Chapter 59: Her Jealousy
Liezel Jami's Point Of View.
Nasapo ko ang noo, "Okay ka pa?"
Napatingala ako kay Yamato at nahihiyang tumango, "Tara na." I asked and walked straight, feeling like my mind was floating.
Pagkabalik ay tulala kong kinuha ang alak, "Ano ganap?" They asked.
"Kuya Laze." Sagot ko.
"Dapat inimbitahan mo be," suhestyon ni Serina.
"May susuyuin na asawa." Napatango sila kaagad kaya pumikit ako at nanlalatang uminom.
"Engr. Garcia, sino po pala yung kayakap niyo kanina sa cottage—" sa tanong ay nasamid ako bigla sa alak kaya umubo ubo ako at natapik ang dibdib.
"Sino?"
"Meron ba?" Intriga nila Mandy at Serina.
"Kayakap?" Tanong ni Cane.
"May kayakap ka miss madam sa cottage? Baka yung anak niya." Senti added.
"Yung gwapo nating bisita," wika pa nila.
"Sino? Si Mr. Villamos ba?" Tanong ni Senti.
"Opo, yung mas bata po yata." Lumunok ako at binasa ang labi ko. Sabi na eh nakita talaga nila.
"Ah wala 'yon," sagot ko na lang.
"Siya po ba yung daddy ng baby niyo? Gwapo naman po." Lumunok ako at umiling.
"H-Hindi ah, wala lang 'yon." Sagot ko.
"Engr. Garcia si Mr. Villamos po 'no? Gwapo rin po kasi ng anak niyo—"
"Mommy!" Napalingon ako ng tumatakbo si Amato na lumapit sa akin kasama si Kenny.
"Oh sabi sa inyo eh."
"Si Mr. Villamos talaga ang daddy ng bata."
"OMG bagay sila."
"Bakit kayo nandito?" I asked Kenny before hugging Amato.
"Gusto ka raw makita eh," mahinahon niyang sabi.
"Bakit baby?" I asked.
"May masakit na naman ba sa'yo?" I added.
"No po mommy, I just wanted to see you." Ngumiti ako at inayos ang buhok niya.
"Mr. Villamos kayo po yung daddy?" Nanlaki mata ko sa tanong nila, nagulat rin si Kenny at natawa.
"Jami, ako raw ba oh—"
"Bagay po kayo!" Nakangiting sabi ng tatlo.
"Oh bagay raw tayo Jami, paano ba 'yan?" Ngumiwi ako sa sinabi niya.
"Sino daddy mo, baby?" Tanong nila sa anak ko.
"Secret raw po eh." Natawa ako sa sagot ni Amato.
"Daddy mo raw ako? Tara na anak—"
"Ano ba, Kenny." Reklamo ko at hinampas siya sa binti niya dahilan para matawa siya.
"Mommy, miss ko na po kayo ni daddy." Nakangusong sabi ni Amato habang nakaupo sa kandungan ko.
"Sino bang daddy mo? Panay ka daddy-daddy diyan." Mukhang lasing na si Engr. Cariño dahil sa pananalita niya.
"Wala ka namang daddy, iniimbento mo lang yata." Ngumuso si Amato sa sunod na sinabi ni Engr. Cariño.
"Hindi po, may daddy po ako, meron po." Nang maiiyak na si Amato ay napasipa sipa pa siya at magkukuskus na sana ng mga mata not until someone called him.
"Come here, anak." I almost gasped for air when Yamato revealed to everyone that he's the father of Amato.
Umawang ang labi ko ng husto at ang lahat ay natigilan rin, "Come, baby." Tumayo si Amato at lumapit sa daddy niya tsaka yumakap.
"What the hell?"
"Si Engr. Lapiz?!"
"Hala weh?"
"Baka prank be hanap ka ng camera!"
"Oh my gosh hindi ko inaasahan!"
"Pero bagay talaga sila noon pa man eh."
"Daddy inaaway niya ako wala raw akong daddy," naiiyak na sabi ni Amato habang nakabusangot at tinuturo si Engr. Cariño na hindi makapaniwala.
"Siya po yung ex mo ng three years mahigit?" Tanong nila kay Yamato habang nakaturo sa akin kaya lumunok ako at napainom ng alak.
Napatitig ako kay Yamato, "Oo."
Lumunok ako sa sagot niya, tumahimik ang lahat. "Wow," bulong ni Kenny.
"Amato, tara na dali. Para maka-enjoy ang mommy at daddy mo." Nakangiting sabi ni Kenny, sumunod si Amato sa kaniya agad.
"Oh my gosh."
"Halata nga sa name friend!"
"Confirmed!"
"New love team!"
Napainom na lang ako ng alak, nang makalipas ay tumayo na ako dahil gusto ko na matulog. "I'm off guys, thank you everyone!" I smiled and raised my hand.
"Ako rin."
"Ako rin."
"Same here." Ang mga kaibigan ko ay nagsi-paalam na kaya pati si Yamato ay sumabay na.
"Boss master may pa-reveal." Kwentuhan nila, nang nasa tapat na ng kwarto ko ay binuksan ko na 'yon.
"Thank you for celebrating with me guys, thank you." I was so drunk that I bowed to them while thanking them forgetting I wasn't in Korea.
Pumasok ako sa kwarto at nag-alis ng bathrobe tsaka ako pumasok sa banyo kasama 'yon. Sa sobrang tamad ko ay naligo lang ako at tsaka nag-suot ng undies at lumabas na ng naka-bathrobe matapos ko matuyo ang buhok.
Antok na antok akong nag-skin care ng makarinig ako ng malakas na kalampag sa kabilang kwarto, kay Yamato ba?
Ano 'yon? Bakit ang ingay naman?
Inaantok akong lumabas ng kwarto, ngunit nakita ko sa labas si Engr. Cariño lasing na kumakatok. Nang buksan 'yon ay nabalik ako kaagad sa loob ng kwarto ko at napasandal sa likod ng pinto.
I can hear them, "Engr. Cariño bakit ka nandito?"
"Is it true? Ex mo si Engr. Garcia?" Nakikinig lang ako mula sa pinto dahil sobrang magkadikit lang ang pinto namin ni Yamato.
"Ah, yes."
"Bakit hindi mo sinabi? Mahal mo pa ba siya? Gusto mo pa siya Engr. Lapiz?" Naririnig ko ang lungkot sa tinig na 'yon.
"What are you saying Engr. Cariño?"
"Gusto kita." Lumunok ako ng umamin si Engr. Cariño.
"Gustong gusto kita noon pa man, gusto mo rin ba ako Engr. Lapiz?" Huminga ako ng malalim sa narinig.
"Engr. Cariño, magpahinga ka na. Lasing ka na yata eh," mahinang sabi ni Yamato.
"C'mon, I'll take you to your room."
"Ayoko, sabihin mo munang gusto mo rin ako Engr. Lapiz. G-Ginusto mo rin ako 'di ba?" Pakiramdam ko ay umiiyak na si Engr. Cariño.
Makakuha lang ng validation, "Engr. Cariño."
"Don't do this okay? Bukas na tayo mag-usap—"
"You even let me sleep on your bed, Yamato. May nararamdaman ka naman sa akin kahit papaano 'di ba?" Naitikom ko ang bibig sa narinig.
"We almost kissed, our lips met already Yamato—"
"Engr. Cariño." Tila hindi alam ni Yamato ang sasabihin.
"Engr. Cariño, don't do this, baka may ibang makakita." Nangunot ang noo ko, ano ba ginagawa?
"Let me do this, I wanted to give you everything that she can't Yamato." Nang marinig ko ang pagtunog ng pinto ay kinabahan ako.
No.
It can't be!
Lumabas ako ng pinto ngunit pagkatingin ko ay nagulat ako sa nakita, Engr. Cariño is pressing herself on Yamato who's on the door resting his back.
Napakurap ako ng maraming beses dahil magkalapat ang mga labi nila, "K-Kung gagawin niyo 'yan doon kayo sa loob." Napatigil si Yamato at naitulak kaagad si Engr. Cariño.
Gulat na gulat niya akong nakita.
Pinigilan kong huwag maiyak at tsaka ko sila tinalikuran, hindi ko alam kung saan ako pupunta dapat pumasok na lang ako sa kwarto ko eh.
Nanghihina rin ang tuhod ko para maglakad, at sa bawat hakbang ko ay tumutulo ang luha ko sa sakit na nararamdaman.
Ang bigat sa dibdib, ramdam na ramdam ko ang selos sa puso, kahit na ang pagkirot no'n ay ang sakit sa dibdib.
Nang makalabas ng hallway na 'yon ay naupo ako sa gilid ng cottage at doon ko nasapo ang mukha. Natakpan ko ang bibig upang pigilin ang sarili ko sa paghikbi.
Panay ang pagtulo ng luha sa mga mata ko at umaawang ang bibig ko huwag lang makagawa ng tunog, I stayed there for an hour by just crying my eyes out.
I wanted to get mad, but I don't have the right to be mad, I don't have the right to slap her because Yamato and I were nothing but colleagues.
Tumayo ako at wala sa sariling naglakad, lasing pa rin ako ngunit ramdam ko ang sakit at tila hindi ko makakalimutan 'yon.
Nang nasa hallway ay napatitig ako sa pwesto nila kanina at naiiyak na naman ako dahil naalala ko, kaya pumikit ako at malungkot na pumasok sa kwarto ko.
Pagkapasok ko ay hindi ko pala na-lock ang kwarto kanina, dahan-dahan akong pumasok at wala sa sarili na pinatay na lang ang ilaw ng tanging lamp shade ang natitirang ilaw.
Nakatayo ako sa tapat ng kama ko, pinahid ko ang luha ng maiyak na naman ako tsaka ako napaupo sa sarili kong mga paa at natakpan ang mukha ko.
"Jami." Nang marinig ang malamig niyang tinig sa likod ko ay nagulat ako.
P-Paano siya nakapasok?
Tumayo ako at lumingon matapos pahirin ang mata ko, nang makita ko siya ay napalunok ako. "Bakit ka nandito?" Kwestyon ko, mahinahon at tsaka ako napaiwas tingin.
"M-Matulog ka na, baka makita ka pa ni Engr. Cariño dito, a-ayoko naman sa gulo." Napayuko ako ng gusto ko maluha.
"Natutulog siya sa room ko," sa sinabi niya ay hindi ko siya makapaniwalang tinignan.
"Edi bumalik ka na sa kwarto niyo." Naiiritang sabi ko.
"Hindi ko naman tinatanong kung nasaan siya, wala naman akong pakialam sa kaniya." Mariing sabi ko.
"Kaya umalis ka na, matutulog na ako." Galit na sabi ko.
"Ano ba ipinunta mo rito? Tinitignan mo ba kung p-papaano mo 'ko nasasaktan 'yon ba?" Lumamlam ang mata niya tsaka siya bumuntong hininga.
"Hindi."
"I just wanted to check if you're okay." Umawang ang labi ko sa sinabi niya, hindi ko siya makapaniwalang tinignan.
"Okay lang ako, I'm happy for both of you. Humayo kayo't magpakarami." I sarcastically said while laughing my ass off.
"Umalis ka na, torture ka rin eh." Natawa ako at umiwas tingin.
"Hindi naman kita ginanito noon eh," mahinang sabi ko.
"Wala naman akong magagawa, tagal ko ring nawala. Kaya hindi na bago kung naging magkamabutihan kayo ng kung sino, or even if you sleep with each other, kiss each other, or even fucked each other." I sighed.
"Okay lang, umalis ka na Yamato. Matutulog na ako." Mahinang sabi ko.
"Ako lang 'tong makulit, sinabi mo naman na, na wala ng chance tayong dalawa. Ako lang itong ayaw tumigil at tigilan ka, ako naman nang-iwan." Tumawa ako.
"Ang kapal ng mukha ko 'no?" Ngumisi ako at napahilamos sa mukha ko.
Huminga siya ng malalim nakatitig lang sa mukha ko, "Can I use your bathroom?" Umawang ang labi ko sa tanong niya.
"May kwarto ka naman ah?"
"Nandoon si Engr. Cariño, n-na-lock ko din ng nasa loob yung susi." Napalunok ako at tsaka ngumiwi.
"Go ahead and use it," I hissed and sat on my bed.
I grabbed my head as it hurts, tumayo ako at lumapit sa tubig upang uminom. Matapos uminom ay naupo ako sandali sa dining, nang lumabas si Yamato mula sa banyo ay nasulyapan ko siya.
"Naghilamos ka?" I asked.
"And brush," he completed.
"Ah." Lumunok ako at tsaka huminga ng malalim.
"Makitulog ka muna kila Senti—"
"Ano 'yon papakinggan ko sila gumawa ng kababalaghan?" Napalunok ako at tsaka ngumiwi.
"Magm-move on na ako, bawal ka rito." Nakangusong sabi ko.
He sighed, naupo siya sa katapat ko. "Do I owe you an explanation?" He asked, napatitig ako sa mukha niya tsaka umiling.
"Hindi."
"Sabi ko naman sa'yo, hindi naman ako mahilig makipag-agawan." Mahinang sabi ko.
"Kasi kung para sa akin, hindi ko kailangan makipag-kompitensya." Huminga ako ng malalim at kinagat ang ibabang labi ko.
Tumango siya ng ilang beses, "I know." He agreed.
Hindi na ako umimik, "Damn. I wanna get drunk more," I hissed and chuckled in front of him.
"Tama na, masama sa'yo alak 'di ba?" Ngumiwi ako sa sinabi niya.
"Daming bawal, nakakasawa." Reklamo ko, nang maalala si Athena ay mas bumigat lalo ang nararamdaman ko.
"Imagine, mabubuhay ka nga pero para kang may restrictions sa lahat ng bagay, hindi pa lang nila ako binawalan huminga." I joked with the grief.
"Ganiyan talaga pag sakit sa puso, maraming bawal para mabuhay ka pa." Sumangayon siya kaya ngumiwi ako.
"Sana bawal na lang rin magmahal," bulong ko tsaka ako tumayo.
Dumeretso ako sa sofa tsaka ko binuksan ang telivision, napahikab ako at inangat ang paa ko sa sofa not until I remember I was wearing only undies.
Napalunok ako bigla, tutok ang mata ko ng sumunod siya sa maliit na entertainment area ng kwarto. "Panood nga ng basketball." Wala sa sarili kong inabot sa kaniya ang remote na hawak.
"Ang tanga mo naman kasi, ba't mo na-lock yung room kay Engr. Cariño eh kwarto mo 'yon." Bahagyang nanlaki ang mata niya sa sinabi ko ngunit ngumuso ako.
"I can't even have the night to rest kasi epal ka, ikaw na nga nanakit." Inaantok akong sumandal sa sofa nakaharap sa gawi niya na nasa single sofa.
"Nanakit?" He asked.
"Nakakaselos," bulong ko at pumikit sandali.
"Gusto ko rin n-naman halikan ka," napahikab ako kaya nagtakip ako ng bibig ay patagilid na sumandal sa sofa.
Nagmulat ako, antok na antok. Tinitigan ko ang mukha niya, napasulyap siya sa akin. "I miss you," mahinang sabi ko tsaka ako muling pumikit.
"I miss you s-so much," pagpikit ko ay may luha pa na tumulo sa mata ko.
Naalimpungatan ako ng magising akong nasa kama na, napalunok ako nang maalala ang kahihiyan na sinabi kagabi.
Honest mo Jami, gusto kita hambalusin sa utak! Galit ka sa kaniya 'di ba? Tapos— tapos oh my gosh!
Bumangon ako at nagmamadali na papasok na sana sa cr, removing my bathrobe when the door of my bathroom suddenly opened while I was about to remove my bathrobe.
Sa sobrang gulat ay hindi ako nakagalaw, "Shit Jami!" He cursed and closed my fucking bathrobe so he can't see my chest.
Nag-init ng husto ang mukha ko, "B-Ba't nandito ka pa?"
Naglapat ang labi niya sa hindi ko mawari na dahilan, "H-Hindi pa gising si Engr. Cariño, kaya nakiligo muna ako." Umiwas tingin siya.
Pasimple ko naman na nayakap ang dibdib, amoy na amoy ko na ginamit niya ang liquid soap ko. Huminga siya ng malalim, "Maligo ka na." Utos niya at gumilid.
Natulala ako sa banyo, nipples ko na lang yata ang hindi niya nakita dahil sa pag-alis ko ng bathrobe late pa nag-react ang utak ko!
Nakakahiya!
Binilisan ko maligo, matapos ay isang dolphin short lang ang suot ko tsaka mahaba at loss shirt.
Tinutuyo niya ang buhok gamit ang towel habang ako ay bahagya ko na pinatuyo sa blower. Sakto naman na pumasok si Amato sa kwarto ko.
Ngunit natigilan ako ng umiiyak siya, "Baby, what happened?" Nilapitan ko siya.
Nagulat rin si Yamato, "Anong nangyari?" Yumakap si Amato sa legs ko kaya hinaplos ko ang ulo niya.
"Tell me what happened?" I asked.
"I was about to enter d-daddy's room but the girl t-their was mad at me. Mommy!" Ngumawa siya lalo kaya niyakap ko siya at pinakalma.
"What did she do?" I asked.
"S-She spanked me, d-daddy that woman is a witch!" Lumapit si Amato at nagsusumbong na umiiyak sa daddy niya na pinapatahan siya.
Umawang ang labi ko. "Alam mo ba kung ano ang pinaka-ayaw ko?" Napatitig sa akin si Yamato sa tinanong ko sa kaniya.
"Yung kinakanti ang anak ko," mariing sabi ko tsaka ko binuksan ang pinto tsaka ako malakas na kumatok sa kabilang kwarto.
"Jami, sandali." Sumunod si Yamato sa akin nguit malakas ko na kinatok ang kwarto.
Nang bumukas 'yon ay maarteng tinig niya pa ang narinig ko, "Yamato i-ikaw ba 'ya—"
"Hinde." Galit na sagot ko.
Itinulak ko siya papaloob at agad naman na sumunod si Yamato, "Jami calm down." He tried to calm me down but I snatched the hell hair brush in Engr. Cariño's hand and I slapped it to her.
Nagulat siya at nahawakan ang mukha niya, "Ubos na ubos na ang pasensya ko sa'yo, pero alam mo kung ano ang ayaw ko? Yung idamay mo ang anak ko!" I raised my voice.
Letting out my anger, "Why the hell does he deserve a spank from you?"
"Sino ka ba ha!?" Galit kong itinulak ang balikat niya sa galit ko.
"Hindi ko nga pinapalo yung anak ko tapos sasaktan mo? Lintek na lang ang walang ganti." Mariing sabi ko at sasampalin pa sana siya pero pumunta sa harap ko si Yamato.
"Jami, tama na." Kalmadonb sabi niya.
"Okay? Calm down, tama na." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Alam mo Yamato, wala naman akong pakialam kung magkaroon kayo ng relasyon ng babaeng 'to pero sa oras na gawin mo 'yon tandaan mong hindi ko ipagkakatiwala sa inyo si Amato." Seryosong sabi ko.
"Isa pang pananakit mo sa anak ko, puputulan kita ng kamay." Banta ko.
"Huwag mo 'kong subukan, Engr. Cariño." Galit kong sabi at humahangos na sinamaan sila ng tingin bago ako bumalik sa kwarto.
Nilapitan ko kaagad si Amato na nakaupo sa sofa, nakanguso ang mga labi. "Are you okay?" I asked.
Hindi talaga sanay sa palo si Amato, dahil nakakausap at napagsasabihan siyang bata. Violence was never a discipline for me, it's just a threat to the kid.
"Ano nangyari?" Pumasok si Athena kaya nasapo ko ang noo.
"Kunin mo muna si Amato, pinalo ni Engr. Cariño." Nanlaki ang mata ni Athena.
"A-Ano?! Pinalo?! Asan yung babaita na 'yan!" Galit niyang sigaw.
"Huwag ka mag-alala, sinampal ko na ng hair brush." Nanlaki ang mata niya.
"Kunin mo muna si Amato, Athena, sumasakit ang ulo ko." Hinalikan ko sa noo si Amato.
"Go to tita-mommy first baby," I calmly said. He obeyed instantly.
Nang makaalis sila ay lumapit ako sa bag ko upang hanapin ang gamot ko, nagmamadali akong kumuha ng tubig not until the door opened and Yamato walked towards me.
"Okay ka lang?"
"May masakit ba—"
"Wala." Sagot ko kaagad at uminom na ng gamot.
"Bakit ka uminom ng painkillers kung wala?" Napahilamos ako ng mukha sa pagka-irita.
"Ba't ka ba nandito?" Iritang sabi ko.
"Kung pwede lang Yamato, lumayo layo ka muna sa akin. Kasi pag nakikita kita naiirita ako sa presensya mo." Seryosong sabi ko.
"Pag nakikita kita, si Engr. Cariño kaagad ang naiisip ko. Naiirita ako sa inyong dalawa, kayo yung stress sa buhay ko." Napatigil siya at napatitig sa akin.
"Jami ano bang—"
"Hindi ba obvious?!" Singhal ko.
"Iniiwasan kita kasi ano pa bang magagawa ko? If you want to date her, fucking date her. Why the hell are you here in front of me?" I raised my voice, but not that yelling out of my lungs.
"Stop asking me if I'm okay, or if may masakit sa akin kasi meron. Nasasaktan ako na parating siya yung kinakampihan mo, naiinis ako." Pagsasabi ko ng totoo.
"Naiintindihan ko naman na hindi mo na ako gusto at mahal, kaya sana i-akma mo rin sa nararamdaman mo yung actions mo at huwag mo 'kong paasahin." Naitikom niya ang bibig at huminga ng malalim.
"Galit ako ngayon Yamato." Seryosong sabi ko.
"Galit na galit ako, lahat ng pakiramdam ay nararamdaman ko. All of the negative feelings, all of them." I smiled bitterly.
"Leave," turo ko sa pinto.
Tumango siya at tsaka ako tinalikuran, nang makalabas siya ay napaupo ako sa dining. After that hour, I decided to go back to Cebu without him.
Sumabay kami ni Athena at Amato kay Kenny at Kuya Timmy, i've been working straight for three days.
Nang hindi ko nakikita o nakakasalubong si Yamato, and I tried not to care. Seryoso kong tinitignan ang blueprint na natalsikan ng semento.
"How did that cement reach the blueprint that is 10 meters away?" I unbelievably asked them.
"Engineer sorry po, n-napa-aggressive po kasi yung halo ko. G-Ganda po kasi ng music." Naglapat ang labi ko tsaka ako huminga ng malalim.
"Alright, I'll just change it, do a good job." Mahinang sabi ko tsaka ko inalis 'yon at dahil dito ay kakailanganin ko na pumasok sa opisina ni Yamato rito.
Kumatok ako, "Pasok."
Tumikhim lang ako, "I'll just change the blueprint."
Pumunta ako sa may cabinet niya at tsaka ko inabot ang nasa tuktok ang mga copies. Ngunit hindi ko maabot, nang tumayo siya at siya ang umabot no'n ay tiniis kong huwag mabanguhan sa kaniya.
"Thanks." Iniiwas ko na ang sarili tsaka ako pumunta sa mesa at kumuha ng isa, kumuha rin ako ng sheet cover at tsaka ko ikinabit 'yon sa blueprint.
"Kindly check the progress on the third floor, Engr. Lapiz. Baka kailangan nila ng guide." Sinabi ko 'yon ng hindi ko siya tinitignan.
Masyado rin akong pormal, "Okay." Tugon niya.
"I'll go ahead," paalam ko tsaka ako lumabas ng office niya.
Idinikit ko 'yon sa lagayan nito tsaka ako huminga ng malalim at bahagyang lumayo sa site upang makapag-ipit ako ng buhok.
Inalis ko ang helmet ng nasa safe zone na ako, inipit ko ang buhok ko tsaka ko naalala na kailangan ko na magpagupit.
"Engr. Garcia, pinapatawag ka po ni Engr. Lapiz sa opisina niya." Natigilan ako at nag-suot ng safety helmet tsaka ako naglakad papunta doon.
"Anong kailangan mo?" Seryosong tanong ko.
"Nainom mo na gamot mo?" Bahagyang umawang ang labi ko, tumikhim ako tsaka ko inayos ang sarili.
"Hindi mo na ako kailangang paalalahanan, alam ko na ang oras ng pag-inom. 'Yon lang ba?" Deretso ko siyang tinitigan sa mata.
He sighed, "Yes."
"I'll leave the site early, I have a party to attend. Please excuse me," wika ko.
"Okay." Tumango siya.
"I'll dismiss you early." Tumango ako sa idinagdag niya, tinalikuran ko na siya not until I remember I needed to use bathroom.
"Can I use your restroom?"
"Sure." Pumasok ako sa restroom niya at nakigamit, humikab ako at tsaka ako lumabas ng matapos.
"I'll go ahead." Paalam ko.
Tumango lang siya, nang mag-out ako ay dumeretso ako sa isang salon to make a change to my hair.
It took me 2 hours inside the salon, napatitig ako sa harapan ng salamin ng sobrang iksi na ng buhok ko.
It's above my shoulder now, and I also had a hair treatment para naman mabago. Napangiti ako at tsaka ako naglakad papalabas. Sa isang botique na ako nag-ayos yung may make up na rin na kasama.
It took me 45 minutes in here, para dederetso na lang ako sa party. Kuya Timmy invited me on their anniversary, wedding anniversary nila ng wife niya.
Pagkapasok ko ay napatingin sa akin ang mga bisita, I entered the club wearing a 3 inch heels. I bought a gift of course, a trip to our island.
Hinanap ko sila at ng makita ay nginitian ko sila, "Happy anniversary po sa inyo, kuya." Napangiti ito ng makita ako.
"Ganda 'no wife? Pag magkaka-anak tayo dapat ganiyan." Natawa ako at nakipagkamay sa wife niya.
"Here's my gift." I smiled and handed them the envelope.
"Uy, nakakakaba naman pag ganito." Natawa ako at nang buksan nila 'yon ay nanlaki ang mata nila.
"Oh my god hubby yung famous island!" They thanked me and I congratulated them once again. Naupo na ako, drinking.
Maya-maya ay may mga naki-upo na rin na friends ni Kuya Timmy, I was silently drinking when I smell his familiar scent.
Napaayos ako ng upo.
He's here, Yamato.
Bakit ba hindi ko naisip na posibleng imbitahin rin siya, nang makita ko siya ay nagpanggap ako na hindi ko alam na nandidito siya.
"Engineer Garcia right?" Nalingon ko ang lalake na nasa table namin.
"Yes?"
"Pwede ka bang kunin na engineer?" Natigilan ako tsaka umayos ng upo, sakto na dumating si Yamato at naupo sa katapat ko.
"For a house?" I asked.
"Oo, para sa bahay sana natin." Sa banat niya ay napalunok ako at pekeng tumawa.
"I'm a bit of an exclusive, hard to get type of engineer." I smiled.
Umawang ang labi nito, "Oh. How fierce." The man smiled.
"Stating facts, mister. I apologize." Ngumiti na lang ako at uminom, nang sulyapan ko si Yamato ay natigilan ako ng bagong gupit rin siya dahilan para mapaiwas tingin ako kaagad.
How the hell?
Ang gwapo niya naman sa cut niya ngayon? It's an undercut but damn b-bakit bagay na bagay niya?
Ang hot.
Nagm-move on na ako eh.
Tumikhim ako tsaka ako pasimpleng napainom ng alak, may food rin ngunit hindi ako masyado kumain.
Panay ako inom, hindi pa kami nagkikibuan ni Yamato. Buong dalawang oras ay hindi man lang kami nagka-usap. Ramdam ko na rin ang pagka-tipsy.
Tumayo ako upang gumamit ng banyo, "Do you want me to join you?" Tumaas ang kilay ko tsaka tinignan ang isang lalake.
"Join me? Where?" I asked,
I crossed my arms, "Well, kung saan ka?" Tumaas ang kilay ko lalo.
"No thanks mister, I can handle myself." Masungit na sabi ko tsaka ako naglakad upang hanapin ang available rest room dito.
Matapos ko gumamit ay inayos ko ang buhok, napangiti ako panigurado ay magugulat si Amato nito.
But my friends would probably know the reason why I cut my hair short, lumabas ako ng cubicle while fixing the slit of the dress.
Habang pabalik ako sa table ay napatigil ako ng may lalakeng tumayo sa harapan ko, "Hi miss."
He looked decent enough, but I don't trust men. "Hi." I greeted him back.
Ngumiti siya, "Do you have a problem?" I asked.
Doon ay bahagyang nawala ang ngiti sa labi niya, "Want to hangout?" Sa inusal niya ay tinitigan ko ang mukha niya.
My heart doesn't even flatter by staring at his handsome face, I sighed. "I'm actually not yet interested in dating, may anak ako." Sa sinabi ko ay nagkibit balikat siya.
"It doesn't matter if you have a child."
"Basta wala kang asawa," natawa siya sa sariling sinabi. Sinabayan niya ako kaya hinayaan ko na siya.
"How about we'll get to know each other?" Huminga ako ng malalim at hinarap siya.
"Look—"
"Fine. Kasama lang uminom?" Ngumiwi ako.
"Go ahead then," ngiwing sabi ko at tsaka bumalik sa kinauupuan ko.
Nang mapasulyap kay Yamato ay abala lang siya sa pagtipa ng cellphone niya kaya uminom na ako muli. "What's your name?" Ngumiwi ako sa tanong niya.
"Jami."
"Jami lang?" Tanong niya.
"Liezel Jami." I completed my name.
"Hike, Hike lang." Pinigilan ko mangiti sa sinabi niya.
"Nagreklamo ka pa sa pangalan mo." Mahinang sabi ko.
"So ilang taon na yung anak mo?" Tanong niya.
"4 years old." Mahinahon na sagot ko.
"Hmm, ilang taon ka ngayon?" Tanong niya pa.
"24." Napatango siya.
"Not bad, ang mahalaga responsible parent and hindi ka nagkukulang. Baka naghahanap ka ng daddy?" Napaubo ako sa tanong niya dahil sumisimsim ako ng alak.
"Daddy? Ng bata?" Tanong ko.
"Oo, pwede rin para sa'yo." Mahina siyang natawa kaya umirap ako.
"Nasaan ba yung daddy?" Tanong niya.
"Here." Natigilan ako ng biglang magsalita si Yamato at ilahad ang kamay niya.
"U-Uy. Hi," nakipagkamay si Hike kaya mapailing iling ako.
"Daddy mo?" Bulong ni Hike kaya nasiko ko siya.
"Ang lapit mo, mukha bang daddy ko 'yan? Mas bata pa nga hitsura sa akin." Reklamo ko.
"Ah, hi bro. Pwede bang makipagkilala sa mommy ng anak mo without issue?" Napasulyap ako kay Yamato at napaiwas tingin.
"Just ask our child, siya naman nagdedesisyon." Sagot lang ni Yamato at uminom na.
"Kung sino magiging boyfriend ng mommy niya?" Lumunok ako.
"Maybe?"
"Uminom ka na lang." Alok ko tsaka ako uminom ng alak.
Nang mas tamaan ako ng alak ay nasapo ko ang mukha, antok na antok ako.
"Kalmahan mo Jami." Paalala ni Kuya Timmy.
I smirked, "Inuman dapat masaya kuya, bakit wala si Kenny?" I asked.
"Ewan ko, dinaan niya lang regalo niya busy raw siya eh." Oo nga pala, magkasama sila ni Athena at Amato.
Inaantok kong dinukot ang cellphone sa bag ng tumatawag si Amato, "Hello baby?" Panimula ko, halos nakapikit na.
"Mommy, ano oras ka po uuwi?"
"Mamaya pa baby, mauna ka na mag-sleep okay? Huwag na hintayin si mommy." Malambing na sabi ko.
"Okay mommy, take care. I love you." Napangiti ako.
"I love you more baby, goodnight." Humagikgik siya sa kabilang linya at pinapatay na sa akin ang tawag kaya nahikab ako.
"Kaya pa?" Kuya Timmy asked.
"Yes po."
Napapikit ako ng mainitan ng husto, "Are you feeling hot?" Napatingin ako kay Hike.
"Yeah, init eh." I answered.
"Samahan kita magpalamig sa labas?" Ngumisi ang labi ko.
"Palamig? Duda ako." I joked.
"Do you want to sleep with me?" Inaantok kong tanong na ikinalaki ng mata niya.
"Or do you want to kiss me? Want to make out?" Nakangising sabi ko, bahagyang umawang ang labi niya.
"Come on, minsan lang ako mag-imbita." Napatitig siya sa akin.
"Uy Jami." Awat ni Kuya Timmy.
"Huwag ganiyan, lasing ka lang." Mahina akong natawa.
"What's wrong kuya? Wala namang magagalit. Wala ring naghihintay sa akin, sabi mo it's time for me to move forward?" Napalunok si Kuya Timmy.
"I already accepted the fact that there is nothing I can do to bring back what I desire." I smiled bitterly.
"Why should I stop myself from doing what I think will help me?" I asked.
"Hike, hayaan mo muna bro. Lasing kasi eh." Mahinahon na sabi ni Kuya Timmy kaya huminga ako ng malalim.
"Wala namang masama sa make out? It's just a kiss." I sarcastically said, "C'mon." I handed my hand to Hike.
"You'll regret this," mahinahon na sabi ni Hike.
"Minsan lang mabuhay, ano bang mawawala?"
"I would gladly accept your hand, kung hindi lang ako sasabihan ni Kuya Timmy. So what do you think? Are you sure?" Napalunok ako.
"Why not?" Inabot ko ang kamay niya.
"Jami," mahinahon na sabi ni Hike.
Tumayo na ako at hinila siya papaalis doon, habang naglalakad ay humanap ako ng lugar na hindi gaano karami ang tao.
I was about to pin him on the wall when a hand grabbed my wrist, "She's drunk bro." Natignan ko si Yamato.
"I'll take her home," wika ni Yamato at hinila ako papaalis doon.
///
@/n: Any thoughts? Sowwy na kagabi, april fools lang. Love lots!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro