Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 63: No Lies

Chapter 63: No Lies



Liezel Jami's Point Of View.




Natawa ako kaya 'di na ako nag-react at inatupag ang gagawin ko, kinagabihan ay tinawagan ko si Yamato after I took a shower.

Gising pa kaya 'to? Naka-ilang ring na at ng sagutin niya ay antok na antok ang mga mata niya habang nakadantay ang baba niya sa unan.

Nakadapa siya pero side, "Hmm?" Pinigilan ko ngumiti dahil sobrang cute niya.

"T-Tulog ka na?" Nagmulat siya, and he realized that it's a video call.

He fixed his messy hair and his brows started to fight, "Bakit?" Inaantok na talaga siya halata dahil namumula ang mata niya.

"T-Tumawag lang." Bigla ay nahiya ako, "Okay ka diyan?" Tanong ko pa.

"Yes, I'm good. Bakit gising ka pa?" Ang malalim niyang boses ay gustong gusto ko marinig ngayon.

"Hindi ka na kasi nag-reply sa akin mula kahapon." Natigilan siya sa sinabi ko.

"Wala naman akong mai-reply. Dapat ba nag-reply ako ng smile?" Pinigilan ko ngumiti ng mahina siyang natawa.

"Si Amato?"

"Tulog na kanina pa, kanina pang alas nuebe. Maaga kami natulog," kwento niya.

"Naglaro kasi kami sa play station around 4pm. Ayon, pagod." He added on his stories so I smiled.

"Tulog ka na ulit, goodnight." Kumaway pa ako.

"Maya na," Nakagat ko ang dila sa kaniyang tugon, "Kumusta diyan?" He asked.

"Ayon, okay naman. Katatapos ko lang ng work kanina around 10pm, I took a shower, and ate dinner." Nangunot ang noo niya sa kwento ko.

"Dinner, at 10pm? Isusumbong kita kay Amato." Natawa ako sa pananakot niya.

"Bakit pa? Ikaw na lang magbigay sermon, nahiya ka pa para ka namang tatay." Asar ko.

"Really ba?" Maarteng sagot niya ginagaya ang tono ng pananalita ko kaya umirap ako at humiga sa kama.

Napansin ko naman na napaiwas tingin siya, "You called me and you're not wearing anything underneath that sando. Adik."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya tsaka ako napakumot hanggang dibdib. "Antok na ako.." Pag-iiba ko ng usapan.

"Let's sleep then, kailan balik mo?"

"Next week pa, miss mo na ba ako?" Asar ko.

"Hindi nga." Sagot niya.

"Walang miss-miss sa akin, dalawang taon ka nga nawala eh." Natawa ako sa nanunumbat niyang sabi.

"Ako, miss na kita." Natigilan siya at ngumiwi kaya natawa ako.

"One dot, uuwi na ako diyan." Pagbibiro ko.

He manly rolled his eyes and yawned while covering his mouth, "Goodnight."

"Good night Yamato." Paalam ko.

"Bukas na lang, hindi ko na kaya magmulat pa ng mata. Nasisilaw ako sa screen, at sa ganda mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Hoy!"

Humalagapak siya ng tawa, "Kinilig amp. Sige na, tulog mo na 'yan." Paalam niya pa at ngumisi tsaka maliit na kumaway sa screen.

"Bye-bye." Paalam ko.

"End mo na," sabi niya, ngumiti ako at nahirapan pa na i-end ang tawag sa kaniya.



Kinaumagahan ay pumunta kaagad ako sa company nila lola, kasama si Kuya Laze. "Kuya what's this?" I pointed on his neck, nahawakan niya 'yon.

"Ano meron?" Kwestyon niya.

"Hay nako, kiss marks 'yan 'no?" Asar ko.

"Maybe, your Ate Miran kind of became an expert because of me." Nanlaki ang mata ko tsaka kami sabay na natawa.

Kuya Laze caught everyone's eyes, sa tangkad niya rin at tindig ay hindi na ako magtataka. Ang puti niya pa at ang itim na itim niyang buhok ay bumagay sa kaniya.

Pero ang abo niyang mata ang kinaadikan ng lahat, parehas nga sila ni daddy. They don't need to use contact lenses.

Pagkapasok sa office ay kinuha ko ang dapat ayusin dahil papasok kami sa isang meeting, my grandparents are taking a rest at Palawan kasi and they trusted us the company.

Matapos ng meeting ay nakipag-argue pa si Kuya Laze dahil minamaliit siya ng ibang stakeholder namin, to be honest we tend to get a business class for an occasion like this.

Kakailanganin kami, and we're glad to have knowledge when it comes to business. After our work, sinamahan ako ni Kuya Laze kumain ng dinner sa labas ngunit nagtaka ako ng may mag-pop up na message ngunit hindi ko nagawang tignan.

After dinner ay nagkusa si Kuya Laze na ihatid ako sa bahay, dahil may sarili naman siyang bahay at hamak na mas maganda doon dahil nandoon si Ate Miran.

Pagkauwi ay sa banyo na ako dumeretso, ramdam ko na rin ang pagod dahil gabi na kami natatapos kakaayos ng kumpanya.

Habang mas tumatagal kasi ay mas dumarami at lumalaki ang branches kaya ma-trabaho talaga.

Pagkatapos maligo ay naupo ako sa kama at inabot ang cellphone ko, ngunit natigilan ako ng makita ang direct message ni Yamato on my IG.



@yummito.lapiz: .


Nangunot ng husto ang noo ko, dot? Anong meron sa dot? Period? Whatever is it?

Napalunok ako at naisipang mag-reply kahit antok na antok na.


@jams.liezel: Ano 'yon? Slr, kakaligo ko lang.

@jams.liezel: Hoy Yamato!

@yummito.lapiz: Aba'y sandali lang ineng, ako'y nagpapatulog ng bata.

Natawa ako sa reply niya, ineng amp?

@jams.liezel: Sige, lolo.

@yummito.lapiz: cgeeeh, okhsz mah idol.


Napangiti ako sa reply niya, ginagago niya na naman siguro ako. Lintek na Yamato 'to.

Hinintay ko ang reply niya at naka-idlip ako ng halos isang oras kaya na-check ko agad ang cellphone ko.

Nag-reply ako sa chats niya.


@yummito.lapiz: Tulog na si Amato, nagmamaktol kasi kanina. Miss ka na raw.

@yummito.lapiz: Pustahan isang libo, tulog na 'to.

@yummito.lapiz: Wala na, may nanalo na. Tulog na tulog, mantika ka ba?

@yummito.lapiz: Miss madam alam ko naman na gwapo ako pero ba't mo 'ko tinulugan? Xoxad. :<

@yummito.lapiz: Kawawang bata naman iyan oh :< tired yarn?

@yummito.lapiz: Tulog ka lang, magtatampo na ako.

@yummito.lapiz: Kidding HAHAHAHHAHA. Kailan balik mo?

@yummito.lapiz: Panay alboroto na ang anak mo rito, ayaw rin naman kay Athena, ikaw raw ang gusto makita.

@yummito.lapiz: Tulog ka na, night. :>

@jams.liezel: Sorry, I fell asleep. Ang harot mo, bading.

@jams.liezel: What's the dot pala a while ago?

@yummito.lapiz: Uwi ka na.


Nanlaki ang mata ko kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko, napalunok ako at napabangon sa pagkakahiga.


Am I dreaming? Hallucinating?


@yummito.lapiz: Wrong send.


Tumaas ang kilay ko sa sunod niyang text ngunit nakangiti pa rin ang mga labi ko.

@jams.liezel: Muntik mo na ako mapauwi no'n, sayang. Wrong send pala.

@yummito.lapiz: Tapusin mo na works mo diyan, huwag ka uuwi ng hindi 'yan tapos. Marami ka pang trabaho rito.

@jams.liezel: Sweet mo ha? Damang dama ko grabe! Bumyahe hanggang Cebu papunta rito yung ka-sweetan mo.

@yummito.lapiz: Tulog ka na. Dami mong dama Jams.

@jams.liezel: Goodnight my bee.

@yummito.lapiz: Bee whuuut?

@jams.liezel: Honey.

Pinigilan ko mangiti sa reply, ngunit natawa ako sa sunod niyang reply.

@yummito.lapiz: :)

Hindi na ako nagreply dahil inaantok na rin talaga ako, kinabukasan ay may party na pupuntahan pero hapon pa 'yon kasama sila Serina at Mandy pati na si Cane.

That afternoon came and padilim na rin kaya pumasok na kami sa club, nakakapit si Serina sa braso ko habang humahanap kami ng table.

Pagkahanap ay napaupo ako kaagad, isang oras ang nakalipas ay nakakain na rin kami kaya panay alak ang nasa table namin.

"Sasama kayo pabalik sa Cebu?" I asked.

"Ako lang." Serina added.

We partied and had fun until we're a little bit drunk. May kausap si Cane sa video call and I don't know who it is.

"Excuse me." Nalingon ko ang lalake at nanlaki ang mata ko ng makita si Jiyon na naka-formal.

"Wow." I reacted and smiled.

"Nahanap mo 'ko sa dami ng tao rito?" Kwestyon ko.

"Well, hindi ka mahirap hanapin dahil sa kakaiba mong ganda." Umirap ako sa pambobola niya.

"Guys, si Jiyon. Kababata ko," nakangiting pakilala ko sa kanila.

"Hi girls, looking gorgeous tonight huh?" He complimented them, napalunok sila at napangiti.

"Pogi be." Bulong ni Serina.

"Hello, Serina. Friend ni Jami." Nakipagkamay sila.

"Mandy, also her friend." Nang si Cane na ay nguniti si Cane.

"Cane bro, kaibigan rin ni Jami." Nagkamayam sila lahat.

"Jiyon bro." Ngumiti ako.

"Can I sit?" He asked, pabulong.

"Go lang, mababait mga 'yan. Nagpakita ka na ba kay Kuya Laze?" Kwestyon ko.

"Yup, kahapon lang." Matangkad rin si Jiyon at may tindig ang katawan.

"Okay." Sagot ko.

I'm trying to be nice to him since he doesn't do anything bad at all, he respects me and gives me my own space.

Unlike Hike, well Hike is not that bad as he doesn't deprived my space yung mga pananalita niya lang talaga well, playboy siya what more do I expect?

"Tara sayaw?" Nang yayain ako ni Jiyon ay hindi na ako tumanggi.

Sa dance floor ay magalang niya pa rin akong hinawakan sa bewang, "How's your relationship status?" Tumaas ang kilay ko at tinitigan si Jiyon.

"Not yet stable, complicated." I answered.

"Sabi ko when we're already 26 years old and still single, we'll marry each other." Natawa ako sa kaniyang itinuran.

"I'm still turning 25 Jiyon." Ngumisi siya.

"I'm wishing for it, you know, but no pressure. Busy rin ako, daming case loads. Hindi ko ba alam bakit idol ko si Ultimate Sandoval." Reklamo niya kaya ako ang napangisi.

"Graduated ka na nga nagrereklamo ka pa." I laugh.

"CPA lawyer nga ako, wala naman akong laban sa engineer mo?" Tumawa ako muli sa sinabi niya.

"Hilig mo sa engineer 'no? Una si Yuno Marshall napa-ibig mo, tapos yung isa pa, sino na 'yon?" Nginiwian ko siya sa inusal.

"Hindi mo kilala?"

"Hehehe, kilala naman. Si Lapiz." Umirap ako.

"Si Ate Sierah naman kasi ang bagay sa'yo, ba't ayaw mo?" Takang sabi ko.

"Look, my heart beated for you when we're still young. Hindi mo ako masisi kung hindi nagbago 'yon hanggang ngayon." Napalunok ako sa kaniyang banat.

Pero nagsasabi lang naman siya ng totoo dahil hindi pa siya nagka-girlfriend ni minsan.

"27 years old ka na hoy, maghanap ka na ng iba." Singhal ko.

"Pag napanood na kitang ikasal," matipid niyang sabi.

"Hay nako Jiyon," bumuntong hininga ako.

"You're really a nice person, but it's just that we don't click together. Because my heart never beats for you, even once." Pagsasabi ko ng totoo at isinandal ang noo ko sa dibdib niya.

Mahina siyang natawa, "That's one of the reasons why your heart never beats for me, you're so comfortable because you treat me as a brother."

"Hmm," tugon ko at pumikit.

"Nakakasakit ka na ah." Mahina akong natawa.

"Thank you for respecting me ever since, Jiyon. I really appreciate everything you did for me." Nang yakapin niya ako ay hinayaan ko na lang siya.

"I can't b-believe it, to be honest. Akala ko mawawala yung nararamdaman ko para sa'yo pag hindi kita nakita sa matagal na panahon." Mahinang sabi niya.

Nang mabasa ang balat ko sa balikat ay napamulat ako, is he crying?

"Nilulong ko yung sarili ko sa pag-aaral ng malaman ko na may boyfriend ka na at the age of 18. Masakit but I never wished for you guys to separate because I cherished you that much." He told me his story.

What a standard.

"I wanted you to be happy, so I wished you guys the best. I heard he treats you right, and I'm okay with that." Napanguso ako at nanatili sa pwesto.

Ayaw niya rin siguro ipakita sa akin na umiiyak siya on this romantic music that we're dancing. Just swaying.

"First love never dies Liezel Jami, you're that person for me. I'm afraid that if I loved someone, s-she can't replace you and I can't let her get hurt that much if she found out." Sa sinabi niya ay masyadong tumaba ang puso ko.

He's a great man, isn't he?

"So I wanted to love someone when I'm already finished with us. So that I can love her more than I did for you." Nang humiwalay siya ay ngumiti ako.

"Tama 'yan."

"You're really a nice man, sobra. So I know you deserve someone better who'll love you so much." Ngumuso ang labi niya na parang bata.

"Wala namang label pero ang sakit mo." Natawa ako dahilan para matawa na lang rin siya.

"Ikaw lang yung lalakeng may gusto sa akin na kahit minsan hindi na-deprived yung pagiging babae ko." Mahinahon kong sabi.

"Because I respect you this much," he gestured the tallest that made me smile.

"Mas lamang ang respeto ko sa'yo kesa pagmamahal, kaya hindi kita magawang bastusin sa kahit anong paraan." Tinitigan niya ang mukha ko, nang hawakan niya 'yon ay ngumuso ako.

"Ganda mo, pwede ng i-display sa labas ng make up store." Umirap ako sa kaniyang pambobola.

"Ayos ka ah."

He chuckled, "Pwede pa naman siguro ako umaligid at umepal kasi wala pa naman kayong comeback, 'di ba?" Natignan ko siya agad.

"Sakit mo naman, sinampal mo pa na 'di pa ako binabalikan." Natawa siya ng husto sa sumbat ko.

"I'll take that as a yes."

"Wala ka rin naman parang choice kasi epal ako." Ngumisi ako at tumango.

"Epal, parang langaw pero may class." Ngumiwi siya sa akin.

"Compliment ba 'yan o binabardagul mo 'ko?" Natawa akong muli at naki-sayaw na lang sa kaniya.

"Tamang titig lang, pasulyap sulyap."

"Umiimbento ka na naman ng sarili mong lyrics diyan." Pagbibiro ko.

"Mahilig ka kasi sa singer," parinig niya.

"Nadali mo." I smirked.

Matapos sumayaw ay bumalik na kami sa table namin, "Tagal no'n ha." Bulong ni Serina.

"Do you guys want to dance?" Napangiti ako ng yayain ni Jiyon ang mga kaibigan ko.

"Ay bet." Inabot kaagad ni Serina ang kamay kaya nanlaki ang mata ko.

"Hoy friendly dance 'to ah." Serina emphasized with widening her eyes to us.

"Susumbong kita kay Senti!" Asar ni Mandy.

"Sumbong mo be, sinayaw nga niya yung higher rank sa amin." Tila nadidismayang sabi ni Serina, pumunta na sila sa dance floor kaya napangiti ako.

"Kita ko si Jiyon." Halos mapapitlag ako ng maupo sa tabi ko si Kuya Laze at akbayan ako.

"Kuya nakakagulat ka naman!"

"Mukha bang horror mukha 'ko, Jami?" Sumbat niya, salubong ang kilay kaya napangiti ako.

"Isusumbong kita kay ate, nandito ka sa bar ng wala siya—"

"Kasama ko siya, nandoon sa friends niya." Turo niya sa kung saan.

"Did you give him a chance?" Tanong ni Kuya Laze, gwapong gwapo sa suot niyang navy green buttons up polo long sleeve at black jacket na nakasabit sa kaniyang balikat.

"Kuya huwag mo nga sinasabi 'yan dito, baka iissue nila ako." Turo ko kay Mandy at Cane na nanlaki ang mata.

"Aba, parang hindi kaibigan ah!" Natawa ako sa reaksyon ni Mandy.

"Si Yamato nasa Cebu pa rin?" Tumango ako.

"Miss na siya ng ate niya," wika ni Kuya Laze.

"Hmm, three more weeks kuya matatapos na rin yung project." Kalmadong sabi ko.

"Matagal pa."

"Oo kuya, ganoon talaga eh. Kayo ba? Kumusta projects mo?"

"Puno, wala na ngang space ang dami pang big projects. Buti sinasalo ng Ate Miran mo." Napangiti ako sa kaniyang sinabi.

"That's great."

"Kumusta yung kambal kuya?"

"They're good, lumalaki na. Malulusog at mga iyakin," ngumisi ako.

"Ganiyan talaga pag bata." Sagot ko.

"May balak ka pa magdagdag oppa?" Kwestyon ko.

"Weird ng tanong mo, pero to answer your beautiful question. Yes, I have plans but it's so hard to watch my wife having difficult days carrying our baby so maybe not." Ngumiti ako, how considerate.

Mabait naman kuya ko kahit masungit, "Kung gusto ni Miran, I'm game for it. Pag ayaw niya na, I'll respect it, dalawa is already too much for us naman na."

"Plus due to stress, mas aalagaan ko na lang yung twins ko and my wife. Para chill lang kami." He added to his story.

"Maganda nga 'yan kuya." Nakangiting sabi ko.

"Yes." Tumango siya.

After that party, umuwi na rin ako at natulog agad dahil masyado akong napainom. Glad Kuya Laze took me home again, baka raw kasi kung anong gawin ko.

Ngunit nagtataka ako ng mula ng araw na 'yon ay walang text or chats si Yamato. Sabagay sabi niya mag-focus ako sa mga dapat ayusin.

Later that day, babalik na rin ako sa Cebu dahil okay na ang kumpanya. Sumakay na ako sa normal plane para hindi magahol ang piloto na nagt-trabaho para sa amin.

Pagkarating sa Cebu ay huminga ako ng malalim at dumeretso sa hotel dahil 6pm na rin ako nakarating.

Pagkapasok sa hotel room ko ay himala at wala sila doon, baka nandoon sila sa kwarto ni Yamato. Binuksan ko ang pinto at gulat naman sila na napalingon.

"Mommy!" Masayang tawag ni Amato at nagmamadaling bumaba ng kama ng daddy niya upang tumakbo papalapit sa akin at yumakap.

"I miss you mommy!"

"I miss you too, baby." Niyakap ko siya pabalik.

Nang makita si Yamato ay salubong lang ang kilay niya habang nakatingin sa akin. "Baby, open my pasalubong for you. Nasa room ni mommy." Nakangiting sabi ko kay Amato.

"Yes mommy!" Masayang sabi niya at isinarado na ang pinto ng makapasok siya sa kwarto ko.

Nang titigan ko si Yamato ay tumalikod na siya sa akin at may inayos. "Hoy, hindi mo ako iw-welcome?" Kwestyon ko at lumapit.

"Welcome." Sa sarkastiko niyang tugon ay tumaas ang kilay ko.

"Hindi mo 'ko na-miss?" Lumapit ako sa kaniya at sumilip sa ginagawa niya.

"Hindi." Matipid niyang sagot.

"Bakit kita mami-miss?" Balik tanong niya at hinarap ako kaya napalunok ako.

"W-What do you mean?" Kwestyon ko.

"Wala."

"Hoy Yamato, galit ka sa akin?" Sinilip ko ang mukha niya ngunit iniiwas niya 'yon.

"Nagtatampo ka?" Bulong ko at hinawakan ang dulo ng shirt niya dahil nakatalikod siya sa akin.

"Yamato." Malambing na tawag ko sa kaniya.

"Pahinga ka na doon." Utos niya at naglakad papunta sa maliit na entertainment area sa kwarto.

Sumunod naman ako sa kaniya at hindi lang, naupo rin ako sa tabi niya at pinagsiksik ang braso namin.

Nanonood siya ng TV, simpleng naka-jogging pants na cotton at shirt lang na plain white.

"Hoy." Mahinang tawag ko.

"Galit ka ba sa akin?" Tanong ko pabulong.

"Huy." Kinalabit ko ang braso niya.

"Tignan mo si Amato doon," utos niya.

"Bakit parang galit ka sa akin?" Tanong ko sinisilip ang mukha niya.

"Ganito naman ako sa'yo parati ah?" Kwestyon niya, patay malisya akong tinignan kaya tumikhim ako.

May point.

"Ang sarcastic mo kasi," bulong ko at huminga ng malalim.

"Sige, m-maliligo muna ako." Paalam ko at tumayo na.

Pumasok ako sa kwarto ko, busy si Amato sa kaniyang laruan na bago. Hindi naman sa inii-spoil ko siya sa bagay bagay pero he deserves it.

Isang linggo rin akong nawala ngunit tiniis niya eh ayaw pa man din ni Amato na nalalayo sa akin kahit isang gabi lang.

Matapos ko maligo ay humiga ako sa tabi niya, "Mommy thank you for the pasalubong, I love you." Humalik siya sa pisngi konkaya napangiti ako.

"I love you too." Pumikit ako sandali at hinayaan siya maglaro sa tabi ko.

After 30 minutes ay nagising ako sa pagkakaidlip, "Let's have a dinner." Anyaya ni Yamato buhat-buhat si Amato sa bisig niya.

"Ah tara." Yaya ko.

Bumangon ako at nagsuot na lang ng slids in sandals, flat lang. Sumunod ako sa kanila dala ang wallet ko at cellphone.

Inaantok ako na sumunod sa likuran ni Yamato not until he stopped and I bumped onto his beautiful back.

Nasapo ko ang noo at umatras, nalingon nita ako. "Bakit ka ba nasa likod? Dito ka." Nang hawakan niya ako sa braso at dalhin sa gilid niya at pinigilan ko ngumiti.

"Mommy's tired?" A whisper from Amato.

"I guess, anak."

"Mommy, are you tired?" Tanong ni Amato sa akin.

"A little, baby, mommy did a lot of work." Nakangiting sagot ko.

Nang tumunog ang cellphone ko ay binuksan ko 'yon, from IG. It was Jiyon.


@jiyon.leviste: (Sent an attachment)

@jiyon.leviste: Wasted.


Natawa ako sa sinend niyang picture ko last party, nakatulog na ako sa gilid habang nakaupo. Nang tumikhim si Yamato ay nalingon ko siya ngunit deretso naman ang tingin niya sa daan.

@jams.liezel: Siraulo, delete that attorney.

@jiyon.leviste: Mine. Kidding, I'll delete it soon pag magm-move on na ako.

Napairap ako at hindi na nagreply, itinago ko ang cellphone ko tsaka ako sumunod sa kanila. Pagkarating ay kumain na kami.

"Hindi ka na aalis ulit mommy?" Kwestyon ni Amato ng kumakain na kami.

"Hindi na baby."

"So how's the city?" Kwestyon ni Yamato.

"Okay naman, maingay, matao." Pagsagot ko.

"How about the party?" Sa tanong niya ay natigilan ako.

Party?

"O-Okay naman as far as I know, inuman, maraming foods. Nandoon rin si Kuya Laze and Ate Miran." Kwento ko pa, tumango lang siya.

"You look like you had fun naman, that's great." Pabulong niyang sagot kaya lumunok ako at nagtaka.

"Of course." Sagot ko.

Habang kumakain ay tahimik na muli, bumalik rin kami sa hotel pagkatapos. After an hour nakatulog na si Amato.

Pasimple naman akong kumatok sa kwarto ni Yamato bago ako pumasok, nalingon niya ako. "Bakit? Matutulog na rin ako maya-maya." Matipid na sagot niya.

"Can we talk?" I asked.

"We're talking." Naupo siya sa kama kaya pasimple akong lumapit at naupo sa kabilang dulo.

"Galit ka ba sa akin?" Kwestyon ko.

"Hindi." Mahinang sagot niya dahilan para mas magduda ako.

"Hindi nga, Yamato?"

"Hindi, may dahilan ba para nagalit?" Masungit niyang tanong kaya napalunok ako.

Huminga ako ng malalim, "Kung ano man 'yon sorry na."

Tumitig siya sa akin, inaantok. "Matulog ka na," matipid niyang sabi.

"Yamato."

"Hindi ako galit." Hindi raw siya galit pero halata sa tono niya na galit siya, ngumuso ako at huminga ng malalim.

"Bakit—" Natigilan ako sa pagsasalita ng may mag-pop up na notification sa IG ko.

Si Jiyon ulit, mahina akong natawa ng makita na i-send nuya ang video ko na nahulog na ang ulo kaka-idlip.

"Doon ka na sa kwarto mo kiligin, huwag sa harap ko." Napatigil ako sa malamig na tugon ni Yamato kaya naitago ko yung cellphone.

"H-Huh?"

"Hindi ako kinikilig." Mabilis kong sabi.

"Doon ka na sa kwarto mo," utos niya.

"Kausapin mo yung abogado mo," nanlaki ang mata ko sa kaniyang sinabi.

"Huh?"

Does that mean nabasa niya kanina? Is he jealous?



///

@/n: Any thoughts? Hehehehe have a nice day everyone. 😚

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro