Chapter 50: Beneath What?
Chapter 50: Beneath What?
Liezel Jami's Point Of View.
Pagkamulat ko ay nasapo ko kaagad ang ulo sa sobrang sakit no'n, tumayo ako at dumeretso sa banyo. Iniligo ko ang hangover ngunit hindi siya ganoon kabilis nawala.
Wala na akong maalala matapos ko abutan ng sleepwear ang kaibigan, pagkatapos maligo ay pinatuyo ko ang buhok.
Pagkalabas ko ng kwarto ay pinili ko bumaba dahil naririnig ko ang mga tinig nila, alas syete pa lamang ng umaga ah?
Nakakunot ang noo ko ng makita si Yamato at Amato na naglalaro ng lego blocks, bumubuo sila ng something robotic cars.
"Good morning be!" Bati ni Serina.
"Ang ganda naman ng bagong gising kahit may hangover!" Mandy added, napailing-iling ako.
"Sakit ng ulo ko," singhal ko at tsaka ako lumapit sa single sofa at doon sumalampak.
Nang sulyapan si Yamato ay nakakunot ang noo niyang sinulyapan ako bago siya umiwas tingin, "Nag-breakfast na kayo?" I asked.
"Amato, did you eat already?"
"Good morning mommy, not yet pa po." Magalang na sagot nito kaya ngumiti ako.
"So, hangover? How about sa nangyari kagabi?" Serina stated, nangunot ang noo ko at malalim na napaisip.
May ginawa ba 'ko?
"A-Ano?" Nagtatakang tanong ko.
Bigla ay nahawakan ko ang buhok at inayos 'yon, "Meron ba akong nakakahiya na ginawa?" Natignan ko silang lahat.
Pigil tawa si Senti at Cane habang napapailing si Mandy, "Ano nga? Meron ba?" Kinakabahan na sabi ko.
"Meron be, alalahanin mo ha. Nakakahiya, sobra." Natatawang sabi ni Serina.
"W-Wala naman ah," sabi ko ng ipilit kong alalahanin sa utak ko.
"Kung ang butterfly ay paru-paro, bakit hindi tayo?" Natigilan ako sa sinabi ni Mandy, "'No babe?" Biglang baling kay Cane.
Nangunot ang noo ko dahil wala talaga akong maalala na kahit ano, "Ayan, inom pa." Halakhak ni Senti kaya napairap ako.
"Bahala kayo diyan," singhal ko.
"Manang! Is the breakfast ready na po?" I asked.
"Ay ma'am, hindi pa ma'am! Wala po si manang eh. Ako na lang po nagluto," napatitig ako sa mas bata na kasama namin dito sa bahay.
"Ah, kaya pala." Ngumiti ako.
"Anong breakfast? Do you need help?" I asked and enter the kitchen, "Nako ma'am, trabaho ko na ho ito. Nakakahiya naman," nakangiting sabi niya kaya mahina akong tumawa.
"It's okay, since they're my visitors I can help. What are you cooking?" Sinilip ko 'yon.
Pinaghawak niya pa ang nga kamay at humarap sa akin, "Beef fried rice and bacon and ham ma'am." Ngumiti ako at tumango.
"C'mon, let me help." Hinayaan niya naman ako na ituloy 'yon habang inaayos niya ang inumin for later.
Baka malipasan na si Amato, titimplahan ko muna ng gatas. "Can you look check this, titimplahan ko lang ng gatas yung baby ko." Ngumiti siya at sinunod ako.
Pumunta naman ako sa tray table ni Amato, meron sa taas at meron rin sa ibaba syempre. Kinuha ko yung parang baso ang style ng bottle pero may chupon na medyo may kalakihan ang butas.
Nag-timpla ako at tsaka ko sinubok kung gaano ka-init 'yon, nang matimpla 'yon ay nilapitan ko sila magkatabi kasi sila ni Yamato.
"You're great at this," rinig kong usal ni Yamato.
"Well, I watched mommy build her model house daddy, she's also great at this." Napangiti ako at kinalabit siya.
"Milk ka muna, para hindi sumakit ang tyan." Napatingin si Yamato at kinuha 'yon, "Ako na." Chineck niya muna ang pagkakasarado no'n bago niya maingat na pinahawak kay Amato.
"I'll cook breakfast na," paalam ko kay Amato at inayos ang buhok niyang may kahabaan na at humaharang sa noo niya.
Nang matapos magluto ay tinawag ko na sila, sakto namang inaalis ko yung apron ko ng pumasok si Yamato sa kusina, "Oh, may kailangan ka?" Tanong ko kaagad.
Natigilan siya at tinignan ako, mga ilang segundo dahilan para mapalunok ako. "Ano?" Kwestyon ko muli at tuluyan ng inalis ang apron.
"Nasaan yung medical kit niyo?" Nagitla ako.
"Bakit? Nasugat ba si Amato?" Nag-aalala na tanong ko at tsaka ko inabot sa tuktok ng cabinet.
"Hindi," mahinahon niyang sabi.
"Sino napano?" Nag-aalala na sabi ko.
"Ah, na-scratch ko lang yung kamay ko sa matalas na parte doon sa gilid ng shelf." Nangunot ang noo ko tsaka ko binaba sa counterpart yung med kit at inabot ang kamay niya.
"Nahugasan mo na?" Naningkit ang mata ko ng makita ko na medyo matalim talaga yung sumugat sa kaniya.
Medyo hiwa eh, "I'm okay. Hindi ko pa nahuhugasan," tumikhim ako tsaka ko binuksan ang med kit.
Abalang kinuha ang ibang bagay, nang makuha ko ang panlinis ng sugat ay hinawakan ko ang kamay niya. "Kaya ko, ako na—"
"Hawak ko na." Pagpilit ko, nang malagyan 'yon ay narinig ko ang pag-ihip niya ng hangin. Mahapdi siguro.
Sinadya kong hawakan ang palad niya na para bang nakapatong 'yon sa palad ko, "Should I use bandage or band aid?" I wondered.
"I'm good with waterproof band aid, para magamit ko pa yung kamay ko sa trabaho." Tumango ako at nilagyan ang likod ng palad niya ng may kalakihan na waterproof band aid.
"Ayan, okay na. Nasaan ba 'yon?" Tukoy ko sa sumugat.
"Inayos ko na para wala ng mabiktima," tumango ako at sinarado ang med kit.
Tumalikod ako sa kaniya upang ibalik 'yon, tsaka ako humarap. "Kakain na rin, pumunta ka na sa dining Engr. Lapiz." Kalmadong sabi ko.
"Yeah, thanks for this." He raised his hand a little and I smiled with double nods.
Pumunta na ako sa dining, Yamato carried Amato to make him sit at the kid's seat. Inilapit niya rin 'yon sa mesa, "Wow, ang bango ha." Nginitian ko si Serina.
"Mukhang masarap yung fried rice," usal ni Cane.
"Yung kasama namin yung nagluto," tinukoy ko pa yung naglagay ng drinks sa table namin.
"Nako, ma'am ikaw naman ho naglagay ng timpla niyan." Napalunok ako.
"Oh ikaw naman pala eh, naks. Cookerist?" Ngumiwi na lang ako.
"Malay niyo mabango lang pero hindi masarap," pabulong na sabi ko tsaka ko nilagyan ng kaunti si Amato.
"Huwag lulunukin kaagad ha, nguyain mo." Paalala ko ngumiti si Amato tsaka ako naglagay na ng food sa plate ko.
"Let's eat," anyaya ko.
Kalagitnaan ng pagkain namin ay may tumawag sa akin kaya naman sinagot ko ang tawag. "Uhm, excuse me." Paalam ko at sa harapan na nila sinagot ang tawag.
"Yes, hello, Engr. Garcia speaking."
"Ma'am, may accident po kasi sa site. T-Tinakbo na po sa ospital yung dalawang nadamay sa aksidente." Nanlaki ang mata ko at napatayo.
"What? Paanong aksidente?!" Gulantang na sabi ko, umalis ako sa kinauupuan at bahagyang umalis sa dining.
"Ma'am gumuho raw po yung itinatayo nila na stand, eh hindi po nila masabi kung paano nangyari dahil ang bilis raw po." Nasapo ko ang noo.
"Jusko naman, jusko!" I frustratedly hissed.
"Kumusta yung dalawa? Safe ba sila?" Kinakabahan na sabi ko.
"Under observation ma'am, pumunta na lang po kayo rito ma'am. Yung engineer po ng site ang kailngan eh," nakagat ko ang ibabang labi sa pag-aalala.
"Sige-sige, make sure that the two of them are safe. Ako na bahala sa hospital bills," sumangayon siya kaya nilingon ko sila sa dining.
"Hindi na ako magtatagal, may aksidenteng nangyari sa site ng section ko. Ano, uhm— Engr. Lapiz, pasabi sa company na may accident na nangyari." Napatayo si Yamato.
"Samahan na kita," wika niya.
"Hindi na, kumain ka na muna. Section ko naman 'to—"
"I'm the head engineer, panigurado pag-iinitan ka doon." Huminga ako ng malalim.
"Bantayan niyo muna si Amato ha, wala sila lola eh. Baby, alis muna si mommy ha." Humalik ako sa noo ni Amato tsaka ako nagmamadaling umakyat sa kwarto ko.
Nag-suot na lang ako ng high waisted pants and a shirt and then I tucked it in tsaka ko hinila ang bag ko at nagmamadaling bumaba.
"Let's go."
"Sa car ko na lang," tumango ako at sumunod sa kaniya.
Bumyahe kaming dalawa pa-Tagaytay, inabot rin ng ilang oras at pagkarating ay nakita ko na ang pag-guho doon, nasapo ko ang noo.
"Bakit gumuho 'to?" I asked.
"Ano bang ginawa niyo at gumuho 'to? Kahit lindol hindi 'to papaguhuin." Punong puno ako ng pagtataka.
"Ma'am wala po talaga, nag-aayos lang po kami pero bigla na lang pong ganoon ang nangyari." Naiirita kong nasapo ang noo, "Sigurado ba kayong wala kayong nakaligtaan nang gawin niyo ito? Sinunod niyo ba yung plano ko?"
"Ma'am, ito po yung sinunod namin." Nang i-abot 'yon sa akin ay nagtaka ako, hindi ito ang plano and procedure ko ah.
"Kanino 'to?" Taas kilay na tanong ko.
"Hindi ito sa akin, kanino 'to?" Umiinit ang ulo ko.
"Ma'am 'yan po yung binigay sa amin eh," wika nila, kinakabahan.
"Sino mag-abot nito sa inyo? Si Senti ba?" Kwestyon ko.
"Si Engr. Cariño po, Engr. Garcia." Tumaas ang kilay ko, kumuyom ang kamao ko tsaka ko inis na nasapo ang noo.
"Sigurado ba kayo?" Sumingit si Yamato at kinuha ang papel sa akin, "Galing 'to kay Engr. Cariño, anong sinabi niya ng ibigay niya 'to?" Yamato appealed.
"Sabi niya po ito raw po yung procedures na susundin para sa section ni Engr. Garcia, medyo nalito po kami kasi iba po yung explanation niyo no'n." Kumuyom ang kamao ko.
"Gago ba 'yon?" Inis na tanong ko kay Yamato.
Tinalikuran ko sila at dere-deretso akong pumasok sa office ni Yamato, ng makapasok ako ay nilapitan ko siya kaagad. "Engr. Cariño." Mariing tawag ko sa pangalan niya.
"Conference room, ngayon na!" Galit na sabi ko.
Tinawagan ko rin ang kumpanya, "Hello, this is Engr. Garcia and I want a conference meeting in the next hour." I stated staring at Engr. Cariño.
"H-Hala, osige po!"
"Pasabi, about my section accident." I ended the call and glared at her face.
"What's your purpose? Dahil sa katangahan mo may napahamak!" Nag-taas ako ng boses ngunit tumikhim lang siya.
"Engr. Cariño, nagkamali ka ba ng bigay?" Napatitig ako kay Yamato sa kalmadong tanong niya.
"Ibinigay ko lang naman yung binigay mo sa akin, Engr. Garcia. Ano bang sinasabi mo?" Maangan niya.
"Huh? Really?! Gusto mo makita ang original copy ng blueprint ko for that?!" Humahangos na sabi ko.
"I can't trust you anymore, m-masyado kang self-centered!" I yelled and lashed out of the room. Nasapo ko pa ang dibdib ko nang kumirot 'yon.
Kaya ayokong nagagalit, huminga ako ng malalim. Tinawagan ko si mommy dahil ayoko na umabot sa malala na naman ang puso ko.
"Anak, bakit? Papasok pa lang ako sa OR ano 'yon?" Panimula ni mommy.
"Mommy, masama ba pag nagagalit ako ng sobra at bigla?"
"Why? May masakit ba sa'yo? Napano ka?" Nag-aalala kaagad ang tinig niya kaya bumuntong hininga ako.
"Wala, k-kumirot lang po yung sa dibdib ko. Medyo stress po kasi sa site, may aksidente at pag-guho na nangyari." I explained.
"Yung gamot mo, nainom mo na?" Tanong ni mommy.
"Hindi pa po."
"Inumin mo na, update mo 'ko. Observe yourself." Huminga ako ng malalim tsaka ko kinalkal ang bag ko upang hanapin ang medicine bag ko.
Pagkapatay ng tawag ay inilagay ko 'yon sa bag ko, habang hinahanap ang gamot ko ay natigilan ako ng may tumikhim sa likuran ko dahilan para gulat ko siyang malingon.
"K-Kanina ka pa?" Tanong ko.
"May sakit ka ba?" Natigilan ako sa tanong niya ako kaya matipid akong umiling, "Wala."
"Tara na sa company." Matipid na sabi niya.
"Susunod na si Engr. Cariño kasama yung dalawang witness." Hindi na ako umimik at sumunod sa kaniya.
Pagkasakay sa sasakyan niya ay tahimik lang ako, wala kasi akong water. "May iinumin ka bang gamot?" Gulat ko siyang nalingon ng abutin niya ang water bottle na hindi pa bukas tsaka niya binuksan 'yon at inabot sa akin.
Kung hindi lang mainit ulo ko, baka nahimatay na ako sa kilig, my engineer.
Ihhh...
I sighed, "Thank you."
Binuksan ko 'yon tsaka ako uminom ng gamot, at dahan-dahan naman siyang nag-drive para hindi ako maalog gaano.
"May panic attacks ka ba?" Napatitig ako sa kaniya sa sinabi niya, bahagya niya akong sinulyapan at tsaka siya tumutok muli sa daan.
"Ako? Hindi. Heart palpitations lang," pagdadahilan ko.
"Heart palpitations? Bakit? Nerbyosa?" He curiously asked.
"Siguro?"
"Kailan pa 'yan?" Kwestyon niya.
"Kelan lang, hindi na nga ako nagka-kape." Bulong ko.
"Ah. Mawawala 'yan sa gamot 'no?" Matipid akong ngumiti at tumango.
"Yup."
"'Di ba gusto ka ni Engr. Cariño?" Mahinahon ko na tanong, tumikhim siya tila alam niya naman pala ang nararamdaman no'n.
"Siguro?"
I sighed, "Tsk buti wala siya last night. Kaya iba kalandian mo," pabulong na sabi ko.
"Kalandian amp." He chuckled.
"Kung may gugustuhin ka, doon ka na sa matagal mo ng kilala. Hindi yung bago, baka mamaya saktan ka—"
"Nagpaparinig ka ba?" Nanlaki ang mata ko at nalingon siya kaagad.
"A-Ano?!"
"H-Hindi ah! Ang ibig ko sabihin si Engr. Cariño, kesa sa touchy na babae from last night." Pabulong na sabi ko.
"Ah akala ko ikaw," bulong niya, he even laughed.
Gagi 'tong si Yamato, baka kagatin ko yung pagpaparinig eh, hehehe.
Ano ba 'yan, huwag ka nga tumawa. Nai-in love ako lalo na sa pagtawa mo nawawala pa yung mata mo.
Jusko, heart..
"Gusto mo burger?" He asked, suddenly.
"Ha? Saan?"
"Drive thru, gutom pa ako eh. Ikaw na umorder, sa side mo kasi yung window." Tumango ako bilang sagot.
Sakto namang kinakalkal ko yung bag ko, "Ano ba yung sa'yo?" I asked.
Hinahanap ko yung cash and wallet ko, hindi ko kasi makita. "Hala, naiwan ko yung wallet ko hon!" I hysterically said.
Ngunit parehas kaming natigilan, natakpan ko ang bibig ko ng bahagya rin na nanlaki ang singkit niyang mata. "I-I mean hindi ko alam kung saan ko nalagay."
Napalunok siya at umiling iling, "Ako na bahala." Ngumisi ang labi niya at nahuli ko 'yon.
A-Aasarin niya ba ako na hindi pa ako moved on? N-Nawala lang ako sa sarili, k-kasi sa isip ko tinatawag ko siyang ganoon.
Oh my gosh!
Napapahiya kong nahawakan ang labi, kasi naman. "I'll order a cheesy whopper, 2 patties." Yamato said.
"Ikaw ano gusto mo? Hon?" Nanlaki ang mata ko at inirapan siya sa pang-aasar niya.
"Handog ko para sa'yo, ano gusto mo?" Umirap ako lalo sa pagiging sarkastiko niya with chuckle pa.
Sabi na, aasarin ako nito. "Tigilan mo 'ko ha, I just got used to it before." Pabulong na sabi ko.
"Yung sa'yo na lang," wika ko.
"Sa akin?" Makahulugan niyang pag-uulit kaya bahagyang nanlaki ang mata ko.
"I mean yung kaparehas ng iyo, ano ba Engr. Lapiz." Naiilang na explain ko that made him smirked on his ears.
Gago 'to.
Kinikilig tuloy ako!
Nasa steering wheel ang isang kamay niya habang ang isa ay nasa mismong bintana ng sasakyan niya, sinabi niya yung order.
Nang makuha namin 'yon ay hindi na ako umimik. "Pabukas." Inabot niya ang burger niya sa akin.
Tinulungan ko siya upang mapadali ang pagkain niya no'n, buti may iced tea siyang binili, nagkaroon tuloy ng straw.
"Pahawak," hinawakan ko kaagad 'yon ng kumambyo siya at lumiko.
Inabot ko ulit 'yon kaya nanatili akong kumakain, ngunit mas nauna ako natapos sa kaniya. "Thank you sa treat." Biglang sabi ko.
"Sure, pag mainit ang ulo ng babae kailangan lang pakainin." Ngumisi ang labi niya, uy ang gwapo enebe.
"Asus, kanino mo naman natutunan 'yan?" I raised a brow.
He glanced before shrugging his shoulders, "I observed.."
"Observe? Aba, ilang babae ba dumaan sa'yo at na-observe mo?" Asar ko na medyo may sama ng loob, selos eh.
"Dumarami yata body count mo ha," his eyes widened a little.
"What are you talking about," he said in monotone, brows were fighting with each other.
"Syempre, if you observe dapat ilang babae 'di ba?"
"Hindi naman, one woman is enough to be observed." He answered confidently, sino naman kaya ang tinutukoy niya.
"Sino?"
"Yung ka-relationship ko ng tatlong taon mahigit," sa sagot niya ay lumuwa ang mata ko kaya napaubo ako.
"Jusko, nalunok ko yung laway ko. Sorry!" Natapik tapik ko pa ang dibdib.
He chuckled, "Oh, ano naman na-observe mo sa ka-THREE years relationship mo?" Idiniin ko pa dahilan para ngumisi siya lalo.
"Maarte," he whispered.
"Hindi ah!" Singhal ko.
"Binilhan na ng favorite food niya noon, ang sama pa rin ng timpla. Araw-araw may bisita sa puson," napairap ako sa naging sagot niya.
"Naalala ko. Mabait naman ako," bulong ko.
"Duda.." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Anong duda! Mabait ako 'no!" Bulyaw ko.
"Ge." Sagot niya.
Nang makarating sa company ay natigilan ako ng may abutin si Yamato sa likuran ng car niya, "Ano gagawin mo?" I asked.
"Magbibihis, 'di naman pwedeng pumasok ako na naka-shorts?" He glanced at his cotton shorts that made me gulp.
"Sabi sa'yo kanina huwag ka na sumama eh." Pabulong na sabi ko.
"Okay lang, parati akong may extra. Madalas kasi akong pawisan and mabasa." Tumango pa siya.
Natigilan ako at pinanood siya, natigilan siya sa pagbuklat ng damit niya. "Ano?" Kwestyon niya habang salubong ang kilay.
"Huh?" Naguguluhan na tanong ko.
"Baba ka na, gusto mo ba 'ko panoorin magbihis?" Nag-init ng todo ang pisngi ko sa tanong niya na nakataas pa ang mga kilay sa akin.
"H-Hindi ah! B-Bye na nga! Mauuna na ako sa loob." Napapahiyang sabi ko tsaka binuksan ang sasakyan at mabilis na pumasok sa loob ng company.
Pumasok muna ako sa office ko bago ako dumeretso sa conference room, pagkapasok ay seryoso ang mukha ko na naupo sa seat ko.
Para bang hindi namula ang mukha ko kanina, while waiting for the others, I tapped my fingers on the table.
"Where's Engr. Lapiz? Dapat nandito na siya," rinig kong sabi ng isa sa mga napapagalitan ko noon.
Pagkapasok ni Engr. Cariño ay tinaasan ko siya ng kilay, "Si Engr. Lapiz, pakitawagan—"
"I'm here." Bumukas ang pinto ng conference room at ng magtama ang mata namin ay tinaasan niya ako ng kilay niyang may kakapalan at medyo makalat pa ang hibla.
Gwapo naman.
"So Engr. Garcia, bakit bumagsak ang parte ng section mo?" Mr.Teloso asked.
"Alam mo bang pwede ka makasuhan diyan? Lalo na't may dalawang naaragabyado. Anong gagawin mo ngayon? Ipinagkatiwala sa'yo ang building bakit nagkaroon ng aksidente?" Huminga ako ng malalim sa sinabi nito.
"I'm aware of everything you said, dahil bago ako pumasok rito alam ko na ang mga 'yan. C'mon, this is not my first project." I calmly told Mr.Teloso.
"Hindi pa ako nagkamali, actually, I found out that Engr. Cariño gave them the wrong blueprint." I explained, I stood up and placed the two both different blueprints.
"This is mine, and the other thing is from Engr. Cariño as she's the one who handed this to them. That's what I assume." Pinakita ko pa ang pirma at tatak ko sa hard copy blueprint.
"I'm not really familiar with this blueprint na sinunod ng workers ko from my section. I clearly explained and demoed them what to do." I added.
"Let's do an investigation about this." Mr. Teloso added.
"Engr. Cariño, sadya ba? O nagkamali ka talaga?" Mr.Teloso asked straight from the shoulder.
"Why would I do that? 'Yon talaga ang binigay niya sa akin. Hindi ko ipapahamak ang building na 'yon, Mr.Teloso baka gusto niya ako i-frame." She defensively said.
"And tell me Engr. Cariño, why would she frame you? Gusto niya rin bang may mapahamak specially project niyo 'tong lahat." Mr.Teloso tapped the blueprint.
"I'm actually wondering, why would you say that she wanted to frame you?" Naglakad si Mr.Teloso hawak ang stick.
"Maybe because she's jealous of me? Because I am close with Engr. Lapiz?" Tumaas ang kilay ko, umiling iling ako.
"I was jealous of what? You and him?" I raised a brow.
"What a nonsense reason, sure ka because of my jealousy ipapahamak ko ang lisensya ko at ang buhay ng mga workers?" Sarkastikang sabi ko.
"Kahit lisensya ko nakasalalay rito at hinding hindi ko nanaisin na gantihan ka sa ganitong paraan."
"Wala nga sa isip ko ang mapasama ka kahit na ang totoo nakakabwisit ka." Iritang dagdag ko.
"Engr. Lapiz, give me your fair decision." Napatingin kami lahat kay Engr. Lapiz, I mean kay Yamato.
Umayos siya ng upo, naka-polo shirt na siya ngayon at black slacks. He sighed, "Let's investigate, for clearer information and to see each side." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
N-Naniniwala ba siya kay Engr. Cariño?
I licked my lips out of frustration, napaupo ako at iritableng pinagkrus ang legs ko. "About hospital bills, it's on me. Huwag niyo ng bawasan ang sweldo ng involved." I announced.
"I hope there is no manipulation inside this investigation regarding this issue. I'm out." Stress na sabi ko tsaka ako tumayo, lumabas ako ng conference room tsaka ko nasapo ang noo.
Pumasok ako sa office ko, and after 10 minutes kumatok yung assistant ko. "Si Engr. Lapiz, ma'am. Papasukin ko ba?" Nangunot ang noo ko.
"Sure," I agreed and waited for Yamato to come in.
"Why are you here?" Tanong ko, my assistant, closed the door.
"You look mad," kalmadong sabi niya kaya huminga ako ng malalim.
"Because you're doubting me, as if gawain ko 'yon." Dismayadong sabi ko.
"Hindi ka ba naniniwala sa sinabi ko? O kakampihan mo siya kasi gusto mo 'ko gantihan?" Bahagyang tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.
Nangunot ang noo niya, "Anong sinasabi mo Engr. Garcia?"
"Alam mo namang hindi ko magagawa 'yon sa mga tao, pero hindi ka naniniwala sa akin." Masama ang loob na sabi ko.
"Look, Engr. Garcia hindi sa hindi ako naniniwala sa'yo. I just want to be fair," he explained.
Ngumiwi ako at umiwas tingin, "Just leave, if you don't trust me that much. Just stop explaining—"
"I both trust you," ngumiwi ako.
"You both trust us? Kung ganoon ang gusto ko malaman kung sino ang pinaniniwalaan mo Engr. Lapiz," sumeryoso ang mukha niya sa sinabi ko.
"Does that even matter? This is not the time to compete with each other, parehas kayong magaling para sa akin. Both of you are my juniors at the moment." He looked so stressed.
"So naniniwala ka na I'm framing her as you said you both trust us?" Naningkit ang mata niya.
"Engr. Garcia, naniniwala ako na hindi niyo kayang gawin 'yon—"
"Eh sa sinabi niya parang obvious naman na ang gusto niyang iparating eh ako ang masama! Tapos— tapos naniniwala ka pa sa sinasabi niya?" He sighed at my response.
Halatang dismayado, "Kung mas naniniwala ka sa kaniya, umalis ka na lang sa harapan ko. Pinaiinit niyong lahat ang ulo ko—"
"Hindi nga, ano bang paniniwalaan ko? Na ano? Na kaya mo raw ginawa 'yon kasi nagseselos ka sa amin?" Nauubusan pasensya niyang tanong sa akin.
Umawang ang labi ko, "Ang labo namang mangyari no'n Engr. Garcia, pucha nasasabi niya lang 'yon kasi akala niya may gusto ka sa akin. Pero wala, okay?" Naitikom ko bigla ang bibig sa sinambit niya.
Meron, pero hindi ko gagawin 'yon kahit mamatay ako sa selos.
"Kung alam niya lang na pinagsawaan mo na ako, hindi niya masasabi 'yon." He said in monotone and held his head, tsaka niya ako tinalikuran at lumabas ng office ko.
Pinagsawaan? Hindi naman ah!
Napaupo ako sa swivel chair tsaka ko nasapo ang noo, napapikit ako at napayuko sa mesa ko. Nakakainis naman kasi.
Ako pa tuloy bigla may kasalanan.
After that day hindi kami nagkita ni Yamato, halatang iniiwasan niya rin ako dahil sa tuwing nakikita ko siya ay abala siya.
Isang linggo ang nakalipas ay nalulungkot ako dahil nasanay ako na pinapansin niya na ako, isang araw ay narinig ko na may sakit raw si Yamato.
"What did you hear pa?" I asked my assistant.
"Kanina kasi sa meeting ma'am, maputla rin siya eh late po kayo kasi nga pina-dental niyo pa yung baby niyo. Tapos maputla siya at may sakit sabi ni Mr.Teloso." Kwento niya kaya tumango ako.
Paano kaya? Wala pa man din siyang kasama sa condo, anong dahilan para mabisita ko siya later?
I'll get my other things? Yes.
6pm ay pumunta ako sa condo niya, I opened the door and called out. "Hello!" Malakas na sabi ko.
Narinig ko naman ang tunog sa loob ng kwarto, "Engr. Lapiz!" Pagtawag ko pa.
"Yes? Wait!" Tugon niya, namamaos pa kaya lumunok ako.
May sakit nga siya.
Nang lumabas siya sa kwarto niya ay nangunot ang noo niya, "Bakit ka nandito?" Halatang kasu-suot niya lang ng shirt niya dahil magulo pa.
"I'll get my other things," dahan-dahan na sabi ko at sinuri siya.
"Ah, okay." He replied.
"B-Bumalik ka na sa loob," wika ko.
"Hindi na, sige lang." Nang maupo siya sa sofa ay hindi ko alam kung ano ang mga kukunin.
Yung kaunti lang, para may dahilan pa ako para kunin ang iba. Inuna ko ang mga walang kwentang bagay, nang pumasok siya sa kwarto ay lumunok ako at mas binagalan ang pag-lagay no'n sa box.
Pasimple akong kumatok sa kwarto para kunyare sa closet naman, "Pasok lang." Nang marinig ko 'yon ay pumasok na ako ngunit nakita ko siyang nakahiga sa kama at nakayakap sa unan.
Nakagat ko ang ibabang labi at pumasok sa kwarto, kukunin ang bag ngunit madahilan ako. "May bubble wrap ka?" Napamulat siya muli, namumutla nga at hindi masigla ang singkit na mata.
"Wala, may babasagin ka bang kukunin?" Inaantok niyang tanong.
"Namumutla ka yata," pagpansin ko kahit na alam ko.
"Wala lang 'to," matipid niyang sabi.
"May sakit ka ba?" I asked.
"Hindi, medyo lang." Ngumiwi ako.
"Wala ka pa man ding kasama rito, paano pag nawalan ka ng malay diyan? Paano pag mamatay ka rito?" His eyes widened a little before rolling his eyes.
"Overreacting." Pabulong na sabi niya.
"You'll never know what happened," I reasoned out.
"Patingin nga," pasimple akong lumapit sa kaniya ngunit mabilis niyang iniiwas ang noo at nagtalukbong ng kumot.
"Thermometer," bulong ko tsaka ko binuksan ang drawer ngunit nanlaki ang mata ko ng makakita ng box ng condom.
"W-What the hell?" Gulat na bulong ko.
"Jami." Sita niya at sinarado ang drawer, nag-init ang pisngi ko.
Gulantang ko siyang tinignan, "Ano?" Masungit niyang tanong.
"M-May ano—"
"Hmm, sige na kunin mo na kailangan mo kesa magabihan ka pa." Mahinang sabi niya at bumalik sa pagkakahiga.
"Wow, medium."
"Jami." Nagbabantang sabi niya kaya natakpan ko ang bibig at kinuha ang thermometer.
///
@/n: Any thoughts? Love lots!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro