ang kamay, kinuha ko naman 'yon tsaka sumama sa kaniya.
"Kumusta si Yamato?" Napalunok ako at tinignan siya, "Bakit hindi niyo po tinanong kanina?" Punong puno ng pagtataka kong tanong.
"Baka maalala niya kung gaano siya ka-broken, huwag na lang. Get that thing, dalhin natin sa table natin." Binuhat niya yung mga melted cheese and the steak.
Binuhat ko rin yung another T-bone steak, tapos ay pagkabalik namin sa table nakita ko yung ibang madalas na kasama ni Kuya Yamato.
Napansin ko naman na may naupo na sa seat ko kanina, I guess friend ni Ate Sierah, I glanced at my bag that is sitting beside Kuya Yamato na.
"Oh, I'll get more food. Be seated Jami," I was about to make Ate Sierah's friend change seats but then Kuya Yamato simply tapped the vacant seat beside him while looking at me.
"Doon ka na, Jami." Sinunod ko naman si Ate Sierah, nagbigay naman ng space yung ibang friend ni Kuya Yamato para makadaan ako.
Nang makaupo sa tabi ni Kuya Yamato ay doon na nagkanda-loko loko ang tibok ng puso ko, pagkaupo ko ay napansin ko ang pasimpleng pag-akbay ni Kuya Yamato sa sandalan ng upuan ko, I guess that's one of his habit?
As he drank a shot, I noticed him licking his pinkish lips. Now, it's making things awkward for me, for us.
Tahimik lang siyang nakinig sa usapan ng ibang kaibigan niya, Ate Sierah took shots and ate a lemon.
"I saw Athena, a while ago pala bro. Hindi kayo magkasama?" As his friend told those things, I slightly glanced at Kuya Yamato who's seriously staring at his glass.
"Nakikita mo naman," dismayadong sabi ni Kuya Yamato kaya lumunok ako, ang sungit rin ng aura niya. This feels like how we first met before, at the comic bookstore of my brother.
"Break na talaga kayo? Kaya ka ba nag-iinom these days?" Nakinig lang ako sa kanila, how I wish I could watch Kuya Yamato's reactions.
"Hindi ako nag-iinom," mahinang sabi ni Kuya Yamato at ipinatong ang kamay niya sa kandungan niya.
"Break na pero kayo? Bakit?" Ang daldal rin ng kaibigan niya, parang ako na yung na-stress kesa kay Kuya Yamato.
"Because I choose myself over her." Yung matitipid niyang sagot ay nagbibigay kaba sa akin, dahil gusto kong deadmahin ang mga sagot niyang makakasakit sa akin.
"Then why don't you try to fix it if you're okay already?" Dahil sa tanong ng kaibigan ni Kuya Yamato ay natignan ko 'yon ng seryoso.
Seryoso ba siya?
"Some say, to heal a wound. You need to stop touching it," malalim siyang huminga at tsaka niya ako nasulyapan dahilan para gulat ko rin siyang matignan.
Hindi naman ako ang nagsabi, bakit niya ako tinignan? "Right, Jami?" Pabulong niyang sabi, halos matakpan ko ang bibig ng sinukin ako kaagad.
A-Ano ba 'yan, kinuha ko ang tubig tsaka ako uminom no'n. Pabigla bigla naman si Kuya Yamato.
"I've already expected the ending, it's either I turn the page or close the book for good." Tumikhim siya at kinuha ang shot glass at uminom na.
It really left a scar on his heart, how could he trust people now?
As we drink few shots, medyo ramdam ko yung init ng hagod no'n sa lalamunan ko per shots. "Nahihilo ka na?" Tanong ni Ate Sierah kaya nakanguso akong tumango.
"1 hour and 30 minutes pa lang tayo, ang aga mo Jams." Hindi na ako kumibo, kanina pa nga ako naiihi pero baka mahilo ako nakakahiya.
"I'll just go to the restroom," paalam ko sa kanila. Ngunit pagkatayo ko ay napahawak kaagad ako sa mesa dahil sa pag galaw ng paligid.
"Oh, may tama na yata. Kaya mo pa ba?" Tanong ng kaibigan ni Kuya Yamato, natignan ko siya. "I can handle po," wika ko at pinilit dumaan.
"I'll go with you," Kuya Yamato insisted, which made my heart flutter.
"Kaya ko po—"
"C'mon let's go, I also need to use the restroom." Dahil doon ay naka-sunod siya sa akin, hanggang sa sabayan niya ako.
Hinanap namin ang malapit na restroom sa club at nang makakita kami ay pinauna niya akong pumasok kaya naman nauna na akong gumamit.
Hindi kasi cubicle ang mga restrooms rito, may bowl for girls and boys tapos may mirror kaya naman nang mauna ako ay naghugas na rin ako ng kamay.
Pagkatapos ay siya naman ang sumunod, ngunit hindi ko inaasahan na mabilis lang siya. Pagkalabas niya ay natingala ko pa siya dahil nasa gilid ko siya.
He smiled a little and we're about to walk but then a moan stifled in the other restroom, katabi lang ng ginamit namin na restroom.
Nag-init ng husto ang pisngi ko, gulat ko pang natignan si Kuya Yamato na napatingin doon, "L-Let's go," anyaya niya at nang maka-ilang hakbang kami ay napalunok ako ng bumukas yung restroom.
Ngunit agaran akong nag-alala kay Kuya Yamato dahil ex-girlfriend niya na si Athena ang lumabas doon kasama yung pilot na boyfriend nito.
"Y-Yamato—" Naputol ang sasabihin no'n nang hawakan ni Kuya Yamato ang kamay ko at tangayin na ako.
"I-It's normal to hear that kind of noise in clubs, they're all toxicated by alcohol." He calmly said, not letting go of my hand.
Kuya Yamato, yung tibok po ng puso ko ayaw kumalma..
"I guess it's not your first time hearing that?" Napatitig ako sa kaniya, napatigil siya at natignan rin ako sa mata.
"Damn, I guess.. I guessed it wrong," mahinang bulong niya tsaka siya napailing at pilit na ngumiti.
"Kalimutan mo na 'yon," sagot niya tapos ay nang makabalik kami sa table ay pinauna niya akong maupo bago siya sumunod.
Bakit ba ako ang inaalala niya? Siya nga ang iniisip ko dahil baka nasasaktan siya sa nakita niya.
Tapos baka nagpapanggap lang siyang okay siya kahit na hindi, mas gusto ko pang makita na ine-express ng isang tao yung sama ng loob niya kesa hindi.
Nakakasama kasi pag kinikimkim 'yon.
///
@/n: Any thoughts? Thank you for supporting this series, LOVELOTS!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro