Chapter 51: Her Defendor
Chapter 51: Her Defendor
Liezel Jami's Point Of View.
"Check mo temperature mo, uminom ka na gamot?" Umiling siya, kaya isinalpak ko 'yon sa kili-kili niya dahilan para mahawakan niya 'yon.
"Paano ko kaya mai-uuwi bag ko ng hindi nagagasgasan." Kunyare ay namomroblema ako.
"Yung bag lang? Need pa i-bubble wrap?" Hindi niya makapaniwalang sabi.
"Yeah, they're my babies." Pinanlakihan ko siya ng mata, ng tumunog yung thermometer ay kinuha ko 'yon.
Nanlaki ang mata ko, "39.9?! Mamatay ka na ba?" Hinipo ko ang noo niya dahilan para paluin niya ng mahina ang likod ng palad ko.
"Hindi, mawawala rin 'to." Sagot niya.
"Kumain ka na ba?" I asked.
"Coffee." Tumaas ang kilay ko sa sagot niya.
"Kailan pa nanguya 'yon?" Ngiwing sabi ko, umiwas tingin siya sa akin.
"Doon ka na kaya sa house niyo? Para maalagaan ka." Umiling siya sa suhestyon ko.
"Ayoko maging pabigat," usal niya at napahikab pa habang nakatakip sa bibig.
"Naligo ka?" I asked.
"Yeah." He replied.
"Sige." Mahinahon na sabi ko tsaka ako lumabas ng kwarto niya upang paglutuan siya ng kahit pumpkin soup or pag wala edi lugaw?
Binuksan ko ang ref niya, nang makakita ako ng chiken ay 'yon na lang ang isasahog ko sa lugaw.
I washed my hands and boil the chicken breast, sinimulan ko na rin mag-gisa ng bawang at sibuyas for the lugaw. Pagkatapos no'n ay hinango ko ang manok tsaka ko hinimay himay nasinit pa nga ako.
Tapos ay inilagay ko 'yon sa gigisahin ko at nang matapos ay nilagay ko na ang leftover rice niya sa rice cooker. I waited for at least 30 minutes bago maluto 'yon.
Nang maluto ay kumuha na lang ako ng orange juice sa ref at nilagyan ako baso, inayos ko sila sa tray at tsaka ko binuksan ang pinto ngunit napansin ko na nakaidlip siya.
Dahan-dahan ako na lumapit, "Engr. Lapiz."
Naalimpungatan siya kaagad, nang makita ako ay nagulat pa siya. "Akala ko ba umuwi ka na?" Nagkibit balikat ako at inilagay sa harapan niya ng bed table.
"Kumain ka tapos uminom ka ng gamot mamaya," paalala ko.
"Ubusin mo 'yan, hindi 'yan maalat." Ngumiti ako ng matipid.
Napatitig siya sa mukha ko tsaka siya huminga ng malalim, "Salamat. Ako na bahala, umuwi ka na baka hinihintay ka ni Amato." Kalmadong sabi niya.
"He'll understand," mahinang sabi ko.
"If?" He wondered, asking what reason Amato would understand.
"That he's daddy is sick, and he kind of needs someone to look for him?" Nangunot ang noo niya.
"Hindi ko naman kailangan," pabulong niyang usal at inihipan ang lugaw.
"Oh? 'Di ko tinatanong." Balik sabi ko sa kaniya noon ng naalala ko, tumaas ang kilay niya at masungit akong inilingan.
"Hindi nga maalat," ngiwing sabi niya.
"See, I told you. Ayoko naman magkasakit yung baby ko kung pakakainin ko ng maalat." Pairap na sabi ko.
Kumain naman siya kaya pasimple ko lang siyang sinusulyapan. "Paano kung bumalik si Athena?" Natigilan ako sa tanong niya.
"Edi dalawa na mommy niya ulit?" Sinubukan kong siglahan ang tono ng pananalita.
"Kung nalaman ni Somena yung totoo?" Napatigil ako.
"Wala, war." Mahinahon na sagot ko.
"Paunahan na lang kami makahimas ng rehas, may magaling naman akong abogado." Wala sa mood na sabi ko, totoo. Magaling si Tito Kent, I'm sure hindi niya kami pababayaan.
"Paano kung ilayo siya ni Athena?" Pinagkrus ko ang braso sa tanong niya.
"H-Hindi niya naman siguro gagawin 'yon sa akin, after all both of us became friends. Alam niya naman siguro na napamahal na ako kay Amato." Pabulong na sabi ko, huminga siya ng malalim at napainom sa juice.
"Tamis, pucha." Ngumisi ako.
"Ikaw bumili diyan," usal ko.
Nang matapos siya kumain ay kinuha ko 'yon tsaka ko inilagay sa kusina niya, bumalik naman ako na dala ang gamot niya. "Okay na 'ko, thank you. Umuwi ka na, late na rin." Mahinahon niyang sabi at tsaka ininom ang gamot.
"I'll stay a little, baka may kailangan ka pa eh." Naningkit ang mga mata niya matapos sumandal sa headboard.
"I'm good, wala na akong kailangan." He said in monotone.
"Don't mind me then," wika ko.
"A-Ano pa ba gagawin mo rito?" Kwestyon niya.
"Wala, sabi mo naman I am still an owner of this condo. I guess, I can stay a little?" I questioned.
"F-Fine." Humiga na siya at nagkumot.
Nang mapansin ko na nakatulog siya ay pasimple kong kinuha ang built in vacuum niya tsaka ko nilinis ang buong paligid niya hanggang carpet.
Bumuntong hininga ako at ng malinis ang buong kwarto niya ay pasimple akong lumabas ng kwarto at naupo sa sofa. Sandali akong sumandal at pumikit.
Nakakapagod rin pala kasi talaga maging isang adult, panay trabaho, buong araw trabaho, uuwi ka na pagod, may kailangan pa gawin minsan.
I stretched and closed my eyes for a minute, I even placed a throw pillow on my lap and rested my hand there.
Naalimpungatan ako sa kalagitnaan ng madaling araw ng marinig ko ang tunog sa kusina, ngunit natigilan ako ng may kumot at nakahiga na ako sa mahaba at malaki niyang sofa.
Napabangon ako, "Kumusta nararamdaman mo?" Kwestyon ko sa kaniya at lumapit, nalingon niya ako.
"I'm okay." Namamaos niyang sagot.
"Sigurado ka ba?" Hinanap ko ang orasan at nanlaki ang mata ko ng alas dos na ng madaling araw.
"Shit, si Amato." Hahagilapin ko na sana ang cellphone ko pero tumikhim si Yamato.
"Nasabi ko na, nandito ka." Natigilan ako at nakahinga ng maluwag.
"H-Hindi kasi 'yon nakakatulog pag wala akong tawag at hindi ako nakakauwi." I stammer.
"I know, he called me a lot of times. Buti nagising ako," wika niya.
"Ah, sorry."
"Okay lang, si Amato naman." Paninigurado niya.
"Sure ka ayos ka na?" Sinubukan kong abutin ang noo niya ngunit naiiwas niya kaagad ang noo tsaka siya naupo sa kitchen stool.
Napapahiya akong tumikhim, "Gamot mo raw, inumin mo." Sa biglang sinabi niya ay napalunok ako at nagmamadaling tumakbo papunta sa bag ko.
Nang makuha ko 'yon ay kinuha ko na ang isang capsule na ang lagayan ay hiwa-hiwalay na dahil maliit na tablet lang siya.
Nang makuha 'yon ay lumapit ako sa kitchen at tsaka ko inilapag 'yon sandali doon ng nakataob, tapos lumapit ako sa ref at kumuha ng tubig.
"It's for the heart, 'no?" Gulat ko siyang nalingon, mabilis kong inagaw 'yon sa kamay niya.
"Huwag mo pakialaman." Seryosong sabi ko at binuksan 'yon tsaka ko itinapon sa basura ang lagayan niya.
"Familiar sa akin yung gamot, naalala ko binilhan ko si Ate Janella ng ganiyan. Heart palpitations?" Tumango na lang ako sa sinabi niya.
"Bakit kailangan mo inumin parati?" Nalingon ko siya, sumeryoso ang kilay ko.
"Kasi," usal ko, hinintay niya naman ang sagot. "Kasi wala lang," patawa akong tumalikod sa kaniya.
"Matulog ka na, uuwi na rin ako kung okay ka na." Mahinahon na sabi ko.
"Anong oras na, bukas ka na umalis ng umaga. Hindi kita maihahatid," seryosong sabi niya at naglakad papalapit sa sofa.
"I can handle, sanay naman ako—"
"Matulog ka na rito ngayon, umaga ka na umalis." Pala-desisyon niyang sabi kaya tumaas ang kilay ko.
"Concern ka?" Asar ko.
"Natural," sa sagot niya ay ako ang nagulat.
"My solicitous heart can't afford to sleep knowing I let you leave when Amato asked me to look for his mom." Pairap niyang inalis ang tingin sa akin.
"Magaling ka na ba?" I asked.
"Hindi tumatagal ang sakit sa akin," he calmly answered my question and sat on the sofa.
"Magpahinga ka na sa loob," matipid na sabi ko.
Nang may tumawag sa cellphone ko ay napuno ako ng pagtataka ng makita ko na si Kuya Yuno 'yon.
"Sagutin ko lang," paalam ko.
"Huwag ka maingay," I reminded him.
Tumaas ang kilay niya sa akin kaya matipid akong ngumiti, "What do you need at this hour?" I asked.
"Jami, help nga. Busy ka ba? Naistorbo ko yata tulog mo, sorry." Tumikhim akonsa tinig niya.
"Lasing ka ba?" I asked.
"Hindi, minor accident lang. Wala akong guardian." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Oh, eh napaano ka ba? Okay ka lang? Ano ba naman kasi ginawa mo?" Tumayo ako sa pagkakaupo.
"Wala kasi ako malapitan, hindi naman makakapunta parents ko, specially kahit sino sa family member—"
"Oh kumusta ka nga? Saan ba kita pupuntahan?" Naii-stress na sabi ko.
"Sa city hospital, napaaway lang. Na-daplisan ng patalim." Nanlaki lalo ang mata ko.
"Kuya Yuno naman kasi, paano na 'yan. Sandali, ako na pupunta wait." Aniya ko.
"Yuno, ano ba nangyari?" Natigilan ako ng marinig ang tinig ng babae sa kabilang linya, pamilyar na tinig.
"Oh, h-hindi ka naman tinawagan ah? Nandito si Sierah, siya na lang siguro. Wait, thank you Jami." Paalam ni Kuya Yuno kaya nangunot ang noo ko.
Nang mamatay ang tawag ay napuno ako ng pagtataka na naupo sa sofa, "Napano?" Yamato asked.
"Minor accident raw, tapos biglang hindi na ako kailangan doon, napano 'yon?" Balik tanong ko sa kaniya.
"N-Nandoon na raw si Ate Sierah," bulong ko.
"Selos ka naman?" Tumaas ang kilay ko sa tanong niya.
"Of course not, why would I be jealous?" I hissed and rolled my eyes at him.
"You looked disappointed after you said he doesn't need you anymore." Naningkit ang mata ko sa sinabi niya.
"I am not, curious lang ako kung bakit si Ate Sierah eh may boyfriend siya. May something kaya sila?" Nagtataka kong sabi.
"Ewan.."
"Hmm," napaisip pa ako.
"Maybe not, maybe they're just friends?" His conclusions, I pouted my lips.
"Does Ate Sierah still like Kuya Yuno?" I wondered.
"Ba't ba pinoproblema mo sila? Problemahin mo yung sarili mo kasi single ka pa rin." Nanlaki ang mata ko at mabilis na mahinang sinipa ang binti niya.
"Duh? Epal ka Engr. Lapiz?" He chuckled.
"Nagagalit galit, tapos nandito ka ngayon." Ngumiwi ako at pinagkrus ang braso ko.
"Tunay na hindi ko naman kasi magagawa 'yon—"
"Hindi mo kasi maintindihan yung punto ko, Engr. Garcia kaya ko 'yon sinabi para kung ano man ang lumabas na resulta, sadya o hindi at least I gave a chance to prove it fair, okay?" Ngumiwi ako sa explanation niya.
"Inuuna mo kasi magalit," kalmadong sabi niya.
"Ang dami mo pang nasabi, para kang nobya na nahuli yung nobyo niyang nambabae." Sambit niya dahilan para hindi ko siya makapaniwalang tinignan.
"H-Hindi naman," I looked away.
"Pati ako inaaway mo, ang akin lang ayokong may kinakampihan lalo na't head engineer ako. I can't be biased." He hissed and slapped his thighs.
"Lamig," wika niya at umihip sa hangin.
Explain explain pa eh, hindi ko na nga tinatanong kasi alam ko yung mali ko no'n.
"Magpahinga ka na sa loob, baka mabinat ka pa." Kalmadong sabi ko tsaka ako pumikit at sumandal sa sofa.
"I can't sleep, kanina pa ako natutulog." Tumango ako sa tugon niya tsaka ako sumandal sa dulo at niyakap ang throw pillow.
"Aren't you uncomfortable with your clothes?" Biglang sabi niya.
"Buti nasabi mo, may damit pa pala ako rito." Paalam ko tsaka ako dere-deretso na pumasok sa kwarto at kumuha ng dadamitin.
Hiniram ko rin ang banyo niya, nang maka-shower ay lumabas ako na presko ang suot tsaka ako bumalik sa sala ngunit nanonood na siya ng kung anong movie.
Money Heist?
Prente lang akong naupo at sumandal ulit, nang makaramdam ng antok ay sandali akong pumikit.
Halos mapabangon ako kaagad ng sa pag-idlip ko ay may araw na, nagmamadali akong kumatok sa kwarto niya ngunit walang tao.
Nang makita ko ang note sa na nakadikit sa mismong bag ko ay napalunok ako.
'Hirap mo gisingin, pasok na 'ko sa work. Thanks for taking care of me.'
Naglapat ang labi ko tsaka ako napangisi at umiling iling, umayos ako at pinili na pumasok na rin sa work.
Pagkapasok ko sa office ay natigilan ako ng makita ang sasakyan ni Yamato, so nasa company siya ngayon?!
Napatayo ako kaagad at hinanap ang assistant ko, "May meeting ba?" I asked.
"Hala, opo ma'am! 10 minutes na po ng mag-start, pasok na po kayo. Nag-text po ako sa inyo eh," nanlaki ang mata ko at nagmamadaling pumunta sa conference room.
Nang makapasok ay natigil ang pagsasalita ni Mr. Teloso, tumalas ang tingin nito sa akin ngunit huminga ako ng malalim.
"I'm sorry for not being able to read your notified meeting, I was busy last night." I reasoned out.
"What made you busy last night, Engr. Garcia?" Naitikom ko ang bibig at napasulyap kay Yamato.
Nang makita ko ang pagngisi ni Yamato habang pinaiikot ang ballpen sa daliri niya ay ngumuso ako. "Nag-alaga lang ng may sakit." Napatikhim ang iba sa sagot ko.
"Really?" Mr. Teloso sarcastically said.
"Yes," wika ko.
"Is that a valid reason to be late? Ayaw mong may nal-late ngunit late ka ngayon." Nakagat ko ang ibabang labi tinatanggap ang sermon nito.
"I already apologized." Mahinahon na sabi ko.
"I know that you're one of our special engineers, pero to be honest Engr. Garcia. Mataas pa rin ang estado ng kumpanya kahit wala ka, huwag kang paka—"
"That's enough Mr. Teloso." When Yamato cut him off, I automatically glanced at him.
"I am the reason why she's late, she took care of me. I lived alone, you know." Nang sabihin niya 'yon ay nagulat ang lahat.
Seryoso ba siyang sasabihin niya 'yon? Issue 'yon.
"She took care of you? Do you know each other personally?" Lumunok ako at napaghawak ang kamay ko sa likuran ko.
Chismoso naman nitong tao na 'to, kung hindi ka lang kasing taon ng daddy ko, aawayin kita eh.
"Yes," nagulat ako sa sagot ni Yamato.
He's wearing a plain white button up long sleeve polo and plain black slacks. Ganoon ka-simple.
"She's the sister of my brother-in-law." Sa sagot niya ay nakahinga ako ng maluwag.
"Ah, kaya pala." Bulungan ng iba.
"Alright," tumango si Mr. Teloso.
"And Mr. Teloso, I'm not contradicting you but Engr. Garcia brought a lot of clients, our company is fine without her but it's a big difference that she's here." Nang ngumiti si Yamato kay Mr. Teloso ay hindi nakapagsalita ito.
"Yeah, sorry." Naupo na ako ngunit dahil dadaan ako sa likod ni Yamato ay pasimple kong ipinatong ang palad ko sa balikat niya as thank you.
Natigilan pa siya kaya nang maupo ako sa upuan ko ay inayos ko ang bag ko tsaka ko pasimpleng umusod papunta sa tubig upang uminom ng gamot.
Nang sulyapan ko siya matapos uminom ay napaiwas tingin siya sa akin at tumingin na sa projector sa harapan.
Ano 'yon?
Matapos ang meeting ay nauna akong lumabas ng conference room at sumunod kaagad ang assistant ko kaya natawa ako, "Excited ka naman lapitan ako," biro ko.
"Totoo, Engr. Garcia?" Nangunot ang noo ko at binagalan ang paglakad.
"Alin?"
"Na inalagaan mo si Engr. Lapiz sa condo niya? Kayong dalawa lang?" Napalunok ako at tsaka ko siya nasulyapan.
"Ang chismosa ha," bulong ko.
"Baka kaya mo po 'ko tinanong kung kumusta si Engr. Lapiz? Ikaw ha." Nang pabiro niya akong paluin ng mahina sa braso ay napalunok ako.
"O-Of course not," bulong na sabi ko.
"Close po pala kayo?" Napatikhim ako at umiling.
"H-Hindi ah, nataon lang na ako yung nandoon." Pagdadahilan ko.
"Wala kang gusto kay Engr. Lapiz? Ang gwapo po kaya." Kinikilig niyang sabi habang inaasar ako.
Meron.
"Kaya po siguro gustong gusto niyo pumunta sa site para makita siya? Kayo ha, ayieeee—"
"Huwag mo asarin 'yan, baka kiligin." Nanlaki ang mata ko at halos matapilok ako ng magsalita si Yamato sa likuran namin.
"OMG!" gulat na sabi ng assistant ko.
"H-Hoy, h-hindi ah!" Deny ko kaagad.
Naiiwas ko kaagad ang tingin kay Yamato na maganda ang ngisi, tuwang tuwa yata na naasar ako?
"Kaya nga huwag, baka kiligin." Pag-uulit niya at iiling iling na ngumisi.
"Hindi nga ako kinikilig!" Pahabol na sabi ko ng maglakad siya sa harapan namin.
"Wala akong sinabi," kibit balikat niyang tugon.
Gusto ko bigla sipain ang paa niya sa likod, "Yieeeee~"
"Ship!" Asar ng assistant ko kaya siniko oo siya.
"Shhh."
"Engr. Lapiz! Ang gwapo niyo raw!" Nanlaki ang mata ko sa isinigaw ng assistant ko, natigil sa paglalakad si Yamato at gwapong lumingon.
Naningkit ang singkit niyang mata, "Hmm, then thanks." Umawang ang labi ko at tila gusto kong magpakain sa lupa.
"Wala akong sinabi!" Tanggi ko.
"B-Bahala nga kayo!" Mas binilisan ko ang lakad at nilampasan si Yamato tsaka ako pumasok sa office ko.
Hinahapo dahil sa kaba na nararamdaman ko.
Ang gaga talaga ng assistant ko na 'yon, asarin ba naman ako sa ex ko?
H-Hindi yata tama 'yon.
After my office work, I found out na bumalik na rin si Yamato sa site to check it, sinundo ko naman si Amato sa school niya. "Mommy! Pupunta tayo kay daddy?" Napatigil ako dahil lumingon rin ang ibang parents.
"They don't believe me that my daddy is an engineer, and he graduated here." Nakangusong sabi niya.
"Hmm, sabi nino?" I asked, pinantayan ang tangkad niya.
"Sabi ng classmates ko mommy, even their parents po." Nagsusumbong niyang sabi.
"Kasi po hindi pa raw nila ako nakita na kasama si daddy at hindi raw po kami parehas ng last name, at hindi raw po ako sinusundo ng daddy ko, fake raw po." Hiningal niya matapos niyang sabihin ang napakaraming words na 'yon.
"Kalma," anas ko sa kaniya.
"Okay, let's don't mind them. You know naman na your daddy really cares for you kahit hindi ka niya sinusundo here." Sinulyapan ko ang mga bata na kaklase niya ng masama.
Ngunit ang mga magulang ng mga 'yon ay inirapan ko, "Pati bata papatulan," singhal ko.
"Sabi po no'n wala raw po talaga akong daddy," turo niya sa isang mommy ng classmate niya kaya tumaas ang kilay ko.
"Really?"
"Sinabi niya?" Inis na sabi ko.
"Yes mommy, inaaway nila ako." Tumaas ang kilay ko, "Sandali anak."
Nilapitan ko 'yon, "Totoo ba ang sinumbong sa akin ng anak ko?" Taas kilay na tanong ko.
"Eh sa tunay naman, dahil kung meron sana ay binisita man lang siya kahit isang beses." Mataray na sagot no'n kaya umawang ang labi ko.
"Pati bata talaga papatulan mo 'no?"
"Ang tanda tanda mo na, pati bata aasarin mo pa na hindi sinusundo ng tatay at walang tatay?" Nauubos pasensya na sabi ko.
"Pasensya ka na sa bibig ko, pero may anak ka rin at matutuwa ka ba kung ganiyan ang gawin sa anak mo?" Umirap ito at pinagkrus ang braso.
"Wala lang talagang tatay ang anak mo, si Yamato Lapiz? Hindi ako naniniwala." Umirap ako.
"Edi don't? Pabor ba sa amin kung maniwala ka o hindi?" Gigil na sabi ko.
Pangit mo!
"Patunayan niyo kung meron—"
"Baby, sorry late si daddy." Gulat kong nalingon ang may ari ng boses, nang magtama ang mata namin ay nagulat ako ng husto.
"Ah, good afternoon." Bati ni Yamato sa parents na nandito, specially yung inaaway ko.
"My son told me about your conclusions. I'm just busy, as I have a lot of workloads." Nang mag-explain siya ay napalunok ako.
"So what about this? Okay na ba kayo sa confirmation?" Napapahiyang umiwas tingin ang iba kaya napairap ako.
"C'mon, I'll take both of you out on a date." Nang kuhanin ni Yamato ang braso ko sa maayos at magalang na paraan ay wala na akong nagawa.
Nang makarating sa sasakyan niya ay napalunok ako ng husto, "N-Nasa Tagaytay ka 'di ba?" Gulat na sabi ko.
He ran his fingers through his hair and sighed, "Yeah, Amato called me after his lunch, nagsusumbong." Nasulyapan ko si Amato na maganda ang ngiti.
Bilib na bilib sa daddy niya, proud na proud. "Thank you daddy," buhat ni Yamato si Amato kaya naman ang ganda nila panoorin na nagpapalitan ng ngiti.
"T-Thank you." Mahinang sabi ko.
"It's for Amato, no worries." He smiled a little.
Enebe..
"So let's go home?" I asked Amato.
"Daddy said he'll take us out?" Napalunok ako.
"Joke lang yata 'yon anak—"
"Wala akong sinabi na joke, tara na. Saan ba gustong pumunta ng cute naming Amato?" He used his cute and little voice when asking Amato and it's a little flattering in the heart.
"Wait lang, may dala akong sasakyan eh." Turo ko sa 'di kalayuan.
"Naka-uniform pa si Amato, a-ang ikse ng skirt ko, ang showy ng top ko." Nakangusong sabi ko.
Naningkit ang mata ni Yamato, "Iwan mo."
"Huh?! Of course hindi pwede, baka pagtripan yung car k—"
"Engr. Garcia, tumawag ka ng driver niyo, ipakuha mo 'yan, iwan mo yung susi kay manang." Lumunok ako, may punto nga naman.
"Manang oh, hehehe." Inabot ko 'yon.
"Paano yung damit ko?" I asked.
"We'll see," anas niya at binuksan ang maganda niyang sasakyan inayos niya rin sa likuran si Amato, bago ako sumakay sa loob.
Ako na ang nagsarado dahil siya na nga ang nagbukas, hinila ko paibaba ang hapit na hapit kong skirt, kung mahaba-haba lang sana ang top ko ay hindi ako nahihiya.
Syempre kasama ang anak ko tapos ganito suot ko? Parang walang anak?
Nang maupo si Yamato sa driver's seat ay natigilan ako ng may i-abot siyang shirt. "Pwede na 'yan?" He asked and that made me wonder and open the clothes he gave me.
It's a black plain round neck shirt, bagay sa white skirt ko kasi medyo may kahabaan ngunit pag suot ko 'to ay hindi gaano nakakailang.
"It's good, thank you." Tumango siya at nag-drive na.
Nang tumigil kami sa isang mall ay doon ko na sinuot yung shirt, kahit pa suot ko yung sleeveless top ko na manipis pa ang tela at kulang sa tela.
Kinuha naman ni Yamato si Amato sa likod kaya bumaba na ako at bahagyang inayos yung shirt, ayan sakto mahaba, kasing haba ng skirt ko na micro.
Kinuha ko rin ang bag ko, pumasok kami sa mall, ngunit natigilan ako ng dalhin kami ni Yamato sa isang malawak na play station, may trampolines, yung parang pool of foams and little balls.
May slides, may air castles, "Wow."
"Have you tried playing here, Amato?" Nakangiting tanong ni Yamato.
"No, daddy. Because mom is not allowed to be tired—"
"Well now that I'm here, you can, let's go!" Napasunod ako kaagad sa may entrance, natigilan ako ng bumili ng tatlong tickets si Yamato.
"P-Pwede ba ako dito?" Kinakabahan na tanong ko.
"Of course, sakto wala gaanong tao at mga bata lang." Sumunod ako, siya rin ang nagbayad kaya tinanggap ko yung socks na binigay niya.
"Are you wearing something?" He even gestured his legs that made me gulp, "Shorts?" I asked.
"Yes." Seryoso ang mukha niya habang sinusuotan ng medyas si Amato.
"Oo." Sagot ko.
"Tara na," nang ilahad niya ang kamay niya ay nangunot ang noo ko dahil nakaupo ako sa 1 feet chair.
"May iaabot ba ako?" I asked, tumaas ang kilay niya until he chuckled handsomely.
Uy enebe..
"Kunin mo yung kamay ko para makatayo ka ng hindi nasisilipan." Nakagat ko ang ibabang labi tsaka ko ginawa ang utos niya, nang makatayo ay doon ko binitiwan ang kamay niya.
Pumasok kami sa loob at nauna si Amato tumalon sa maraming bola, it's a trampoline kaya lumalalim pag umaapak ka and it also bounced you.
"Amato, careful!" Paalala ko.
"Yes mommy!" Masayang sagot niya kaya naman napangiti ako dahil sobrang saya niya, sandali naman akong pasimpleng tumalon sa trampoline sa gilid no'n.
Nakikibata ngunit madalas ay kinukuhanan ko ng litrato ang dalawa, nang mapagod ako ay naupo ako sandali sa gilid. Nang lumapit sa akin si Amato ay natawa ako dahil hinila niya ako sa slide.
"Ito na, tara sige." Tatlo raw kami mag-slide.
Nang gawin namin 'yon ay natuwa naman siya, nang mapagod ako ay sila na lang dalawa ang naglaro, humilata ako sa trampoline na amoy alcohol, play station pero amoy ospital.
Ngunit halos mapadaing ako ng madapa si Amato at matamaan niya ang tyan ko, ngumuso ako. "Baby naman," nagulat siya.
"I'm sorry mommy," he tapped my tummy gently, which made me chuckle.
"Okay ka lang?" Lumapit si Yamato.
"Yup."
"Be careful, Amato." Paalala ni Yamato dito, ngumiti ako dahil hinahaplos pa rin ni Amato ang tummy ko.
"Did I hurt the baby mommy?" Nanlaki ang mata ko.
"Anak! Anong baby?" Nag-init ang pisngi ko ng magkatinginan kami ni Yamato na mabilis na napaiwas tingin.
"'Di ba the baby stays in tummy's, mommy?" Turo niya.
"O-Oo nga pero, w-wala naman akong baby ikaw lang." Naiilang na sabi ko kaya napatango siya.
"Saan mo naman nalaman 'yan? Amato ha." Ngumuso si Amato at yumakap sa legs ng daddy niya dahilan para buhatin siya nito.
Nang mapagod rin si Yamato ay hinayaan namin si Amato na mag-ikot ikot sa nakikita lang namin, laro dito, walang kapaguran ang mga bata pagdating sa laro.
Nang maupo si Yamato sa tabi ko, one meter away ay nilingon ko siya, "Wala bang allergies si Amato?" He asked.
"Wala naman, bakit?"
"Natanong ko lang, hayaan mo muna maglaro may 30 minutes pa tayo." Tumango ako at ngumiti.
"Thank you for doing this," wika ko.
"I want to do this for him, sigurado akong hindi mapupunan 'to ng tunay niyang ama kaya kahit ako na lang." Mahinahon niyang sabi.
"I appreciate it, lalo na yung pag-stand up mo for him in front of other parents." I genuinely smiled, he just chuckled.
"Hahayaan ko ba naman na inaaragabyado nila ang bata, I've been there and I don't want him to experience what I've been through as a child who doesn't have a father to fetch and take him to school." Nakatanaw siya sa malayo habang sinasabi 'yon.
"Other parents are really insensitive and think they're high enough to step on a kid's pride." Ngumuso ako sa kaniyang sinabi.
Naalala ang nakakainis na magulang kanina, "Totoo, ang sarap nila hambalusin sa mga utak baka umayos."
He smirked, "But how long are you going to do this, Yamato?" Sumeryoso ako.
Natigilan siya, "Kahit hanggang kailan, wala pa naman akong pamilya. Wala pa akong balak," bulong niya.
Pinigilan ko ngumiti.
Baka balak mo bumuo ng pamilya kasama ko?
"Paano ka magkakapamilya kung wala ka pang girlfriend na pakakasalan?" Natigilan siya at sinulyapan ako ng mabilis.
"Gusto mo na ba ako ikasal?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya, hindi ko siya makapaniwalang tinignan.
"B-Ba't mo 'ko t-tinatanong, h-hindi naman ako ang magdedesisyon n-niyan." Nang mautal ay napalunok ako, nakakahiya!
Mahina siyang natawa habang nakatingin sa kung saan, "Ang saklap lang 'no?" Nalingon ko siya muli.
"A-Alin?"
Huminga siya ng malalim, "Ikaw naman yung pinangakuan ko, pero iba yung pakakasalan ko?" Napalunok ako sa kaniyang sinabi.
"E-Eh w-wala naman tayong magagawa," naiilang na bulong ko.
"Yung ikaw yung nakakita kung paano ako mahirapan, pero iba yung makakatikim ng tagumpay ko." Nalungkot ako sa sinabi niya.
"Wala tayong magagawa," mahinang sagot ko.
Nakakalungkot nga 'yon, ngunit ano pa bang mababago no'n Yamato?
We're bound to be this way, just this way, not that way where my expectations are high and a bit fantasy.
That's the saddest part, I still like you but I don't know how you feel, because if you do, I'm sure you'll take me with you.
"We just loved each other earlier," mahinang sambit ko.
"Earlier, hindi tayo umabot kahit papaano sa little later." I laughed at the pain that's throbbing in my heart.
"Hindi ko naman naging desisyon kung bakit naging ganoon," wika niya.
"Hmm," tugon ko, kasalanan ko nga.
"Hinanap naman kita," napalunok ako sa sinabi niya.
"P-Pero sabi mo ayaw mo na ako makita?" Natigilan siya.
"Sinabi ko nga," ngumiti siya.
"Kinain ko rin yung sinabi ko no'n, hinanap kita, pero hindi sinabi ni Kuya Laze kung nasaan ka, hindi raw nila alam, hindi mo raw sinabi." Napalunok ako.
H-He did?
"At hindi rin ako sigurado na kung makikita ba kita no'n, mapapabalik kita kaya tumigil rin ako at sinunod yung sinabi mo. Maging successful." Lumunok ako lalo at napakamot sa pisngi.
"Mommy! Daddy!" Nang may yumakap sa mga leeg namin ay napangiti ako.
Ngunit medyo napaglapit no'n ang ulo namin, "Anak." Natatawang sabi ko tsaka inayos ang buhok niya.
"Pawis na pawis, ang asim mo na." Pagbibiro ko.
"No mommy, I used daddy's perfume." Napalunok ako, kaya naman pala.
"Pagod ka na?" I asked.
"Kain na tayo daddy, mommy, gutom na yung tyan ko." Natawa ako at tsaka tumayo, "Let's go." Anyaya ko.
"Pawis na pawis anak," mahinang sabi ko.
"Let's buy him a shirt, para malinisan mo siya." Yamato insisted, dahil doon ay bumili kami ng damit ni Amato at bumili na rin siya ng wipes.
Sa restroom na pwede ang bata ay doon kami pumunta, pumasok na rin si Yamato dahil si Amato lang naman lilinisin namin.
Nang mapunasan si Amato ay binihisan ko na siya, nang maayos na ay nagpabuhat siya kaagad sa daddy niya. Kumain na rin kami sa isang restaurant for meryenda?
Marami ring inorder si Yamato, kaya naman habang kumakain ay natigilan ako ng biglang makita ko ang pamilyar na bulto.
Nangunot ang noo ko, "Wait." Mahinang sabi ko at tatayo na sana pero mabilis na umalis 'yon.
Ngumuso ako at tsaka hindi na lang pinansin 'yon, matapos kumain ay anong oras na rin, ihinatid na kami ni Yamato sa bahay.
Binilhan niya rin kasi ng toy car si Amato, gustong gusto kasi ni Amato ang sasakyan ni Yamato gustong i-drive ayaw umalis at bumaba.
"Magpahinga na kayo, sa susunod ulit." Nakangiting sabi ni Yamato.
"Thank you for today," pagpapasalamat ko.
"Bye daddy! See you again!" Kaway ni Amato.
Pagkatapos namin mag-paalam ay pinauna kaming pumasok bago siya umalis, how gentleman 'di ba?
Nang makapasok si Amato sa loob ah kinuha kaagad siya ni manang, muli akong sumulyap sa labas ngunit natigilan ako ng makita ang pamilyar na bulto.
Nagmadali akong lumapit at humabol, "Wait!"
Nang makalabas ng gate ay hirap na hirap siyang tumakbo papalayo ngunit nang mahuli ko ang kamay niya ay nagulat siya ng magtama ang mata namin.
"H-Hey," gulat kong sabi, nangunot ang noo ko na tinitigan siya ng husto.
"A-Aalis na ako." Naiilang na paalam niya ngunit pinigilan ko siya, "Hindi, hindi ka aalis." Mariing sabi ko.
"B-Bakit nandito ka, k-kanina pa kita napapansin." Mahinahon na sabi ko, huminga siya ng malalim.
///
@/n: Any thoughts for the next chapter? Sino kaya yung nahuli ni Jami? Thank you for support! ❤️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro