Chapter 5: The Continuous Pain
Chapter 5: The Continuous Pain
Liezel Jami's Point Of View.
Hiyang hiya pa rin akong tignan si Kuya Yamato na tila nagulat rin, ngunit dahil kaarawan ko ay sadyang magtatagpo ang landas naming dalawa dahil kasama siya sa 18 roses ko.
It's already my 16th dance and I'm with Kuya Yuno, his hands were respectfully placed on my waist. I was holding 16 roses that they all give to me every dance.
The music is sweet and romantic, they're cheering us and a lot of flashes are seen by my eyes. "Are you happy?" Kuya Yuno asked while staring at my eyes.
"Of course, I am happy kuya." Magalang ko pa rin na sagot, huminga ako ng malalim at nang paikutin niya ako ay halos tumili pa ang ibang mga bisita ko.
Pagkatapos niya ay si Kuya Yamato na dapat ngunit nagmamadaling lumapit sa amin si Kuya Laze dala ang roses, napakurap ako ng maraming beses ngunit hindi nakapagsalita.
Umalis na si Kuya Yuno at dahil sinasayaw ako ni Kuya Laze ay natitigan ko siya, "It's not yet your turn oppa," pabulong na sabi ko sa kaniya.
Nangunot ang noo niya, "Really? Then why did that coordinator order me to hurry to the dance floor?" Nagkibit balikat ako bilang sagot.
"Nagkamali ba sila ng lineup?" Bulong ko.
"I'm not sure, I was actually busy partying." Pabulong niyang sabi kaya natawa ako, "You look great Jami. You're beautiful, my favorite sibling." Inirapan ko si Kuya Laze.
"I am your only one sibling," bulong ko.
"Ah ikaw lang ba," pagbibiro niya kaya ngumiti ako.
After 2 minutes of dancing, hinanap namin ang 18th roses ko. "It's supposed to be me," pailing iling na bulong ni Kuya Laze habang inaantay ang 18th.
Ngunit ganoon kumabog ng malakas at mabilis ang dibdib ko nang lumabas siya sa crowd, para akong kinulang sa hangin ng malakas ang dating niyang naglakad.
"Ah Yamato, alright. Better," rinig kong bulong ni Kuya Laze. Nagtama ang mata namin ni Kuya Yamato, pagkalapit niya ay para akong snail na biglang nagtago sa bahay ko lalo na nang i-abot ni Kuya Laze ang kamay ko sa kaniya.
Magalang niya namang hinawakan ang kamay ko at doon na nag-exit si Kuya Laze, "18th, by coincidence?" Nag-init ang mukha ko nang gwapo niyang sabihin 'yon.
Suot ang ngisi sa kaniyang bahagyang manipis na labi, wala akong masabi nang i-abot niya sa akin ang isang rose na hawak niya at mahinahon na inilagay ang kamay ko sa kanyang balikat.
Napaiwas tingin ako nang hawakan niya ako sa bewang at hapitin dahilan para mas magkalapit kami lalo, panay ang lunok ko sana ay hindi niya maramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko.
We synchronized with swaying, they should follow my lead but he made his own footsteps, I was on his lead this time. Sinubukan kong salubungin ang mga mata niyang nakatingin rin sa akin.
"Happy birthday Jami, it's my 4th time greeting you tonight." Pabulong niyang sabi kaya nahihiya akong ngumiti.
"Thank you po kuya," wika ko.
Nararamdaman niya ba na naiilang ako sa kaniya? Lalo na't ibinuko pa ako ni mommy kanina. "May your 18th be the best of your lives, I wish your happiness Jami." He smiled at me, the tip of his nose bumped on my forehead as I stepped wrong.
"I'm sorry kuya," bulong na sabi ko napapahiya but then he chuckled, "It's okay to take the wrong steps sometimes, you'll learn from it." He fixed the strands of my hair that made me fall for him more.
Kuya Yamato naman bakit mo 'ko ginaganito? Paano na ako magm-move on niyan?
He's really a standard, my standard was the highest and he even exceeded it. How will I meet his expectations? I'm sure I'm better than his ex-girlfriend but I'm not confident.
"Your heels are high, are you tired?" Umiling ako dahil baka itigil niya na ang sayaw na nagpapasaya sa puso ko ngayon.
His long blazer looked really good on him, it's more like a coat but a leather one. It really suits his turtleneck top. "Be responsible when you started your life at 18, because when I was 18 I fell in love and now fucked up at my twenties." Sa sinabi niya ay kinabahan ako.
"Kuya Yamato, maybe God sent her to teach you a lesson?" Natigilan siya at mahinang natawa, "I was taught very well that I can't even trust my sisters." Napangiti ako sa pabirong sabi niya.
"Getting cheated is really the worst way of having your heart broken, so if in the future you got yourself a man. Don't let him manipulate you, or else you'll end up like me." Ngumiti ako at tumango, hindi po ba pwedeng ikaw na lang?
"How's your progress po kuya?" Natigilan siya sa pag-ngiti, patuloy kaming sumasayaw.
"I don't know if I'm good, because if those things crossed my mind the pain struck like a thunder.." Tumango ako at ngumiti, init na init na ang mukha ko para pang kuryente ang dala ng kamay niya sa mga bewang ko sa tuwing inaayos niya ang pagkakahawak doon.
"You'll be okay, work on it kuya. Don't let her doings affect your daily lives, you're better without her." I cheered him up.
"But she'll surely regret what she did to you, just give her a month, kuya. Trust me, she'll run to you." Napatitig siya sa akin at ngumisi.
"You have a secret boyfriend? Why are you so good when it comes to love?" Sa pag ngisi niya ay sininok ako kaagad.
"K-Kuya wala po," bulong kong sabi.
"Hmm, really?" Nagsimulang manginig ang kamay ko dahil sa kaba, sumosobra ang bilis ng tibok ng puso ko.
"K-Kuya I guess, girls are always good when it comes to love. I-It just came out naturally," ngumiti siya at mahinang natawa.
"Don't be intimidated, ako lang 'to." Nang sabihin niya ang phrase na ako lang 'to ay halos magwala ang puso ko dahil sobrang gandang pakinggan no'n sa may kalaliman niyang boses.
"Noon ipis boses lang naman—"
"Ipis boses? Alin?" Nanlaki ang mata ko ng masabi ko 'yon ng malakas.
"Ipit po 'yon, my mistake." Nangunot ang noo niya, naguguluhan kaya tumawa na lang siya not until the coordinator come closer to us.
"Ms.Garcia, kanina pa po tapos yung 2 minutes. 5 minutes na po kayong sumasayaw," nanlaki ang mata ko sa kahihiyan.
B-Bakit hindi ko namalayan ang oras! Nakakahiya!
"Ah, I'll escort her to her seat then." Kuya Yamato insisted and made me hold onto his arms. Nang nasa table ko na ay pati sa pag-upo ay inalalyan niya ako.
"Happy birthday, my fifth time." Ngiting sabi niya kaya ngumiti ako, "Thank you kuya."
Nang umalis na siya ay naupo muna ako, sunod ay pinanood kong lumapit si Kuya Yuno na may dalang kupita, nang abutan niya ako ay nagpasalamat ako.
"Cheers," we toast our glasses and Kuya Yumo even pulls a chair just to join me in front.
He has a strong personality, indeed. He doesn't care about what others think and he'll protect you by catching what's really for you.
What a man.
"Having fun?" Kuya Yuno asked, took a glance and rested his back on the chair he's sitting in.
"Yes kuya, how about you? Wala ka bang makitang girls kaya nandito ka sa harapan ko?" Umawang bahagya ang labi niya at napangisi.
"That's why i'm here, dumb." Nadismaya ako sa sinabi niya, maka-dumb mas matalino lang naman siya kasi mas matanda siya sa akin baka nga hindi niya na kabisado ang multiplication table.
"8x5?" Kwestyon ko bigla.
"Are you serious?" Hindi makapaniwalang sabi niya ganoon rin ang tingin, tignan niyo imbis na sagutin niya na lang tatanungin niya pa kung seryoso ako.
"Hindi mo alam 'no—"
"It's obviously 40, Liezel." Ngumisi ako sa sagot niya, ang gandang inisin ng mapang-inis.
"9x9?" Umawang muli ang labi niya na painom pa lang sa baso niya, "81." Halatang ayaw niya rin magpatalo.
"1x1?"
"Anak ng— edi 1 alangan naman ng 2?" Umirap ako at uminom na lang rin, maya-maya ay pwede na akong tumayo kaya sabay-sabay na nagsaya ang mga nasa party ko.
My parents let me have fun, kaya naman sila is sa dinner with their friends and families habang kaming mga young adults ay nagsasaya.
Hinanap ng mata ko si Kuya Yamato ngunit nasulyapan ko siya sa isang sulok, panay ang tipa sa cellphone. Pasimple ko naman siyang nilapitan.
Nang makalapit ay natignan niya kaagad ako, "Don't you like to join them kuya?" Ibinaba niya ang cellphone tsaka siya huminga ng malalim.
"Do me a favor," napalunok ako ng hawakan niya ang kamay ko at hilain ako paupo sa tabi niya.
"A-Ano po?" Is he gonna kiss me again?
"D-Delete everything on my phone, delete everything that she's involved in. Delete everything about her," inabot niya sa akin ang cellphone niya kaya naman nanghina pa ang kamay kong hawakan ang manipis niyang cellphone.
"O-Okay po," I opened the contacts and deleted Athena's number, I also opened his messages and deleted their conversations, he let me open his gallery.
I saw a bunch of their photos, it's more than 3,000 photos of them and Athena, videos of their dates. Binura ko 'yon at sa totoo lang gusto ko yung ginagawa ko.
Nakakapagod burahin lahat pero sinuri ko na walang matitira kahit ano, "Wala ka pong picture na hindi siya kasama 'no?" Nagkibit balikat siya, hindi niya na siguro napansin.
"Picture of buildings and plates na lang po ang natira, grabe ka naman po magmahal, nakakalunod." Natigilan siya at seryoso akong tinitigan.
"Is that a good thing, or a bad thing?" Bahagyang nanlaki ang mata ko sa tanong niya, "K-Kuya good," nauutal na sagot ko kaagad.
"Check it, open my social medias—"
"Don't block her on your social media kuya, make her see what she just lost." Napatitig siya sa akin, mahinang natawa.
"Nawalan ba talaga siya Jami? O baka kaya siya humanap ng iba kasi wala naman siyang napapala sa akin?" Seryoso ang tanong niya ngunit kung matitikman ko lang kung gaano kapait ang salita ay tatalunin no'n ang ampalaya.
He really lost confidence after Athena cheated on her. .
"Kuya," bumuntong hininga ako.
"You're actually good, more than enough, I-If a man will love me like you do, I don't care if we starve to death, I'm not going to leave you or find someone else." Napatitig siya sa akin, tatlong beses na napakurap.
"Do I look that great in your eyes?" Sa balik tanong niya ay halos mapigilan ko ang paghinga dahil nahiya ako, sobra yung sinabi mo Jami.
"I-I j-just answered your question kuya," napaiwas tingin ako at pasimpleng natapik ang pisngi ko.
"Are you done then?" He stated and handed me his hand, napatitig ako doon at tsaka hinawakan 'yon ngunit nang mahina siyang matawa ay awtomatikong nag-init ang pisngi ko.
"My phone, Jami." Nahihiya kong binawi ang kamay ko at inabot ang cellphone niya. Jami, ano ba? Ipapahiya mo talaga yung sarili mo sa taong dapat ay binibigyan mo ng magandang impression!
Katangahan, 24/7.
After that, minabuti ko munang samahan siya para kahit papaano ay hindi siya mukhang lonely. Nang umabot ng 12am ang party ko ay nararamdaman ko na ang matinding pagkahilo.
Inalalayan ako ni Ate Crizel, "Napasobra yata 'to, Laze." Tinitigan ko si Kuya Laze tsaka ako ngumuso at kinawayan siya.
"Come, I'll take you to your room." Kuya Laze escorted me, ang likot ko alam ko 'yon pero hindi ko maiwasan.
Parang ang lakas ng loob ko ngayon at ang dami kong gustong gawin, nang makita ko si Kuya Yamato na pinanonood kami ay kinawayan ko siya ngunit nangunot ang noo ko ng makita ko siyang may hawak na parang power bank.
Nang makita ko siyang ilagay 'yon sa bibig niya ay halos manlaki ang mata ko ng matakpan siya ng usok dahil sa nilabas no'n.
Sigarilyo? What is that?!
Nagising ako ay natatanaw ko na si mommy na nag-aayos ng mga regalo sa kwarto ko, "Is Ate Miran's family still here mommy?" Magalang na tanong ko nasapo pa ang noo ko.
"Oo, 'nak. Bakit?" Bumangon ako at dumeretso ng banyo upang makapag-ayos na.
Pagkatapos ko mag-ayos ay sinuot ko ang dress na isa sa mga regalo ni mommy sa akin, lumabas ako dala ang wallet ko.
Hinanap ko ang kakainan nila ngayong umagahan, nang makita ko sila ay kinawayan nila ako kaagad, napapansin ko rin ang madalas na pagtitig ni Kuya Laze kay Ate Miran.
Naupo ako kaharap nila, "Yamato hide that thing," sita ni Ate Janella.
Lumunok ako, at doon ko naunawaan kung ano yung kagabi. Vape pala, does he really vape?
Itinago 'yon ni Kuya Yamato sa bulsa niya, nang mapansin niya ang tingin ko ay bahagya siyang nagtaka kaya naman matipid akong ngumiti bago umiwas tingin.
Nang kinahapunan ay tumambay kaming lahat sa beach, napapanood ko naman siyang nilalabas ang mga usok galing sa bibig niya. Lalapit na sana ako pero mabilis na may humuli sa pulsuhan ko.
"K-Kuya Yuno," gulantang na sambit ko sa pangalan niya dahil sa pagkabigla. Napalapit rin ako sa kaniya dahil sa paghila niya sa akin.
"Saan ka?" Nakangiting sabi niya.
"Diyan diyan lang po," tumango siya at binitiwan ako. Ibinulsa niya ang mga kamay sa suot niyang shorts
"Si Yamato oh," turo ni Kuya Yuno. Pupuntahan ko nga po dapat kaya lang pinigilan niyo ako, "Humihipak ang loko. Tara puntahan natin," sumunod ako kaagad kay Kuya Yuno.
Nang makalapit ay natigilan si Kuya Yamato at kasabay no'n ay ang pagpunta ng usok sa gawi ng hangin kaya naman hinangin din ang buhok niya.
Simpleng swimming trunks shorts lang ang suot niya ay mahabang shirt ngunit may rushguard naman siyang longsleeve na pinatungan ng shirt niyang malaki.
"You'll swim?" Tanong ni Kuya Yuno.
"I guess," pabulong na sagot niya lang. Nang makita ako ni Yamato ay ngumiti siya sa akin kaya nag-init ang pisngi ko. Mapahawak pa ako sa likod ng damit ni Kuya Yuno at doon nanggigil dahilan para malingon niya ako.
Tsaka siya natawa, "Inlababo."
"Huh?" Tanong ni Kuya Yamato kaya nanlaki ang mata ko.
"Lababo yung sink," ngumiwi si Kuya Yamato. Ang pangit magdahilan ni Kuya Yuno.
"Bakit ka nagv-vape? Saan mo binili?" Napalunok ako ng hawakan 'yon ni Kuya Yuno, napaubo ako ng humipak siya mismo doon at itapat sa akin ang usok.
"Don't do that," sita kaagad ni Kuya Yamato kay Kuya Yuno dahil nakita niya na napaubo ako.
Jami huwag ka kiligin!
"How many mg does this juice have?" Huminga ng malalim si Kuya Yamato, "Why? Does it make you dizzy? Don't blow it on her face." Ngumisi si Kuya Yuno sa sinabi ni Kuya Yamato.
"Oo na, ilan nga?"
"3mg." Tumango si Kuya Yuno at muling humipak.
"Buy your own, kuya." Inagaw 'yon ni Kuya Yamato.
"Saan mo nga binili?"
"Vape shop," dismayadong sagot ni Kuya Yamato.
Mabilis naman na lumipas ang araw, balik ako sa klase ulit ngunit natigilan ako ng makita si Kuya Yamato na may kaaway and I found out na 'yon yung soon to be pilot na boyfriend kaya ni Athena.
Live-in partner, I mean.
Ngunit ganoon kabilis umusbong ang galit ko sa dibdib ng makita kong sumalampak si Kuya Yamato sa sahig, napatakbo ako papalapit sa kaniya. Ngunit nagtaka ako ng makita na parang wala lang kay Kuya Yamato 'yon.
Tamad na tamad niyang tinignan sila, Athena at yung lalake, "Really? Do you even have to do this in public?" Galit na sabi ko at humarang.
"Jami," I was about to throw a kick but Kuya Yamato stopped me by holding my hand.
"Let them," pabulong niyang sabi kaya naman pinantayan ko ang tangkad niya, tinitigan ko ang mukha niya tsaka ako bumuntong hininga.
"W-What are you doing kuya?" Hindi makapaniwalang sabi ko, is he letting them hurt him physically? Bakit pa? He's already ruined emotionally.
"Wala, Jami. Sige na, hayaan mo na ako." Nangunot ang noo ko at tinitigan siya.
"I will not let you po, I'm sorry." Tumayo ako at hinarap sila, tinitigan ko si Athena.
"Anong kinakalat mong kwento? That he cheated on you but the truth is you're the one who cheated!" Pikon na pikon kong sabi, gusto kong alisin ang galang sa tono ng boses ko ngunit hindi ko magawa.
"Wow, pwede ba huwag kang makialam!" Galit na sigaw ni Athena kaya inis kong inalis ang bag ko.
"Masyado ka na, ang kapal kapal ng mukha mo. Ikaw na nga 'tong nanakit emotionally, mananakit ka pa physically?" Galit na sabi ko, tumawa siya ng malakas parang tangang palaka.
"Stop laughing like a frog, ang pangit." Inis na sabi ko, "I don't like such attention like this, pero pasalamat ka Kuya Yamato has a soft spot for you in his heart kaya hindi ka niya pinapatulan." Sumeryoso ang mukha niya.
"Can you not butt in?" Natignan ko ang balikat ko ng itulak 'yon ng pilotong boyfriend ni Athena.
"Did you just push me?" Nagtitimping sabi ko, kumuyom ang kamao ko. Kung may archery lang na sports rito siya ang gagawin kong standee.
"Oo, bakit?" Galit na galit ko siyang tinignan, susuntok na sana ako pero mabilis kong nakita siyang tumumba sa sahig.
"Hooo!" Nanlaki ang mata kong tinignan si Kuya Yuno na iwinawagayway ang kamay na ginamit niyang pinansuntok.
"Lakas ba? Sorry, namiss ko kasi manuntok ng punching bag." Nakagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang sariling mangiti sa kanyang walang sense na dahilan.
"Tayo ka diyan," Itinayo ni Kuya Yuno si Kuya Yamato.
"Tigas ng mukha, pota." Nakagat ko lalo ang ibabang labi sa parinig niya, "Gago ka ah!" Galit na sigaw ng boyfriend ni Athena.
"Engineer Marshall!" Sita ni Athena.
"Ano?" Mayabang na tugon ni Kuya Yuno.
"Magrereklamo ka kasi sinuntok ko yung matigas na mukha niyan?" Turo ni Kuya Yuno sa piloto, nalunok ako ay tinignan si Kuya Yamato.
"Hindi naman ma-damage damage sa tigas oh," panlalait ni Kuya Yuno.
"Tanginang enhinyero 'to." Galit na sabi ng piloto, "Tanga, huwag kang trying hard mag-enhinyero diyan. Pilotong mababa ang lipad," nanlaki ang mata ko at natakpan ang bibig dahil baka matawa ako.
"Tara na," inakbayan kami ni Kuya Yuno.
Nang makalayo kami ay halos batukan ni Kuya Yuno si Kuya Yamato, "Ano hindi mo man lang sasaktan 'yon kasi nandoon si Athena? Kingina kung hindi lang babae 'yon sinapak ko na." Bumuntong hininga si Kuya Yamato matapos pakinggan ang sinabi ni Kuya Yuno.
"I'm just letting him hit me first." Nanlaki ang mata namin sa sinabi ni Kuya Yamato.
"Kaya lang sumingit kayong dalawa, nakabawi na sana ako." Reklamo niya ay hinugot ang vape sa bulsa ng black slacks niya at humipak.
"Wow, ang yabang mo 'no. Buti nauna kong sinapak 'yon, ang tigas ng mukha." Nanatili akong nakatayo ngayon at pinanonood silang dalawa.
Magkadugo ba 'tong dalawa? Parehas sila minsan kung umasta.
"Jami, at times like that don't get in between. Baka pahamak ka." Salubong ang kilay niyang sabi, dahil doon ay bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
Kuya Yamato naman, pinapalambot mo na naman ang puso kong gusto ka ng talikuran. Kaya ko naman pero gumitna, Kuya Laze was my trainor and I could say he's the best.
"Be a good student, both of you, alis na ako." Halos maiiwas ko ang ulo ng abutin 'yon ni Kuya Yuno ngunit natigilan siya, halos sigawan ko siya ng guluhin niya 'yon tsaka siya magmadaling umalis.
Tinignan ko si Kuya Yamato na inaayos ang bag niya ngunit nang malaglag ang isang folder ay kumalat ang laman no'n kaya tinulungan ko siyang pulutin 'yon ngunit tumigil ako at tinitigan ang report card niya.
Nang makita na may pinaayos sa kaniya na grade dahil blangko 'yon ibig sabihin no'n ay kailangan niyang asikasuhin at ihabol o ibabagsak siya ng prof.
"Kuya Yamato," seryosong tawag ko sa pangalan niya.
Nang mapansin niya na hawak ko ang report card niya ay kinuha niya muli sa akin 'yon, napaiwas tingin siya at tinago 'yon.
"U-Una na ako—" pinigilan ko siya at hinarap, napatitig siya sa akin.
"What are you doing Kuya Yamato? You have failing grades?" Hindi makapaniwalang sabi ko, huminga siya ng malalim at tsaka tumitig lalo sa akin.
"Are you really trying to ruin your grades because of that woman?" Napipikon na sabi ko, huminga siya ng malalim at umiling.
"I just got distracted," umawang ng bahagya ang labi ko sa sinabi niya. "Distracted? You know that your grades are important kuya, 2 years na lang ang natitira." Parang rinding rindi na siya sa sermon ko.
"Jami, please stop nagging at me." Salubong ang kaniyang kilay at matalim ang tingin sa akin ngunit hindi ako nagpatinag.
Nalungkot ako dahil mag-iisang buwan na ay apektadong apektado pa rin siya kay Athena, halata naman. He even failed his grade because of his love for that woman.
Filthy woman.
"Bahala ka po." Mahinang sabi ko at kinuha na ang bag ko at tinalikuran siya, but the truth is I am hurting again, when will he heal? Halata naman na hindi pa siya maka-move on.
Lumipas ang isang linggo at natigilan ako ng tawagin ako ng isang professor namin from our engineering course, kaya kinakabahan ako habang naglalakad papunta sa faculty room niya.
Nang kumatok ako ay pumasok ako sa loob, "Thank you for coming," ngumiti siya ng matipid. Do I have failing grades?
"Good afternoon, sir. M-May problema po ba sa grade ko?" Umiling iling siya, "I heard from the class that you're close to Mr.Lapiz?" Napalunok ako.
"Y-Yamato Lapiz po?" Paglilinaw ko.
"Yes," sagot niya sa matunog niyang paghinga ay kakaiba na ang pakiramdam ko, "I'm just concern since he's one of our top, can you please talk to him about his grades? I gave him 2 weeks and he only has one week left but he's not making any progress."
Nanlumo ako, "If he can't pass anything within this week, I'll drop him from my class—"
"I'll talk to him, sir. Please have some patience, I'll talk to him." Huminga ito ng malalim at tumango, "Okay, I'll wait for him." Pagkatapos no'n ay nagmamadali akong umalis ng faculty.
Sinubukan ko siyang tawagan, ngunit hindi niya sinasagot. Nang hindi ko na talaga siya ka-contact ay nagpahatid ako sa taxi sa harapan ng bahay nila.
Hinintay ko siya sa labas ng gate nila, I'm sure pauwi na siya by 5pm. Hihintayin ko pa siya mga 1 hour, nahihiya rin akong sabihin sa pamilya niya baka hindi alam yung nangyari sa kaniya.
Nang lumipas ang isang oras ay tama nga ang hula ko, natigilan siya ay bumaba kaagad sa sasakyan niya. "Anong ginagawa mo rito?" Nangunot ang noo niyang tanong.
"Kuya Yamato, kailangan po kitang makausap." Nangunot ang noo niya lalo at tsaka huminga ng malalim.
"Okay." Sumandal siya sa nguso ng sasakyan niya at hinintay akong magsalita.
"Ayusin mo na po yung failing grades mo," nang sabihin ko 'yon ay napaiwas tingin siya.
"Kuya Yamato naman," naiiritang sabi ko na.
"Jami, b-bakit ba concern na concern ka kung bumagsak ako?" Ubos na ubos ang pasensya niyang tanong ngunit kinakalmahan ang tinig.
"I mean, It won't affect you if my grades are failing or I can't pass this sem—"
"Just like what I said kuya, I want to see you be a successful man. Ayokong mapariwara ka dahil lang sinaktan ka niya," I tried explaining myself but he sighed and looked away.
"Mas pinahihirapan mo naman ako," sa sinabi niya ay tumaas ang kilay ko.
"Kuya Yamato, huwag mo na pong sayangin yung pagkakataon na binigay sa'yo ng professor natin. Isang linggo na lang po yung meron ka," natigilan siya.
"Paano mo alam?"
"Pinatawag po ako ng professor natin, para kausapin kita about your grades. Kuya gawin mo na yung pinagagawa," mahinang pakiusap ko.
"Gawin mo na kasi sayang yung isang taon kuya," nanlulumong sabi ko.
Huminga siya ng malalim, nahilamos sa mukha niya. "Bahala na, umuwi ka na Jami. Baka gabihin ka pa," tinignan ko lang siya matapos sabihin 'yon.
Nanlulumo siyang naglakad ay nilampasan ako, pumasok na siya sa bahay nila kaya naiwan ako sa gilid ng bahay nila sa tabi ng sasakyan niya.
Awtomatikong tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa inasta niya, sinusubukan ko lang naman siyang ituwid para lang hindi na siya magsisi pagkatapos niya maka-move on.
Sunod sunod na tumulo ang luha ko kung kaya't napaupo ako sa sariling paa ko at para akong tangang umiyak sa tabi ng sasakyan niya, yumuko ako sa tuhod ko.
Bakit ba ang hirap niyang pakiusapan?
Mabilis na dumilim ngunit hindi ko magawang umalis sa harapan ng gate nila, wala rin namang dumating at lumabas sa pamilya nila.
Umupo ako sa gilid ng bahay nila sa may bato, naririnig ko sila mula sa loob at nararamdaman ko na rin ang gutom. Nalulungkot akong yumuko sa tuhod ko at umasang magbago ang isip niya.
Nang bumukas ang gate ay napalingon ako kaagad ngunit ganoon rin siya nagulat ng makita pa ako, agaran siyang lumapit ay pinantayan ang pagkakaupo ko, niyuko niya ako.
"Hindi ka pa umuwi?" Hindi makapaniwalang sabi niya kaya ngumuso ako at umiwas tingin, nasapo niya ang noo at tsaka niya nahawakan ang tangos ng ilong.
"Shit," bulong niya matapos tignan ang relos niya.
Natigilan ako ng itayo niya ako, natitigan niya pa ang mukha ko tsaka siya nakokonsensyang umiwas tingin at huminga ng malalim.
"Liezel Jami, why would you do this?" Hindi makapaniwalang sabi niya, nadidismaya.
Lumabi ako ng magbadya na naman ang mga luha sa mata ko, nanlaki ang mata niya at mabilis na napatayo ng maayos. "S-Stop c-crying." Sunod sunod akong humikbi ng pahirin niya ang pisngi ko, mas lalo akong naiyak.
"J-Jami," hindi niya alam ang gagawin hanggang sa hinawakan niya ang likuran ng ulo ko at itago ako sa dibdib niya.
"Fuck, what did I just do.." Rinig kong bulong niya ngunit ayokong tumahon, sinisinok sinok pa ako nakakahiya Jami!
"Oo na, a-aayusin ko na yung grades ko. Huwag ka ng umiyak," hinagod niya pa ang buhok ko kaya lumabi ako at pilit na sinilip ang mukha niya.
"P-Promise?" Hindi niya ako makapaniwalang niyuko, umawang ang labi hindi alam ang sasabihin.
Parang tanga Jami, bakit ka umiyak sa harapan niya? Bakit ka iiyak? Bakit ka umiiyak? Ang imposible mo namang tao eh.
///
@/n: Any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro