Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 60: The Night

Chapter 60: The Night



Liezel Jami's Point Of View.







"Ano ba," reklamo ko.

"Bakit ka ba pumapagitna?" Binawi ko ang pulsuhan.

Sinamaan ko siya ng tingin, "'Di ba sabi ko huwag mo na akong papakialaman?" Huminga siya ng malalim.

"Why do you want to make out? You're not that type of woman, Jami." Seryosong sabi niya kaya peke akong tumawa.

"How well do you know me huh?" Galit na sabi ko.

"Hayaan mo na lang ako." Mariing sabi ko.

"Jami, you're just drunk. C'mon if you really want it then sure, but get sober." Sinamaan ko siya ng tingin.

"I'm sober." Mariing sabi ko.

"You're not, obviously." Kumuyom ang kamao ko sa sinabi niya, inis akong naupo sa walang tao na mesa at pinagkrus ang braso ko.

"Naiinis ka sa akin? You'll be thankful that I stopped you Jami. Paano kung— p-paano kung may mangyari sa inyo ng lalake na 'yon?" Sinamaan ko siya lalo ng tingin.

"Anong gagawin mo pag aksidenteng may nabuo?" Ngumiwi ako sa sinabi niya.

"Edi pakasalan niya 'ko—"

"Not all men are responsible enough to marry someone they just met." He slapped me with his words, totoo naman.

"What if I want to feed my fucking need? Can't I do things men do? Just because I'm a woman?" Sumbat ko, umawang ang labi niya tsaka niya mahinang naipalo ang palad niya sa mesa sa harapan ko.

"You don't know what you're talking about Jami." Mariing sabi niya eyes were darkly staring at me.

"Of course I do! Hindi naman ako bata, I'm not a teenager anymore, ba't ba kung tignan niyo ako ay parang Jami na trese pa rin?" Bumuntong hininga siya.

"Go ahead then and have sex with a man you don't know!" He raised his voice and that made me go crazy mad.

"Yes I will!" Galit na bulyaw ko sa kaniya tsaka ako tumayo at naglakad upang hanapin si Hike.

"Jami," nang sumunod si Yamato ay derederetsong naglakad lang ako.

"Don't follow me." Mariing sabi ko.

"Jami!"

"What the hell Engr. Lapiz!?" Hinarap ko siya ng huliin niya ang pulsuhan ko.

"Do you want to watch me get fucked?!" His lips parted in dismay on what I've said, huminga siya ng malalim.

"Jami, what's with that behavior?" Nansesermon niyang sabi kaya naluha ako.

"Ba't mo ba ginagawa 'to ha? Alam mo i-ikaw yung hindi ko maunawaan rito eh." I aggressively ran my fingers on my hair and sighed.

"Hindi ko alam if you want me around or I annoyed you everytime, Yamato huwag mo 'ko baliwin kakaisip!" Bulyaw ko.

"Ako na yung umiiwas oh, manhid ka ba?"

"Tinotorture mo ba ako? Gumaganti ka ba?" Umiling siya.

"I have no intentions to do that, Jami. Believe me, I have no intentions to make you feel things that way." Peke akong ngumiti at umiling.

"I am just concern—"

"I don't need that concern Yamato, I don't. I swear to god, hindi ko kailangan ng concern mo!" Sinamaan ko siya ng tingin.

"That solicitous heart of yours, I don't need it—"

"I can't fucking stop it, Liezel Jami anong magagawa ko?" Naitikom ko ang bibig sa kaniyang sinumbat.

"Mapipigilan mo ba akong mag-alala? Sa tingin mo ba gusto ko 'to?" Singhal niya.

"Alam mo gusto ko rin mawalan ng pake sa mga bagay na tungkol sa'yo kasi bago ka masaktan ngayon sinira mo yung buong pagkatao ko." Natitigan ko ang mukha niya, ngunit malungkot ang mga 'yon.

"Nakakapagod, wala ka na nga, wala ka na pero yung utak ko nag-aalala. Kasi baka mamaya mapaano ka, mapahamak ka kasi ikaw yung babaeng kailangan ng alaga." Umiwas tingin ako ng maluha.

"Jami hindi biro yung tatlong taon sa akin, akala mo ba napakadaling kalimutan ng nararamdaman ko sa'yo? Akala mo ba isang araw o dalawa ko lang 'to inalis?" Tumulo lalo ang luha ko sa sinasabi niya.

"Tangina, binago ko na lahat sa condo ikaw pa rin yung nakikita ko sa bawat sulok at sa tingin mo may karapatan kang magalit sa akin?" Hindi niya inaalis ang titig sa akin habang sinasabi ang mga 'yon.

"Nagagalit ka sa akin dahil naga-alala ako sa'yo? Jami, hindi ba 'to normal? Sa kaibigan nga ay naga-alala ako, sa'yo pa?"

"Tapos tatanungin mo 'ko kung gusto kong panoorin na ginaganoon ka ng iba? Jami ikaw lang yung iniisip ko, paano kung mapano ka sa iba?"

"Hindi ka nag-iisip, 'yan ang problema sa'yo." Itinuro niya pa ako.

"Oo, naiinis ka sa akin. Naiintindihan ko pero tangina galit ako sa'yo, galit ako sa'yo kasi ganiyan ka ngayon. Hindi ko alam kung sinasadya mo lahat para—"

"Tumahimik ka na," mahinang sabi ko.

"Oo na," tumango ako.

"So stop, just stop it Yamato. Napapagod ako kakaisip." Naayos ko ang sarili.

"Napapagod ako sa nangyayari."

"Kaya huwag mo na 'ko sermonan," wika ko tsaka ako maingat na tumalikod sa kaniya upang maglakad sa kung saan.

Nang makalabas ng club ay huminga ako ng malalim, napaupo ako sa gilid. Pinakakalma ang sarili ko, "I-uuwi na kita." Natigilan ako ng kuhanin ni Yamato ang kamay ko at tangayin.

"Kaya ko umuwi," nagmamatigas kong sabi.

"I will take you home, Liezel Jami." He declared with authority and I ended up doing nothing but obeying him.

Nang isakay niya ako sa sasakyan niya ay sinamaan ko siya ng tingin, "Ba't mo ba 'to ginagawa?"

"Wala," mahinang sagot niya at inayos ang seatbelt ko kaya naman tinitigan ko ang mukha niya.

"Lasing ka rin, paano mo 'ko i-uuwi?" Napatigil siya bigla sa sinabi ko.

Inalis niya ang seatbelt ng ma-realize na may driver ang van, binababa niya ako muli tsaka pinasakay sa likuran ng sasakyan.

"Manong, pahatid kami sa hotel." Napalapit agad yung driver ay natigilan ako ng isarado niya ng harang upang bigyan kami ng privacy.

Nang maupo si Yamato sa tabi ko ay nilingon ko siya, napatitig ako sa labi niya at tila nauuhaw ako ngayon.

Nang sulyapan niya ako ay huminga siya ng malalim, "Magagalit ka na naman sa akin kasi pinapauwi k—"

Inabot ko ang batok niya, I pulled him closer and kissed his lips. I shutted my eyes and kissed him aggressively.

He can't resist and push me. I was waiting for him to kiss me back but that didn't happen. Bahagya akong humiwalay, napatigil siya at bahagyang lumayo.

Ngunit hinila ko siya pabalik at mas hinalikan, "Feed my thirst," bulong ko in between our kisses and sucked his lips passionately.

Hindi ko alam kung paano pe-pwesto ng hindi nangangalay ang leeg ko, hindi niya ako ginawang itulak. Siguro ay dahil lasing rin siya tulad ko.

Salitan kong hinalikan ang labi niya, ngunit kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko nang halikan niya ako pabalik. Napapikit ako ng hawakan niya ang panga ko.

My lips automatically parted when he gently sucked my tongue, he twirls his tongue on my lips and it made my heart flutter.

Loving his kisses, napapikit ako ng mariin ng sinubukan kong maupo sa kandungan niya at umalalay ang palad niya sa bewang ko.

Antok na antok ang mga mata ko na nagmulat upang sulyapan siya but his eyes were also closed. He tucked his fingers on my back giving me shivers and goosebumps.

I groaned on his aggressive kiss, fucking alcohol.

"Jami." Nang subukan kong alisin ang butones ng polo niya ay hinawakan niya kaagad ang kamay ko upang pigilin ako.

Inaantok ko siyang tinitigan, "You should stop." Tumikhim siya matapos sabihin 'yon at umiwas tingin.

I'm sittin on his lap with my legs wide open and my dress's skirt lifted a little. I touched his face and planted kisses on his lips, I could hear him swallowing.

Nang sunod ko siyang halikan ay bahagya niyang iniiwas ang mukha, "Let's not do this, okay? W-We're drunk and we might regret what happened the next day." He sweetly fixed my hair.

The strands of my hair that's falling into my face, he tucked it in behind my ears. Muli kong dinampian ng halik ang labi niya, I even made our lips lock and he let me.

Gusto ko pa.

Muli kong siniil ang ibabang labi niya at wala siyang nagawa ng yumakap ang braso ko sakaniyang batok. Siniil ko ng siniil 'yon hanggang sa sobra akong antukin ay humiwalay ako at tsaka ko isinubsob ang mukha ko sa leeg niya.

"Sleep with me," bulong ko.

"No." Namamaos niyang sagot.

I whimpered, "Let's sleep together," I started planting kisses on his neck and I saw him close his eyes and pressed the back of his head on the head rest.

Tempted, he's just a man.

Kahit ibang babae, basta't nakainom at inaakit ka na ang hirap tumanggi.

"C'mon, stop it." He caressed the back of my head that made me melt, tumigil ako at sumandal na lang sa kaniya.

He continued on caressing the back of my head, napapikit ako at inaantok na yumakap sa kaniya na parang bata.


Kinaumagahan ay basta-basta na lang ako napamulat instantly remembering what I did last night!

Holy shit.

Nakakahiya Jami!

Nasapo ko ang ulo sa sakit no'n, kung ano-ano pa pinagsasabi ko kay Yamato jusmiyo Liezel Jami.

Babae ka pa ba niyan?

Gusto mo pa makipag— I can't take this anymore.

Tumayo ako at naligo na dahil may trabaho pa ako, matapos ay inayos ko na ang sarili ko at bago pa man ako maka-alis ay pumasok na si Amato mula sa pinto ng daddy niya.

"Good morning mommy— hala." He stopped and stared at me.

"Mommy you cut your hair na po?" He asked.

"Hmm," nakangiti akong tumango.

"Amato yung sapatos po naali—" Napatigil si Yamato ng magtama agad ang paningin namin, tumikhim ako at napaiwas tingin dahil nag-init agad ang pisngi ko.

"Mommy you look stunningly beautiful," nakangiting sabi ni Amato.

"Thank you baby," nakangiting sabi ko.

"Sabay ka na po kay daddy papasok mommy? Late ka po nagising eh." Napalunok ako ag alanganin na tumawa.

"Hindi ko sure, 'nak. Masakit ulo ni mommy, baka mamaya pa ako pumasok." Pagdadahilan ko.

"Why mommy?"

"Naparami ng inom kagabi eh," kwento ko.

"Mommy last mo na po 'yan ha, masama po ang alcohol sa heart niyo." Ngumiti ako at tsaka tumango sa habilin niya.

"Okay baby."

"Come here, Amato. Suot mo sapatos mo," pagtawag ni Yamato at tumuhod sa carpet kaya naiilang akong inayos ang bag ko.

Until someone knocked on my door, "Pasok."

Nang pumasok si Kenny na nakapamulsa ay tumaas kilay ko, "Why are you here?"

"I heard from Kuya Timmy that you're so wasted last night," he started, "So what?" Reklamo kong tugon.

"You invited Hike to make out? Sira, babaero 'yon." Tumaas ang kilay ko.

"So did it happen?" Ngumiwi ako, naririnig ka ni Yamato humarap harap ka sa likod mo.

"You know what Kenny, huwag mo na 'ko tanungin sa ganiyang bagay. Feeling tatay ka eh," natawa siya.

"Nakiki-sagap lang ng balita, pero 'di nga? Hinila mo raw si Hike eh." Ngumuso ako.

"Walang nangyari," sagot ko.

"Duda akong papakawalan ka no'n, eh mahilig 'yon sa babae lalo na sa mga tipo mo." Turo niya pa kaya lumunok ako.

"E-Eh.."

"Who's Hike mommy?" Gulat na napalingon si Kenny.

"Uy, n-nandito pala kayo." Gulat na sabi niya kaya nginiwian ko siya.

"Kanina pa," bulong ko.

"Hehehe, h-hello Engr. Lapiz." Tumango lang si Yamato bilang tugon.

"Nagpagupit, tanggap mo na ba?" Halos batuhin ko si Kenny ng kung ano sa sinabi niya.

"Ano pa nga ba, tatanong ka pa. Porket binalikan ka ni Athena," reklamo ko.

"Uy, bibig mo." Natakpan ko ang bibig.

"Ah so Athena's your ex?" Tanong ni Yamato.

"My girlfriend," nakangiting sabi ni Kenny.

"Good for you."

"Sana all binalikan ba Jami?" Inirapan ko si Kenny.

"Shut up, that doesn't matter to me now okay?" Singhal ko.

"Labas na," turo ko sa pinto.

"Hike will look for you everywhere, be careful. Mukhang attached na sa'yo, based on what Kuya Timmy told me." Lumunok ako.

"Pinakakaba mo naman ako."

"Hindi ka titigilan no'n, unless he's done sleeping with you. Ba't mo kasi inaya?" Pinagkrus ko ang mga braso.

"Then I'll reject him a lot of times, pag ayaw niya sasapakin ko mukha niya. Pakisabi," seryosong sabi ko and I was about to flip my hair but I pouted as it's short now.

Natawa si Kenny, "Ingat sa work. Pumasok ka na maaga ka raw umuwi kahapon." Ngumiwi ako.

"Papasok na nga eh, papasok na oh. Labas!" Iritang sabi ko.

"Baby, papasok na si mommy sa work." Lumapit ako kay Amato kahit malapit siya kay Yamato.

"Okay mommy, bye-bye." Humalik siya sa mismong lips ko kaya napangiti ako.


Cute.


"Daddy, bye-bye." Nang humalik siya sa pisngi ng daddy niya ay napalunok ako.

Sabay-sabay na kami lumabas, si Amato ay sumama kay Kenny. Nang makasabay si Yamato maglakad ay naalala ko talaga ang bawat sandali kagabi.

He allowed me to kiss him dahil bukod sa lasing rin siya ay ako naman ang naunang sumunggab.

Sumakay kami sa service van.

Panay ako trabaho at hindi ko pa nakakausap si Yamato mula kahapon, I can't even look him in the eye. Dang it!

I sighed, isang araw na ang nakalipas ngunit hiyang hiya ako and he never opened it up. Kasi iniiwasan ko siya.

"Engr. Garcia, may naghahanap po sa inyo." Nalingon ko ang guard.

"Po? Sino?" I asked.

"Siya po," nang ituro ni manong guard ay nanlaki ang mata ko ng makita si Hike na may dalang bulaklak.

No way!

"What are you doing here?" I asked.

"I want to see you," mahinahon na sabi niya.

"Look, Hike. I'm not interested, I swear."

"I am." Ngumuso ako.

"Kakausapin ko rin si Engr. Lapiz, since I'm his client." He shrugged his shoulders.

"Tara," nang ayain niya ako ay ngumiwi ako at sinamahan siya papunta sa office ni Yamato.

Kumatok muna ako, "Pasok." Rinig ko na sabi niya.

"Engr. Lapiz, Hike's here and he wanted to talk to you." I announced, nangunot ang noo ni Yamato at tumayo.

"Come in," aalis na sana ako pero hinila ako ni Hike papasok.

"Ano ba," sita ko.

"We're not yet done, right?" Napalunok ako.

"Hike, hindi ako natutuwa sa'yo." Seryosong sabi ko.

"Uh huh. Maupo ka doon," wala akong nagawa kundi sundin siya. Inilapag niya sa lap ko ang bulaklak at nilipat ko 'yon sa center table.

Habang nag-uusap sila ay hindi ako makatingin, matapos no'n ay mukhang may pirmahan silang ginawa. "Let's go, Jami."

"Saan na naman?" Reklamo ko.

"May trabaho ako, ayoko sumama." Seryosong sabi ko.

"You asked me to sleep with you, they asked me to wait until you're sober." He smirked playfully.

"It was a joke." Bawi ko.

"Ayoko sa babaero." Dagdag ko na mahina niyang ikinatawa.

"Willing ako tumino kung para sa'yo," umawang ang labi ko.

"Magagalit anak ko."

"I'll make him like me," pinanlakihan ko siya ng mata.

"Hike, huwag mo pinaiinit ang ulo ko." Seryosong sabi ko sa kaniya.

"Ulo mo ba ang uminit last time?" On his dirty joke, my lips parted.

Sa harapan pa talaga ni Yamato tayo mag sasabatan, jusko. "Shut up."

"Let's have 10 dates, pag wala talaga I'll stop. Or give me what I want, I'll stop."

"Gago ka ba?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"What do you want?" Kwestyon ko.

"Sex." Nanlaki ang mata ko.

"Gago ka nga." Seryosong sabi ko.

"May boyfriend ako, ayaw ko." Pagsisinungaling ko.

"Balita ko wala," sagot niya.

"Meron. Hindi lang nila alam," ngiwing sabi ko.

"Maybe imaginary?" Hindi siya nauubusan ng sasabihin!

"I'm not really interested in dating," nagrereklamong sabi ko.

"I'll make you interested," napasulyap ako kay Yamato na busy kaka-type sa laptop niya.

"Ayoko talaga."

"Ayoko nga magmahal. Ayoko maging interisado, kasi ayoko na masaktan. Salamat, makakaalis ka na." Mariing sabi ko.

"Hindi naman tayo magmamahalan," wika niya.

"Hike, sumasakit puso ko sa'yo." Seryosong sabi ko at sinapo ang dibdib ko.

"H-Huh?" Gulat niyang sabi, natigilan ako ng mapansin ko na tumingin si Yamato sa akin.

"Bakit? Gusto mo na ba ako kaya nasasaktan ka?" Umirap ako.

"Umalis ka na kasi," seryosong sabi ko.

"Ayoko, hindi ako ganoon kabilis sumuko." Tinapik ko ang dibdib dahil ayoko rin ma-stress sa kaniya.

"Hike, sumasakit talaga ang puso ko sa'yo." Walang birong sabi ko.

"Jami, bakit? Jino-joke mo ba ako?"

Nang tumayo si Yamato ay pinanood ko siya, "Hike, sa susunod ka na lang bumalik." Hinawakan ni Yamato sa balikat si Hike.

"Huh? Engr. Lapiz, matagal naman na kayong wala—"

"May sakit siya sa puso, umalis ka na dahil pag 'yan inatake ng sakit niya hindi ka na hihinga." Seryosong sabi ni Yamato at binuksan niya ang pinto at pinalabas si Hike na walang nagawa.

"Ano nararamdaman mo?" Napatitig ako kay Yamato.

"Okay lang."

"Masakit?" Tanong niya at tsaka siya kumuha ng tubig at inabutan ako.

Huminga ako ng malalim, "Discomfort lang."

"Wala kang iinumin na gamot?" He asked and sat on the single sofa sa bandang gilid ko ngunit sa akin siya nakaharap.

"Wala." Matipid na sagot ko.

"Okay, rest first. Sabihan mo 'ko pag iba na nararamdaman mo." Mahinahon niyang sabi.

Napatitig ako sa kaniya tsaka ako umiwas tingin, "Ganoon pa rin." Makahulugan na sabi ko.

Napalingon siya, "Masakit pa? Punta tayo ospital?" Mahina akong tumawa sa sinabi niya at umiling.

Pumikit na lang ako at sumandal sa sofa.

Ang ibig ko lang naman sabihin mahal ko pa rin siya, kaya ganoon pa rin.

Nang maka-idlip ay nagising ako dahil sa mga workers, "Engr. Garcia, ma-pirma naman po. Kukunin po mamaya." Napatitig ako sa mahigit hundred pages of paper.

"Okay," tugon ko.

Inaantok akong humikab tsaka ko hinanap ang mga pipirmahan, "Wala kang stamp?" Yamato asked, I almost forgot his presence.

"Ah, meron pero naiwan ko kasi sa office." Nahihiyang sagot ko.

"Hmm, matagal pa tayo rito. Gusto mo ipakuha ko kay Senti kasi bibisita siya rito for checking?" Nang sinukin ako habang nakatitig sa kaniya ay natakpan ko ang bibig.

"Sure." Sagot ko.

"Excuse," tumayo ako at tsaka ako kumuha ng tubig sa water dispenser and I didn't notice that I pinched my nose while drinking water.

"Gumagana 'no?" Tumango ako at umiwas tingin na.

Bumalik ako sa ginagawa, maya-maya ay natigilan ako ng may mag-deliver ng food sa office niya, inilagay niya 'yon sa gilid ko.

"Kumain ka." Napalunok ako at tumango.

"Thank you." Nakangiting sabi ko.

"Hmm, sure." He replied back.

Maya-maya ay naupo siya sa single sofa at nahiya ako ng sumabay siya kumain, tahimik lang siya. "About last time.."

Natigilan siya sa panimula ko, nasulyapan niya ako at tsaka niya pinunasan ng tissue ang bibig na nakatikom dahil hindi pa siya tapos ngumuya.

"Hmm?"

"Do you recall?" I asked.

"What did you do?" Tanong niya at uminom ng tubig.

"Whatever I did, forget it." Nahihiyang sabi ko.

"H-Hindi ko sadya," napalunok ako at pinaghawak ang kamay ko.

"I swear, I can't remember anything after that kiss—"

"Hindi mo naalala?" Kinabahan ako nang itanong niya 'yon.

"M-Meron pa ba akong ginawa m-matapos sa van?" Nag-init ang pisngi ko nang mangunot ang noo niya.

"Ah so you didn't know what happened?" Nakagat ko ang ibabang labi.

"I-I did something more terrible?" Nang seryoso niya akong titigan ay nasapo ko ang mukha sa kahihiyan.

"Hindi mo naalala? Seryoso?" Napakurap ako.

"D-Don't tell me—" natakpan ko ang bibig at tsaka ako pumikit.

"Wait, aalalahanin ko." Seryosong sabi ko.

"Wala akong maalala, what's the worse thing I did?" Natignan niya ako sa mata, ng umukit ang ngisi sa labi niya na mabilis niyang binawi ay kinabahan ako at napuno ng pagtataka.

"Wala, okay ng ganiyan." Mahinang sabi niya.

"You're not gonna tell me?" Nanlaki ang mata ko.

"It will be awkward for both of us," seryosong sabi niya.

Sana iba ang iniisip ko! Bakit hindi ko maalala kung ganoon?

Am I totally blacked out?

"Engr. Lapiz, what happened?"

"Huwag mo na alamin, sa akin na lang ang gabi na 'yon." Nag-init ang buong mukha ko sa kahihiyan.

Shit.

"Sabihan mo na lang ako pag iba na pakiramdam mo sa katawan." Nanlaki ang mata ko, nang tumayo siya at lumabas ng office ay naiwan akong tulala.

S-Seryoso?!

Anong iba ang pakiramdam sa katawan? May nangyari sa amin?!

"Meron ba?" Bulong ko.



///

@/n: Any thoughts? May nangyari nga ba talaga or Yamato's playing? Thank you for supporting this story, lovelots!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro