Chapter 57: What's Our Fate?
Chapter 57: What's Our Fate?
Liezel Jami's Point Of View.
Sunod ay ang 3rd runner up, "With the score of 157 points, player 13th! With 2,500 dollars and a bronze medal."
Next is the second runner up, "With the score of 158 points, player 21th with 5,000 dollars and a medium size silver medal!"
"First runner up, with a score of 174 points, player 25th with 10,000 dollars and a large silver medal and a certificate!" Tila masama pa ang loob no'n kaya huminga ako ng malalim.
Nang okay na ay lumapit ako sa mga kasama after picture taking, mag-picure rin kami magkakasama. "Tara kain, my treat!" Excited na sabi ko.
"Celebrate muna kayo ma'am! Bawi na lang tayo sa outing!" Masayang sabi nila kaya ngumiti ako.
"Okay, sige!"
"I'll update you, saan niyo ba gusto?" Tanong ko sa kanila.
"Resort engineer!" Suhestyon nila.
"Osige, sabihan niyo silang apat tapos sila na bahala magsabi sa akin." Nakangiting sabi ko.
"Chat niyo 'ko sa gc." Paalala ni Senti.
"Tara, kami muna kakain ha!" Paalam ni Mandy at hinila kami.
Pagkarating sa restaurant ay dama ko ang pagod, naupo ako at sumandal, "Napagod ako kabahan." Pagsasabi ko pa.
"Ako rin, yung tibok ng puso ko nagwawala." Tawa nila.
I made them choose what to order, inaantok rin kasi talaga ako sa hindi ko alam na dahilan, "Jami." Napalingon ako kay Serina.
"Bakit?"
"Okay ka lang? Walang masakit sa'yo? Ang tamlay mo yata?" Mahina akong natawa at umiling.
"Inaantok ako," mahinang sabi ko.
"Sabagay, nakakapagod nga naman 'yon. Bakit hindi nanood sila tita?" Tanong niya pa, sumandal ako at huminga ng malalim.
"Busy rin naman sila, ayoko namang isantabi nila ang mga pasyente nila mapanood lang ako." I explained, naiintindihan ang parte nila mommy.
"Kaya huwag kayo mag-aasawa ng doctor, kasi kailangan nating irespeto ang bawat oras nila dahil mahalaga 'yon. Unless doctor ka rin," nakangiting sabi ko.
"Sila mommy kasi noon magkasama na sila ni daddy, hindi naman live-in pero sa iisang bahay sila nakatira eh." Kwento ko pa.
"Si daddy cardiologist, si mommy general surgeon." Itinaas taas ko pa ang kilay.
"Tapos kami ni kuya, architect and engineer." Napangiti si Serina.
"Pogi talaga ng kuya mo be, hanggang ngayon crush ko pa rin." Napangisi ako sa sinabi niya.
"Hiyang hiya naman akong fiancé rito, 'di ba ako belong?" Reklamo ni Senti, natawa naman silang lahat.
"Hindi ka ba nagkagusto kay Kuya Yuno?" Tanong ni Mandy sa akin, nakanguso akong umiling.
"Hindi eh, parang kuya lang kasi talaga ang tingin ko sa kaniya dahil malaki na siya noon bata-bata pa ako." Kwento ko pa.
"Plus ayoko sa chix magnet, ayoko rin sa magaling maki-flirt." Nanlaki ang mata nila sa kwento ko.
"Grabe ka naman kay Engineer Marshall." Natatawang sabi ni Cane.
"Alam naman ni Kuya Yuno 'yon," mahinang sagot ko.
"Ilang beses ko rin naman siyang sinabihan na wala talaga, kaya okay na kami ngayon." Tumango pa ako at uminom ng juice na nasa table.
"Chic magnet rin naman si boss master ah? Magaling nga 'yan mag-flirt wala pang ginagawa nagkakandarapa na mga babae." Pinigilan ko ngumiti sa sinabi ni Senti.
"Gago." Sobrang hinang sabi ni Yamato.
"Well, he doesn't look like he would cheat. Kung hindi nga siguro 'to nagkamali noon baka dislay lang ako," natatawang sabi ko sinulyapan si Athena.
"Display sa gilid." I added.
"Wow, gaga ha." Reklamo ni Athena.
"Edi be thankful, kasi nagkamali ako ayon sa'yo nauwi—"
"Hindi nga." Sagot ko.
"Malay mo lesson lang talaga tayo." Pagbibiro ko na medyo totoo.
"Gaga, need lang ng panlalandi, 'no Engr. Lapiz?" Tumikhim si Yamato sa parinig ni Mandy.
"Gutom na ako." Mahinang sagot niya kaya pinigilan ko ngumiti.
Nang dumating ang food ay inasikaso ko rin si Amato, "Mommy, how honey's like this are made?" Tukoy niya sa honeycomb na nasa tuktok ng isang vanilla banana ice cream.
"Uy honey raw," wika ni Cane.
"They sipped it on a flower, a beautiful and healthy flower. Then they digest it and they build it on their nests." I explained.
"Digest? So it came from their stomachs mommy? T-They puke it?" Napalunok ako at alanganin na tumawa.
"Ganoon na nga baby, but they're healthy and safe. But if you are stung by bees, it's not that healthy." Tumango tango si Amato at napaisip.
Sinimulang durugin ang fresh honeycomb sa vanilla ice cream.
Athena helped him, nang mabusog ay nasapo ko ang bibig matapos dumighay. "Excuse me," I excused myself and stood up to get my bag.
"I forgot my meds—"
"I have it on my bag mommy," nakangiting sabi ni Amato at proud na kinuha ang bag niya tsaka niya binuksan 'yon.
"Daddy, help me." Tinulungan tuloy siya ni Yamato, nang makita 'yon ay inabot sa akin ni Yamato.
"Water," turo niya sa glass.
Matapos mainom ang gamot ay medyo nahilo ako, "Jami." Humawak kaagad si Serina sa braso ko.
"May masakit ba sa'yo?" Itinaas ko ang kamay upang pigilan sila mag-alala.
"Okay lang, anemic rin ako sabi ko naman sa inyo kaya mabilis ako mahilo." I explained.
"Totoo ba?" Nag-aalala na sabi ni Serina.
"Ganito ba talaga mommy mo, Amato?" Tanong pa nila napatitig naman sa akin si Amato.
"Are you tired mommy? Rest po muna ikaw." Nang humawak si Amato sa kamay ko ay inayos ko ang buhok niya.
"Mommy's fine." I assure him.
"Mommy, pa-check up ka po kaya?" Huminga ako ng malalim sa suhestyon niya.
"Next time baby, okay lang ako. Nasilaw kasi ako sa ilaw kaya medyo nahilo ako. Sige na, let's go home or let's make this real money." Tukoy ko sa cheque.
"Uuwi na muna kami, kitakits Jami." Paalam nila, humalik sa pisngi ko.
Samantalang tinapik na lang ako nila Cane sa braso at balikat. "Congrats ulit miss madam." Nakangiting sabi ni Senti.
"Balato." Natawa ako at tumango.
"Bank muna ako," mahinang sabi ko kay Yamato.
"Daddy! Sleepover at our place po ha? May papakita po ako sa'yo, new toy from mommy." Nakangiting sabi ni Amato at nagpabuhat sa daddy niya.
"Jams, may pupuntahan lang muna ako. Okay lang ba?" Ngumiti ako at tumango.
"Sure, ingat ka sa daan ha?" Paalala ko.
"Yes, text ako sa'yo." Ngumiti akoa t tumango.
"Samahan ko na kayo sa bank, dala ko naman yung car ko." Pangunguna ni Yamato at sinabayan ako sa paglalakad habang buhat niya si Amato na nakasandal ang pisngi sa balikat ni Yamato.
Nang makasakay sa car niya ay sinulyapan ko si Amato na nilalagay sa safety seat niya. Pumikit ako sandali matapos mag-suot ng seatbelt.
Sinama namin si Amato sa loob ng bank, dahil kilala ako sa banko ay hindi na nila ako pinapila gaano dahil malaki rin ang halaga ng hawak ko.
The 750,000 I deposited on my ATM card, while the 250,000 minabuti ko na i-cash na lang. I separated the 50,000 in an envelope.
Nang makabalik kami sa sasakyan ni Yamato ay naayos kaagad si Amato sa likuran kaya nang umandar ang sasakyan ay pasimple ko na sinulyapan si Yamato.
Pasimple ko na nilagay ang puting envelope sa makikita niya, "Baka maiwan mo diyan." Paalala niya.
"Sa'yo 'yan." Mahinang sabi ko.
"H-Huh? Bakit?" Gulat niyang sabi napasulyap.
Ang kilay ay nagsalubong, "Hindi ko kailangan ng pera Jami, nagpapabarya ka ba?" Nagtatakang tanong niya kaya mahina akong natawa.
"I'll say labor fee?" Nasulyapan ko si Amato sa likuran na tulog na tulog na kagaad na nakasandal sa separate seat niya.
"What for?" Kunot noo siyang nakatitig sa daan.
Bumagal ang takbo, "I mean, labor fee in what?" Tinitigan ko siya ng matagal.
"For being a dad?" Hula ko.
"Hindi ko kailangan niyan," masungit na sabi niya.
"Tsk you played a big part in making me win." Nauubusan ako ng dahilan.
"Hindi ako humihingi ng kapalit at hindi ako yung pana mo." Ngumuso ako at nag-isip ng dahilan.
"K-Kasi.." Huminga ako ng malalim at napahawak sa sentido ko, "Kasi mabait ka?"
"Hindi na Jami." Seryosong sabi niya.
"Hindi ko talaga kailangan ng pera, wala akong gagamitan niyan." I pouted my lips.
"Okay, ayaw mo ha." Reklamo ko.
"Hindi ko magagamit 'yan, ano gagawin ko diyan? Pampunas pawis?" He asked in a sarcastic way that made me pout my lips.
"Yaman mo ha." Mahina siyang natawa sa sariling sinabi.
"Kung magr-retire ba naman ako ngayon kaya ko ng buhayin ang isang pamilya hanggang tumanda ako." Ngumuso ako at tumikhim.
"Ikaw na sige." Sabi ko pa.
Nang makarating sa bahay ay ngumuso ako ng makita kaagad si Kuya Yuno at Kuya Laze. "When did you get back, oppa?" I asked and gave him a kiss on his cheek.
"An hour ago," sagot niya.
"Kumusta? Bakit naka-archery suit ka?" He asked and gave me a once-over look.
"Mommy won 20,000 dorrars— dolrars— a big money tito." Nakangiting sabi ni Amato naiirita sa dollars na word.
"Isang milyon? Laki ah. Congrats." Nang kunin ni Kuya Yuno ang kamay ko at kamayan ako ay ngumiwi ako.
"How's Ate Sierah?" I asked, bahagya siyang nagtaka.
"Anong alam ko doon?" Kwestyon niya sa akin pabalik.
"Baka okay naman," 'di niya rin sigurado.
"Ba't 'di ka sure?"
"Eh wala naman kaming contact." Mahinang sabi niya.
"Bakit wala?" I asked.
"Luh, wala." Sagot niya.
"We don't contact each other if we don't need anything from each other." Seryosong sabi niya.
Ngumiwi ako at tsaka ko sinulyapan si Yamato na buhat si Amato, dahil doon ay pinili kong umakyat na lang. Kinagabihan ay umalis na rin sila kuya kaya naman pumunta ako sa kwarto ni Amato.
Dahil panigurado nandoon rin si Yamato, "You guys playin'?" Nalingon nila akong dalawa.
"Yes mommy!" Masayang sabi ni Amato.
Naupo ako sa bed niya habang pinanonood silang maglaro dalawa, nakangiti ko silang pinanonood dalawa dahil bagay na bagay talaga silang dalawa maging mag-ama.
"Who drew this?" Nang ituro ni Yamato ang poster sa gilid ng kama ni Amato na nakadikit ay awtomatiko akong tinuro ni Amato.
"Mommy, sabi niya she likes that drawing po eh." Ngumiti ako.
"Ah." Tumango si Yamato at sinulayapan ako.
"Aren't you tired?" He asked, Amato kept on playing.
"Medyo, pero okay lang."
"Get to bed, ako na muna bahala kay Amato." Matipid niyang sabi, ngumiti ako at bahagyang iginilid ang ulo ko.
"Worried ka ba?" Napatigil siya, bahagyang tumalim ang tingin sa akin.
"I'm just suggesting option, kung ayaw mo desisyon mo pa rin." Masungit niya bigla na sagot.
Simpleng cotton shorts lang naman ang suot niya at sobrang luwag na navy blue shirt pero lakas ng dating.
Gusto ko magwala.
"Mommy, masakit po yung tyan ko." Napatingin ako kaagad kay Amato.
"Huh? Paanong masakit?" Nilapitan ko siya tsaka ako naupo sa sahig upang tignan siya.
"Do you want to use the toilet?" I asked.
"It feels like it was punched by someone, mommy." Reklamo ni Amato.
Nag-aalala ko naman na tinignan kung kinakabag siya at mukhang 'yon nga. "Okay, enough playing. Let's go, I'll put an ointment and make you drink medicine." Binuhat ko si Amato sa kama niya tsaka ko siya pinahiga.
"Ah pwede mo ba i-abot sa akin yung bag na 'yon?" Turo ko sa naka-display.
Sumunod si Yamato at nag-aalala rin na naupo sa kabilang side ni Amato. "Ngayon lang ba 'to?" Tanong ni Yamato.
"Yes daddy."
Inaantok kong nilagyan ng ointment ang palad ko at ipinahid sa tyan niya.
Ganito talaga ang mga bata, kinakabag bigla. "Mommy ayoko gamot," wika ni Amato.
"You need to," seryosong sabi ko habang pinapahiran ang tyan niya.
Mainit kasi sa tyan ang ganoon na ointment kaya makakatulong 'yon. Matapos no'n ay gamot na at ito ang pinakamahirap.
"Baby," kalamdong sabi ko.
"Ayoko mommy." Yumakap pa siya sa daddy niya kaya bumuntong hininga ako.
"Just drink this, it will help you." Ngumuso si Amato at mas umiwas.
"Bibilhan ka ni daddy ng toys pag uminom ka," singit ni Yamato.
"N-No daddy," nakangusong maktol nito.
"Pag mommy mo ang mama ko? Nako, mabibigyan ka ng long candy." Natatawang sabi ni Yamato.
"Long candy daddy?"
"Oo, long candy. Pamalo, pwedeng tsinelas o hanger." Natawa ako sa sinabi ni Yamato.
"Nakakatakot 'yon," dagdag pa ni Yamato.
"Mommy." Nakangusong sabi ni Amato.
"Pag si mommy ko ang mommy mo? Injections katapat mo." I smirked.
Humaba lalo ang nguso ni Amato, "You'll sleep beside me then?" Natigilan ako sa request ni Amato.
"Huh?"
"Baby we have different roo—"
"That's why sleep with me tonight mommy, daddy." Bumuntong hininga ako.
"Si mommy na lang tatabi sa'yo—"
"With daddy, too." Napaayos ako ng buhok ng wala sa oras.
"Okay. I'm good." Sa sinabi ni Yamato
"H-Huh?" Sinulyapan niya ako.
"Okay lang sa akin, basta siya sa gitna." Pinigilan ko ngumiti tsaka ako pasimpleng umiwas para 'di niya makita 'yon.
Amato, hulog talaga ng langit!
"Okay, basta iinom ka ng gamot?" Pakiki-deal ko sa bata.
"Yes mommy," nang mag-ah siya ay pinainom ko na ngunit nagmaktol agad dahilan para painumin ng tubig ng daddy niya.
"Yuck, the taste is awful." Reklamo nito.
"Very good, dahil diyan good boy ka talaga." Ngumiti siya at yumakap sa akin kaya hinaplos ko ang ulo niya.
Matapos no'n ay sumandal ako sa headboard habang nakayakap si Amato sa akin habang ang isang paa niya ay nakapatong sa bandang tyan ng daddy niya na minamasahe naman ni Yamato.
Pinigilan ko ngumiti, "Trust issues 'yan?" Mahinang asar ko kay Amato.
"Baka po tumakas si daddy," inaantok niyang bulong.
"I have a word." Natatawang tugon ni Yamato.
"Your mom doesn't," nanlaki ng bahagya ang mata ko at tinignan ng masama si Yamato.
"Paano mo nasabi?" Sumbat ko.
"I won't reveal evidence in front of the kid," maarte na sabi ng malalim niyang boses kaya nanatili akong nakasandal sa headboard.
Tinatapik tapik ko ang bandang likod at balikat ni Amato upang makatulog siya, "Sa right rin daddy," umawang ng bahagya ang bibig ko nang palitan ni Amato ang paa na hawak ng daddy niya.
Pinigilan ko tumawa, "May sugat, injury pa yata ang daddy mo sa balikat baby," malambing na sabi ko.
Ngunit nakapikit na si Amato at bahagyang nakaawang ang bibig, mukhang papunta na siya sa malalim na tulog.
Napasulyap naman ako kay Yamato na tahimik rin na nakasandal sa headboard, isang metro rin ang pagitan naming dalawa.
Dahil hindi pa maayos ang higa namin kung maayos ay paniguradong magdidikit ang balat namin. "Hindi ka ngalay?" He suddenly asked and glanced at me.
"Hindi naman," matipid na sagot ko.
"Pasensya ka na, kung pati ikaw obligadong sabayan ang mga gusto niya." Pagpapasalamat ko ngunit bahagya siyang gumilid ng pwesto at ginawang sandalan ang palad niya habang gabay ang siko niya.
"Hindi mahirap gawin 'to, hindi ka rin dapat humihingi ng pasensya dahil hindi mo ako pinipilit." Pinigilan ko ngumiti sa sagot niya.
"Gusto mo na ba magkaroon ng anak?" I asked.
He stopped and stared at me, "At my age? Hindi na masama. Gusto ko rin umuwi sa isang simpleng bahay tapos anak ko ang sasalubong sa akin." Kalmado man ngunit seryoso niyang sagot.
"Just like what Amato is doing, he relieves my stress." Napangiti ako.
"I told you, that's what I felt before." Nakangiting sabi ko pa, masayang inaalala ang nakaraan.
"Kahit pagod na pagod ako mag-aral, gumagaan ang pakiramdam ko lalo na pag siya na ang nandiyan."
"Sobrang swerte ko na naging anak ko siya," masayang sabi ko pa.
"Para siyang bossy pero for my own good, he cares about every little thing. If I drank 8 glasses of water every day, my meds, everything."
"Pa'no ba naman para kang bata, kailangan mo paalalahanan sa lahat." Bigla ay sumungit ang tono ng boses niya kaya napangiti ako.
"Do I make you worry?" I teased.
"No." Mabilis niyang sagot.
"Not even with your solicitous heart for me?"
"No, Jami." Masungit niyang tugon sa pang-aasar ko.
"Stop teasing me," wika niya.
"Can I lurk around you?" On my sudden question, his forehead crumpled like a paper, curiously staring at me.
Lips were shutted straight, "Lurk?"
"Hmm, like can I bother you?"
"Bother me?" He cleared his throat.
I sighed, he got my point already but he's assuring it.
"Can I say hi, everytime we meet? Can I talk to you whenever I want to? Can I tease you like this?" I asked for permission.
He looked away immediately, "Hindi ko alam kung para saan pa." Masungit niyang tugon sa akin.
"I can't avoid you anyway," he added.
"You're the naughtiest woman I've known." Ngumiti ako sa sinabi niya at tsaka ako nag-thumbs up.
I really appreciate this kind of talk with him, simple lang pero at least kahit walang kwenta ang sinasabi ko ay nagagawa niyang sagutin pa rin.
Nang inayos ko ang higa ni Amato ay hindi ako nahirapan, dahil sa antok na pilit ko nilalabanan ay pinili ko mahiga habang nakaharap banda kay Yamato.
Nasa gitna naman si Amato eh, pasimple kong sinusulyapan si Yamato na pakurap-kurap lang habang nakasandal sa headboard.
Nang muntik ako mahulog sa simpleng pag-galaw ay napaayos ako ng higa at niyakap na lang si Amato dahilan para mas mapalapit ako sa gawi nila.
Umayos na rin ng higa si Yamato, mukhang ramdam na ang antok. Inayos ko pagkaka-higa at dahil doon ay bahagyang dumikit ang likod ng palad ko sa tagiliran ni Yamato.
"Goodnight." Napamulat si Yamato sa malambing na sinabi ko at napatingin sa akin.
Nang bahagya pa siyang tumitig sa mata ko ay napalunok ako hanggang sa tumugon siya, "Goodnight."
Matamis akong ngumiti at pumikit na, sa lamig ng kwarto ni Amato ay mas umusad ako para walang lamig ang pumasok sa loob ng kumot.
Yumakap naman si Amato kaya napalapit ako, ngayon ay nakadikit na talaga ang bandang siko hanggang pulsuhan ko sa katawan ni Yamato na may damit naman ngunit sumisingaw ang init sa balat niya.
Sa pagpikit ko ay nagising na lang ako kalagitnaan ng madaling araw dahil sa gumalaw si Amato, bahagya akong nagmulat ng mata at napalunok ako ng makita na nakayakap na si Amato sa daddy niya.
Pilit pinagka-kasya ni Yamato ang katawan niya kaya nakagilid siya ngunit natigilan ako ng umabot ang kamay niya sa likuran ko sa pagkakayakap na dapat kay Amato lang.
Pinigilan ko mangiti, minabuti ko tuloy na hindi na gumalaw kahit pa nakapatong lang ang kamay niya sa bandang likuran ko ay ayos na.
Kinaumagahan ay nagising ako ngunit nanlaki ang mata ko ng makita na halos nakasiksik na ako kay Yamato habang si Amato ay natutulog sa dibdib ng daddy niya habang nakadapa.
Kagat labi akong pumikit muli at mas isiniksik ang sarili ko, mas nagkasya kami dahil for two persons ang bed ni Amato.
Buti nga ay hindi nabibigatan si Yamato, sa muli kong pagpikit kahit may araw na ay tuluyan akong nakatulog muli.
Naalimpungatan ako sa pag-gising sa akin, "Jami, Nasa ibaba sila Senti." Nangunot ang noo ko at niyakap ang unan.
"Gising na." Antok na antok akong bumangon at tinitigan ang mukha ni Yamato na basa pa ang buhok.
Mukhang katatapos naligo, "Bakit sila nasa ibaba?"
"Outing raw," nanlaki ang mata ko.
"Agad-agad?"
"Hmm, malapit lang daw." Tumango ako at tsaka hinanap ng mata ko si Amato.
"Nasaan si Amato?"
"Nakaligo na, kasama nila." Seryosong sagot niya kaya tumango ako at tsaka tumayo na.
"Maliligo lang ako sandali," paalam ko.
"Okay."
Inayos ko na ang sarili ko, matapos ay huminga na ako ng malalim tsaka lumapit sa kanila. Napalingon si Yamato, nang pasadahan niya ako ay hinintay ko na salubungin niya ang mata ko pero matapos niya gawin 'yon ay tumikhim siya at umiwas tingin.
Pasimpleng sulyap 'yon hanggang ulo at paa ha.
"Saan tayo?" I asked.
"Sa resort ng friend ni Senti be, nasa gas station na yung ibang kasama natin. Puno na kami sa van kaya okay lang ba kung sa sasakyan niyo na kayo?" Napalunok ako sa suhesyon ni Serina.
"Ah, hindi na be. Hustle mag-drive para kay Engr. Lapiz, sa service van na lang namin. Sure ba kayo na hindi kayo sa amin sasabay?" I asked.
"Uy sakto, kinse kami sa kabilang van. Boss master sa inyo na kami sasakay." Natatawang sabi ni Senti.
Natawa naman ako, "Si Athen—"
"Present." Biglang lumabas si Athena sa banyo kaya natawa ako at tumango.
"Tara na." Anyaya ko.
Nang makasakay sa van ay sumandal ako dahil sa bandang dulo ako at nasa gitna namin ni Yamato si Amato.
"Sanay ka ba sa byahe?" Tanong ni Serina kay Amato.
"Yes tita," ngumisi na lang ako at inalis sa pagkaka-ipit ang buhok ko.
Madaraanan ang gas station at isa pa magpapa-gas muna kami, "Malayo ba 'yon?" I asked.
"Hindi naman, 1 hour and 45 minutes ba babe?" Ngumuso ako sa lampungan na sabi nila.
"Oo babe."
"Ako na sa harap, kasi nakakahiya naman sa mga couple sa likod." Parinig ni Athena, mamaya makikita mo si Kenny. Kalma ka lang.
"'Di pa kami nagb-breakfast, 'no babe? Baka naman boss master—"
"Sa resort na tayo mag-breakfast, ang aga-aga." Sagot ni Yamato kaya ngumisi ako, sungit talaga nito.
"Eh 8am na tayo makaka-kain?"
"Bili na lang tayo siopao," wika ni Yamato.
"Sa convenience store sa gas station." Kinuha ko naman ang bag ko upang magbigay ng pera, since ako naman yung nanalo.
"Ito oh, bilhan mo rin yung mga kasama natin sa ibang van." Inabot ko kay Senti ang bayad.
"Hindi na, ako na—"
"Ako nanalo, Engr. Lapiz. Huwag kang ano," singhal na bulong ko dahilan para matawa silang lahat.
"Mommy, I don't like siopao. It's made out of pusa." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Amato.
"Ha? Sabi nino?"
"Daddy told Tito Senti." Humalagapak ng tawa si Senti sa sagot ni Amato.
"Ayan, kung ano-ano naririnig ng bata sa inyo oh." Sermon ko.
"Hindi ko naman alam na nakikinig siya," bulong na sabi ni Yamato.
Nang makabili ng siopao ay binilhan na lamang ng doughnuts si Amato. Bumyahe na rin kami para mas mapabilis ang pagdating doon.
"One day outing lang kami, may kailangan pa ayusin sa Cebu." Paalala ko.
"Ikaw na muna bahala rito Senti." Paalala ni Yamato.
"Yes boss master."
Pagkarating sa resort ay excited kaming lahat lalo na si Amato nang makita niya ang mga slides and malalaking statues of some cartoon movies?
"Amato, don't jump in the pool without a life vest. Don't dare." Banta ko dahilan para humagikgik siya.
"Yes mommy."
"If you jump, you'll drown."
"Yes mommy."
"Don't say yes anytime and just do it." I reminded him again, "Let's pay." I asked them.
"Nasaan yung reservation Sents?" I asked.
"Ito miss madam," inabot niya sa akin ang papel na nasa clip board.
"Pumasok na kayo," maayos na sabi ko tsaka ako umiwas sa gawi nila at nilagay ang bayad doon.
Pagka-sign ko ay inabot ko na sa cashier, "Proceed na kayo doon ma'am." Nakangiting sabi nito.
"Yes, thank you."
Pagkapasok ay tinatakan kami sa likod ng palad namin. Nakanguso akong naglakad papasok dahil sa bigat ng gamit ko na mostly ang laman ay gamit ni Amato.
Napatigil ako ng may kumuha no'n sa kamay ko at kahit na buhat niya si Amato ay nagawa niyang hawakan ang dalawang bag gamit ang isang kamay niya.
Sumunod naman ako at ng madala sa kwarto ay nagpasalamat ako, "Daddy dito ka ulit matulog—"
"I can't baby, if you'd like nasa tabi lang naman ng room niyo ang room ko. Pwede ka pumasok anytime." Nakangiting sabi ni Yamato.
"Your mom is a big influence in our company, bawal ma-issue." He explained to Amato, Amato simply pouted his lips.
"Fine daddy."
"Let's go, eat ng breakfast." Nakangiting sabi ni Yamato at hinawakan ang kamay ni Amato.
"Engr. Garcia, mamaya mo na ayusin 'yan." Mahinahon na sabi ni Yamato.
"Sure." Sumunod ako sa kanila.
Ngunit pagkarating ay nagtaka ako ng makita si Engr. Cariño, tumaas agad ang kilay ko. "Is she invited?" Pabulong na kwestyon ko kay Senti.
"Inimbitahan raw ng ibang kasamahan, miss madam." Balik sagot ni Senti.
"Hayaan na." Tugon ko.
Naupo kami sa isang malaking round table, ngunit tatlo ang gamit namin dahil sa dami namin. Nagkakatanawan naman.
"Miss madam, mamaya lunch magluto na lang siguro tayo, ihaw-ihaw." Suhestyon ni Senti.
"Sure," I answered.
Nang maupo sa table namin si Engr. Cariño ay sinulyapan niya ang anak ko, "Anak mo?" Tumikhim ako at tumango.
"Yes."
"Hi, saan daddy mo?" Tumaas ang kilay ko sa tanong ni Engr. Cariño kay Amato, ngunit ngumuso si Amato at umiwas tingin lang.
"Engr. Cariño maupo ka na." Mahinang sabi ni Yamato, sumunod siya agad.
"Kumusta sa Cebu, Engr. Lapiz?" Nakangiting sabi ni Engr. Cariño, pasimple akong umirap.
"Maayos naman, maganda ang environment. Since sa Cebu naman ako before kaya hindi na bago." Kwento ni Yamato.
Obligado siya sumagot at mag-explain?
Duh..
"Baka inaaligiran ka doon ng mga girls Engr. Lapiz," biro ni Engr. Cariño na medyo totoo naman.
Inaaligiran ko eh, ba't ba pala desisyon siya? Bawal?
"Ah wala namang ganoon, busy ako sa trabaho." Matipid na ngumiti si Yamato.
"'Di mo sure." Parinig ni Athena kaya pinigilan ko ngumisi.
Mamayang lunch nandito na sila Kenny.
"Ah, who are you? Hindi ka naman mukhang engineer?" Medyo mataray na tanong ni Engr. Cariño.
"Hindi naman ako engineer," sagot ni Athena.
"Kaibigan namin." Singit ni Serina.
"Kumain na tayo," dagdag ni Mandy at nag-sign of the cross pa bago kumain.
Matapos ang breakfast ay hinanap ko si Senti, "Sents, paano yung sa lunch?" I asked.
"May palengke raw dito miss madam, mamalengke na lang kami mas tipid." Suhestyon ni Senti kaya binuksan ko ang wallet ko.
"Hanggang dinner ba?" I asked.
"Ikaw ba miss madam, kahit ano. Mas mura talaga sa palengke eh." Ngumiti ako at inabutan siya ng cash.
"Hindi ko sure kung magkakasya, baka kulangin kaya 'yan na lang. Ibili mo na lahat." Natawa si Senti at tumango.
"Yes miss madam, walang daya." Ngumiti ako at tumango.
"Ingat kayo."
Hinanap ko naman si Amato na panigurado ay kasama ni Yamato, baka nasa kwarto ni Yamato. Naglakad ako at natigilan ako ng makita na kumakatok si Engr. Cariño sa harapan ng kwarto ni Yamato.
"Anong problema?" I asked.
"Well, gusto ko lang kausapin si Engr. Lapiz. Bawal ba?" Ngumiwi ako at kumatok.
"Engr. Lapiz!" Malakas na tawag ko with dalawang katok.
"Pasok!" Tugon niya kaya binuksan ko ang pinto sa maingat na paraan.
"Ba't ka rin papasok?" Nang pigilan ako ni Engr. Cariño ay binawi ko agad ang braso ko.
"Kakausapin ko rin, bawal?" Balik sumbat ko at umirap.
Pagkapasok ay nakita ko si Amato na tumatalon talon sa kama ni Yamato, "Kausapin ka raw." Tukoy ko kay Engr. Cariño.
"Ah, sure. Sit down." Turo ni Yamato sa sofa.
"Bakit nandito yung anak mo?" Tila masungit na tanong ni Engr. Cariño kaya nagkibit balikat ako.
"'Nak, come here." Lumapit sa akin si Amato at sa pagtalon niya ay napanguso ako ng awatin ko siya.
"Don't jump a lot." Sermon ko.
"Mommy, it's so bouncy like the trampoline." Ngumiti ako at tumango.
"'Cause it has springs." I explained.
"Ayaw mo ba ako kunin bilang side engineer mo, Engr. Lapiz?" Sa tanong ni Engr. Cariño ay pasimple akong umirap.
"Hindi naman kailangan ng side engineer, kasi susunod ako sa kaniya." I stated.
"Unless kunin ka ng company." Taas kilay na sagot ko.
Napasulyap sa akin si Yamato at huminga ng malalim, "Do you need more projects ba?" Yamato asked.
"Yes sana Engr. Lapiz," nakangiting sabi ni Engr. Cariño.
"I'll see what I can do," matipid na sabi ni Yamato.
Ngumuso ako, may kung ano-ano na binulong. Sana all?
Close na close talaga sila ng mukhang isda niyang kaibigan? Ewan, bahala sila.
Nang umalis si Engr. Cariño ay umirap ako ulit, "Ang arte ha, project ba talaga?" Natigilan si Yamato at seryoso akong tinignan.
"Gusto ka lang makasama no'n, bantay salakay, atat mambakod. Aagawin ka ba?" Hindi ko mapigilan ang bibig hanggang sa magtaas ng kilay si Yamato.
Tumayo ako at tsaka seryoso siyang tinignan, he stepped forward and I almost gasped for air on his reply. "Aagawin mo ba?"
"H-Huh?" Napaatras ako at tsaka sininok bigla kaya natakpan ko ang bibig.
Natigilan siya at napatitig sa akin, "Mommy have hiccups." Sinilip ako ni Amato habang nakatayo siya sa kama ng daddy niya.
Ngumiti siya natigilan ako ng hawakan ng anak ko ang magkabilaang pisngi ko, "And is red? Mommy, are you having a hard time breathing?" Nang magsimula siyang mataranta ay umiling iling ako.
"No baby—" natakpan ko ang bibig ng muling sinukin.
"Uminom ka tubig," alok ni Yamato at lumapit sa desk niya upang lagyan ang baso ng tubig.
Nang iabot niya 'yon ay uminom ako, "Takpan mo ilong mo tsaka ka uminom." Dahil uto-uto ako ay sininod ko 'yon.
Ngunit nawala nga talaga ang sinok ko, "Gagana 'yan." Tumikhim ako dahil nawala nga.
"Akala ko inuuto mo ako." Bulong ko.
"Hindi ako mahilig mang-uto ng bata." Sa sinabi niya ay nanlaki ang mata ko.
"Edi bata rin si Engr. Cariño kasi mas matanda ka sa kaniya ng isang taon?" Sumbat ko agad.
"Hindi naman siya mukhang bata." Sagot niya.
Pinagkrus ko ang braso sa dibdib, "Hindi rin ako mukhang bata." Masungit na sabi ko.
"May bata ba na gan'to ang katawan? Eh 'yon nga d-deretso!" Sorry lord, sorry po talaga at nadulas na ang bibig ko.
Napalunok siya bahagyang nanlalaki ang mata, "Ang s-sama ng ugali." Bulong niya at umiwas tingin.
"Eh kasi totoo naman! Siya yung payat niya parang bata." Singhal ko.
"I've heard enough." Ngumuso ako.
"Nagsasabi lang naman ng totoo eh," bulong ko pa habang nakanguso.
"Mommy, may scar ka pa po sa chest?" Napalunok ako sa tanong ni Amato, nakapa ko naman 'yon.
"Meron pa yata anak." Sagot ko.
"Daddy, have you seen mommy's scar? It's big pero it's little na lang ngayon." Amato explained, ngumiti ako.
"Syempre your dad can't see it." I explained.
"Why mommy?"
"Kasi bawal anak, huwag ka na magtanong ha at ako'y naa-aning sa'yo." Natawa si Amato, natutuwa sa mga words na bago sa kaniyang pandinig.
///
@/n: Good day, thank you so much for your endless support. Love lots! Drop your thoughts on the comment section. 😚
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro