Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 54: Some Are True

Chapter 54: Some Are True


Liezel Jami's Point Of View.

"K-Kasi— kasi ano.." Hinahapo ako sa kaba.

"Kasi?" Seryosong tanong niya.

"Kasi hindi ko na alam yung gagawin ko, ayoko humadlang sa pangarap niya, ayoko maging dahilan ng pagkatalo niya." Napaiwas tingin ako sa mabilis na sagot.

"Kasi?" Napalingon ako kay Kuya Timmy.

"There's always a reason behind being a hindrance, anong meron bakit ka magiging hindrance sa kaniya?" Ngumuso ako.

"Wala." Sagot ko.

"Hmm, okay." Tumango si Kuya Timmy.

"Sasabihin ko sa ex mo na may dahilan 'yan, pag nakilala ko." Nakagat ko ang ibabang labi.

"W-Wala kasi." Sagot ko.

"Hmm, sige, sabi mo eh." Napainom tuloy ako ng wine.


After that dinner, sabay na kami bumalik ni Yamato, ramdam ko na rin ang antok dahil sa alak. Hindi masama ang lasa ngunit medyo huli ang tama.

Nang makapasok sa kwarto ay sa kwarto ko ma siya dadaan dahil naiwan niya ang card sa loob ng hotel niya, naupo ako sa sofa.

Napatigil naman siya at nalingon ako, "Nasabi mo na ba sa akin ang lahat?" Napatitig ako kay Yamato sa tanong niya.

"Hindi pa." Mahinang sagot ko.

"Gusto ko rin malaman, Jami." Nang maupo siya sa wooden center table sa harapan ko ay napatitig ako sa kaniya.

"B-Bakit pa?"

"Kasi tulad ni Kenny, gusto ko rin matahimik, dahil sinisisi ko pa rin yung sarili ko sa lahat." Nakagat ko ang ibabang labi.

Seryoso ko siyang tinitigan, "Hindi naman na mahalaga 'yon, kung ano siguro yung dahilan na sinabi ko Yamato. 'Yon na lang." Deretso siyang nakatingin sa akin.

"Paghuhulain mo ako?" Tugon niya, binasa niya ang labi at huminga ng malalim.

"Kung wala ng mababago ang sasabihin mo Jami, sabihin mo na. Wala ring magbabago kung malalaman ko." Inaantok ang talukap ng mga mata niya.

"Please lang," wika niya, nakikiusap.

Ngumuso ako.

"Sorry, pero h-hindi pa talaga eh. Hindi ko alam kung anong mangyayari pag sinabi ko," wika ko.

"Wala Jami, kaya sabihin mo na."

"Wala naman ng mababago ang kahit ano dahil sa tagal ng panahon, hindi tulad ng iba ng isang taon lang, maaring hindi na pwede, maaring wala na talaga." Hindi ko alam ngunit nasaktan ako sa sinabi niya.

"Wala ng mababago ang kahit ano pang salita na lalabas sa bibig mo Jami, kundi katahimikan ng mga puso't utak natin." Tumango ako sa sinabi niya.

"Kaya nga hindi ko masabi," bulong na sabi ko.

"Kasi alam kong wala na, wala ng mababago, lalo lang akong nawawalan ng pag-asa." Mahinang sabi ko.

Nagitla ang mukha niya, seryoso akong tinignan. "Masyadong naging matagal ang pagbalik ko, ako mismo ang nagbawal na bumalik ako sa mga sinabi ko sa'yo, kaya bakit pa?" Kwestyon ko.

Masama ang loob sa sarili, "Hindi kita pwedeng sisihin, kasi hinanap mo 'ko, kahit pa sinabi mong gusto mo 'kong hindi na makita pa noon. Pero ako?" Turo ko sa sarili.

"Wala akong ginawa para subuking bumalik sa'yo, lumipas ang taon, hinayaan ko lang." Napaiwas tingin ako.

"Masyado akong natakot sa huling sinabi mo, pero anong magagawa ko? Minaliit at sinira ko ang tingin mo sa sarili mo." Huminga siya ng malalim.

"Kaya, Paano pa Yamato? Gustuhin ko man gawin lahat huli na, wala ng saysay ang lahat." Nahilot ko ang sintido.

"Single ka, yes. Masaya ako doon, pero bakit? Alam ko naman na dahil sa trauma na iniwan ko kaya hindi mo kayang magmahal ng iba." Bumuntong hininga ako.

"Natatawa ka ba ngayon? Kasi nagsisisi ako?" Deretso lang ang titig niya sa mata ko.

"Nakakapagod, kahit alam ko na ang sagot, umaasa akong baka iba ang maging sagot mo. Kaya hindi ko magawa, kasi ayoko ma-reject." Sagot ko.

"Alright," sa usal niya ay napatitig ako sa kaniya.

"Naiintindihan ko kung bakit hindi mo masabi, but it will be okay for you. M-Malalampasan mo rin 'yan, 'cause I've been there." Umawang ang labi ko sa sinabi niya.

Rejection.

"I've done that, I know how hard it is to know that you don't have any chance left. But you'll go through that, I believe you." Tumayo siya ng maayos, babagyang umiwas ang tingin.

"Masyado kang maganda, mabait, at matalino, imposibleng walang magkakagusto sa'yo. Maraming mas higit pa, kesa sa akin." Matipid siyang ngumiti.

Nang ipatong niya ang palad sa tuktok ng ulo ko ay tuluyang sumama ang loob ko, "Hanggang kuya na lang siguro talaga tayo—"

"Kuya? Really?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Paano ko magagawa 'yon?" Tanong ko.

Sumeryoso ang mukha niya, "May magkuya ba na naghalikan?" Galit na sabi ko.

"Si Kuya Yuno at Ikaw?" Sa sinabi niya ay umawang ang labi ko.

"T-That's d-different, h-hindi ko ginusto 'yon."

"Yung akin ginusto mo?" Sumbat niya.

Naitikom ko ang bibig. "Yes." Seryosong sagot ko.

"Okay." Malamig na sagot niya.

"Magpahinga ka na."

"Yamato." Pagtawag ko sa kaniya, huminga siya ng malalim at muli akong sinulyapan.

"Jami, lasing ka lang siguro." Mahina siyang natawa, nang guluhin niya ang buhok ko ay hinawi ko 'yon.

"Hindi ako lasing," seryosong sabi ko.

"Lasing ka Jami, ganiyan rin naman ginawa mo nang lasing ka. Tinatawag mo 'ko sa malambing na paraan, parang nakakaloko. Tangina." Sumeryoso ang mukha niya ngunit sarkastikong tumawa.

"Ano bang ginawa ko nang nakaraan at ganiyan ka? Anong meron kung lasing ako o hindi?" Naiiritang tanong ko.

"Ibang iba ka sa kung anong pinakikita mo, para mo 'kong ginagago. Parang pag lasing ka gusto mo 'ko pero kung hindi wala, wala lang. Kaya itulog mo na 'yan dahil bukas, magsisisi ka ulit sa mga sinabi mo." Napatitig ako sa mukha niya.

"Magsisisi rin naman ako 'di ba?" Nagsalubong ang kilay niya sa tanong ko, bahagya akong nakatingala sa kaniya.

"Yes, Jami." Mariing sabi niya.

"Okay. Sana makalimutan ko 'tong gabi na 'to." Mahinahon na sabi ko.

"Baki—" Tumingkayad ako at inabot ng mga palad ko ang pisngi niya dahilan para magulat siya ngunit sa bilis ko ay mabibigla rin siya.

Napapikit ako ng maglapat ang labi naming dalawa, sinubukan kong siilin ang labi niya at napagtagumpayan ko naman 'yon. Lalagpas pa sana ako pero tumunog ang telepono naming dalawa ni Yamato.

Ngunit namatay ang kay Yamato kaagad, napalunok ako dahil tila nagising ako. "Jami." Nagbabantang sabi niya sa pangalan ko tsaka siya huminga ng malalim at nasapo ang ulo.

"Ang kulit ng lahi mo." Reklamo niya at tinalikuran ako not until our phone rangs again so kinuha ko 'yon at sinagot ng tumatawag si Serina sa akin.

"Hello, bakit?" Panimula ko.

"Kanina pa kayo tinatawagan ni Yamato hindi kayo marunong sumagot! May emergency!" Kinabahan ako sa sinabi niya, halatang galit at pressured na pressured na si Serina sa kabilang linya.

"E-Emergency? Anong emergency?" Nag-aalala na sabi ko.

"Si Amato at Athena, n-nakita silang naaksidente. Nandito kami sa ospital ngayon, please lang umuwi muna kayo." Nanlaki ang mata ko, bigla ay sumakit ang dibdib ko.

"A-Anong aksidente Serina? P-Paano?!" Nang mapaupo ako ay pinilit ko tumayo.

"I-I can't explain, just get your ass in here!" Pinatay ni Serina ang tawag, sunod sunod na tumulo ang luha sa mata ko sa takot.

"Let's go, nasa rooftop na raw yung chopper niyo kanina pa." Itinayo ako ni Yamato at tinangay na lang, tulala akong sumunod ngunit nanghihina.

We've reached the chopper and my hands were trembling so bad, natatakot ako, natatakot ako sa nangyari.

It took us so fast to reach the city, pagkarating sa hospital ay tumakbo ako papunta sa emergency room.

Nang makarating ay may bahid ng mga dugo sa damit nila Serina at Senti, mukhang sumunod lang sila Mandy at Cane dahil nakapantulog sila.

"Yung anak ko? Nasaan yung anak ko?" Humahangos na sabi ko.

"Inaasikaso siya ng mga doctor," kumuyom ang kamao ko sa galit.

"Ang anak ko kumusta? Maayos ba ang lagay niya ha?" Hinawakan ako ni Serina sa magkabilaang balikat.

"Kumalma ka Jami." Nakikiusap na sabi niya.

"Paano ako kakalma! Hindi niyo sabihin sa akin kung maayos ang kalagayan ng anak ko!" Sigaw ko, umiiyak.

"H-Hindi pa gising si Athena, it's a car accident, hindi pa namin nakakausap ang doctor." Nanlulumo na sabi ni Serina.

"Car accident? Bakit?"

"Lumabas yata sila, h-hindi ko alam kung bakit sila magkasama Jami. Alam mo ba 'to?" Nasapo ko ang mukha at tsaka ako tumango.

"Yes, Athena's been staying at my place. 2 days ago." Mahinang sabi ko.

"Gabi na, bakit sila lumabas?" Natatarantang tanong ko sa sarili, hindi ako mapakali.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ang dalang kaba no'n ay sumasakit bawat pintig. Nasapo ko ang noo sa sobramg taranta.

"Alam mo na magkasama sila ni Amato?" Napalingon ako kay Yamato.

"Yes, alam ko." Huminga ng malalim si Yamato at nadidismayadong dumungaw sa loob.

"Ililipat na ng kwarto si Athena," mahinang sabi ni Mandy.

Nang lumabas ang doctor sa hybrid room ay umabang ako, "Hindi pa gising ang bata missis, titignan natin ang resulta ng mga tests niya at sana ay ligtas na siya ng lubusan dahil sa rare ang dugo niya." Nasapo ko ang mukha.

"Okay, please do everything." Nakikiusap na sabi ko.

"Ililipat namin ang bata sa ICU," paalam nila.

Nang ilabas si Amato ay gusto ko humabol ngunit alam kong bawal, may sugat at may dugo ang halos sa katawan niya.

Panay ang iyak ko na parang tanga, "Jami kumalma ka please." Pakiusap ni Serina.

"Paano ako kakalma? Please, stop asking me to calm down because I'm dying to beg for his safety!" Galit na sabi ko at hinawi ang kamay nila.

"At paano kung ikaw ang napahamak Jami?" Galit na tanong ni Serina.

"Paano kung umatake yang sakit mo sa puso! Bawal kang nagagalit, bawal kang naii-stress! Jami naman!" Nasapo ko ang mukha sa galit niyang sinabi.

"Paano ko pipigilan kung yung anak ko hindi ko alam kung ligtas! Paano ako matatahimik! Mauuna pa akong bawian ng buhay bago pa umatake yung sakit ko sa puso!" Sigaw ko at tsaka ako galit na pumunta sa kwarto na tutuluyan ni Athena.

Nagagalit ako sa kaniya ng husto, gusto ko siyang sigawan, gustong gusto ko siyang saktan.

Nagtiwala ako, anak niya 'yon paano niya nagawang ipahamak yung sarili niyang anak!

Humabol sila sa akin, nang makapasok sa kwarto ni Athena ay saktong nagising siya. Bumangon siya, may sugat ang mga braso.

Nang tumayo siya ay mabilis ko siyang sinampal dahilan para mapaupo siya muli. "S-Sorry." Napayuko siya, umiiyak.

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko, sumarado ang pinto nang makasunod ang mga kaibigan ko. Naiwan sa labas si Senti at Cane.

"Jami." Awat ni Serina.

"Huwag niyo 'kong hawakan!" Ume-echo ang sigaw ko sa kwarto.

"Sorry Jami." Masama kong tinignan si Athena.

"Ipinagkatiwala ko sa'yo yung bata kasi akala ko hindi mo siya ipapahamak!" Dinuro ko siya.

"Pero— pero wala ka talagang kwenta eh!" Halos sugurin ko siya ngunit umawat si Serina.

"Please, Jami." Nakikiusap na sabi ni Serina ngunit ayaw ko tumigil.

"Ang sama-sama ng loob ko sa'yo, ang sama-sama ng loob ko sa'yo kasi ikaw ang dapat hindi mananakit sa kaniya pero ilang beses mo ba siya sasaktan!?" Napayuko si Athena, panay hikbi.

"Alam mo, pagod na pagod na akong intindihin ka, sawang sawa na akong tanggapin ka! Inuunawa kita sa pinakawalang kwentang dahilan mo pero ito ibabalik mo sa akin?!" Sinubukang hawakan ni Athena ang kamay ko pero malakas kong hinawi 'yon.

"H-Huwag na huwag kang hahawak sa akin!"

"Sobra ka na!"

"H-Hindi ko sinasadya Jami, maniwala ka. Hindi ko gustong mapahamak si Amato, hindi ko siya ipapahamak." Umiiyak ko siyang tinitigan, nasapo ko ang dibdib.

"Mahal na mahal ko yung bata higit sa pagmamahal na kaya mong ibigay sa kaniya, Athena." Sumbat ko.

"Ako yung nandito, ako yung nandoon, ako yung nasa tabi niya! Ikaw yung nanay pero wala kang kwentang ina!" Dinuro ko siya ngunit humawak si Serina sa mga braso ko.

"Calm down." Pakiusap ni Serina.

"Please Jami, calm down, yung puso mo." Humikbi ako ng humikbi.

"Ikaw? Kaya mo bang isugal para sa bata ang lahat!? Hindi ba't siya ang isinugal mo!?" Yumuko si Athena.

"S-Sorry."

"Ang gago mo, ang gago mong tao! Una, lahat na lang ba ng mahal ko sasaktan mo?" Umiling iling si Athena.

"N-No."

"Never naaksidente sa pangangalaga ko si Amato, dahil lahat iniisip ko. Lahat ng pwedeng ikapahamak niya, kahit maliit pa 'yan, kahit galos! Kahit kagat ng lamok ay bawal! Tapos naaksidente kayo sa kapabayaan mo?!" Iniiwas ko ang sarili kay Serina.

"Huwag mo 'ko awatin! Deserve niya masaktan! Deserve niya masampal!" Sigaw ko.

"Oo! Alam ko 'yon! Pero Jami inaalala lang kita! Hindi si Athena!" Itinulak ako ni Serina papalayo kay Athena.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Hindi pa ba sapat na iniwan na siya ni Athena noon?! Susunod ka?" Nangunot ang noo ko.

"Anong paalala sa'yo ni Amato? Huwag kang nagagalit! Huwag kang naii-stress kasi 'yang puso mo mahina!" Kumuyom ang kamao ko.

"Gusto mo ba pagkagising ni Amato wala ka sa tabi niya dahil sa sakit mo sa puso?!"

"Gusto mo bumukha yang butas mo sa puso ng tuluyan ka ng mamatay ha Jami?!" Umiwas tingin ako ngunit tumama ang mata ko kay Yamato na naguguluhan at punong puno ng pagtataka.

"Ano Jami!?"

"Bullshit." Bulong ko.

"Dahil sa puso ko bawal ako magalit sa kahit na sino? Anong gagawin ko? Gustong gusto ko magalit!" Naluha na si Serina.

"Jami, huwag mo naman sayangin yung taon, huwag mong sayangin yung panahon na ang daming nawala dahil sa lintek na puso mo." Pakiusap niya.

"Tatlong taon na rin Jami mula ng simulan mong magpagaling, huwag mo ng piliin bumalik sa umpisa." Pakiusap pa ni Serina.

"Please lang, isipin mo rin yung sarili mo. Pulang pula ka na oh, pero namumutla 'yang labi mo." Napapikit ako at nasapo ang mukha ko.

"Kaya ka nga umalis 'di ba? Para magpagaling, para hindi masobrahan ang emosyon mo. Tapos ngayon babalik ka sa umpisa? Mapapawalang gana lahat ng gamot na iniinom mo?" Umiwas tingin ako at napaupo sa sofa.

"Ako na makikiusap sa'yo, Jami. Tumigil ka na," nasapo ko ang noo.

Pinapakalma ang sarili, "May sakit ka sa puso Jami?" Nang magtanong si Athena ay umirap ako.

"Wala siguro." Sarkastikang sagot ko.

"Jami." Mahinang tawag niya.

"Galit ako sa'yo, Athena." Mariing sabi ko.

"Sorry," huminga ako ng malalim.

"Mananatiling sikreto ang napag-usapan rito, huwag ka mag-alala." Napatingin ako kay Serina.

Tumango ako. "Titignan ko ang anak ko," paalam ko at lumabas ngunit napabalik ako sa pag-upo dahil sa pagkirot ng dibdib ko.

"Oh." Lumapit si Mandy.

"Okay lang, ganito talaga pag nagagalit ako ng husto." Pinagkrus ni Serina ang braso.

"'Yan na nga ba ang sinasabi ko, bumabalik na naman yung symptoms mo. Mandy, tumawag ka ng doctor." Tumaas ang kilay ko.

"Ayos lang," sagot ko.

"Okay lang ako." Mahinang sabi ko.

Nang magtama ang mata namin ni Yamato ay hindi niya inaalis sa akin ang tingin, bumuntong hininga ako.

"Ay hindi pa alam ni Yamato?" Sinamaan ko ng tingin si Serina na natakpan ang bibig.

"H-Hala sorry, ikaw kasi gaga ka." Ngumuwi ako.

"Ano pa bang mababawi mo?" Dismayadong sabi ko.

Nang maalala ang paghalik ko kay Yamato ay nahiya ako bigla, pumunta ako sa ICU ngunit nakita ko na gising na si Amato.

Kinakausap siya ng doctor kaya pumasok ako. "Mommy." Sa pagtawag niya agad sa akin ay lumapit ako sa kaniya.

"M-Mommy you're home." Ngumiti si Amato.

"Kumusta siya doc?" Tanong ko.

"He woke up so he's safe, nabalian lang siya ng braso." Tukoy sa nakabenda.

"Glad." Naluha ako at niyakap si Amato kahit may dugo pa siya.

Ngumuso siya, "Is Tita Athena okay?" Natigilan ako sa tanong niya.

"Yes, 'nak."

"It's my fault mommy." Nakangusong sabi niya kaya naman napatitig ako sa kaniya.

Nasa likod naman si Yamato. "Lola is not in the house and I wanted ice cream. I asked tita to drive." Napapikit ako at nasapo ang noo.

"What happened?"

"Mommy, she suddenly lost consciousness but she hugged me before we hit the tree. We can't stop the car." Niyakap ko siya tsaka ako pagod na pagod na pumikit.

"Mommy, your heart's beating fast." Hinawakan ni Amato ang tapat ng puso ko.

"Mommy, what did you do?"

"I got worried." Naiiyak na sabi ko.

"Mommy, bawal ka po ma-stress. I'm sorry." Nang maiyak siya ay niyakap ko siya at umiyak habang yakap siya.

"Mommy can't live without you, huwag ka ng uulit." Nasasaktan na sabi ko.

"Sorry mommy." Yumakap siya isang kamay.

"Magpahinga ka na muna," mahinang sabi ko.

"Opo mommy." Matapos kong asikasuhin si Amato ay galit na dinala ako ni mommy sa isang kwarto sa ospital sumunod naman si Yamato dahil inakbayan siya ni dad.

Pinaupo ako ni mommy sa hospital bed, "I-check mo si Jami." Utos ni mommy, galit at halatang iritable.

"Anak naman." Umiling-iling si daddy chinecheck ang heart beat ko, bp, and everything.

"Yung totoo, Jami. Sumasakit pa 'yang dibdib mo?" Pinagkrus ni mommy ang braso sa harapan ko.

"K-Kanina po," nahihiyang sabi ko dahil nandito si Yamato na salubong ang kilay.

"Anong bilin ko sa'yo nang umuwi ka sa pinas?" Yumuko ako sa tanong ni mommy, amoy sermon.

"Hold my emotions po."

"Anong ginawa mo?" Bumuntong hininga ako.

"N-Nagalit ng sobra mommy, h-hindi mo naman po ako masisi dahil anak ko yung napahamak mommy." Reklamo ko.

"Ayon na nga, paano pag umatake 'yang sakit mo sa puso?" Ngumuso ako.

"Opo."

"Sorry."

"Ilang taon nating iniingatan ang puso Jami, huwag mong i-uwi sa wala lahat." Tumango ako at hindi na sumagot.

"Alam naman na ni Yamato 'di ba?" Sa sinabi ni mommy ay umiling ako.

"H-Hindi pa ho." Sagot ni Yamato.

"Ganito kasi hijo, noon, noong kayo pa, nagkaroon ng sakit sa puso si Jami." Ngumuso ako nang ikwento 'yon ni mommy.

"Naalala mo ba nang ma-ospital si Jami? Dahil sa mag-ama? Doon natuklasan na yung butas sa puso niya noong bata siya na sumara ay muling bumuka." Huminga ako ng malalim.

"Ayon pa lang ang pwede kong i-kwento dahil desisyon ni Jami ang lahat." Umiwas tingin ako.

"Okay, tita." Sagot ni Yamato.

"Magpahinga ka na muna, Liezel Jami. Ako na muna magbabantay kay Amato. Yamato, huwag mo hayaang lumabas 'yan kung kailangan mong itali gawin mo." Ngumuso ako sa seryosong sinabi ni mama.

"Punong puno na ako sa'yo Jami, pati kalagayan mo'y papabayaan mo." Yumuko ako at naluha ng maiyak si mommy.

"Halos hindi ako makahinga sa tuwing sumasakit 'yang dibdib mo noon, wala kasi akong magawa dahil kahit anong gawin ko hindi mawala-wala." Niyakap siya ni daddy.

"Kumalma ka rin, Mia."

"Sorry mommy."

"I'll check Amato," paalam nila nang makalabas sila ay nasapo ko ang mukha.

Sinulyapan ko si Yamato na tahimik na naupo sa sofa, I watched him ran his finger through his hair.

As our eyes met his expression dulled instantly, confusion and terror were seen. "Hindi mo man lang sinabi sa akin," umiwas tingin siya.

"Ako naman yung nasa tabi mo ng mga panahon na 'yon, pero ako pa yung huling makakaalam." Sadness clouded his features.

He glanced at me, "I-I am really severe that time, I can't keep up. Ayokong magulo ka sa pag-aaral at sa mga problema mo." Nahihiyang sabi ko.

"Hindi ko alam yung gagawin ko para lang hindi maging pabigat."

"Kaya ko naman isantabi lahat para sa'yo noon ah?" Nanlulumo niyang sabi.

"Kaya ko naman mag-exam kapag magaling ka na, pag okay ka na, Jami. You're one of my priorities, you should've at least given me the decision of choosing who to prioritize." His lip trembled.

"Kaya nga, 'yon nga ang ayaw ko mangyari. Makahadlang, kasi alam ko na isasantabi mo lahat para sa akin—"

"At sana alam mo rin kung gaano kahirap para sa akin bumangon matapos mo 'ko iwan, mas mahirap pa na nawala ka noon, kesa mahuli yung lisensya ko." Sumbat niya.

"'Yan ang nakakadismaya, we cared so much to the point that we're fucking lost souls in the end because we chose to be solicitous." He slapped his thigh in anger.

"Hindi ako matahimik, nakakapagod maghintay sa wala. Umaasa akong babalik ka sa akin siguro pag nakapahinga ka na, pero wala eh. Inabot ng taon kasi nga nagpapagaling ka pala," wika niya.

Inilalabas lahat ng hinanakit sa akin, tumulo ang luha ko. I felt so bad.

"Kaya hanggang ngayon hindi ko mapalitan yung code ng condo, kasi umaasa akong tulad ng pag-alis mo noon bumalik ka pagkauwi ko galing sa trabaho." Napahid ko ang luha.

"Hanggang sa nasanay na yung puso kong wala ka, nagmumukha na akong tanga." He wiped the tears that fell on his eyes.

"Jami, kung sinabi mo sana. Kung sinabi mo sana sa akin, sana hindi ka nag-iisa." Yumuko siya.

"Pero iniwanan mo 'ko ng masasakit na salita, hindi ako makalimot. Nakakabagabag." Napahid ko ang sariling luha habang nakikinig sa kaniya.

"Sorry."

"Sorry, h-hindi ko gustong ganoon ang mangyari." Mahinang sabi ko.

"Pero nangyari na, wala na tayong pwedeng sisihin. Tapos na," mahinang sabi niya.

"Wala ng mababago ang sorry, Jami. Wala na." Nanlulumo niyang sabi.

"Nangyari na, lumipas ang taon na hindi mo ginawang sabihin, ilang buwan na rin mula ng makabalik ka ngunit hindi mo nagawang masabi at mukhang wala kang balak." Mahinahon ngunit masakit ang dating ng sinasabi niya.

"We talked a lot of times, I asked you a lot of times, I gave you a chance for you to speak up but you are so stiff." He smiled bitterly.

"I pursued you to talk, we've been friends again for a lot of months. Ang daming oras, but you never did." Yumuko ako.

"Don't worry, I can still be a dad to Amato, but I can't see you the same way before." Malamig niyang tugon dahilan para lumamlam ang mga mata ko habang nakatitig sa kaniya.

"Sorry." Bulong niyang sabi.

"Your words before held me tight, that I can't l-love anyone. Because you're my most trusted person in this world Jami, but you broke me even if I am not a glass, I can't be built again." He stood up leaving me with those painful truths.

Naiwan ako sa kwarto, mag-isa, hindi ko alam ngunit ngayon ko lang napagtanto kung gaano sumama ang naging dulot ko sa kaniya.

Hindi ko dapat siya iniwan noon, dahil ako ang pinagkakatiwalaan niya sa lahat. Pero sinira ko 'yon at iniwan siya kasama ang mga salitang hindi totoo at masasakit pa.


Hindi ko siya masisi.


Makalipas ang isang oras ay tumayo ako at bumaba ng kama, sinuot ko ang sandals ko tsaka ako maingat at dahan-dahan na lumabas ng kwarto ngunit pagkaharap ko ay halos masapo ko ang dibdib sa gulat.

"Balik." Malamig na utos ni Yamato at sa lamig no'n ay napasunod ako kaagad.


N-Nandoon pa pala siya?


Akala ko iniwan niya na ako, hindi pa pala ako makakalusot.

Kinaumagahan ay nagising akong nasa tabi ko na si Amato at nakayakap sa akin ng pagkahigpit higpit.

"Gising ka na mommy?" Bumangon siya kaya ngumiti ako.

"Are you okay na?" I asked.

"Hmm, yes mommy. Nilipat po ako dito kaninang 6am." Ngumiti siya sa akin nang humalik siya sa pisngi ko ay niyakap ko siya.

"Si daddy po bumili breakfast, pwede na rin po ako umuwi and lola will take care of me mommy sa mansion." Ngumiti ako.

"That's great."

"Para po makabalik ka na sa work mo sa Cebu, I'm okay na po." Tumango ako.

"Yes baby."

Nang bumukas ang pinto ay tumayo na ako at pumasok ng banyo upang maghilamos, matapos ay inipit ko muna ang mahaba ko na buhok.

Sakto naman na nandito na si Yamato, inaayos niya ang binili. "Kumain na kayo," mahinang sabi ni Yamato.

"Hmm, thanks." Sinulyapan niya lang ako tsaka siya umiwas tingin.

Matapos kumain ay natigilan ako ng pumasok si mommy sa kwarto, "Kakausapin ka raw ni Athena." Ngumiwi ako.

"Okay mom," wika ko.

Inayos ko ang sarili, "Stay here, Amato." Maayos na sabi ko.

"Okay mommy."

Lumabas na ako at pumunta sa kwarto ni Athena, nang makapasok ay pinaningkitan ko siya ng mata.

Ngunit naalala ko ang sinabi ni Amato, lumapit ako at hinila ang silya sa tabi ng kama niya. "Ano 'yon?"

"Sorry talaga sa nangyari," nang abutin niya ang kamay ko ay wala akong nagawa kundi ngumuso.

"Alam ko naman na masasakit yung nasabi ko kagabi, alam mo namang hindi ko kakayanin kung wala si Amato." Nahihiyang sabi ko.

"Naiintindihan ko." Sa sagot niya ay tinignan ko siya.

"Bakit ka ba nawalan ng malay kagabi?" Tanong ko.

"Masama kasi pakiramdam ko Jami, hindi ko talaga gustong mangyari 'yon. Kaya pasensya ka na, h-hindi ko naman kukuhanin si Amato sa'yo dahil legal ka na niyang guardian." Napaiwas tingin akk at bumuntong hininga.

"Kung natatakot ka huwag ka mag-alala." Matipid siyang ngumiti.

"H-Hindi ko gagawin kung ano man ang kinakatakot mo, kaya pasensya ka na sa nangyari kagabi." Nanlulumo niyang sabi kaya wala akong nagawa kundi pumayag.

"Alright, Amato explained it already." Kalmadong sabi ko.

"Bakit ba hindi ka na babalik?" I asked.

"Sasabihin ko sa'yo pag malapit na," wala akong nagawa kundi tumango.

"Pero ikaw, ano ba nangyari sa inyo ni Yamato? A-Akala ko ay kayo pa." Bumuntong hininga ako.

"Nang magkaroon ako ng sakit sa puso, kinailangan ko umalis ng bansa para magpa-opera, hindi ko kayang sabihin sa kaniya yung tungkol sa sakit ko." Mahinang sabi ko.

"Alam mo namang board exam niya no'n." Bulong ko.

"Kaya pala," tumango siya.

"Naiintindihan ko." Dagdag niya.

"Sana ay maayos niyo pa," she added and sighed.


Makalipas ang araw ay napagdesisyonan ko na isama si Athena at Amato sa Cebu, tutal chopper naman ang gagamitin ay hindi na mahirap.

Sinabay na namin si Yamato na malamig ang trato sa akin, pagkarating ay namangha si Athena sa lugar.

"Ang ganda," nakangiting sabi niya.

"Tara na sa ibaba, magkatabi lang naman ang kwarto natin." Sabi ko pa, tahimik lang si Yamato na binuhat si Amato kaya lumunok ako ng husto.

Pagkarating sa floor namin ay hinarap ko sila, "Amato, you can enter my room pero I want to sleep so don't knock and just enter on your dad's room." I reminded.

"Okay mommy." Paalam niya at humalik sa pisngi ko habang buhat siya ng daddy niya.

"Athena, text mo 'ko kung may ganap." Paalala ko.

"Yes, Jami." Pumasok na ako sa kwarto ko dahil sa pagod, inalis ko ang sandals ang tsaka ako pumasok sa banyo upang maghugas ng kamay.

Tsaka ako tumalon sa kama at niyakap ang unan sa ilalim ng makapal na kumot dahil sobrang lamig sa kwarto ko. Pagkapikit ko ay ramdam ko na talaga ang bigat ng talukap ng mga mata ko.

Naalimpungatan ako ng may gumigising sa akin, "Mommy, aalis raw po kayo ni daddy for a meeting sa dinner. Gumising ka na raw po." Inaantok akong nagmulat tsaka ako naupo.

"Kanina ka pa nandito baby?" I asked.

"Pabalik balik po ako dito, nasa room po si daddy sa kabila. Kasama niya po si Tita Athena." Nanlaki ang mata ko.

"A-Ano? B-Bumalik ka na doon, manggulo ka." Nanlaki ang mata niya.

"Okay mommy! Ligo ka na po." Ngumiti ako ng sumunod siya kaagad walang katok-katok na pumasok sa loob ng kwarto.

Ginawa ko naman ang sinabi niya, matapos ko maligo ay lumabas na ako ng nakabihis. Kumatok ako sa pinto ni Yamato. "I'm good to go," I announced.

"Okay, we needed to go. Let's continue our conversation later," wika ni Yamato kay Athena.

"Yeah, sure." Sagot naman ni Athena maya bahagya akong ngumuso.

"Baby, aalis na si mommy." Lumapit si Amato sa akin at humalik sa pisngi ko.

"Ingat mommy, doon po muna kami sa room ni tita." Paalam ni Amato.

Nagpaalam rin siya sa daddy niya kaya nauna na ako lumabas, habang naglalakad ay nakasunod naman si Yamato. Hawak ko lang ang handbag ko.


While walking to the elevator, I received a call from Kenny so I answered, "Yes Kenny?"

"Can I meet you first? Alone, Jami. If it's okay, I have important things to discuss." Nangunot ang noo ko.

"Ah, alone? Okay sure. Saan mo ba gusto?"

"I'll fetch you in front of the hotel. I need to talk to you for 15 minutes, if it's fine?" He sounded desperate.

"Okay, Kenny. Palabas na rin ako ng hotel with Engr. Lapiz." I updated.

"Okay. I'm already here," wika niya sa kabilang linya.

"Okay, I'll hang up now." Pinatay ko na ang tawag at sinulyapan si Yamato na hindi ako sinusulyapan.

"Kakausapin ko muna si Kenny, mauna ka na sa venue sa kaniya na ako sasabay." Nasulyapan niya ako ng salubong ang kilay at magkalapat ang labi.

"Okay." Matipid niyang sagot.

Napanood ko pa siyang ayusin ang belt niya tsaka relos, nang makalabas ng hotel ay nakita ko si Kenny na bumaba ng sasakyan niya. "I'll borrow her for a minute, Engr. Lapiz. Mauna ka na sa venue." Nakangiting sabi ni Kenny.

"Yeah. Sure." Mahinang sabi ni Yamato, kaya naman lumapit na ako kay Kenny at sumakay sa sasakyan niya ng pagbuksan niya ako ng pinto.

Nang makaalis ang sasakyan namin ay natanaw ko si Yamato na prenteng sinundan ng tingin ang sasakyan. "So what are we going to talk about?" Nalingon ako ni Kenny sandali.

"I need your help, kahit ngayong araw lang. My grandmother wanted me to introduce a girl, pwede mo ba ako sabayan?" Lumunok ako.

"T-Talaga?" Gulat na sabi ko.

"Ayoko pang ikasal sa iba, pag alam niyang wala pa akong girlfriend p-panigurado ipagkakasundo niya ako. Hindi pa bumabalik yung girlfriend ko talaga." Napalunok ako.

"Akala ko ba ex?"

"Hindi naman kami naghiwalay, kusa lang siyang nawala 'di ba?" Napatango ako sa dahilan niya.

"Please, I'll make this project your permanent project with Engr. Lapiz." Sa alok niya ay nasamid ako.

"Hanggang pagkatapos lang ng dinner," pakikiusap niya pa.

"B-Baka bumalik pa yung girlfriend ko sa akin," ngumuso ako sa malungkot niyang itinuran.

"Ano ba hitsura niya? Patingin muna? Pag nakita ko papayag na ako." Natigilan siya, nag-aalangan.

Bumagal ang pag-drive niya, "It's a secret between us." Seryosong sabi niya at nang i-abot niya sa akin ang cellphone niya ay nakabukas na 'yon.

Ngunit nang makita ang litrato ay nanlaki ng bahagya ang mata ko, dahil kilala ko kung sino yung nasa picture!

Oh my gosh.

'Di nga?





///

@/n: Any thoughts? Abang-abang next chapter hehehe.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro