Chapter 6: Make It Through
Chapter 6: Make It Through
Liezel Jami's Point Of View.
Panay ang buntong hininga niya sa harapan ko, nakapatong ang baba niya sa kaniyang palad habang nakatingin sa akin, na namumula ang mga ilong at pisngi dahil sa pag-iyak.
"H-Huwag mo po 'ko t-tignan," naiilang na sabi ko, mas lalo akong nahihiya na kumain sa harapan niya dahil nakatingin siya sa akin.
Umiwas tingin siya at may dinukot sa bulsa niya, sinulyapan niya pa ang relos sa kaniyang kaliwang pulsuan tapos ay pasimple siyang humipak sa vape na hawak niya.
Kaharap ko naman siya, mabuti nga't marunong siyang magluto dahil ako ay hindi hindi ako naturuan dahil iba ang inatupag ko ng medyo mas bata pa ako sa taon ko ngayon.
Humarap siya sa ibang gawi upang hindi sa akin mapunta ang usok ng vape niya, dahil doon ay kumain na ako. "Can I take back what I just said?" Natignan ko siya, nang sumeryoso ang tingin ko sa kaniya ay ngumiwi siya at umiwas tingin na lang.
Pinigilan ko namang mangiti, hindi ko naman inaasahan na gagawin niya 'yon. Y-Yung pagyakap dahil lang umiiyak ako, mukha ba akong musmusing bata kaya siya naawa?
Pagkatapos kumain ay nasulyapan niya muli ang relos, "Ihahatid na kita sa inyo, late na rin. I'll explain to your grandmother." Kalmado lamang ang tinig niya, ang t-shirt niyang suot ay mahaba ngunit ang shorts na suot niya ay hindi ganoon kahaba.
Ngunit okay na rin 'yon, natatakpan naman ng malaki niyang t-shirt. Mas umiksi lang talaga dahil mahaba ang legs niya, tumayo ako at pinaghugas niya ng kamay sa sink.
Matapos ay para akong batang sumunod sa kaniya, kinuha niya ang susi niya at tsaka kami lumabas ng bahay nila. Ngunit tumawag sa akin bigla si Amora kaya ngumuso ako, hindi na ako natutuwa kay Amora.
Sinagot ko 'yon ng makasakay sa sasakyan ni Kuya Yamato, "Hello?"
"Did you really steal my snake's name, eonnie?" Lumunok ako at nanlaki ang mata.
"Amora, My parrot's name is Archery. I got my parrot first before you named your snake Archery." Humaba ang nguso ko ng marinig ko pa ang pagdabog ng paa niya sa tiles nila.
"Eonnie, just gave it to me. Archery really suits my pet—"
"No, change your snake's name. Not Archery." Gitil ko.
"Eonnie." Panigurado ay nakanguso na siya sa kabilang linya.
"Your brother will be mad if I mention—"
"Fine, Fine." Napangiti ako dahil takot talaga siya na magalit ang kuya niya sa kaniya.
"I'll change its name, but Archery really suits my snake." Umirap ako pasimple at tsaka huminga ng malalim.
"I got that pet first, change yours na lang. Sige na," ibinaba ko na ang tawag dahil baka gamitan niya pa ako ng charm niya.
Nang tignan ko si Kuya Yamato ay hindi niya ako makapaniwalang tinignan, "P-Pet snake?" Lumunok ako at napahawak sa pisngi ko.
"O-Opo." Sagot ko na lang.
"Woah," umiling iling siya at pinaandar na ang sasakyan niya. Habang nasa daan ay tahimik lang siyang nag-drive, "Gagawin mo po yung sinabi ko ha?" Nasulyapan niya ako at nag-focus na ulit siya sa daan.
"Ano pa bang magagawa ko," pabulong niyang sabi kaya pinigilan kong mangiti. Nang makarating sa bahay namin ay hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako.
Pagkarating sa bahay ay pinapasok ko muna si Kuya Yamato, "Liezel Jami." Ang matalim na tingin ni Kuya Laze ay pinahaba ang nguso ko.
"Bakit ngayon ka lang umuwi? Pumunta yung service mo sa school mo pero sabi nila umalis ka na raw. Tapos ngayon ka lang uuwi?" Sermon niya kaya pinaghawak ko ang kamay ko.
"H-Hindi ko po kasi na-send yung text message kanina, t-tapos late ko na po napansin." Huminga ng malalim si Kuya Laze, nang masulyapan niya si Kuya Yamato.
"Magkasama kayo?" Paglilinaw niya.
"Ah, yes Kuya Laze. She helped me with my failing grades." Nang sabihin niya 'yon ay nanlaki ang mata ko, baka masabi ni Kuya Laze kay Ate Miran.
"F-Failing grades?" Paglilinaw ni Kuya Laze.
"Yes, kuya." Napahawak si Kuya Laze sa batok niya at bumuntong hininga ulit, "Go to your rooom, we'll talk later." Kuya Laze stated strictly and goes to Kuya Yamato and tapped Kuya Yamato's back.
Umakyat na ako sa kwarto ko at sumilip sa mismong bintana upang matanaw ko pa rin si Kuya Yamato, napangiti ako ng akbay ni Kuya Laze si Kuya Yamato.
Ang ganda nilang panoorin, habang nakatanaw ay agaran akong napatago sa likod ng kurtina ko ng sumulyap si Kuya Yamato sa gawi ko, n-nakita niya kaya ako?
Pagkatapos ko maligo ay naghihintay na si Kuya Laze sa study table ko, ngumuso ako at pasimpleng lumapit.
"Jami, 11pm is not the right time to come home. It's very late," lumabi ako lalo sa sermon niya.
"I'm really sorry, oppa."
"Buti hinatid ka no'n, sa susunod Jami kung uuwi man ng ganoon magpaalam. Kahit pa kaya mo ang sarili mo papaano na lang kung mapano ka, tao ka pa din." Ngumuso ako at pinaghawak ang kamay ko.
"Opo."
"Sige na, get to bed and rest." Tumango ako, lumapit siya sa akin para bigyan ako ng halik sa pisngi.
"Goodnight," ngumiti ako.
"Goodnight po."
Kinabukasan ay hinintay kong lumabas si Kuya Yamato sa classroom nila, baka kasi tumakas siya at hindi niya gawin ang kailangan niya. Edi babantayan ko siya.
Medyo pasaway pa man din siya, nang marinig ko ang professor nila na palabas na ay nagmaangan ako at umiwas.
Naghintay ako sa railings ng hagdan, "Ano par, sama ka mamayang gabi? Party club?" Pasimple kong nalingon sila Kuya Yamato na hindi pa ako nakikita.
Naningkit ang mata ko, "Sur—" Napatigil siya sa pagsagot ng magtama ang mata namin.
"I have something to do pala," pagbawi niya.
"Sayang par, daming models doon—"
"Una na 'ko bro," paalam ni Kuya Yamato at nang makalapit siya sa akin ay naningkit ang singkit niyang mata.
Sinulyapan niya pa ang relos na suot niya, "Ang aga mo naman," mahina niyang sabi.
"Kuya Yamato, should I knock your head off?" His eyes widened and shake his head. "Grabe ka na," bulong niya at sinabayan ako maglakad.
"Akala mo po ba makakatakas ka? Gagawin mo po 'yan sa loob ng isang linggo." Dismayado siyang ngumiwi at nang makarating sa library ay naupo ako sa harapan niya.
"Wala ka bang klase?"
"Wala po kuya, tinapos ko na lahat." Wala na siyang nagawa at ibinaba sa harapan ko ang gamit niya.
Habang sinisimulan niya na 'yon ay tinitignan ko ang listahan na binigay sa kaniya, sa tuwing may natatapos siya at nilalagyan ko ng check 'yon.
Nang hapunin na kami ay napa-stretch ako, "Bili ako coffee and food kuya." Paalam ko, napatigil siya at tinignan ako.
"You can go home Jami, late pa ako matatapos—"
"Okay lang po, nagpaalam ako." Wala na siyang nagawa at bago pa man siya may sabihin ay umalis na ako dala wallet ko.
Dumeretso ako sa cafeteria at bumili ng coffee, since may available rin naman dito, new stall.
Bumili din ako ng bread para hindi siya ma-drain doon, syempre water na rin inabot lang ako ng ilang minuto kaya naman ng papasok na ako ng library ay bumalik ako sa gawi namin ni Kuya Yamato.
Ngunit natigilan ako ng nandoon na naman si Athena, tumaas ang kilay ko at napipikon akong lumapit.
Ngunit napatigil ako, "Tama ka na Athena, umalis ka na." Huminga ako ng malalim, apektado pa rin talaga si Kuya Yamato.
"Yamato—"
"Alis na Athena, tangina naman." Iniiwas ni Kuya Yamato ang sarili sa paglapit ni Athena kaya naglakad ako papalapit at bago pa man humalik si Athena ay hinablot ko na ang braso niya at inilayo siya.
"Pwede ba?" Pilit kong inalis ang tono ng galang sa tinig ko.
"Tigilan mo na siya kasi busy kami, huwag kang magulo." Tinaasan ko siya ng kilay, humarang rin ako.
"Huwag kang ambisyosa." Mayabang niyang sabi, umirap naman ako.
"Hindi mo pa ba alam?" Sumbat ko, nilingon ko si Kuya Yamato.
"Totoo yung kinakalat mong chismis, kaya tumahimik ka na dahil gusto namin ng payapang buhay. Doon ka na lang sa piloto mo," asar kong sabi sasampal na sana siya pero kinuha ko ang coffee na may ice at binuhos sa kaniya.
"You're really hitting my nerve!" Galit niyang sigaw kaya naman matagal ko siyang tinitigan, ngunit sa pagkapahiya ay umalis na lang siya.
Tinignan ko si Kuya Yamato tsaka ako bumuntong hininga at naupo na lang sa harapan niya.
"Sandali lang akong nawala, may langaw na po kaagad." Nahihiyang sabi ko bigla, tumitig siya sa akin at huminga ng malalim.
Nang yumuko siya sa mesa ay wala na akong nagawa at hinayaan siyang mag-amok, after 10 minutes ay napanood ko siyang sinisimulan na naman ang dapat tapusin.
Hindi na ako umimik at pasimple kong itinabi ang coffee sa gilid niya pati na ang food, tsaka ko binuklat ang sarili kong libro.
Sabay kaming nag-aral, mabuti na lang at bukas pa ang library ng school pag ganitong oras, pero by 8pm nagsasarado na rin.
Pero 24/7 open ang model room for engineering, nang ilang oras muli ang lumipas ay napagod na ang mata ko kaya pumikit ako sandali at sumandal sa kinauupuan.
Naalimpungatan ako sa mahinang pagtawag sa akin, inalis ko ang libro sa mukha ko at napalunok ng makita si Kuya Yamato.
Oo nga pala, kasama ko siya kanina pa. "B-Bakit po?"
"Kumain muna tayo," napahikab ako at tumayo. Inayos ko ang gamit ko, "Anong oras na po?" Kwestyon ko, he glanced at his wrist and sighed.
"8pm, closing na." Inayos namin ang gamit matapos niyang sabihin 'yon. Sinuot niya ang bag niya tapos ay lumabas na kami.
After that day, walang araw na hindi ko siya sinamahan dahil baka tumaliwas ang landas niya, dahil doon ay nakapasa na siguro kami ng kalahati.
Ngunit dahil 1st year pa lang ako ay hindi rin ako gaano makatulong sa kaniya dahil limitado lamang ang kaalaman ko. Ika-lima na araw, hinintay ko ulit siya sa classroom nila.
At ngayon ay inaasahan niya na ako, kinuha ko naman kaagad ang isa niya pang dala upang hindi siya mahirapan, "Ipapasa mo na ba kuya yung natapos mo kagabi?" Nangunot ang noo niya.
"May natapos ba tayo kagabi?" Naguguluhan niyang sabi, humaba ang nguso ko tapos ay tinignan ang vape niya.
"Kaka-vape mo po 'yan," natigilan siya sa pag-hipak dahil sa sinabi ko, nahihiya niyang naitago 'yon tsaka siya napasipol.
"Let's go," anyaya niya ay napa-stretch pa siya ng kamay niya, sumakit yata kakasulat.
Bago kami dumeretso sa library ay pumunta muna kaming cafeteria dahil sa gutom, half day lang kasi kami ngayon kaya tanghali pa lang ay gagawin na namin ang kailangan niyang tapusin.
Hawak namin ang mga plastic container na naglalaman ng refreshment drinks, pagkarating sa library ay yumuko agad ako sa mesa.
"Pagkagising ko dapat tapos mo na po 'yan," hindi niya pa ako makapaniwalang tinignan.
"Noon, nahihiya ka pa sa akin. Ngayon, inuutusan mo pa ako." Nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya, napaayos ako ng upo.
"I-I mean kuya inaantok po kasi ako," nahihiyang sabi ko na mahina niyang ikinatawa.
"Go ahead," he even gestured his hand that made me pout and covered my face. Nakakahiya Jami ha, kumakapal mukha mo.
Dahil doon ay nagising ako muli, ngunit nagtaka ako ng wala si Kuya Yamato. He even left a note beside me, kinuha ko 'yon at binasa.
Ngunit nadismaya ako ng sobra ng mabasa 'yon, natulala ako sandali doon at napapikit na lang.
There is an emergency, Athena needs me. I'm sorry. I'll get back to you.
Bumuntong hininga ako at nanghihinang inayos ang gamit ko, wala ako sa sariling tumayo at tsaka ako lumabas ng library.
Inabot na ako ng hapon, gusto ko ng umuwi.
Gusto ko ng umuwi.
Napatigil ako sa paglakad at tsaka ko nasapo ang sariling mukha, bakit pa ba ako umaasa?
Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mata ko nang totoong masaktan ako dahil sa hindi niya magawang mawalan ng pakialam kahit na ginago na siya.
Akala ko maayos na, akala ko kaya niya na pero ito na naman siya, bumabalik, bumabalik sa taong walang pakialam sa kaniya nang siya ang masaktan.
What did I expect? Akala ko kasi nang mga oras na kasama niya ako kaya niya ng kalimutan yung ex niya, niloko siya pero nakakainis.
Umuwi ako sa bahay ng walang gana, humiga ako sa kama ko at tsaka pumikit. Medyo sumasama ang loob ko, ngunit sino ba naman ako para pigilan siya sa desisyon niya sa buhay?
Hindi ko namalayan na nakatulugan ko na pala ng tunay ang paghiga higa lang, bumangon ako ng kama at tsaka ako tahimik na bumangon upang maligo.
Tinignan ko ang mga comics ko matapos ako maligo, isa-isa kong hinawakan ang mga guhit kamay na sigurado akong gawa ni Kuya Yamato.
Napangiti ako ng makita kung gaano kaganda ang pag-guhit at daloy ng kwento niya, ngunit ibinaba ko 'yon tsaka ko kinuha ang jacket ko.
Lumabas ako ng kwarto ko, "Si lola po, manang?" Natigilan si manang at napalingon sa kung saan.
"Umalis pala si kanina, nako nakalimutan kong banggitin. Pasensya ka na at may katandaan na ako," ngumiti ako at naglakad na pababa.
Pagkababa ko ay ibinulsa ko ang wallet at cellphone, tahimik akong naglakad palabas ng malawak na bahay na 'to.
Kinabukasan ay hinintay ko si Kuya Yamato na lumabas ng classroom nila, nang makalabas siya ay nagulat pa siya ng makita ako.
Ngunit hindi ko siya nginitian kaagad tulad ng nakasanayan, lumapit naman siya kaagad sa akin. "Please finish your things po, kuya. I'll go ahead," paalam ko kaagad matapos siyang paalalahanan.
"Aalis ka na?" Nagtatakang tanong niya, huminga ako ng malalim.
"Busy po ako." Pagsisinungaling ko, natigilan siya kasabay ng pagtingin niya sa relos niya.
"Okay then, patapos ko naman na." Tumango lang ako sa sagot niya, sinulyapan ko pa ang suot niya. Naka-hoodie lang siya ngayon at black slacks kaya naman tinignan ko siya sa mata.
"Alis na po ako," wika ko.
"Sabay na tayo—"
"Mauuna na po ako." Paalam ko at naglakad na papaalis, nagmamadali akong bumaba ng hagdan tapos ay hindi na siya nilingon.
Nang makalayo sa kaniya ay pasimple akong pumwesto sa library sa kung saan hindi niya ako gaano makikita, yumuko ako doon at pumikit.
Nang magising ay dahan-dahan akong bumangon kinukusot ang mata ngunit natigilan ako ng makita si Kuya Yamato sa harapan ko.
Nanlaki ang mata ko at napatitig sa kaniya, "B-Bakit ka po nandito?" Hindi makapaniwalang tanong ko, nakilala niya pa ako eh nakayuko naman ako.
"Ah, I saw you here and thought I could join you?" Naitikom ko ang bibig, gusto kong matuwa dahil nasisiyahan ang puso ko ngunit sinasabi ng isip ko na masasaktan rin ako ulit.
"I'll go ahead na po—"
"You said you were busy," nang sabihin niya 'yon ay napaayos ako ng upo. "But then I saw you here, sleeping. Are you avoiding me, Liezel Jami?" I swallowed hard after he questioned my actions.
He noticed it?
Huminga ako ng malalim, "Uuwi na po ako." Hindi ko pinansin ang tanong niya ngunit nagsalita siya ulit, "What made you frustrated again Jami?" Bumuntong hininga ako at tinitigan siya.
"Wala po, hindi po ako frustrated." I lied, he stared at me for at least 40 seconds and then he sighed.
"I left for an emergency last afternoon, It's just that I am still on her emergency call and I got the call." Umiwas tingin ako nang magpaliwanag siya.
Bakit ba siya nagpapaliwanag sa akin? As if kailangan o obligado siyang magpaliwanag. "You don't need to explain naman po Kuya Yamato," seryosong sabi ko.
Napatitig siya sa akin, "You were mad right?" Nangunot ang noo ko tsaka ako pekeng tumawa, "Mad po? Why?" His brows furrowed, lips slightly opened.
"Maybe because I didn't finish this?" Turo niya sa nasa harapan ko, napatingin naman ako doon at tinignan siya muli.
"Then finish it today po," wika ko.
"Tapusin niyo na po ngayon, tapos ipasa niyo na po bukas para matapos na. Aalis na po ako," hindi ko na siya hinintay na sumagot at derederetso akong umalis sa library.
Nang makalabas ng library ay huminga ko ng malalim, katulad ng nakagisnan ay ganoon ulit ang nangyari kinabukasan ngunit hindi ko na siya pinuntahan sa room nila, nanatili na lang ako sa classroom namin.
Nakayuko, wala rin naman akong ganang kumain at hindi ko maramdaman ang gutom ngayon. Habang nakayuko ay natigilan ako ng may kumatok sa mismong table na kinayuyukuan ko.
Napaayos ako ng upo, kinabahan ako nang makita ang professor. "Napasa na po ba ni Mr.Lapiz?" Tanong ko kaagad, nang umiling siya ay nanlumo ako.
"S-Sir, paano na po 'yon?" Nagbabakasakali kong tanong.
"He'll get what he just deserves, fail or pass. I don't know since it's not complete." Bumuntong hininga ako, "Sir, give me one hour. N-Natapos niya na po 'yon, baka po may emergency lang." Napatitig sa akin si sir.
"I don't know why you're doing this so far, but what can I do if you're pleasing other people?" Napalunok ako, nahihiya.
"Sige na, I'll give you 1 hour." Tumayo ako kaagad at nagpasalamat tapos ay hinanap ko si Kuya Yamato.
Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan siyang tawagan, ngunit hindi sinasagot kaya naman umakyat ako sa room nila at nakita ko yung parati niyang kasama.
"Kuya, good afternoon po. Itatanong ko lang po sana kung alam niyo po kung saan pumunta si Kuya Yamato?" Nanlaki ang mata no'n ng lumapit ako sa kaniya.
"A-Ako?" Napansin ko ang pagkagitla sa kaniya.
"Opo."
"K-Kanina kasi in the middle of the class, tumawag sa kaniya yung n-nurse ng girlfriend niya." Nanlumo ako sa nalaman, "Alam niyo po ba kung saang ospital?" Dahan dahan itong tumango.
"S-Sa main city hospital," pabulong na sagot niya kaya tumango ako.
"Thank you po." Ngumiti ako at tsaka mabilis na umalis, sigurado dala niya yung mga gamit niya kaya hindi niya naipasa.
Nang makarating sa ospital ay pumunta ako sa information desk. "Saan po yung room ni Athena Barbara?" Mabuti na lang alam ko pangalan ni Athena.
Nang sabihin sa akin ay pumunta kaagad ako doon, nang nasa harapan na ay kumatok ako ng tatlong beses bago ko binuksan. Nagulat si Kuya Yamato ng makita ako.
Nagulat rin si Athena kaya tinitigan ko siya, she doesn't look sick at all. "Jami," sambit ni Kuya Yamato sa pangalan ko kaya dismayado ko siyang tinignan.
"Are you dying?" Seryosong tanong ko kay Athena, nanlaki ang mata niya at sinamaan ako ng tingin.
"W-What? How could you say that!?" Huminga ako ng malalim, huminga ako ng malalim.
"Wala ka na bang magandang maidudulot sa kaniya?" Ibinaba ko ang bag ko sa upuan, sinuri ko siyang mabuti.
"Jami, It's okay." Umawat kaagad si Kuya Yamato sa akin, humarang siya sa harapan ko nanlulumo ko siyang tinignan.
"Kuya Yamato naman, yung grades mo." Naiinis kong sabi, gusto ko siyang sigawan, gusto kong isampal sa kaniya kung gaano siya katanga.
"Ano bang sakit niya para unahin mo siya?" I asked, he sighed.
"She needs me—"
"At paano naman kung ikaw na ang may kailangan sa kaniya? Nasaan siya ha? Nasaan ba 'yang babae na 'yan!?" My voice raised in anger and in jealousy.
I hate it.
My mom taught me right, My mom taught me not to raise my voice if I'm mad or raging in anger.
"Jami," sambit niya muli.
Huminga ako ng malalim, "Anong sakit niya?" Kwestyon ko, iniiwas ko si Kuya Yamato sa harapan ko at hinarap si Athena.
"What's your sickness? Do you have a deadly disease?" I asked, she glared at me for a sec and sighed.
"Are you jealous?" As she fired back, I couldn't open my mouth. Because I am really jealous, I am overreacting.
"I'm asking you what kind of sickness you have? Sigurado ka bang dapat sa ospital ka na 'to at hindi sa mental hospital—" Napapikit ako nang sampalin niya ako.
"Athena," nahila kaagad ako ni Kuya Yamato palayo kay Athena, ngunit hindi ko hinawakan o sinapo ang pisngi ko.
Tiniis ko 'yon, "You don't look sick by having that strength, Athena." Pagsasabi ko ng totoo.
"You're stressing me out." Nang sabihin niya 'yon ay peke akong tumawa.
"If you're sick, call your damn pilot boyfriend. Don't call him as you left him for another man, you cheated and now you want him back?" Nanlulumo kong sabi.
"Jami tama na," awat ni Kuya Yamato pero sinamaan ko siya ng tingin.
"Makinig ka na lang po," magalang na sabi ko sa kaniya.
"Sana po na-realize niyo 'yan bago niyo siya niloko ng isang taon, I'll tell you this much and if you don't stop.. I'll let his sisters handle you." Mariing sabi ko at tinignan si Kuya Yamato.
"Kuya Yamato, huling beses na kitang papakiusapan." Napatitig sa akin si Kuya Yamato, sumeryoso ang mga tingin niya sa akin.
"It's not yet too late, p-please pass your outputs. I'm tired of reminding you, balik ka ng balik." Umiwas tingin ako dahil gusto kong maiyak, ngunit tinatagan ko ang loob.
"Pass your outputs, until 2pm." Huminga siya ng malalim, tumango siya at kinuha ang gamit niya ngunit halos mag-init ang ulo ko ng umiiyak na pinigilan ni Athena si Kuya Yamato.
Ang hawak niya sa braso nito ay inis kong hinawakan, "Do you really want him to fail his grades? Punong puno na ako sa'yo." Idiniin ko ang pagkakahawak sa pulsuhan niya.
"Kuya Yamato umalis ka na," gitil ko.
Nang umalis si Kuya Yamato ay hinablot ko kaagad ang kwelyuhan ni Athena, "I'll put a check on you." Ngumiti ng matamis ang labi ko tsaka siya hiniga ng maayos kasabay no'n ay pinagpag ko ang kwelyuhan ng hospital gown na suot niya.
"Stop bothering him," paalala ko sa kaniya bago ko siya tinalikuran.
Pagkalabas ko ay natigilan ako ng makita si Kuya Yamato sa gilid ng pinto, napalunok ako. Napatigil ako at tsaka ako huminga ng malalim.
"Ipasa mo na po 'yan." Mahinang sabi ko at naglakad na, napansin ko naman na sinabayan niya ang paglakad ko.
"I'll drop you off," mahinang sabi niya.
"Hindi na po—"
"I'll drop you off." Desisyon niya kaya wala na akong nagawa, nang makasakay kami sa sasakyan niya ay tahimik lang akong nag-suot ng seat belt hindi kumikibo.
Masyado akong napapagod, "Kakasabi ko lang po sa'yo kahapon, ayan ka na naman." Tumikhim siya sa sinabi ko.
"Yes ma'am, sorry." Nang sagutin niya ako ng ganoon ay hindi ko maiwasang hindi siya tignan, napanguso ako at pinaghawak ang kamay ko.
"Kuya Yamato hindi naman ako nagbibiro eh," pabulong na sabi ko. "My mistake, accept my sincere apology." He answered like an Englishman that made me roll my eyes.
"She's not sick," pabulong na sabi ko.
"Lessen your worries, she's taking it to her advantage." Natigilan siya at sinulyapan ako.
"But the doctor said—"
"I'll prove it to you." Huminga siya ng malalim at tumango, "If you're going to let her do it to you twice, Kuya Yamato. Can I say something bad?" His eyes widened as I asked for his permission.
"Inipit mo naman ako, sige na. Ano ba yung masamang 'yan? Parang wala akong magagawa kasi papayag ako," nakagat ko ang ibabang labi sa sinabi niya.
"If you let her do that to you twice, you're t-the dumbest person I've ever known." He gasped for air, tried not to say anything as he gave me his permission.
"Ouch." Sa sagot niya ay pinigilan kong matawa.
"Hindi na," pabulong niyang sabi.
"Hindi kuya, huwag mo 'kong hini-hindi hindi diyan, uulit ka pa. Makulit ka eh," hindi niya ako makapaniwalanh sinulyapan tsaka siya natawa.
"Huwag ka po mag-promise, naiinis po 'ko sa hindi tumutupad—"
"Oo na, huwag mo na ako konsensyahin." Ngumisi ako at tinignan ang sarili ko sa salamin.
Nagpapakatanga rin ako Kuya Yamato, nagpapakatanga rin ako kasi ngumingiti na naman ako ng ikaw ang dahilan matapos 'kong masaktan sa'yo.
///
@/n: Any thoughts? ❤️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro