Chapter 53: Actions Are Louder
Chapter 53: Actions Are Louder
Liezel Jami's Point Of View.
Dahil doon ay hindi na ako gaano umimik, bigla akong nahiya, napuno ng pamumula ang mukha ko sa naging sagot niya.
Mabilis rin kaming nakarating sa Cebu, pagkarating ay sa iisang hotel na lang kami nag-check in, after he checked in for 2 rooms inaantok kong nasapo ang bibig sa paghikab.
"Oh," he handed me my key cards and gestured to me to follow since our rooms are just beside each other.
Pagkarating sa 6th floor ay binuksan ko na ang kwarto ko, "Bukas na lang Engr. Lapiz," paalam ko.
"Matutulog ka na?" He asked while opening his suite.
"Oo, 'di ko na kaya yung antok. Goodnight," sa muli ay humikab muli ako. Mahina naman siyang natawa, mabuti at nagtatakip ako ng bibig.
"Good night." Matipid siyang ngumiti kaya tumango ako at pumasok na sa loob, ganoon rin naman siya pagkapasok ay humilata ako kaagad sa kama.
Inalis ko ang mga sandals ko tsaka ako naglakad papunta sa bathroom, ngunit pagkapihit ko ay nagtaka ako ng naka-lock 'yon.
Kaya naman kinatok katok ko, ngunit nanlaki ang mata ko ng bumukas 'yon at makita ko si Yamato.
"Oh? B-Bakit k-ka nandiyan?!" Gulat na sabi ko.
Nang matignan niya ang paa ko ay huminga siya ng malalim, "It's a go through two-room. The only ones available." He stated.
"Ah, akala ko bathroom." Napapahiyang sabi ko.
"Doon yung bathroom mo," turo niya sa likod ko at doon ko lang napansin 'yon.
"Thank you, sorry." Paalam ko at tsaka sinarado na ang pinto, natatawa siya at sinarado na rin 'yon.
Naligo na ako bago ako humilata sa kama at tinawagan si Amato, "Hello mommy," panimula niya.
"Are you sleeping already? Where's your tita?" I asked.
"I'm with lola, mommy. She took me in her cafe, natutulog na po si tita eh napagod raw po siya." Kwento niya sa akin, mabagal siya magsalita eh.
"Okay baby, ingat ka diyan."
"Si daddy po? Pwede po makausap? Hindi niya nasasagot tawag ko eh mommy." Hula ko ay nakanguso 'to ngayon.
"Sandali, pupuntahan ko." Tumayo ako at sinuot ang slippers ko, kumatok ako sa pinto na 'yon, sakto namang binuksan niya.
"Why?" He asked, basa ang buhok at tinutuyo ang buhok niya gamit ang twalya niya, gwapo naman jusko.
"Si Amato, kausapin ka raw. Oh." Napaatras ako ng kuhanin niya yung cellphone ko at pumasok sa room ko, lumunok ako ng nakangiti niya kaagad na kinausap si Amato.
Umawang ang labi ko ng wiling wili pa siyang naupo sa sofa ko, legs were widened and his elbows were resting on the elbow rest on the corner of the sofa.
"Your mom already took the medicine, no worries, what do you want for pasalubong?" Maingat akong naglakad sa kama ko at nakinig sa usapan nila.
"Yes baby." Sa sagot niya ay napatingin pa siya sa akin.
"Your mom will go home first, matagal pa ako uuwi. Don't worry, iipunin ko yung toys na gusto mo." Humiga ako sa kama, opposite to the headboard and stared at him.
"I'll stay here for a month, daddy has a big project but we'll see anak." Niyakap ko ang unan tsaka ako pumikit.
Tagal nila mag-usap.
Naalimpungatan ako nang tuluyang makatulog kagabi, oh my gosh! Pumikit lang naman ako ah?
Napalunok ako ng maayos ang kumot ko at may unan na ako sa uluhan, inayos niya? O inayos ko 'di ko lang maalala?
Yung cellphone ko naman ay nasa desk ko na, 6am? Maaga pa naman, nag-ayos na ako ng sarili ko dahil kailangan ko pa i-meet yung kumuha sa akin for this project.
Nang maayos ang sarili ko ay natigilan ako ng may mag-pop up sa cellphone ko and its Yamato.
@yummito.lapiz: They're waiting for you, pucha. Ikaw pala kikilatis sa gawa ko.
@jams.liezel: Really? Eh mas magaling ka sa akin ah?
@yummito.lapiz: Punta ka na, hindi ko alam na kasama ka dito, akala ko ibang company.
@jams.liezel: Okay wait.
Nagmadali akong pumunta doon, nang makarating sa restaurant sa baba ay nakita nila ako kaagad ay ngumiti sila bukod kay Yamato na seryoso at abala sa cellphone niya.
"Good morning, I'm sorry for being late." I smiled.
"No, we're just early." Nakangiting sabi ng mga ito, seems like may mga lahi sila. Two grown men and one old man.
Yung dalawang adults ay nasa 30's I guess, and their grandfather are on his 70's.
"He's Engr. Lapiz, you'll check if he did right, please be honest as we needed that feedback from you." Panimula ng isang lalake.
"We found out from Architect Garcia that you're also a great engineer, your brother right?" Ngumiti ako at tumango.
"Yes, my older brother."
"He's the architect of this project." Napatango-tango ako.
Savior talaga ang gwapo kong kuya, hehehehe.
"Oh, that's great. While Engr. Lapiz, big deal siya sa industry na 'to and it's a pleasure na naging engineer ka namin." Ngumiti si Yamato.
"Sure."
"So let's eat while talking about the project?" Sumangayon kami, habang nagk-kwento yung around his 30's ay nasusulyapan ko siya kasi panay siya tingin sa akin.
"By the way, my apo is still single if you're interested." Sa sinabi ng lolo nila ay nasulyapan ko ang tinutukoy niya at sinuri.
Gwapo naman, matipuno at maayos ang pananamit, mukhang business man ang datingan lalo na sa suit na suot niya ngayon.
Hindi siya masakit sa mata at maayos rin gumalaw, hindi ganoon kayabang. "Lolo, don't be like that. I'm 28 years old and to my guess she's like 22?" My eyes widened a little.
"No, I'm 24 turning 25." Ngumiti ako.
"See, apo. 3-4 years age gap." Their grandfather smiled.
Mahinang natawa yung apo niya na 'yon, "Kenny is a good man, his last relationship was 3 years ago." Nang sabihin 'yon ay napatikhim ako.
Same-same..
"Ito namang isa ay may asawa na, 'yang isa kasi ay pahikan." Ngumiti ako at tumango.
"Don't mind him, Engr. Garcia. He's just joking and wanting me to be married." The Kenny man stated.
"It's okay, ganiyan talaga ang mga lolo and lola." I joked.
Napasulyap ako kay Yamato na seryoso ang mukha, kumakain ng mashed potatoes. "How about you Engr. Lapiz? Do you have a girlfriend?" Kalmadong tanong ng lolo no'n.
Mababait naman sila. "I don't have a girlfriend, sir." He answered.
"Really? How old are you Engr. Lapiz?" Maganda ang ngiti ng lolo nila, sobrang bait talaga.
"I'm 26 years old, sir." Ngumiti si Yamato.
"And you're that successful, I'm so amazed. Paniguradong proud na proud sa'yo ang family mo." Nag-usap sila at nanatili akong kumakain.
Habang nag-uusap sila ay napabaling sila sa akin, "Engr. Garcia, please try getting to know my apo para sumaya-saya naman ang buhay niya." Pagbibiro ng lolo nila.
Umiling iling si Kenny, "Seriously, don't mind him. He's joking." Sabi pa nito kaya natatawa akong tumango.
Matapos kumain ay tumayo na ako, muli ay nakipagkamay ako sa kanila, kahit kay Yamato na kilala ko naman na. "Let's go to the site?" Sumunod kami ay ng makasakay ng van ay nakatabi ko si Yamato.
"Gamot mo." Bulong niya, lumunok ako at naalala 'yon.
"Mamaya siguro," mahinang tugon ko rin.
"Wala ka water?" He asked.
"Hmm, I forgot to bring a water bottle or tumbler." Sobrang bulungan lang kaming dalawa dahil nasa pinakalikuran kami.
May music rin kaya hindi kami gaano maririnig, "Oh." Natigilan ako ng ilagay niya sa kamay ko ang Stainless steel Vacuum insulated tumbler.
A 500ml one.
"Always ready?" Bulong ko, ngumiwi siya at umiwas tingin na lang.
"Uminom ka na," mahinang sabi niya kaya binuksan ko ang bag ko at kinuha ang medicine bag ko at tsaka ako uminom ng gamot.
Nang makainom ay sumandal na ako, pagkarating sa site ay inabutan kaagad kami ng helmet as the construction are already on going. Pina-suot ko rin ang dalawang magkapatid.
"No matter what happened, huwag na huwag niyong aalisin 'to." Yamato reminded them.
"Inside the construction site is deadly, without this maraming pwedeng mahulog." Paalala ni Yamato.
"Thank you for your caution." Nakangiting sabi ng dalawang magkapatid.
"Engr. Garcia." Kinuha ko 'yon tsaka ko sinuot.
"Thanks."
"Tara na?" Anyaya ni Yamato at siya ang nag-lead ng way, nakasunod lang ako habang ang kamay ko ay nasa likuran ko dahil iniwan ko na ang bag ko sa van.
Tanging water tumbler lang ang dala ko at ang cellphone na nakabulsa sa fitted pants na suot ko, kalmado naming nilibot ang first floor ng site.
Medyo nahirapan ang dalawa ngunit gamay na ako sa ganito, depende na lang pag naka-heels. Habang naglalakad ay tumitingin ako sa daan, maraming materials ang nakakalat and tool— "Ayyy!"
Halos matapilok ako sa bakal na nasa daan ngunit nahawakan kaagad ni Yamato ang braso ko. "Ingat," salubong ang kilay niya at tsaka itinayo ako ng maayos.
"Pwede ka masugat diyan," masungit niyang sabi kaya huminga ako ng malalim at umayos ng tayo.
"Sorry. Iniwasan ko yung isa, meron pa pala." Nahihiyang sabi ko.
"Do you need a hand Engr. Garcia?" Kenny asked.
"N-No, I'm good. Nabigla lang, sorry." Maayos itong ngumiti tsaka tumango.
"Careful then," he calmy said, nang tignan ko si Yamato ay salubong ang kilay na iniiwas ang mga bagay na nadadaanan namin.
Init talaga ng ulo niya basta nasa site, literal siyang HEAD engineer.
Hot-headed nga lang.
Hot head engineer rin, hehehe.
May kinausap si Yamato na construction worker, about the materials and the things they needed. "This is my number, we called each other already right? Last month?" Inabot ni Yamato ang business card niya.
Pasimple akong sumilip ng maayos niya na at matapos kausapin, inaayos niya ang business card niya sa wallet kaya pasimple at mabilis ako kumuha.
"Penge." Nangunot ang noo niya at tinitigan ako.
"Bakit?" Kunot noo na tanong niya.
"Text mate lang." Pagbibiro ko dahilan para bahagyang magitla ang mukha niya ngunit umiwas tingin siya.
"I-text mate mo si Kenny." Natigilan ako sa sinabi niya, ang seryoso ha? Ayaw sa joke?
"Bakit?" Tanong ko.
"Parehas kayo single, 'di ba?" Umawang ang labi ko.
"Oo, pero—"
"Mukhang mabait naman eh," dagdag niya kaya nasulyapan ko sila Kenny at ang kapatid niya na tahimik at kinakausap ang ibang workers.
"3 years last relationship." Pag-alala niya sa mga impormasyon.
"Business man, bagay kayo." Matipid niyang sabi at tinalikuran na ako.
"Luh?" Pinanood ko siyang maglakad papalapit sa iba pang workers.
"Are you okay, engineer?" Nalingon ko si Kenny at ang kapatid niya na lumapit.
"Yes, I'm good. The site started well and neat." Nakangiting sabi ko.
"Single ka raw, 'di ba?" Nakangiting tanong ng kuya niya.
"Yes." Nahihiyang sabi ko.
"Kenny, galaw-galaw." Siniko nito ang kapatid niyang si Kenny na nakangiwi.
"Huwag mo sila pansinin, magkamukha kasi sila ni lolo. Mukhang matanda." Nagitla ako sa asaran nila, mahinang natawa.
Gwapo rin naman ang kuya niya, magandang lahi. "Alam mo kasi Engr. Garcia, of course you don't know yet but his girlfriend broke his heart three years ago." Napatango ako sa kwento ng kuya ni Kenny.
"Kuya, dapat pa ba i-kwento 'yan. You're making her uncomfortable." Nahihiyang sabi ni Kenny.
"Imagine, ang gwapo-gwapo tapos sasaktan lang? Iniwan ng walang pasabi at bigla na lang naglaho na parang bula." Ngumiwi si Kenny inaawat ang kapatid.
"Huwag mo na pansinin Engr. Garcia." Seryosong sabi ni Kenny kaya tumango ako.
"It doesn't bother me, no worries." Mahinahon na sabi ko.
"Edi be friends? Reto mo sa friends mo Engr. Garcia." Pagpilit ng kapatid niya.
"Kuya." Sita ni Kenny.
"Eh si Engr. Lapiz? Gwapo oh, kay gandang lalake." Tukoy ng kapatid ni Kenny.
"Kuya Timmy naman." Reklamo ni Kenny.
"Bakla ka ba?" Nanlaki ang mata ng Timmy na kapatid ni Kenny.
"May asawa na ako, hibang." Pinagkrus ni Kuya Timmy ang braso niya.
"Oh, ba't gwapong gwapo ka sa lahat?"
"Eh single si Engr. Garcia, gusto ko lang naman sumaya siya." Natawa ako sa dahilan ni Kuya Timmy.
"Let's have a drink before you leave, with Engr. Lapiz." Sabi ng kuya ni Kenny.
"I'll make sure that she'll come back," natatawang sabi ni Kuya Timmy.
"Let's not be formal pag wala si lolo, we're just young adults who want to have some normal friends you know." Kuya Timmy said.
"Kuya na lang sa akin, tas kay Kenny, Kenny na lang." Ngumiti ako at tumango.
"Great then, Jami na lang sa akin." Nakangiting sabi ko.
"Well, Engr. Garcia at the site, but outside, sure." Nakangiting sabi ni Kuya Timmy.
How friendly.
Nang tumunog cellphone ni Kuya Timmy ay proud siyang pinakita 'yon dahil yung wife niya, "Ganda 'no? Sagutin ko muna." Paalam niya.
I like how proud he is of his wife, ibig sabihin no'n he's really devoted to her.
"Mabait naman 'yon si Kuya Timmy, minsan lang feeling kupido." Nahihiya at natatawa na sabi ni Kenny kaya ngumiti ako.
"Halata naman," I responded.
"May gagawin pa tayo dito?" Natigilan kami ng salubong ang kilay ni Yamato na lumapit.
"Ikaw ba Engr. Lapiz," sangayon ni Kenny.
"Let's have a dinner later," biglang dumating si Kuya Timmy.
"Sure, I'm in." Kalmadong sabi ni Yamato.
"That's great, engineer! So ikaw, Engr. Garcia? You in?" Ngumiti ako at tumango.
"Sure."
"Wala naman akong choice." Mahinang sabi ni Kenny at pinagpag ang suot niyang pantalon.
Nang matapos sa site ay hinatid kami sa hotel, well naging service namin ang van hanggang nandito kami. Habang naglalakad kami papunta sa rooms namin ay tahimik si Yamato.
"Dito ka na pumasok," turo ko sa pinto ko.
"'Di na." Mahinang sabi niya.
Ngumuso ako at pumasok na sa kwarto, pagkapasok ay humilata ako ng deretso. Isinipa sipa ko ang sandals ko at tsaka ako umangat sa kama.
"Engr. Garcia." Ngumuso ako at dumapa.
"Pasok!"
Nang bumukas ang pinto ay sinilip ko siya, "Bakit?" Inaantok ko na sabi.
"Inaantok ka?" Gulat niyang tanong.
"Bawal ba?" Nakanguso na sabi ko.
"Magbihis ka na, may pupuntahan tayo." Nanlaki ang mata ko at napabangon.
Napatitig siya sa akin, "Saan tayo pupunta?" Excited na sabi ko.
"Mall." Seryosong sabi niya.
"Para saan?" Nakakunot noo na sabi ko.
"Ayaw mo?" He asked.
"Saan nga muna?"
"Mall nga." Sagot niya.
"I mean para saan?"
"Si Amato, bibilhan ko." Ngumisi ako at tumango.
"Sige na, labas. Magbibihis ako," pasimple niya akong inirapan tsaka siya tumalikod at lumabas.
Awtomatiko niya pang ni-lock 'yon kahit 'di ko inutos, cute. Nagbihis ako ng comfortable para deretso na kami mamaya sa dinner.
Hinawakan ko ang buhok ko, ang haba na, magpapagupit ako pag na-reject ako pag umamin ako. Matapos ay nag-suot lang ako ng comfortable sandals.
"Tapos na ako," katok ko sa kabila.
"Yamato! Papasok ako!" Malakas na sabi ko at binuksan ang pinto.
"Huwag!" Ngunit nakapasok na ako at halos malaglag ang panga ko ng gulat niya akong malingon na naka-boxer shorts lang siya at wala ng iba pa.
Hindi ko sinasadyang pinasadahan ng mabilis ang katawan niya bago ako tumalikod.
G-Grabeng katawan.
"Sorry!" Mabilis na sabi ko, naramdaman ko ang pag-init ng mukha sa nakita.
"Kulit kasi, sabing huwag." Rinig kong sabi niya.
"Sorry!" I added, trying not to stammer.
Napapikit ako kahit wala na siya sa harap ko. Ilan yung abs niya? Walo 'di ba? Kasama— Liezel Jami!
Halos masampal ko ang sarili tsaka ako bumalik sa kwarto ko, nanghihina akong umupo sa kama. Tulala at hindi alam ang gagawin.
Hindi ko maalis sa isip ko, hindi ko makalimutan ang nakita! Mahihimatay na yata ako.
I mean nakita ko na 'yon noon, pero mas gumanda yata ang katawan niya, m-may V-line pa!
I can't, I can't move on!
Nang matapos siya ay hindi na ako pumasok sa kwarto niya sa sobrang hiya, kumatok siya sa pinto. "Pasok." Mahinang sabi ko.
"Tara na?" Tanong niya, sinusuot niya ang relos niya ngayon. Tanging black slacks at white polo shirt lang ang suot niya, sobrang clean.
Balenciaga shoes and there's sunglasses hanging on his shirt, it was a clean tucked in and freaking clean body.
It feels like I can see through those clothes. "Jami, give me a response." Napapahiya akong umiwas tingin.
"T-Tara." Nagpauna ako.
"Bag mo." Turo niya.
"Ah yeah." Kinuha ko ang sling bag tsaka ako lumabas.
"Cellphone—"
"Oo na, oo na." Bulong ko at bumalik sa loob tsaka namumula ang mukhang lumabas ng kwarto.
"Kailan tournament mo?" Tanong niya habang naglalakad kami.
Sa sobrang tahimik niya ngayong amsa elevator lang siya nagsalita ulit, "N-Next week."
"Ah, okay." Tumango ako.
"Manonood ka?" I asked.
"Bakit?" Sa balik tanong niya ay napaayos ako ng tayo.
"Tinatanong ko lang," wika ko.
"Hindi, nandito pa ako sa Cebu no'n." Kalmadong sabi niya.
Nanlumo ako, wala naman akong magagawa at tama siya nasa Cebu siya no'n may trabaho. At bakit naman siya manonood? Wala naman kaming relasyon.
We went there using a taxi, pagkarating sa mall ay sa toy store kaagad kami pumunta, may hawak-hawak siyang cart, tulak-tulak niya.
Naglalakad lang ako kasunod siya, marami siyang napipi at sa box naman 'yon nilagay. Buhat niya tuloy 'yon. "Gusto mo maglaro?" Sa tanong niya ay walang gana ko siyang tinignan.
"What game?" I asked.
"Sa arcade." Umiling ako bilang sagot.
"How about you practice your archery skills?" Dahil sa sinabi niya ay hindi ako makatanggi.
"Tara." Anyaya ko.
After we signed up, pumasok na kami, left the toys in the locker. Mukhang alam niya na kung paano mag-suot ng mga 'yon.
Nang mai-suot ay tahimik akong umasinta, hindi siya pinapansin, paano ako gaganahan kung hindi siya manonood sa tournament ko?
Habang pumapana ay napatigil ako at nalingon si Yamato ng bigla siyang dumaing, "Napano ka?" Itinayo ko ang bow, at lumapit.
"Hindi okay lang." Iniiwas niya ang pulsuhan kaya mabilis kong inabot 'yon.
Huminga ako ng malalim ng masugatan 'yon, "Pumitik ba pabalik?" Kinuha ko ang panyo sa bag ko at tsaka ko tinakpan 'yon.
"Jami, I'm okay—"
"Masakit ba?" Nag-aalala na tanong ko.
I used my handkerchief as a bandage to stop the bleeding while putting a little pressure on his little wound.
"Hindi naman, nabigla lang." Tinignan niya ang pulsuhan, hinawakan ko 'yon tsaka ako napalinga.
"Sandali, alam ko may emergency med kits sila rito, kukunin ko lang." Tatalikuran ko na sana siya pero mabilis niyang hinawakan ang braso ko.
"Okay lang, maliit na bagay." Napatitig ako sa kaniya na seryoso ang mukha.
"Okay na 'to." Tukoy niya sa panyo.
"Kaya ko, salamat." Marahan niyang binitiwan ang braso ko kaya pinanood ko siyang inihipan ang may panyo.
"Sure ka?" Tanong ko.
"Hmm, thanks." Ang seryoso niyang titig ay tila kinikilatis ang buong pagkatao ko, nakakakaba ngunit natutuwa ako sa titig na 'yon.
"Okay." Tumango ako.
Matapos namin sa station ay umalis na kami, para bumalik sa hotel dahil doon kami susunduin. Dumeretso na siya sa hotel niya dala ang kahon, gusto ko sana gamutin ang sugat niya.
Pumasok ako sa banyo hinahanap ang emergency kit, nang makita 'yon ay kumatok ako sa kwarto niya. "Pasok." Rinig kong tugon niya mula sa kabilang banda ng pinto.
Nang lingunin niya ako ay nangunot ang noo niya, "Ano 'yan?"
"Para sa sugat mo," mahinang sabi ko.
"Kaya ko na—"
"Ako na." Pala-desisyon na sabi ko at naupo sa tabi niya sa mismong kama niya, hindi na nag-isip.
Nang ilahad ko ang kamay ko ay ayaw niya pang ibigay ang kaniyang pulsuhan, "Parati na lang kamay mo ang nasusugatan." Sermon ko at kinuha 'yon.
Inalis ko ang pagkakatali ng panyo, huminga ako ng malalim ng makita ko na fresh pa ang sugat doon, tila hiwa. Kinuha ko ang panlinis ng sugat at mabilis na inilagay 'yon sa bandang pulso niya.
"Shit." Nang masakit 'yon ay napamura siya at umiwas tingin.
"Sorry."
"Ganiyan talaga," mahinang dagdag ko pa at kumuha ako ng cotton to dab his wound.
"Medyo masakit 'to ha," paalala ko at kumuha ako ng cotton buds upang maglagay ng ointment.
"Aray— akala ko ba medyo, pucha." Napa-ihip siya sa hangin at gusto ng bawiin ang kamay ngunit napailing na lang ako.
Yung mura niya, hindi naman sa tanga ako pero ang ganda pakinggan, masasabi kong bagay.
Nang matapos ay gumamit ako ng bandage para hindi rin mabasa ang sugat niya, nirolyo ko 'yon sa pulsuhan niya.
"Okay na." Salubong na salubong ang kilay niya, parang sakit na sakit.
"Mas mabilis gagaling 'yan," mahinahon na sabi ko.
"Hmm. Salamat." Mahinang tugon niya.
"Balik na ako," wika ko.
"Ha?" Nagkatinginan kaming dalawa kaya nangunot ang noo ko.
"Babalik na ako sa kwarto ko." Turo ko.
"Ah." Tumango siya at tumalikod sa gawi ko.
Bakit siya nag-ha?
Hakdog?
Nang dinner time na ay nagkusa na lang ako bumaba, dahil mukhang wala sa mood si Yamato. Ang sungit eh.
Pagkarating sa restaurant ay sinalubong ako ng dalawang magkapatid, "Si Engr. Lapiz?" They asked.
"Nandoon pa siguro." Sagot ko.
"Nandiyan na pala oh," napalingon ako. Seryoso siyang lumapit sa amin, may hawak rin siyang wine.
"I heard this taste great," tukoy niya at inabot 'yon.
"Thank you Engr. Lapiz." Nakangiting sabi ni Kuya Timmy.
"So let's go?" Kenny asked, naupo naman na ako since round ang table.
Pasimple kong tinitigan si Yamato na seryoso, salubong ang kilay at halata na wala talaga sa mood. Kanina pa siya ganiyan ah?
"Seafood, steak, vegetables, fruits, dessert." Pag-ulat ng server namin at isa-isa na inilagay ang foods sa harapan namin.
Apat lang kami ganiyan karami?
"T-bone steak," inilagay 'yon sa tabi namin.
After that, binigyan kami ng wine glasses and Kuya Timmy insisted on opening the wine. He poured into our glasses and we had a sip.
Nang masarap 'yon ay napangiti ako, "Great choice." I announced.
"I agree." Matipid na ngumiti si Yamato at tsaka kami nagsimulang kumain na.
After we ate our food, we continued drinking para maubos yung wine. "So, can we talk about personal lives?" Kuya Timmy stated.
"Sure," Yamato answered.
"Kuya, 'yan ka na naman." Reklamo ni Kenny.
"Pumayag nga si Engr. Lapiz, ang killjoy mo 'no?" Mahina akong natawa sa usapan nila.
"Since Engr. Lapiz agreed first, can I ask a very personal question?" Napatitig ako kay Kuya Timmy sa sinabi niya.
"Sure, I'll see what answer I can give you." Yamato rested his elbows while staring at Kuya Timmy.
"What do you prefer? American Eagle, Calvin Klein, Balenciaga?" Napalunok ako.
Matunog na ngumisi si Yamato, "Balenciaga." Natawa si Kuya Timmy.
"Same, same, sobrang comfortable, matutuwa pa si missis." Nanlaki ang mata ko at napainom ng wine, and Kenny look so pissed with his brother.
"Hindi, seryoso na nga. Wala ka talagang girlfriend?"
"Kuya, inugali maging chismoso." Bulong ni Kenny.
"Wala eh, maaga nagmahal kaya ngayon nahuhuli." Mahinang tawa ang kasabay no'n sa sagot ni Yamato.
"Maaga? Naka-ilang girlfriend ka Engr. Lapiz?" Nang mapaisip si Yamato ay tumikhim ako ay uminom muli.
"Dalawa lang." Sagot ni Yamato.
"Ay, mukhang pangmatagalan ka 'no? Gaano katagal yung huli?" Tanong ni Kuya Timmy.
"3 years mahigit." Matipid na sagot ni Yamato.
"Ay sakit, mas masakit 'yon, Kenny tatlong taon oh, tapos yung sa'yo mas mahaba pa yung pagm-move on mo kesa sa relasyon niyo." Natatawang sabi ni Kuya Timmy.
"Kuya naman," reklamo ni Kenny.
"It's not always about how long the relationship lasted, maybe he loved his ex-girlfriend so much?" Yamato wondered.
"I agree." Sangayon ni Kenny kay Yamato.
"Kuya, doon ka na. Bogus ka." Napangiti ako sa kanila.
"Sabagay, oo nga naman." Sumangayon na rin si Kuya Timmy sa sinabi ni Yamato.
"Pero paano ka ba iniwan no'n?" Tanong ni Kuya Timmy.
"Wala, biglang nawala, 'di na nagpakita sa akin." Mahinang sabi ni Kenny.
"Paano mo ba nakilala?" Tanong ni Kuya Timmy.
"Parang 'di mo naman alam," bulong ni Kenny.
"Para malaman nila." Ngiwing sabi ni Kuya Timmy.
"Wala, nagkita lang kami, I liked her, she asked for help, I gave everything she needed, she became my girlfriend after 2 months. We lasted for 5 months." Lumunok ako.
"Ganoon kasimple," wika ni Kenny.
"Tapos 'di ka pa rin nagkaka-girlfriend? Grabeng pagmamahal 'yan." Ngumiwi si Kenny.
"Hindi naman, natakot lang ako." Sagot niya pa, sumandal siya sa kinauupuan.
"Hindi rin biro maiwan ng walang paalam, hindi ko alam kung saan siya hahagilapin, hindi ko nga alam yung dahilan kung bakit." Ngumuso ako sa kwento niya.
"Mahirap rin naman siguro para sa kaniyang umalis, lalo na kung minahal ka rin niya." Sa sinabi ko ay napatingin sila sa akin lahat.
"Hindi naman porket umalis ng ganoon kadali ay madali na, paniguradong ilang gabi rin siyang nabagabag kakaisip." Matipid akong ngumiti nakatitig sa wine glass ko.
"I know," mahinang sabi ni Kenny.
"Maybe she have a reason why she left me, hindi ko alam kung ano, pero sana kung babalik siya, sana kahit hindi niya na ako balikan, kahit sabihin niya na lang ang dahilan." Napatitig ako kay Kenny.
"Maybe someday, she'll be back with reasons." Nakangiting sabi ko.
"But that doesn't mean she'll come back to you, we all know we can't guarantee that," anas ko sa kanila.
"May punto." Sangayon ni Kuya Timmy.
"Yung wife ko, naghiwalay kami for like a year pagkabalik niya wala ng atrasan, pinakasalan ko na." Tumawa si Kuya Timmy.
"Magpapasikot pa ba ako? Doon rin naman ang uwi namin, balikan. Bakit? Mahal ko eh, pwede naman ligawan ulit para mahalin ako ulit kung wala na." Napangiti ako sa sinabi niya.
"Love will only work once with one person, but that once will be always once when it comes to the right person." Ngumiti si Kuya Timmy sa sinabi niya.
"Ilang beses mag-aaway, ilang beses magtatalo, ilang beses maghihiwalay, once it always work, maniwala ka. Mapapagod rin ang problema kakaayos niyo, ending sila na susuko at kayo na." Tila inaalala niya ang ala-ala nila ng asawa niya.
"Mga single pala kayo, sorry." Natatawang asar niya.
"How about you Engr. Garcia? Ilan na naging boyfriend mo?" Napatitig ako sa kaniya.
"Isa." Nahihiyang sagot ko.
"Tapos wala pa ngayon? Wala ka pa rin naging bago pagkatapos niya? Pustahan. Mahal mo pa 'no?" Nanlaki ang mata ko at masamid.
"H-Hindi naman sa ganoon, n-nagf-focus lang ako sa future ko." Pagsisinungaling ko.
"Sus, parehas kayo ni Kenny. Kayo na lang kaya?" Natatawang sabi ni Kuya Timmy.
"Ayoko sa 'di pa nakaka-move on." Sagot ko.
"I mean, ayoko maging rebound." Paglilinaw ko.
"Eh mahiya pa kayo, gawin niyo ng rebound ang isa't isa." Kuya Timmy stated.
"Kuya, pag hindi pa handa ang isang tao, hindi pwede pilitin or else everything will be a mess." Kenny stated with confidence.
"'Di ba, Jami?" Tumango ako sa sinabi ni Kenny.
"Totoo."
"Eh sino ba 'yang mga ex niyo at hirap na hirap kayo magsi-move on?" Ngumiwi ako.
"Hindi nga sa sinasabi kong hindi pa ako nakaka-move on, b-busy lang." Naiilang na sagot ko, nandito ex ko oh.
"Eh ganoon na rin 'yon, Jami. Bakit single ka pa rin? Hindi ka nagkakagusto sa iba? Kasi hinahanap hanap mo yung katulad niya." Nag-init ng husto ang pisngi ko.
Naririnig ko ang pagtikhim ni Yamato. "Kumbaga sa lahat ng lalakeng handa kang paibigin, katangian at pagmamahal ng ex mo ang hinahanap mo sa mga lalakeng 'yon." Pasimple ko na nahilot ang sintido.
"H-Hindi ah." Deny ko.
"Huwag mo na i-deny, ganiyan rin ako. Aminin mo na, wala namang makakaalam, wala yung ex mo rito." Nakangising sabi ni Kuya Timmy.
"Wala akong aaminin," seryosong sabi ko.
Plus nandito talaga yung ex ko, jusko.
"Tatanda kang dalaga niyan, dapat kung wala kang balak balikan yung tao. You better move on or you'll be trapped." Nakangiting sabi ni Kuya Timmy.
"Ikaw Engr. Lapiz, bakit wala ka pang girlfriend after that girl? Ganoon rin? Same reason?" Napaayos ng upo si Yamato.
"H-Hindi naman, busy ako." Sagot ni Yamato.
"Bakit yung sagot niya kapani-paniwala yung sa inyo nakakapang-duda." Ngumuso ako.
"Kaya Jami and Kenny, move forward with your lives. Well don't if you have plans for that person, kung plano niyo bumalik, agahan niyo." Lumunok ako.
"Bago pa mahuli kakahintay niyo kung sinong dapat mauuna, tandaan niyo, ang may karapatan bumalik ay 'yong umalis." Nang sabihin 'yon ni Kuya Timmy ay pasimple kong pinaglaruan ang daliri sa ibabaw ng mesa.
I tapped my fingers, thinking. "Uy, taking my advice? You're thinking, oh?" Kuya Timmy pointed at my fingers kaya naitago ko 'yon.
"No."
"I also studied psychology." Natatawang sabi ni Kuya Timmy.
"Ikaw siguro yung nang-iwan?" Sa sinabi ni Kuya Timmy ay napatitig ako sa kaniya.
"I guessed you right." Ngumiti ito at napasulyap kay Kenny.
"Iniwan, tas ikaw umalis, mga problema nga naman kaya pala relate." Natawa si Kuya Timmy.
"Bakit ka ba umalis? Nang-iwan?" Napatitig ako kay Kuya Timmy lalo, napainom ako ng wine at naubos ko ang isang baso.
"Napagod?" Pa-kwestyon na sagot ko.
"Hindi ako naniniwalang umaalis ang babae dahil lang napagod sila, women are so soft, they will love you no matter how bad you are." Anas ni Kuya Timmy at sumimsik sandali sa alak niya.
"Tell me, why?" Napatitig rin sa akin si Kenny, naghihintay ng sagot.
"Nagsawa?" Pa-kwestyon na sagot ko.
"Duda ako, yung favorite nga ng isang baabe never nagbago mula pagkabata, tapos nagsawa lang umalis na?" Kaya ayoko kausap ang major ng psychology.
Hindi ako makapagsinungaling. "Wala, secret." Napipikon na sagot ko.
"Oo nga, ano ba yung tunay na rason?" Nang sumingit si Yamato ay lumunok ako.
"H-Huh?" Nang ilagay niya ang kamay niya sa likuran ng upuan ko at bahagyang humarap sa gawi ko ay naitikom ko ang bibig.
Oh my gosh.
///
@/n: Any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro